You are on page 1of 11

Pagtutol sa Tagalog

Bb. Armani Heavenielle C. Caoile


1959

Ang pagpapakilala sa Pilipino bilang tangka ng paglayo sa pangkat


na etniko ng mga Tagalog ay hindi naging katanggap-tanggap sa lahat
ng mga hindi Tagalog, lalong higit ang mga Sebuwano.
Taong 1960

Umuusbong ang mga kilusang purismo (purist movement) kung


saan ay lumilikha ng bagong salita upang palitan ang mga hiram na
salita.
Dalawang pangkat ng Purismo:

Ang pangkat na nagsusulong laban sa Tagalog at ang pangkat na


nagsusulong sa higit na pagiging inklusibo ng pambansang wika.
Ang kaso na ito ay dinala ng mambabatas na si Innocencio V. Ferrer
ng Negros Occidental sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema na
hinahamon ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Ipinakita naman ng mambabatas na si Geruncio Lacuesta ang kanyang
pagtutol sa pagiging purista ng wika.

a. Modernizing the Language Approach Movement o MOLAM,


paglulunsad ng mga konperensya, at promosyon ng "Manila Lingua
Franca".
b. Ipinanukala ang abolisyon ng Surian ng Wikang Pambansa
kapalit ng Akademya ng Wikang Filipino.
c. Pagpapalit dalawampung titik ng Abakada sa tatlumpo't dalawang
titik ng alpabeto
Muling nabuhay ang usapin sa pambansang wika noong 1971 na
Konbensyon Pangkonstitusyon. Isinulong na tanggalin ang
pambansang wika subalit napagkasunduan na baguhin na lamang sa
1973 na Saligang Batas. Ang pambansang wika ay tinatawag na
Filipino, kapalit ng Pilipino.
Sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ay itinalaga ang Filipino bilang
pambansang wika samantalang ang Ingles naman ay opisyal na wika.
Kung ihahalintulad ito sa Saligang 1973, Tinanggal sa Bagong
Saligang-batas ang Tagalog bilang batayan ng Filipino at sinabi na
habang ang Filipino ay yumayabong, kailangan itong paunlarin at
pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang
wika.
Komisyon sa Wikang Filipino

- Dating Pangulong Corazon C. Aquino noong ika-14 ng Agosto.


- Tungkulin ang sumusunod:
a. direktang magbigay ng ulat sa Pangulo;
b. magsagawa, maging tagapag-ugnay, at suportahan ang lahat ng
pananaliksik na may kinalaman sa pagpapaunlad ng Filipino at iba
pang umiiral na wika sa Pilipinas.
Ang Korte Suprema man ay nagkaroon din mga inisyatibo upang
gamitin at paunlarin ang wikang Filipino. Inuulat noong ika-22 ng
Agosto, 2007 na ang Malolos City Regional Trial Court ay nagpasya na
gamitin ang Filipino sa halip na Ingles.

You might also like