You are on page 1of 26

PAGTATAGUYOD

NG WIKANG
PAMBANSA SA
MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON
AT LAGPAS PA
PAANO
NAAPEKTUHAN
NG
K TO 12 ANG
KURIKULUM
NG FILIPINO AT
PANITIKAN?
BAKIT MAITUTURING
NA MAKASAYSAYAN
ANG ADBOKASIYA NG
TANGGOL WIKA SA
PAGTATAGUYOD NG
WIKANG FILIPINO
BILANG ASIGNATURA
AT BILANG WIKANG
PANTURO?
 Makasaysayan ang taong 2014 sa larangan ng
pagtataguyod ng wikang Filipino sapagkat ito
ang taon ng pagtatatag ng Tanggol Wika.
 Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014
sa De La Salle University (DLSU-Manila).
 Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan,
kolehiyo, unibersidad, organisasyong
pangwika at pangkultura ang lumahok sa
nasabing forum.
 Dr. Bienvinido Lumbera, Pambansang
Alagad ng Sining na isa sa naging
tagapagsalita.
 CHED Memorandom Order (CMO) No.
20, Series of 2013 – layunin na alisin ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan
sa kolehiyo, para diumano’y
mabawasan at mas mapagaan ang
kurikulum sa kolehiyo.
KASAYSAYAN
NG
ADBOKASIYA
NG TANGGOL
WIKA
 2011 – Kumakalat na ang plano ng
gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng
mga asignatura sa kolehiyo, bagama’t
wala pang inilalabas na opisyal na
dokumento sa panahong iyon.
 Oktubre 3, 2012 – sinimulan ng mga
instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na
humihiling sa CHED at DepEd.
 Ang batayan ng pangamba sa posibleng
pagpapaliit o paglusaw sa mga
Departamento ng Filipino sa mga
unibersidad ay ang kawalan ng
asignaturang Filipino sa bagong RGEC
para sa antas tersyarya na nasa
presentasyon ni DepEd Assistant
Secretary Tonisito M. C. Umali na may
petsang Agosto 29, 2012.
 Disyembre 7, 2012 – inilabas ng
Departamento ng Filipino ang “Posisyon
Papel para sa Bagong CHED Curriculum”
na may pamagat na “Isulong ang Ating
Wikang Wikang Pambansang Filipino,
Itaguyod ang Konstitusyonal na
Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo
ang Filipino bilang Larangan at
Asignaturang may Mataas na Antas.”
Prof. Ramilito Correa – may-
akda ng nasabing posisyong
papel at pangalawang
tagapangulo ng Departamento ng
Filipino ng DLSU.
Armin Luistro – kalihim ng
DepEd.
Hunyo 28, 2013 – inilabas
ng CHED ang CMO No. 20,
Series of 2013, na nagtakda
ng core courses sa bagong
kurikulum sa antas ng
tersyarya sa ilalim ng K to
12.
CORE COURSES:
Understanding the Self
Readings in Philippine History
The Contemporary World
Mathematics in the Modern World
Purposive Communication
Art Appreciation
Science, Technology and Society
Ethics
CMO No. 04, Series of 1997
Walang Filipino sa planong
kurikulum ng CHED sa ilalim ng K
to 12, kumpara sa anim hanggang
siyam na yunit ng asignaturang
Filipino.
Seksiyon 3 ng CMO No. 20,
Series of 2013 -
Opsiyonal na lamang din ang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo, mula sa
dating pagiging mandatoring wikang
panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59,
Series of 1996.
Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria
Lucille Roxas –
Batikan at premyadong manunulat na
kapwa faculty member ng DLSU ay
gumawa ang may-akda ng panibagong
liham petisyon na naka-address sa
CHED at may petsang
Marso 3, 2014.
Listahan ng mga Unibersidad na nagsama-
sama para sa liham-petisyon:
 University of Santo Tomas (UST)
 University of Philippines-Manila (UPM)
 Ateneo de Manila University (ADMU)
 Philippine Normal University (PNU)
 San Beda College-Manila (SBC-Manila)
 Polytechnic University of the Philipppines-
Manila (PUP)
 National Teachers College (NTC)
Listahan ng mga Unibersidad na nagsama-
sama para sa liham-petisyon:
 Miriam College (MC)
 Pambansang Samahan sa Linggistika at
Literaturang Filipino (PSLLF)
 Pambansang Asosayon ng mga
Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)
 Sanggunian sa Filipino (SANGFIL)
Hunyo 2, 2014 – sa inisyatiba ni Dr.
Antonio Contreras ng DLSU ay
nakapagdiyalogo sa dalawang
komisyuner. Kalahok sa diyalogo sina
CHED Commissioner Alex Brillantes at
Commissioner Cynthia Bautista, ang mga
popesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST,
MC at Marinduque State University.
Hunyo 16, 2014 – ipinadala ang liham sa
CHED.
 Hunyo 21, 2014 – Pagsasalubong ng iba’t
ibang inisyatiba ang pagbubuo ng Tanggol
Wika.
 Dr. Rowell Madula - vice-chair ng
Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo
ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-
Private Schools.
Mula noong maitatag ang Tanggol Wika,
naglabas na rin ng kanya-kanyang
posisyong papel laban sa CMO No. 20
ang mga Departamento ng Filipino.
Hulyo 4, 2014 - nagpatawag ng
konsultasyon ang CHED dahil sa demand
ng Tanggol Wika.
 Malaking tulong din ang mga dokumentaryong
inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng
“Sulong Wikang Filipino” at Sulong Wikang
Filipino: Edukasyong Pilipino, Para
Kanino?” na kapwa inupload sa YouTube
noong Agosto 2014, gayundin ang “Sa
Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad
ng Wikang Pambansa” na inilabas naman
noong Setyembre 2016.
 Abril 15, 2015 - nagsampa ng kaso sa
Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera,
ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio,
Anakpawis Partylist Rep. Terry Ridon at
mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang
kolehiyo at unibersidad.
Nakapokus ang nasabing petisyon sa
paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa
mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng:
 Artikulo XIV, Seksyon 6
 Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18
 Artikulo XIV, Seksyon 3
 Artikulo II, Seksyon 17
 Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3
 Artikulo II, Seksyon 18
 Artikulo XIII, Seksyon 3 ng
Kontitusyong 1987
 Batas Republika 7104 o Commission
on the Filipino Language Act
 Batas Pambansa Bilang 232 o
Education Act of 1982
 Batas Republika 7356
 Tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo
ng kapatid na organisasyong Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan
(Tanggol Kasaysayan).
Naging matagumpay sa
pangkalahatan ang adbokasiya ng
Tanggol Wika dahil ngayon ay may
Filipino at Panitikan pa rin sa
kolehiyo, alinsunod na rin sa CMO
No. 4, Series of 2018.

You might also like