You are on page 1of 12

1

GEC 10
T.P. 2019-2020 MODYUL
PANIMULA: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Layunin:

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin na matatamo ng mag-aaral pagkatapos ng

araling ito:

1. Natatalakay ang mga prinsipyong ipinaglaban ng mga tagapagtanggol ng wika upang

maitaguyod ang wikang pambansa sa lalong mataas na antas nito;
2. Nasusuri ang mga legal na pamantayan sa ipinaglalabang pagtataguyod sa wikang
pambansa sa lalong mataas na antas ng edukasyon.
3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Saligang-batas
Ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito sapagkat
ito ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-
igayang panahanan ninuman. Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan
ng mga bagay at kilos na dapat na igawi para sa isang mapayapang bansa.

 Wikang Filipino
Ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isala sa
Filipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at
patuloy nating isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi. Ito ang
wikang magiging kakampi natin sa ating mga pakikibaka sa usapin ng
ISTANDARDISASYON at INTERNALISASYON. Kung lilingunin ang kasaysayan,
masasabi na hindi naging madali ang pinagdaanan ng wikang Filipino upang makamtan
ang rekognisyon ng pang-internasyunal na komunidad at maging sa ating mga kapwa
Pilipino.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Saligang-Batas ng Biak na Bato 1897
o Ayon sa Arikulo VIII, Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika.
o Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang bumalangkas ng saligang-batas na ito.

 Saligang-batas ng 1935
o Ingles at Kastila ang opisyal na wika.

 Pambansang Asembleya 1936

o Nagbigay ng mensahe ang Pangulo ng Komonwelt Manuel L. Quezon ukol sa
pangangailangan ng isang wika na sinasalita at nauunawaan ng lahat sa isang
pamayanang may iisang nasyunalidad at estado.
 Batas Komowelt Blg. 184
o Si Norberto Romualdez ang sumulat ng batas na ito. Sa pamamagitan ng batas
na ito, naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
o Tungkuling pag-aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning
mapaunlad at mapagtibay ang isang pambansang wikang batay sa isa sa mga
umiiral na wika.
Sanligan sa pagpili ng batayan ng pambansang wika ng pilipinas:
1. Pagkaunlad ng estruktura,
2. Mekanismo, at
3. Panitikan na pawing tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng
mga Pilipino.
Ang komite na siyang pumili sa pagbabatayan ng wikang pambansa:

Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte)

1. Santiago Fonacier (Ilokano)

2. Filemon Sotto (Sebwano)
3. Casimiro F. Perfeto (Bikol)
4. Felix S. Rodriguez (Panay)
5. Hadji Butu (Moro)
6. Cecilio Lopez (Tagalog)

 Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134

o Pagpapatibay sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas na
magkakabisa lamang makalipas ang dalawang taon.
 Batas Komowelt Blg. 570
o Sa pananakop ng mga Hapon, pinagtibay ng Pambansnag Asembleya noong
ika-7 ng Hunyo 1940 ang pagkilala sa WIKANG FILIPINO bilang isa sa mga
opisyal na wikang Pilipinas pagsapit ng ika-4 ng Hunyo 1946.
 Ordinansa Militar Blg. 13 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas
o Nihonggo at Tagalog bilang wikang opisyal sa buong kapuluan. Pag-alis ng mga
hapon ay ang pagsasawalang bisa nito.
o Muling nabuhay ang Ingles sa iba’t ibang transaksyong pampamahalaan,
negosyo at akademya nang mawala ang mga hapon sa Pilipinas

♦ Mga Inisyatibo ng mga tagapagsulong ng Wikang Pambansa ♦

1. Lope K. Santos
 Nanguna sa maraming palihang pangwika.
 Naging punong-tagapangasiwa ng SWP (1941-1946).
 Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, at Haligi ng Panitikang Pilipino.
2. Paglalaan ng ilang seksyon ng mga pahayagang pampaaralan para sa wikang pambansa.
3. Ang diksyunaryong tagalog ay pinasimulan sa panahon ng panunungkulan ni Julian Cruz
Balmaceda.
4. Pangunguna ni Cirio H. Panganiban sa paglikha ng mga talasalitaan sa espesyalisadong
larang katulad ng batas at aritmetika.
5. Pagsasalin sa pambansang awit.
6. Ra 1965 at Kautusang Tagapagpaganap Blg. 8
 Pagbigkas sa Panatang Makabayan sa lahat ng pribado at pampublikong institusyong
pang-akademiko. Nagkaroon ng rebisyon (1956) sa inisyatibo ng dating Kalihim ng
Edukasyon na si Raul Roco.
7. Pagdiriwang ng Linggo/Buwan ng Wika
 Proklamasyon Blg 35- ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang pag-alala sa
tanyag na Makatang si Francisco Balagtas,
 Proklamasyon Blg. 186 (1954) ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto-upang maisali sa
gawain sa paaralan at ang huling araw ng selebrasyon nito ay kaarawan ng Ama ng
Wikang Pambansa na si Manuel Quezon.
 Pinagtibay ng Proklamasyon Blg. 19 ang pagdiriwang ng Linggo ng wika tuwing Agosto
13-19
 Proklamasyon Blg. 1041 (1997) ang buwan ng Agosto ay selebrasyon ng Buwan ng
Wika.
8. Cecilio Lopez
 Pinakaunang linggwistang Pilipino na nagtampok ng linggwistikang pag-aaral sa wikang
pambansa at mga katutubong wika sa Pilipinas.
9. Jose Villa Panganiban
 Sa kanyang termino, nagsagawa ng iba’t ibang palihan sa korespondesiya opisyal sa
wikang pambansa.
 Nakapaglathala ng diksyunaryo na Ingles-Tagalog at pagkatapos nito ay diksyunaryong
tesawro.
10. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
 Noong ika-13 Agosto, 1959 ito ipinalabas ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura na si Jose E. Romero ng Tanggapan ng Edukasyon na tatawaging “Pilipino”
ang wikang pambansa upang maihiwalay ang kaugnayan nito sa mga tagalog.
11. Pag-alis ng rehiyonalismo sa paggamit ng “Pilipino” bilang wikang pambansa.
12. Ang inisyatibo ng kalihim na alisin ang rehiyonalismo ay hindi naging matagumpay.

 BILINGGWALISMO
Ang bilinggwalismo ay tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa
pamamagitan ng dalawang wika.
Lumabas sa pag-aaral ng Presidential Commission to Survey Philippine Education
(PCSPE) – ahensyang binuo ng E.O. 202 ni Pang. Ferdinand Marcos upang magsagawa
ng pag-aaral sa mabuting sistema ng edukasyon, na wika ng patuturo ang siyang
nangangailangan ng agarang atensyon sa larang ng edukasyon.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974

Patakarang Bilinggwal (Pilipino at Ingles)
 Saligang-Batas ng 1973
Ang Filipino ay lilinangin, pauunlarin, at pagtitibayin alinsunod sa umiiral na mga
katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga
dayuhang wika.

13. Komisyon sa Wikang Filipino

 Isinulong ang pagkakatatag nito ni Ponciano B. Pineda batay na rin sa Seksyon 9 ng
Saligang Batas.
 Si Pineda ay manunulat, guro, linggwista at abogado. “Ama ng Komisyon sa Wikang
Filipino”
 Sa kanyang termino bilang komisyuner ng Surian ng Wikang Pambansa maraming
pananaliksik sa sosyolinggwistika at pagpapalakas sa patakarang Bilinggwal.
 Malaki ang naging papel ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagahahnda ng salin ng
Saligang Batas ng 1986 kung saan Ay kinilala ang Filipino bilang pamabansang wika ng
Pilipinas.

14. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
 Nilagdaan ni dating Pang. Cory Aquino, ang paglikha ng Linangan ng Wika sa
Pilipinas bilang kapalit ng Surian ng Wikang Pambansa. Nakatakda itong malusaw
matapos mapagtibay ang Saligang Batas 1987 na nag-aatas na magtatag ng isang
komisyon ng pambansang wika.
 Batas Republika 7104
Naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino.
 KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Ahensya ng gobyerno na binigyan ng kapangyarihan na makapagmungkahi ng
mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil sa wika, lalo na sa paggamit ng
Pambansang Wika, ang wikang Filipino.

♦ARTIKULO XIV NG SB 1987: WIKA♦

 SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay

dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.

 SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila
at Arabic.

 SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.

 SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na

binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
♦SISTEMANG K TO 12

Ang pagsusulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng

Edukasyon (Department of Education) kaugnay ng tinatawag na Programang
K to 12 ay nagkakaroon nang ganap na katuparan noong 2011.
Isinasaalang-alang sa pagsusulong nito ang modelo na ginagamit sa
edukasyon ng mga kanluraning bansa.

♦ANG KAHALAGAHAN NG K-12 KURIKULUM NG DEPED

Hindi naging madali para sa DepEd na mapagtagumpayan ang hamon

ng sistemang K-12 dahil sa laki ng pagbabagong dulot nito sa sistema
ng edukasyon na matagal din nating inakap sa mahabang panahon. Naging
malaking hamon dito ang pag-akap at pagtanggap sa bagong sistema ng
higit na nakararami na kahit sa kasalukuyan ay nagbibigay pa rin ng
kalituhan sa marami. Bukod pa rito sa hamon ng kahandaan sa bahaging
kanilang ahensya na nagpapatupad dito.
Sa kabila ng mga isyung ito ay dumaan naman sa masusing pag-aaral
ang bagong sistemang ito ng edukasyon sa Pilipinas. Naging pursigido
ang DepEd na maipatupad ito sa lalong madaling panahon dahil na rin sa
kabutihang maidudulot nito katulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga
mag-aaral na mapagtutuunan ng pansin ng iba’t ibang larang ng
espesyalisasyon katulad ng pagluluto, tour guiding, animation, at
marami pang iba. Ang labindalawang basikong edukasyon ay magbubukas ng
sapat na pagkakataon sa mga mag-aaral na higit na matutunan at
mapaghusayan ang mga kinakailangang kasanayan sa kolehiyo at
unibersidad, at maging sa mundo ng kalakalan at hanapbuhay.
Binigyang katwiran ng DepEd ang integrasyon ng edukasyon sa mga
bansa na nasa Asya gayung ang Pilipinas ay napag-iwanan na dahil sa
pagtangkilik nito sa sampung taon na basikong edukasyon. Sinasabi na
ang labintatlong taon na programa ay lalong makatutulong sa
pagpapatibay sa pundasyon ng mga mag-aaral sa larang ng edukasyon,
bukod sa ito rin ang sistema na tinatangkilik ng mga mauunlad na bansa
sa mundo.

♦LARANG NG PAGPAPAKADALUBHASA
(1) Academics para sa mga nais magpatuloy ng pag-aaralsa
kolehiyo;
(2) Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais na
makapaghanapbuhay matapos ang kanilang high school
(3) Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa
dalawang larang.

CMO 20 SERIES 2013

 Naglalaman ng katumbas na mga asignatura ng tatlumput anim (36) nay unit ng
Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng mga
sumusunod:
(1) Understanding the Self (Pag-unawa sa Sarili)
(2) Readings in the Philippines History (Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng
Pilipinas),
(3) The Contemporary World (Ang Kasalukuyang Daigdig)
(4) Mathematics in the Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig)
(5) Purposive communication (Malayuning Komunikasyon)
(6) Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining)
(7) Science Technolgy and Society (Agham, Teknolohiya at Lipunan)
Ethics (Etika).

Panuorin ang mga sumusunod sa YouTube:

https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
Pangalan: ___________________________________ Puntos: ___________________

Antas/Kurso/Seksyon: __________________________ Petsa: ____________________

PAGSASANAY 1

Panuto: Piliin ang titik na kumakatawan sa pinakamalapit na sagot sa bawat bilang. Ilagay ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Tumutukoy ito sa serye ng Kautusan 20 ng CHED na naglalahad ng mga basikong

asignatura na dapat ituro sa antas kolehiyo.
A. 2016 B. 2013 C. 2018 D. 2015

_____2. Ang sistemang ito ng edukasyon ay tumutukoy sa hiwalay na paggamit ng Filipino at

Ingles sa pagtuturo
A. MTB-MLE B. Multilingwalismo C. Bilingwalismo D. K to 12

_____3. Siya ang itinuturing na Ama ng Wikang Filipino

A. Andres Bonifacio B. Apolinario Mabini C. Lope K. Santos D. Manuel L. Quezon

_____4. Ito ang samahan na nanguna sa pagsusulong na ibalik ang Filipino bilang asignatura
sa kolehiyo
A. Komisyon sa Wikang Filipino C. Tanggol Wika
B. Korte Suprema D. Surian ng Wikang Filipino

_____5. Sa Saligang Batas na ito unang ginamit ang Tagalog bilang wikang opisyal sa Pilipinas
A. Saligang Batas ng Biak na Bato C. Saligang Batas ng 1987
B. Saligang Batas ng 1935 D. Saligang Batas 1973

_____6. Sa kanyang pamahalaan unang nadama ang pangangailangan ng isang wika na

sinasalita at nauunawaan ng lahat sa isang pamayanang may iisang nasyunalidad at estado.
A. Rodrigo Duterte B. Sergio Osmena C. Manuel L. Quezon D. Joseph Estrada

_____7. Sinabi sa Artikulo XIV Sek. 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: Ukol sa mga layunin ng
komunikayon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ang batas ay __________________
A. Tagalog B. Espanyol C. Ingles D. Arabic

_____8. Siya ay kinikilalang Ama ng Baralilang Pilipino

A. Francisco Balagtas B. Ponciano B. Pineda C. Lope K. Santos D. Manuel L.
Quezon

_____9. Ang Pangulo na nagdeklara na dapat na magkaroon ng Linggo ng Wika

A. Rodrigo Duterte B. Manuel Roxas C. Sergio Osmena D. Joseph Estrada

_____10. Siya ang may-akda ng Batas Komonwelt Blg. 184. Sa pamamagitan ng batas na ito
ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkulin nap ag-aralan ang mga
diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay ang isang pambansang
wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.
A. Norberto Romualdez C. Ponciano Pineda
B. Prospero Nograles D. Sergio Osmena
Pangalan: ___________________________________ Puntos: ___________________

Antas/Kurso/Seksyon: __________________________ Petsa: ____________________

PAGSASANAY 2

Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod:

1. Inilahad ng CHED Memo 20, Serye 2013 ang Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon
(General Education Curriculum) na kinabibilangan ng mga sumusunod na asignatura:
Understanding the Self (Pag-unawa sa Sarili), Readings in the Philippines History (Mga
Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas), The Contemporary World (Ang Kasalukuyang
Daigdig), Mathematics in the Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig), Purposive
communication (Malayuning Komunikasyon), Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining),
Science Technolgy and Society (Agham, Teknolohiya at Lipunan) at Ethics (Etika). Kung
bubusisiin ang enumerasyon, mapapansin na anwala ang asignaturang Filipino rito. Naging
depensa ng Komisyon na hindi naman ganap na nawala ang Filipino sapagkat inilagay ito bilang
asignatura sa Senior High School. Idinagdag pa nila bilang paliwanag na ang enumerasyon ng
mga asignatura sa Bagong Kurikulum (New General Curriculum) ay maaaring ituro gamit ang
wikang Filipino.

______________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

2. Ang mga sumusunod ay ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyuner laban
sa CMO 20, Series 2013: (a) ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambasang wika,
kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan. (b) Dudulo ang panghihina at kamatayang
ito sa panghihina at kamatayan ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may
pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa –mga bagay na nilayong iwasan
ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito. (c) Kapag hindi
napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon ng CMO No. 20
sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction, tuluy-tuloy na
maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista, at tahasang
lumalabag sa Konstitusyon. (d) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad,
kultura, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.

______________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pangalan: ___________________________________ Puntos: ___________________

Antas/Kurso/Seksyon: __________________________ Petsa: ____________________

PAGSASANAY 3

Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod. Ang mga kasagutan ay batay sa
mga dokyumentaryo o bidyo ukol sa naging talakayan.

KROSALITA
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17

18 19

20 21

22 23

24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36

37

38 39 40 41 42 43 44 45

46

47 48 49

50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65

66 67 68

69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80

81 82

83 84

85 86 87 88 89 90 91 92 93 94

95 96

97
PAHALANG PABABA
1. Pambansang Alagad ng Sining sa 1. Palayaw ni Ramon Gullermo na isang
Panitikan Propesor ng UP.
25. Representante ng ACT Partylist 15. “Ang Wikang Filipino ang unang
38. Ayon kay Lumbera, anong uri ng tagpuan.”
edukasyon nakabatay ang CMO 20, s. 47. Malikhaing paggamit ng wika upang
2013? makagawa ng mga babasahin.
50. Dating Chairperson ng CHED na 48. Nagsisilbing idetidad ng isang bansa.
nanguna sa paglalabas sa CMO 20, s.
2013.
71. Kautusan mula sa CHED na
nagtatakda ng 36 yunits sa General
Education Curriculum sa Kolehiyo.
85. Si Agustin Arcenas ay propesor ng
aling larang?

Mga Sanggunian:
Rodao, Florentino (1997). “Spanish Language in the Philippines: 1990-1940.” Philippine Studies.
“History of the Republic of Zamboanga (May 1899-March 1903)
P. Constantino, L. Garcia at J. Ramos (2012) Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
https://www.coursehero.com/file/16021963/Wikang-Filipino/
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987
https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
CMO 20, Serye ng 2013

You might also like