You are on page 1of 4

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in FIL 103: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.3

STUDY GUIDE FOR MODULE NO. 3

MGA LAYUNIN AT PAMAMARAAN SA PAGTUTURO

• Mga Layuning Panlahat sa Pagtuturo ng Balarila


• Mga Pamamaraan sa Pagtuturo ng Balarila
• Mga Layuning Panlahat sa Pagtuturo ng Panitikan
• Mga Pamamaraan sa Pagtuturo ng Panitikan

MODULE OVERVIEW

Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ang ating gagamitin upang pag-aralan ang FIL 103 – Ang Filipino
sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon na isa sa mga medyor na asignatura ng mga BSE Filipino. Ang kursong
ito ay tumatalakay sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng
nireistrukturang kurikulum sa Filipino at ang pag – aangkop sa mga kondisyon at sitwasyong lokal.

MODULE LEARNING OBJECTIVES

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag – aaral ay inaasahan na:

1. Naipapakita ang kakayahan sa mabisang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo at asignatura tungo
sa makabuluhan at mabungang pagtuturo at pagkatuto.

LEARNING CONTENTS (MGA LAYUNING PANLAHAT SA PAGTUTURO NG BALARILA)

GENERAL OBJECTIVES IN TEACHING GRAMMAR

1. Paglinang ng kakayahan sa pagkilala at paggamit ng bawat bahagi ng panalita.


2. Paglinang ng kakayahan sa pagkilala sa pangungusap.
3. Paglinang ng kaalaman sa mga pangungusap ayon sa gamit o tungkulin.
4. Paglinang ng kaalaman sa mga pangungusap ayon sa kayarian.
5. Paglinang ng kakayahan sa paggamit ng pariralang karaniwan at pariralang pambalarila.
6. Paglinang ng kakayahan sa paggamit ng iba’t ibang uri ng sugnay.
7. Paglinang ng kakayahan sa pagsusuri ng pangungusap.
8. Paglinang ng kakayahan sa pagbabalangkas ng pangungusap.

MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG BALARILA

1. Ang Pamaraang Pabuod (The Inductive Method) – Si Herbart ang nag-ambag sa sining ng pagtuturo
ng mga magkakaugnay na hakbang na tulong sa matuwid na pag-iisip at mabuting pamaraan. Ang
nilinang niya ay apat na hakbang at ang sumunod sa kanya’y nagdagdag pa ng isa. Kilala sa tawag na
Limang Hakbang na Pormal ng pamaraang pabuod.
2. Ang Pamaraang Pasaklaw (The Deductive Method) – ito ay kasalungat ng pabuod at nababagay sa
mataas na paaralan. Ito’y pamaraang nagsisimula sa mga bagay na hindi nalalaman ng mga mag-aaral,
patungo sa mga bagay na nalalaman. Ang pamaraang ito ay may mga araling binabagayan.
3. Ang Pamaraang Patalakay (The Discussion Method)
• Natatanto na ngayong ang mga mag-aaral ay lalong natututo kung sila ang gumagawa at ang
guro ay pumapatnubay lamang.
• Ang tatlong hakbang na iyan ay maaaring gawin ng guro sa pagbibigay ng takdang-aralin. Sa
ikalawang araw, ang mga sumusunod na hakbang ay maaaring sundin ng guro:

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 103: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.3

4. Ang Pamaraang Papaksa (The Topical Method) – noong mga nakaraang panahon, ito ang karaniwang
ginagamit ng mga guro, ngunit napagtanto na ito ay isa lamang paraan ng pagsubok sa isinaulo ng mga
mag-aaral.
5. Ang Pamaraang Papanayam (The Lecture Method) – ang pamamaraang ito ay nababagay sa
Pamantasan.
6. Ang Pamaraang Tanong – Sagot (The Question – Answer Method) – ito na marahil ang pamaraang
pinakagamitin.
7. Ang Pamaraang Pabalak (The Project Method)
• Ito ay isa sa pinakamabuting pamaraan dahil sa ang mga mag-aaral ay nasasanay sa pag-iisip,
pagsusuri, pagpapahayag, at pagpapasiya
• Sa pagpili ng balak na isasagawa, ang sumsusunod ay dapat isaisip ng guro:
i. Ang balak ay dapat na nababagay sa pangangailangan at kakayahan ng mga bata.
ii. Ito’y dapat na saklaw ng kanilang karanasan.
iii. Ito’y dapat na nauugnay sa mga nagdaang aralin.
iv. Ito’y dapat na may kaugnayan sa panlahat na layunin ng kurso.
v. Ito’y dapat na makatulong sa paglinang ng iba’t ibang kakayahan, gaya ng kakayahan sa
pagpapahayag ng iniisip, kakayahan sa pagsasalita at pagsulat, atbp.
8. Ang Pagtuturong Pangkatan (Teaching by Units) – sa pamaraang ito, ang pagtuturo ay nagkakaroon ng
tiyak na tunguhin at nagiging madali at maayos.
9. Ang Pamaraang Pasuliranin (The Problem Method) – ang pamamaraang ito ay nasa pagitan ng
pamamaraang pasaklaw – pabuod at pamamaraang pabalak. Ito’y may kinalaman sa mga suliraning
nangangailangang gamitan ng pag-iisip.
10. Ang Malayang Pagkakaklase (The Socialized Recitation) – ang mga mag-aaral ang gumaganap ng
gawain sa halip na guro. Ang guro lamang ang nagbibigay ng panuto at siya ang namamatnubay sa
Gawain.
11. Ang Pamaraang Pasalitaan (The Conversational Method) – ito’y pamamaraang totoong gamitin.
Kailangan lamang ay paksang kawili-wili at may kaugnayan sa gawaing pang-araw-araw at sa karanasan
ng mga mag-aaral. Kung ang paksa ay kaakit-akit, ang pagsasalita ng mga mag-aaral ay magiging
maluwag at kawili-wili. Kaya dapat na pakapiliin ng guro ang paksang pag-uusapan.
12. Ang Pamaraang Pabuo (The Integrated Method) – nangangailangan ng kahit konting kadalubhasaan.
Kung susuriin, ang pamamaraang ito ay binubuo ng halo-halong mga pamamaraang tulad ng pabalak,
pasuliranin, malayang pagkaklase atbp.
13. Ang Tuwirang Pamamaraan (The Direct Method) – sa pamamaraang ito, ang mga bagay, larawan at
mga kumpas ay ginagamit sa pagtuturo ng kahulugan ng mga salita at pangungusap. Ang pamamaraang
ito ay mabisa din para sa mga bata, ngunit
14. Ang Hindi Tuwirang Pamamaraan (The Indirect Method) – ang ginagamit sa pamamaraang ito ay ang
wika ng pook o lalawigan.
15. Ang Pamaraang Pasalin (The Translation Method) – ito’y isang anyo ng hindi tuwirang pamamaraan.
Ang pasimula nito’y ginagawa sa pamamagitan ng wika ng pook. Ang layunin ng pamamaraang ito ay
ang paglinang ng talasalitaan sa pagbasa.
16. Ang Sunurang Pamamaraan (The Series Method) – sa pamamaraang ito, ang lahat ng makabuluhang
salita na kailangan sa talasalitaan ng mga mag-aaral ay kukunin ng guro at kaniyang isasaayos.
17. Ang Pamaraang Panlaboratoryo (Laboratory Techniques) – ang pamaraang ito’y mabisa sa isang
klaseng binubuo ng mga Tagalog at hindi mga Tagalog. Ang gawain ng guro rito ay patnubayan at
tulungan ang mga bata sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong o pagsasagawa sa isang balak.

LEARNING CONTENTS (MGA LAYUNING PANLAHAT SA PAGTUTURO NG PANITIKAN)

GENERAL OBJECTIVES IN THE TEACHING OF LITERATURE

1. Paglinang ng pag-ibig sa pagbasa ng panitikang may mabubuting uri.


2. Paglinang ng kakayahan sa pagbasang matahimik.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 103: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.3

3. Paglinang ng kakayahan sa pagbasang malakas na nauunawaan ng mga nakikinig.


4. Paglinang ng kakayahan sa pagpili ng mga dapat basahin.
5. Paglinang ng pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kapuwa, at sa sarili.
6. Paglinang ng kakayahan sa wasto at mabisang pagsasaad ng diwa at damdaming napapaloob sa isang
babasahin.
7. Paglinang ng kakayahang makasunod sa mga itinakdang pamantayan sa pagbasang malakas o
matahimik.
8. Paglinang ng kakayahan sa pagkuha ng kailangang kaalaman sa alin man babasahing.
9. Pagkakaroon ng iba’t ibang karanasan sa pamamagitan ng pagbasa.
10. Paglinang ng masidhing pagkawili sa pagbabasa.
11. Paglinang ng mga kaasalan, ugali, kasanayan, at kakayahang siyang mga pangunahing kailangan sa isang
mabuting pagbasa nang tahimik o malakas man.

MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG PANITIKAN


Sa una at ikalawang taon, ang karaniwang paraang sinusunod ng guro ay ang mga sumusunod:
1. Panimula (Introduction) – sa pamamagitan ng pagtatanong o pagsasalaysay, ipaalam ang buhay ng
may-akda. Kunin na rin ang mga bagay sa kwentong may kinalaman sa karanasan o buhay ng mag-aaral.
2. Pag – aalis ng sagabal (Removal of difficulties) – ang mahihirap na salita at parirala ay ipaliliwanag ng
mga mag-aaral, at saka gagamitin sa mga pangungusap. Maaaring ibigay ang singkahulugang salita na
matatagpuan sa talatinigan o kaya’y ibigay ang kahulugan sa tulong ng diwa ng pangungusap na
kinagamitan ng salita sa kuwento.
3. Pagsubok sa pagkaunawa sa nilalaman ng kwento (Testing Comprehension) – ito’y maaaring pasulat
o pasalita. Ilan sa mga paraan ang sumusunod:
a. Tanong – Sagot (Question – Answer) – ito na marahil ang pinakagamitin. Ang guro’y
magbibigay ng ilang tanong sa takdang-aralin na kaniyang ipasasagot sa mga mag-aaral.
b. Pagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod
(Relating events choronologially) – ang paraang ito’y may kahirapan nang kaunti at
maaaring di maganap na mabuti sa unang paggamit.
c. Dugtungang Pagsasalaysay (Story Relay) – kung pagsasalaysay rin lamang ang paraang
gagamitin ay mabuti na ito sapagkat marami ang mag-aaral na nakapagsasalaysay. At mabuti
rin kung ang kwento ay mahaba.
d. Paghahambing sa kwento sa ibang nabasa na (Comparing story with other stories they
have read) – gamitin ang paraang ito kung inaakala o natitiyak na may nabasa nang
kwentong nakakahawig.
e. Paglalarawan sa bahagi ng kwentong pinakamadula o lalong kinawiwilihan o naiibigan
ng mag-aaral nang higit sa lahat (Describing dramatic parts of stories or parts that they
like) – maaaring ito’y sabihin o ipasulat kaya sa papel, dalhin sa klase at ipakita sa mga
kamag-aaral. Ipabasa ng guro ang bahagi ng kwentong inilarawan. Bigyang-puna ang
larawan kung tama ang pagkakasalaysay o pagkakaguhit.
f. Pagtalakay sa nilalaman ng kwento (Discussing contents) – ang mga pangyayari ba’y
tumutugon sa tunay na buhay? Bakit?
g. Pagsasadula (Dramatizing) – ito’y mabuti marahil kung dalawa o mahigit pa ang mga tauhan
sa kwento at kung ito’y puno ng mga usapan at galaw. Maaaring bahagi lamang at hindi ang
buong kwento ang isadula. Maaari rin naming gamitin ang dulang mustrahan. Ito’y panay
kumpas at galaw at walang usapan. Kung dadalawa ang tauhan, mainam gamitin ang
monologo. Isang tao lamang ang gaganap nito, ngunit kailangang marunong siyang
magpabago-bago ng tinig ayon sa hinihingi ng kwento.
h. Pagbibigay ng ibang wakas ng kwento (Giving different endings) – hindi maaari ang
paraang ito sa lahat ng kwento. Kailangang alamin muna ng guro ang kwentong pinag-aralan
ay maaaring dugtungan ng iba’t ibang wakas.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 103: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.3

i. Pagbabalangkas ng kwento (Outlining the story) – ito’y may kahirapan para sa unang taon.
Maaaring gamitin ito sa ikalawang taon kung ang mga mag-aaral ay marunong nang
magbalangkas.
j. Pagbibigay – puna (Criticizing stories) – maaari ang paraang ito sa matatalinong mag-aaral.
Ipapuna lamang ang mga tauhan, ang mga pangyayari sa kwento, ang wakas o ang aral na
ibinibigay.
k. Pagpapahalaga (Appreciation) – ipabasa nang malakas o ipasalaysay ang bahaging
kanilang naiibigan nang higit sa lahat. Ipasabi kung bakit nila naiibigan ang naturang bahagi.
l. Pagtalakay sa bawat salik ng maikling katha, tulad ng tagpuan, tauhan, banghay,
karurukan (o kasukdulan), at kakalasan o katuusan (denouement) (Discussing elements
of the story) – ang paraang ito’y maaaring gamitin sa mga mag-aaral na matatalino.
m. Pagtalakay sa diwang napapaloob sa kwento (Discussing significant ideas or theme) –
ipaugnay ang diwa sa mga kwentong nabasa na nila o Nakita nila sa tunay na buhay.
n. Paglalagom (Summarizing the story) – dapat silang masanay sa pagpili ng mahahalagang
pangyayari na dapat isama sa isang lagom.
o. Pagtatalo tungkol sa isang pangyayari o salik ng katha – kailangan din dito’y pagbasa nang
malakas sa bahagi ng kwento na nagpapatunay sa matuwid na ibibigay ng bawat pangkat
na nakikipagtalo.
p. Paglalarawan sa mga bahagi ng katha o kwento na naglalarawan ng kapaligiran
(atmosphere), ng kasayahan, kalungkutan, kaligayahan, takot at iba pa
q. Paglalarawan sa katutubong – kulay (Describing local color) – magagawa ito kung
mayroon nito ang katha, gaya ng pampook na pananalita, mga pananamit, mga ugali, mga
asal, at paniwala ng mga tauhan sa kwento.

LEARNING ACTIVITY

Pagmumuni-muni:
1. Alin sa mga sumusunod na pamamaraang nabanggit ang pinakamainam sa lahat?

REFERENCES:

a. Ang Aklat ng Guro (The Teacher’s Book) (Revised Ed.1991). Rex Book Store.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4

You might also like