You are on page 1of 148

YUNIT I

Introduksyon:
Ang Pagtataguyod ng
Wikang Pambansa sa mas
Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Babasahin
Makasaysayan ang taong 2014 sa larangan ng pagtataguyod ng wikang
Filipino sapagkat ito ang taon ng pagtatatag ng Tanggol Wika. Nabuo ang
Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa DeLa
Salle University (DLSU), Manila. Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan,
kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang
lumahok sa nasabing forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si
Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining.
Babasahin
Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba
mula pa noong 2012. Ang mga nasabing inisyatiba ay epekto ng pagtatangka
ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013 na alisin ang mga asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo, para diumano’y mabawasan at mas
mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo. Malaki at makabuluhan ang papel ng
Tanggol Wika sa pagtataguyod ng asignaturang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa pagtataguyod ng wikang pambansa
sa mas mataas na antas ng edukasyon.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika
Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng
pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagama’t wala pang inilalabas na
opisyal na dokumento sa panahong iyon. Lagpas isang taon naman bago ang
asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong Oktubre3, 2012 ay
sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng
isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd)
na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/junior college at ng
Revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng K to 12 na
maaaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa Departamento ng Filipino sa
mga unibersidad.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Ang batayang ng ganitong pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa


mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang kawalan ng
asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas tersyaryana nasa
presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na may
petsang Agosto 29, 2012.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika
Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum
ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo,
binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na
lusawin o kaya’y pagsamahin sa ibang departamento ang Departamento ng
Filipino.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika
Bilang tugon sa mga gayong plano, inilabas noong Disyembre 7, 2012 ng
Departamento ng Filipino sa DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED
Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang
Filipino, Itaguyod ang Konstitusyonal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa
Kolehiyo ang Filipino Bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na
Antas.” Ang may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito
Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng
DLSU.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika
Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-K to 12 na
babawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior
high school. Gayunpaman, tila pangunahing target ng mga maka-K to 12 ang
Filipino sapagkat isang asignaturang Filipino (Retorika) lamang ang nakatala
sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa “K to 12
TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and
Teachers (2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng
DepEd gaya ng pinatutunayan ng panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim
ng DepEd na si Bro. Armin Luistro, FSC. Sa nasabi ring dokumento ay
opsyonal lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes, habang
bukod sa asignaturang Ingles na Oral Communication ay mayroong pang
required na Philippine Literarture at World Literature, bukod pa sa opsyonal
na English for Specific Purposes.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika
Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series
of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya
sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History;
The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purposive
Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”
Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng
CHED sa ilalim ng K to 12, kumpara sa anim hanggang siyam na yunit ng
asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa
dati-rati’y tatlo hanggang anim na yunit sa Panitikan.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang


din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging
mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996.
Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013
ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas, mga
batikan at premyadong manunulat na kapwa faculty member ng DLSU (kapwa
mula sa DLSU) ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham petisyon na
naka-address sa CHED at may petsang Marso 3, 2014. kinausap naman nina
Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat- De Laza ng University of
Santo Tomas (UST) ang mga kaibigan at kakilalang guro mula sa iba’t ibang
unibersidad gaya ng UST, University of the Philippines-Diliman (UPD) at
University of the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de Manila University
(ADMU), Philippine Normal University (PNU), ang noo’y SanBeda College-
Manila (SBC-MANILA; ngayo’y San Beda University),
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP-Manila), National


Teachers College (NTC), Miriam College (MC), at ang mga samahang pangwika
gaya ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF), Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit-kumulang 200 pirma ang agad na
natipon. Dinala sa CHED ang nasabing liham petisyon. Hindi inaksyonan
tinugunan ng CHED ang nasabing petisyon, bagama’t sa mga dalayolong
magaganap malaon ay binanggit nila na pinag-usapan nila sa mga internal na
miting ng CHED ang nasabing petisyon.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Noong Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay


nakipagdayalogo kami sa komisyoner ng CHED na personal niyang kakilala.
Kalahok sa dayalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner
Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at
Marinduque State University. Napagkasunduan sa dayalogo na muling sumulat
sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical
Panel/Technical Writing Group sa Filipino at ang General Education
Committee, kasunod ang mga kinatawan ng mga unibersidad na nanggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Agad naming ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014.
Bilang paghahanda sa pulong sa CHED na aming hinihiling, bilang tugon sa
CMO No. 20, Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga
gurong apektado nito, itinatag ang Tanggol Wika noong Hunyo 21, 2014.
Samakatwid, pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang pagbubuo ng
Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng
Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private
Schools ang nakaisip ng pangalan ng alyansa.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng


Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. mula noong maitatag ang Tanggol
Wika, naglabas na rin ng kani-kaniyang posisyong papel laban sa CMO No. 20,
Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa iba’t
ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State
University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University (XU), at
marami pang iba.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa


demand ng Tanggol Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang
pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa dayalogo sa mga opisyal ng CHED na
noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Nakatulong nang malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng


pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung
ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa
GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, ni
Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com, at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa
bulatlat.com, na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media
outfit.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Malaking tulong din ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa
UPD gaya ng “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” na
kapwa inupload sa YouTube noong Agosto 2014, gayundin ang “Sa Madaling
Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa” na inilabas naman
noong Setyembre 2016.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at


asembliya, dayalogo, at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa upang
ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan
lamang ang CHED. Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte
Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT
Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando
Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa
iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (
abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros ( abogado ng ACT),
at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong


petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451
(Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong
Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon (CHED) Dr. Patricia Licuanan).
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013
sa mga probisyon ng Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo
XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3, Artikulo II, Seksyon 17; at
Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3; Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3
ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o
“Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the
Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and
Functions, and for Other Purposes”), Batas Pambansa Blg. 232 o “Education
Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National
Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund
for Culture and the Arts, and for Other Purposes.”
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay


kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng
temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Kinatigan
at ibinuod ng Korte Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay


hinikayat nito na tuloy-tuloy na suriin ang “other aspects of the K to 12
program, and help align current educational reforms to the country’s needs
and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to the
country’s historical and anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the
arena of culture and education” (Ayroso, 2015).
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Kaugnay nito, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na


organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng
asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 at wala nang
required na Philippine History subject) noong Setyembre 23, 2016 sa isang
forum sa PUP, at ng mas malawak na pormasyong Kilos na Para sa
Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag naman noong Agosto 25, 2017 sa
PUP din.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng


Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng malakihang asembliya at kilos-
protesta dahil na rin sa sagisag ng Departamento ng Filipinohiya ng PUP na
pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento
ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa pagbibigay
ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol
Wika.
Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

Masasabing naging matagumpay sa pangkalahatan ang adbokasiya ng Tanggol


Wika dahil ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo, alinsunod
na rin sa CMO No. 4, Series of 2018. Mainam na balikan ang nilalaman ng
iba’t ibang posisyong papel na maka-wikang Filipino upang patuloy na
maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas ng
edukasyon
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Isa sa pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili
ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200
delegado sa isang pambansang kongreso ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) noong Mayo 31, 2013, sa ilalim
ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF). Pinamagatang “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG
FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” ang nasabing resolusyon
na inilakip ng PSLLF sa isang posisyong papel na isinumite sa CHED noong
2014.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Ang resolusyong ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y
isa sa mga opisyal ng PSLLF) ay ekpresyon ng kolektibong reaksyon ng mga
guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng
kolehiyo (na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED) ang asignaturang
Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit ng mga
guro na hindi dapat patayin ang asignaturang filipino sa kolehiyo sapagkat
“sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon
ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin,
pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Inilahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino sa konteksto
ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014.
Ayon sa PSLLF:
sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling
wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal
na integrasyong sosyo-kultural. Samakatwid, ang pagpapalakas ng wika at panitikang
Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN Integration at
sa patuloy na globalisasyon.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Inilahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino sa konteksto
ng globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014.
Ayon sa PSLLF:
Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng maraming estudyanteng inaasahang
darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasapi ng ASEAN at iba pang bansa, ang
asignatura sa wika, kultura at identidad ng Pilipinas. Sa panahong ito ng globalisasyon,
higit na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng
pag-aaral upang patatagin at pagyamanin ang ating pagka-Pilipino.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Idinagdag pa ng PSLLF ang ugnayan ng wikang pambansa at ng
holistikong paghubog sa mga mamamayang Pilipino:
lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika at panitikang
Filipino ay paggigiit ng espasyo para sa humanidad ng mga Pilipino. Ang ating wika at
panitikan ay salamin at tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay,
kasiyahan, hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming
nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang mula rito patungo sa dako pa roon na
hinaharap. Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay pagkakait ng
espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Inilahad din ng PSLLF na:
….ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na asignatura sa kolehiyo,
bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang panturo ay ginagawa rin sa iba pang
bansang nagpapatupad ng sistemang K to 12 gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na paninindigan
para sa bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa:
Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory
na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa
sa asignaturang Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal
sa edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of
1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y
operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na paninindigan
para sa bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa:
Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang
panturo sa ‘social studies/social sciences, music, arts, physical education, home
economics, practical arts, at character education.’ Katunayan, maraming asignatura sa
larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na paninindigan
para sa bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa:
Iminungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang panturo sa
kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit nito sa 12 yunit sa bagong GEC. Ang
pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod
din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987….Hinggil naman sa pagkakaroon ng
asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa
pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaring
disenyo.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Pinagtibay naman noong Mayo 23, 2014, ng National Commission on
Culture and the Arts-National Committee on Language and
Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na humihiling sa Commission on
Higher Education (CHED), at sa kongreso at senado ng Republika ng Pilipinas,
na agarang magsagawa ng mga hakbang upang isama sa bagong General
Education Curriculum(GEC) sa antas tersyarya ang mandatory na 9 yunit ng
asignaturang Filipino. Ang resolusyong ito ng NCLT sa ilalim ng NCCA (2014)
ang naging titis ng malawakang media coverage tungkol sa tangka ng CHED
na paslangin ang Filipino at Panitikan sa Curriculum.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Binigyang-diin sa nasabing resolusyon na… “puspusan lamang masusunod ang
Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino…” Kaugnay nito,
ang lupon ng mga komisyoner ng NCCA ay naglabas din ng isang bukod na
resolusyon noong 2014 para “puspusang imungkahi sa CHED na gawing
kautusan ang pagtuturo sa Filipino ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa
level ng edukasyong heneral” sa kolehiyo.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “kapasyahan ng
kalupunan ng mga komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014…na naglilinaw sa
tindig ng Komisyon sa Wikang Filipino hinggil sa Commission on Higher
Education (CHED) Memorandum No. 20, s. 2013.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Kagaya ng lupon ng mga komisyoner ng NCCA ay tila nakatuon sa sitwasyon
ng Filipino bilang wikang panturo ang resolusyon ng mga komisyoner ng KWF
na naggigiit ng “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi
pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi
naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na
pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan
ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng
Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses,
bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2103
ay ituro gamit ang Wikang Filipino.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Sa kabila ng hindi gaanong malinaw na pormulasyon, (halimbawa: sa
pariralang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino,” higit sanang
naging malinaw sana na pagtuturo ng asignaturang Filipino ang tinutukoy
kung sa halip na “sa” ay “ng” ang ginamit), malinaw ang kabuuang layunin ng
resolusyon ng KWF: suportahan ang panawagan ng mga samahang pangwika
hinggil sa pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa paggamit din
ng Filipino bilang wikang panturo sa iba pang asignatura.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Agosto 2014 naman nang ilathala ng Departamento ng Filipino ng De La
Salle University, Manila ang posisyong papel na pinamagatang”Pagtatanggol
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” ipinakita ng nasabing
dokumento ang kahalagahan ng pagtataguyod sa wikang Filipino bilang
batayan ng pagpapalakas ng ugnayan ng akademya o mga unibersidad at ng
sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na “ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa
ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino
ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong
mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bauista De La Salle na
nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa
edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng
iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din
nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging
kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Inilahad din ng nasabing posisyong papel ang praktikal na kabuluhan ng pag-
aaral ng Filipino para sa komunikasyong akma sa sitwasyon ng bansa: “…sa
pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na
katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
pangkomunikasyon, pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang
sa iba’t ibang pamantasan.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Sa kongklusyon, iginiit ng Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila na “ang
adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating
kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Naglabas din ng posisyong papel ang mga guro mula sa Ateneo de
Manila University, na pinamagatang “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat
sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.” Binigyang-diin ng
nasabing dokumento na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din
ng espasyo para sa iba pang wika ng bansa. “Hindi lamang midyum ng
pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng
karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at
labas ng akademya.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Dapat patuloy itong ituro sa antas tersyarya at gradwado bilang integral na
bahagi ng anumang edukasyong propesyonal....Ang banta na alisin ang
Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan
o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral
ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at
kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong
akademiko. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat
maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang
kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang interes.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng
Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ay
naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito. Gaya ng posisyong papel ng
DLSU, Manila, binigyang-tuon din ng posisyong papel ng UP ang kahalagahan
ng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang “susi ng kaalamang
bayan.” Ayon sa nasabing posisyong papel, “nasa wika ang pagtatanyag ng
kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinuhubog at humuhubog sa
bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang
dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng
dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino
sa antas tersyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang
Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-
araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-
aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa
mamamayan. Kailangan nating matutong magpaliwanag at makipagtalastasan
sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang
kaalaman.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Inilathala rin ng iba’t ibang yunit at organisasyon sa Polytechnic
University of the Philippines, Manila ang “Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipinohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga
Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro ng
Maikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014.
malinaw rin sa iisang tinig ng mga taga-PUP ang kahalagahan ng wikang
Filipino bilang wika ng pakikipagtalastasan ng mga Pilipino, gaya ng inilahad
nila sa pangwakas ng kanilang posisyong papel.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
“Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan
ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga
Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at
naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang
Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral
ng Wikang Filipino, tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino.
Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Noong 2014 ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito ang mga
guro mula sa Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro, ang Philippine
Normal University. Na nagpapahayag na “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi nagmamaliw na karunungan na pakikinabangan
ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang
institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman
at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at
mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang nagtatapos sa
apat na sulok ng silid-aralan.”
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Bukod sa mga nabanggit na paaralan ay marami pang mga unibersidad
sa buong bansa ang nagpahayag ng pagsuporta sa adbokasiya ng Tanggol
Wika, gaya ng NTC, MSU-IIT, ang noo’y SBC-Manila, Technoligical University
of the Philippines (TUP)-Manila, De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-
CSB), Xavier University at Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar). Ang
ilang organisasyong pangkabataan gaya ng Dalubhasaan ng mga Umuusbong
na Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM), League of Filipino Students (LFS),
at ang University Student Government (USG) ng DLSU ay naglabas din ng
kani-kaniyang mga posisyong papel.
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
Sa isang bansa na pinagdedebatehan pa rin ang pambansang identidad,
hindi matatawaran ang ambag ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa
lahat ng antasng edukasyon, tungo sa pagpapatibay ng kolektibaong
kaakuhan ng ating sambayanan.”
– DANUM (2014)
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
“Ang pagpapanatili ng ma asignaturang Filipino at Ingles sa GEC ay
umaangkop sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng holistic growth sa
mga mag-aaral, upang mas mahasa at maging bihasa pa lalo ang mga
Pilipino sa dalawang wika na ito. Karagdagan pa roon, ang kahalagahan ng
pagmamahal sa ating kultura at wika ay lalo pang mapatitibay kung
mananatili ang asignaturang filipino sa GEC. Ngunit, nararapat lamang na
mas maging komprehensibo at magbigay ng mas malalim at malawak na
kaalaman sa mga mag-aaral. Samakatuwid, nais naming idagdag sa GEC
ang asignaturang Filipino na hindi lamang basic Filipino ngunit magtuturo
rin ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa wika.
– USG ng DLSU-Manila (2014)
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
…ang CMO (No.) 20 ay larawan ng pagpapasahol ng kolonyal na
oryentasyon ng edukasyon na nakadirekta sa pagtugon ng mga guni-guni
ng globalisasyon o ang lalong pagpapalakas ng kontrol sa ekonomiya,
politika, at kultura ng mga dayuhang bansa, pangunahin ang Estados
Unidos. Hindi nito pinagsisilbihan ang interes ng mamamayang Pilipino
para sa ganap na pag-unlad bagkus ay sinusunod ang pangangailangan ng
mga makapangyarihang bansa. Isa itong kaparaanan ng gobyerno upang
gapiin ang ideyalismo at diwang makabayan ng kabataan at ipalaganap sa
kanila ang kaisipang palaasa sa dayuhan.”
– LFS (2014)
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
“Nagiging bukal ng karunungan ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t
ibang disiplina. Dahil dito, nakalilikha ito ng mga rehistrong
nagpapayaman sa korpus ng wikang pambansa. Sa madaling salita,
itinataas ng paggamit ng Filipino ang antas ng talastasan sa akademikong
larangan. Malaki ang tungkulin ng Filipino sa pagbuo ng pambansang
kamalayan sa kalinangang Filipino. Bilang disiplina, ito ang nagbubukas sa
isip ng mga Filipino sa higit na kritikal at analitikal na mamamayang may
malasakit sa kaniyang kultura at pagkabansa. Ito ang wikang nakadarama
ng tunay na pulso ng bayan.
– DLS-CSB (2014)
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginagampanan ng Filipino
sa patuloy na paghahanap natin ng sariling identidad at pagkakakilanlan.
Marubdob din ang aming paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento
ang wika at panitikang Filipino sa pagpapalinaw ng landasin tungo sa
makatotohanang kalinaw (kapayapaan) dito po sa amin sa Mindanao.
Sinusuportahan din po namin ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino
bilang mandatory core course sa kolehiyo….
– MSU-IIT (2014)
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan
sa Kolehiyo
Nasa ibaba ang ilang piling sipi mula sa mga nasabing dokumento:
....Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9 yunit na
asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong
kaayusan, mas mapahuhusay ang kasanayan ng mga estudyante sa
paggamit ng Filipino at mas mapalalim ang kanilang unawa sa samu’t
saring isyung panrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa wika at panitikan
ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang magpapatalas sa mga
mag-aaral at magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na
nasyonalistang karakter.
– MSU-IIT (2014)
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Sa diwa ng lahat ng natalakay na, malinaw na Filipino ang wikang
magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng “isang edukasyong
nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang
mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng
nakararami” (Lumbera et al., 2007).
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Kung babalikan ang probisyong pangwika sa Konstitusyon ay mailalahad ang
adhikaing nasa likod ng pagsusulong ng wikang pambansa sa edukasyon.
Ipinahayag ni Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mg Komisyoner ng 1986
Constitutional Commission, nang kaniyang ipinanukala ang mga probisyong
kalauna’y naging Artkulo XIV sa Saligang Batas ukol sa edukasyon, wika, at
sining na “ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang
makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Ngunit higit sa karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang
pambansang nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga
etnolinggwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa at
pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan,” batay sa pagbanggit
sa petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema (2015).
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Kung susuriing mabuti, hindi lamang sa dimensyong kultural mahalaga ang
wikang Filipino, kundi maging sa apektong ekonomiko rin. Gaya ng sinabi ni
San Juan (2014a), ang wikang pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang
sistemang pang-edukasyon ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga Pilipino: “Retaining Filipino in tertiary level is just one step toward
aligning our education system with our goals as a nation. We can change the
subjects as often but we should emphasize inculcating values for national
development and international solidarity, rather than subscribing to
dependency on failed foreign frameworks and the race-to-the-bottom
doctrine preached by global capital.”
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Isa lamang ito sa napakarami pang argumentong pabor sa pagkakaroon ng
Filipino sa kurikulum sa mataas na antas ng edukasyon, tulad ng 12 na
inilahad ni San Juan (2014b) sa artikulong “1 Reasons To Save the National
Language” at sa artikulong “Debunking PH language myths” (San Juan,
2014a).
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Malayo na ang narating ng wikang pambansa dahil na rin sa pagiging
bahagi nito ng kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. Ginagamit na ito sa
Luzon, Visayas, at Mindanao. Ayon sa pamphlet ng KWF na inihanda ni
Almario (2014), kung ibabatay sa pagdami ng wikang Filipino ay malaki ang
isinulong ng pagpapalaganap sa Wikang Pambansa. Sa mga pambansang senso
mula 1939 hanggang 1980 ay dumami ang nagsasalita ng Wikang Pambansa
mula 4,068,565 hanggang 12,019,193, o mula 25.4% hanggang 44.4% ng
kabuuang populasyon ng Filipinas.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Noong 1989, lumitaw pa sa survey ng Ateneo de Manila University na 92% ang
nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa, 83% ang nakapagsasalita nito, 88%
ang nakababasa, at 81% ang nakasusulat gamit ito. Napakalaki ng agwat nito
sa sinasabing 51% na nakaiintindi ng ingles at 41% nakaiintindi ng Sebwano.
(Pansinin na “Tagalog” at hindi “Filipino” ang tawag sa Wikang Pambansa.)
Ang ganito kabilis na pagdami ng nagsasalita sa Filipino ay nangangahulugang
isa na itong maituturing na “wika ng bayan” o lingua franca, at ginagamit na
wika ng komunikasyon ng sinumang dalawang Filipino na may magkaibang
wikang katutubo at nais mag-usap…bunga ito ng epektibong pagtuturo ng
wikang Filipino sa mga paaralan” at “ng patuloy at dumaraming paglabas ng
mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Ang gayong pagsulong ay bahagi ng mga naunang dekada ng
Filipinisasyon, partikular noong dekada ‘80-’90 na hanggang ngayo’y may
positibong epekto pa rin sa pag-unlad ng wikang pambansa bilang wika ng
komunikasyon. Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA noong
1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika. Isa sa
pinakamainit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensyong
konstitusyonal ay ang usapin ng wikang pambansa.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
May ilang rehiyunalista na nagnais ng unibersal na dulog sa pagpili ng wikang
pambansa: ang amalgamasyon o paghahalo-halo ng talasalitaan mula sa iba’t
ibang wika ng Pilipinas. Maalab ding nakipagtagisan ng talino ang mga ultra-
konserbatibo na napanukala namang Español ang dapat maging wikang
opisyal. Pinakamasugid na kalaban ng mga tagapagtaguyod ng wikang
pambansa ang mga delegadong Amerikanista.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Gayunpaman, dahil sa magigiting na tagapagtanggol ng wikang pambansa na
nagmula sa iba’t ibang rehiyon at nagsasalita ngiba’t ibang wika, nanaig ang
konsensus na ang wikang pambansa ay wikang Filipino na ang nukleyo ay ang
wikang Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral
na mga katutubong wika sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang
banyaga.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Sa pagpapalit ng pangalan mula “Pilipino” tungong “Filipino” ganap na
napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi simpleng pagpapalit
ng titik ang nangyari: testamento ito na ang wikang pambansa ay hindi na
lamang sa Tagalog nakasandig, sapagkat wala namang “F” sa Abakadang
Tagalog. Ang pagbabanyuhay (pagbabagong-anyo) ng Pilipino na naging
“Filipino” ay pagyakap ng wikang pambansa sa iba pang mga katutubong
wika ng Pilipinas na may mga tunogna wala sa Tagalog. Samakatuwid, ang
wikang pambansa ay nagiging “wikang pambansa” na ngang talaga.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Ang wikang pambansa’y sumusulong na rin bilang aktuwal na wikang opisyal
ng Pilipinas. Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal
na transaksyon, komunikasyon, at korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni
dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
335 noong Agosto 25, 1988. Lalo ring pinatibay ng administrasyong Aquino
ang patakarang bilinggwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 53, serye ng 1987.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Malalaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino
sa mass media. Sa dalawang magkasunod na dekadang ito’y nauso ang
paggamit ng Filipino sa mga public affairs at news program. Naging panggabi
na lamang (at ngayon nga’y sa ilang channel na lamang matatagpuan) ang
mga programang balita sa telebisyon. Pinasimulan ng programang “Batibot”
at sinundan ng “At Iba Pa,” “Hiraya Manawari” at “Bayani” ang pagtatangka
ng mga makabayang TV producer na tumulong sa de-Amerikanisasyon ng mga
Pilipino.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Tatlong henerasyon ng mga kabataang Pilipino ang patuloy na
makagugunita kina Pong Pagong, Manang Bola, Kikong Matsing, at Kuya Bodji,
ang mga tauhang pantapat ng mga de-Amerikanisadong Pilipino sa Sesami
Street, kay Barnie, at kay Dora the Explorer. Hindi rin malilimot ng mga
henerasyong ito ang ang mga isina-Filipinong cartoon kagaya ng “Huck
Finn,” “Tom Sawyer,” “Julio at Julia,” “Si Mary at ang Lihim na Hardin,”
“Mga Munting Pangarap ni Romeo,” “Cedie,” “Voltes V” at napakarami pang
iba.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Bagama’t sa unang sipat ay banyagang kultura ang nilalaman ng mga cartoon
na ito, masasabing nakatulong pa rin ito sa proseso ng de-Amerikanisasyon ng
mga Pilipino. Kumpara sa mga henerasyong isinilang sa huling bahagi ng
dekada ‘90, ang mga isinilang sa unang bahagi ng dekada ‘80 hanggang sa
simula ng dekada ‘90 ay pawang higit na may kakayahang makipagtalastasan
sa wikang Filipino. Talagang malaking tulong ang mga Filipinisadong mga
programa sa telebisyon na namalasak sa kanilang panahon.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Ang popularisasyon ng mga radyo-dramang Tagalog na talaga namang
sinubaybayan ng masang Pilipino sa buong kapuluan ay nakapag-ambag din sa
pagsulong ng wikang Filipino. Katunayan, masasabing mas malaki ang papel
ng radyo sa Filipinisasyon ng mass media, sapagkat noong mga panahong
iyon, hindi pa gaanong maraming Pilipino ang may telebisyon ngunit walang
dudang halos bawat tahanan mula Forbes Park hanggang sa kasulok-sulukang
isla ng bansa na may naninirahang Pilipino ay may radyo. Sa dalawang
dekada ring ito sumulong ang Filipinisasyon ng mga diyaryo. Bagama’t
napako sa mga tabloid ang Filipinisasyon ng print media, malaking tagumpay
ang pag-ungos ng mga pahayagang Filipino sa bilang ng mga mababasa ng
mga Imgles na broadsheet na nakalathala sa wikang English.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Lubos na naging maningning sa panahong ito ang pagsulong ng wikang
Filipino sapagkat sa dekadang ito’y naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na
nagtatadhana ng paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
pangunahing ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na
pagpapaunlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa at ng iba
pang mga wika sa Pilipinas, kagaya ng hinalinhan nitong Institute of the
National Language.
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Samakatuwid, ang adbokasiya ng Tanggol Wika rin ng maraming
makabayan sa bansa ay magtitiyak na ang nasimulan na ay maipagpapatuloy
at lalo pang mapauunlad tungo sa ganap na paggamit ng Filipino bilang wika
ng komunikasyon sa iba’t ibang antas at larangan.
MGA GAWAIN
Pagsulat ng Maikling Lathalain (Isahan)
Isa kang manunulat sa isang lingguhang magasin na may sirkulasyong
pambansa. Susulat ka ng maikling lathalain na hindi hihigit sa 500 salita at
nakaangkla sa temang “Mula Noon Hanggang Ngayon: Wikang Sarili ang Wikang Tulay
sa Mabisang Pagkakaunawaan ng mga Mamamayan sa Ating Arkipelago.” Ang iyong
maikling lathalain ay dapat na may angkop na pamagat at mga subheading,
pumapaksa sa temang ibinigay, wasto ang pagbabaybay ng mga salita at gramatika,
malinaw ang paraan ng pagpapahayag, at naglalahad ng mga makabuluhang
impormasyon at mga siniping pahayag na nakabatay sa iba’t ibang sanggunian.
Maaaring gamiting sanggunian ang mga tinalakay na teksto sa araling ito, gayundin
ang antolohiyang “Isang sariling wikang pambansa: mga babasahin sa kasaysayan ng
Filipino” na inilabas ng KWF (2015). Para sa mga modelong lathalain, maaaring
sipatin ang mga lathalain sa www.pinoyweekly.org,
https://issuu.com/philippinecollegian, at http://plaridel.ph/
MGA GAWAIN
Paglikha ng Video ng Publikong Anunsyo Hinggil sa Adbokasiyang
Pangwika (Pangkatan)
Kayo’y mga empleyado ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o National
Commission for Culture and the Arts (NCCA). Inatasan kayong lumikha ng video ng
publikong anunsyo ng ahensya para sa adbokasiyang pangwika na ipalalabas sa mga
estasyon ng telebisyon at ipopost din sa mga social media website. Lilikha kayo ng
video g publikong anunsyo na nagbibigay-diin sa temang “Pagtatanggol sa Wikang
Filipino, Tungkulin ng Bawat Pilipino.” Maaaring gumamit ng musika, mga larawan,
infographic, at iba pa upang higit na maging malikhain at katangi-tangi ang video.
Sa pangkalahatan, kailangang nagkikintal ng makabuluhang kaisipan at
pagpapahalaga sa adbokasing pangwika ang nasabing video. Maaaring gamiting
padron ang mga public service announcement at iba pang anhensya na madalas
maglabas ng ganitong mga video gaya ng DOH at PAGASA. Para sa mga nahihirapang
gumawa ng video dahil sa kakulangan ng kagamitan sa pag-eedit ng video, maaaring
gawing alternatibo ang aktuwal o live na pagsasadula sa klase ng mga eksena sa
kunwaring video ng publikong anunsyo.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
 Ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas

 Kinakatawan ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at


patuloy nating isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi

 Ang wikang magiging kakampi natin sa ating mga pakikibaka sa usapin ng


istandardisasyon at internalisasyon
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Kung lilingunin ang kasaysayan, masasabi na hindi naging madali ang
mga pinagdaanan ng wikang Filipino upang makamtan ang rekognisyon ng
pang-internasyonal na komunidad at maging sa ating mga kapwa Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Ang pangangailangan na magkaroon ng wikang magbubuklod sa ating
lahi ay unang nagkaroon ng liwanag nang mapagkasunduan ng mga
Katipunero batay sa Saligang Batas ng Biak na Bato ng 1897 na gawing
opisyal na wika ng rebolusyon ang Tagalog. Ayon sa Artikulo VIII ng Saligang
Batas ng Biak na Bato, “Tagalog ang magiging opisyal na wika ng
Republika.” Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang siyang bumalangkas
ng saligang batas na ito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Inatasan naman ng Saligang Batas ng 1935 na gumawa ng mga
hakbang upang paunlarin at pagtibayin ang isang wikang pambansa na
nakabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Ayon pa rin sa
Saligang Batas na ito, ang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal na
wika hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Maliwanag na wala pang kinikilalang pambansang wika sa ilalim ng
Saligang Batas ng 1935 kung hihimayin ang espesipikong probisyon hinggil
dito. Tanging ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso na gumawa ng
mga hakbangin upang mapaunlad at mapatibay ang pangkalahatang
pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika ang
makikita sa pagbusisi ng probisyong ito. Mariing isinasaad na habang
isinasagawa ang proseso ng pagpili ay mananatili ang Ingles at Kastila bilang
mga opisyal na wika. Wala pa ring tiyak na ahensya ang tinukoy upang siyang
mangasiwa sa proseso ng pagpili ng pambansang wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Dama ng Pangulo ng Komonwelt na si Manuel Luis M. Quezon ang
pangangailangan ng isang wika na sinasalita at nauunawaan ng lahat ng
pamayanang may iisang nasyonalidad at estado. Ito ay kanyang binigyang-
diin sa mensaheng kanyang ibinigay sa Unang Pambansang Asambleya noong
1936.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Si Norberto Romualdez ng Leyte, dating batikang mahistrado, ang
sumulat nga Batas Komonwelt Blg. 184. Sa pamamagitan ng batas na ito ay
naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa na may tungkuling pag-aralan ang
mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay
ang isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Naging sanligan sa pagpili ng batayan ng pambansang wika ng Pilipinas
ang mga sumusunod:
1. Pagkaunlad ng estruktura
2. Mekanismo
3. Panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng
mga Filipino

TAGALOG ang pinili batay sa mga nabanggit na pamantayan.


Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Naging patas ang pagpili sa Tagalog batay na rin sa komposisyon na
pinamunuan ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte). Kinabibilangan ito ng mga
sumusunod na kasapi:
 Santiago A. Fonacier (Ilokano),
 Felimon Sotto (Sebwano),
 Casimiro F. Perfecto (Bikol),
 Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
 Hadji Butu (Moro), at
 Cecilio Lopez (Tagalog)
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Binigyang-diin sa komite na ang TAGALOG ay pinili sapagkat ginagamit
ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga
kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at
manunulat. Samantala, sina Felimon Sotto (Sebwano) at Hadji Butu (Moro)
ay hindi nakaganap ng tungkulin sapagkat ang una ay nagkaroon ng
karamdaman samantalang ang huli naman ay namatay sa hindi inaasahang
kadahilanan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Kinatigan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong ika-13 ng
Disyembre, 1937 ang pagpapatibay sa TAGALOG bilang batayan ng wikang
pambansa ng Pilipinas na magkakabisa lamang makalipas ang dalawang taon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Sa panahon ng mga Hapon sa Pilipinas ay pinagtibay ng Pambansang
Asambleya ang Batas Komonwelt Blg. 570 (07 Hunyo 1940) na kumikilala sa
Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas sa
pagsapit ng ika-4 ng Hulyo 1946. Kaalinsabay nito, ipinahayag noong 1942 ng
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Taft Commission) ang
Ordinansa Militar Blg. 13 na siyang nagtatakda sa Nihonggo at Tagalog
bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Kasabay ng pag-alis ng mga
Hapon sa Pilipinas ay ang pagsasawalang-bisa ng ordinansang nabanggit.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Muling nabuhay ang Ingles sa iba’t ibang transaksyong
pampamahalaan, negosyo, at akademya nang ganap nang mawala ang mga
Hapon sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Si Lope K. Santos, isang abogado, kritiko, lider obrero ay nanguna sa
maraming palihang pangwika. Siya ay naging punong-tagapangasiwa
ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1941 hanggang 1946. Kilala sa
palayaw na Mang Openg, pinarangalan siya bilang Paham ng Wika,
Ama ng Balarilang Pilipino, at Haligi ng Panitikang Pilipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Paglalaan ng ilang seksyon ng mga pahayagang pampaaralan para sa
wikang pambansa. Inasahan na ang inisyatibong ito ang magiging daan
upang higit na magkaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa
paggamit ng wikang Filipino.
 Ang diksyunaryong tagalog ay pinasimulan sa panahon ng
panunungkulan ni Julian Cruz Balmaceda.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Si Cirio H. Panganiban ang nanguna sa paglikha ng mga talasalitaan sa
mga espesyalisadong larangan katulad ng batas at aritmetika.
 Ang Lupang Hinirang na orihinal na nakasulat sa Espanyol, Patria
Adorada, ay makailang ulit na isinalin sa Filipino bago naging opisyal
noong 1956.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Ang pagbigkas ng Panatang Makabayan ay ipinag-utos sa lahat ng
pribado at pampublikong institusyong pang-akademiko sa bisa ng RA
1265 at ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 8. Nagkaroon ng rebisyon
ang Panata (1956) sa inisyatibo ng dating Kalihim ng Edukasyon na si
Raul Roco.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Malaki ang papel na ginampanan ng Linggo ng Wika upang maipakita
ng bawat mamamayan ang kanilang pagtataguyod sa wikang Filipino
bilang Wikang Pambansa. Sa buong linggo ng selebrasyon ay
naglulunsad ng iba’t ibang gawain na katulad ng sabayang pagbigkas,
balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay, pagbigkas
ng tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw, at pag-awit ng mga
katutubong awit.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Ang Linggo ng Wika ay unang idineklara ni dating Pangulong Sergio
Osmeña. Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 35, ang Linggo ng Wika ay
dapat gunitain tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang
pagpapahalaga sa kaarawan ng kinikilalang tanyag na Pilipinong
makata na si Francisco Balagtas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 noong 1954 ay iniusod ni
Pangulong Ramon Magsaysay ang selebrasyon ng Linggo ng Wika sa
ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto upang maisama ito sa mga gawain sa
paaralan. Kaugnay nito, ang huling araw naman ng selebrasyon ay siya
ring araw ng paggunita sa kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na
si Pangulong Manuel Luis M. Quezon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Pinagtibay ng Proklamasyon Blg. 19 ni Pangulong Corazon Aquino ang
selebrasyon ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Higit pang pinalawig ang selebrasyon noong 1997 sa pamamagitan ng
Proklamasyon Blg. 1041 na idineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos
na nagsasabing ang selebrasyon ng wikang Filipino ay magaganap sa
buong buwan ng Agosto.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Si Cecilio Lopez ang pinakaunang lingguwistang Filipino ay nagtampok
ng lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong
wika sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Sa termino ni Jose Villa Panganiban ay nagsagawa naman ng iba’t
ibang palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa.
Nakapaglathala ng diksyunaryo na Ingles-Tagalog at pagkatapos nito ay
ang diksyunaryong tesawro.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nagpalabas ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 ang Kalihim ng Edukasyon at Kultura na si
Jose E. Romero ng Tanggapan ng Edukasyon na tatawaging “Pilipino”
ang wikang pambansa upang maihiwalay ang kaugnayan nito sa mga
Tagalog.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Hakbang sa pag-alis ng rehiyonalismo ang paggamit ng “Pilipino”
bilang wikang pambansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Ang inisyatibong ito ng kalihim ay hindi rin gaanong nagtagumpay
sapagkat hindi pa rin matanggap ng ibang sektor ang Pilipino bilang
pambansang wika. Nangibabaw pa rin sa puso ng mga di-Tagalog ang
rehiyonalismo. Sa kanilang pakiramdam, sila ay nanatiling kolonya ng
Tagalog sapagkat ang “Pilipino” ay binagong anyo lamang ng wikang
“Tagalog.”
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
Ang pagkakaroon ng Konstitusyonal na Kumbensyon noong 1971 ay
nagbigay-daan upang mapakinggan ang mga argumento ng mga di-Tagalog
hinggil sa kanilang usapin sa “Pilipino” bilang pambansang wika. Binuo ang
Komite sa Wikang Pambansa upang mamahala sa pagbuo ng mga polisiya at
rekomendasyon upang masolusyonan ang mga pakikibaka hinggil sa wika. Ang
Komite ay nagmungkahi na gamitin ang Filipino batay sa mga katutubong
wika at maging ang asimilasyon ng mga salita mula sa dayuhang wika.
Kasama rin sa rekomendasyon ng Komite ang pananatili ng Ingles at Kastila
bilang mga opisyal na wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa
pakikipag-usap sa pamamagitan ng dalawang wika.

Lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Presidential Commission to


Survey Philippine Education (PCSPE) – ahensyang binuo sa pamamagitan ng
E.O. 202 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos upang magsagawa ng pag-aaral sa
mabuting sistema ng edukasyon, na wika ng pagtuturo ang siyang
nangangailangan ng agarang atensyon sa larangan ng edukasyon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Pinagtibay ng PCSPE na: (1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa
elementarya, at ang bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang
taon sa mga lugar na di-Tagalog, at (2) ang Pilipino at Ingles ang mga midyum
sa sekundarya at tersiyarya.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Noong 1973 ay pinagtibay ang polisiya ng edukasyon sa pamamagitan
ng bagong Saligang Batas. Isinasaad dito sa ilalim ng Sek. 3, Artikulo XIV, na:
(1) Gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon
ng isang panlahat na wikang pambansang makikilalang Filipino ang
Pambansang Asamblea; (2) Ingles at Pilipino ang dapat na maging wikang
opisyal hangga’t walang ibang itinadhana ang batas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Noong ika-27 ng Pebrero, 1973 ay sinunod ng Lupon ng Pambansang
Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa Edukasyon batay sa probisyon
ng Saligang Batas. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon pinagtibay
noong Agosto 7, 1973 na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang I
hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong ika-19 ng
Hunyo, 1974 sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal. Sinabi rito na ang edukasyong bilingguwal ay tumutukoy sa
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa
mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar
na ito’y kinakailangan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nakasaad sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973 na ang Filipino ay
lilinangin, pauunalarin, at pagtitibayin alinsunod sa umiiral na mga
katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita
mula sa mga dayuhang wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Isinulong ni Ponciano B. Pineda ang pagtatatag ng Komisyon sa
Wikang Filipino batay sa Seksyon 9 ng Saligang Batas. Si Pineda na
isa ring manunulat, guro, lingguwista, at abogado ay siyang itinuturing
na “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino.” Sa termino ni Pineda
bilang komisyoner ng Surian ng Wikang Pambansa ay nagkaroon ng
maraming pananaliksik sa sosyo-lingguwistika. Pinalakas din ang
patakarang bilingguwal sa edukasyon sa kanyang termino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Malaki ang papel na ginampanan ng Surian ng Wikang Pambansa sa
paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986 na kung saan ay kinilala ang
Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas. Nakasaad dito na “habang
nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang
nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang
wika.”
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Nagkaroon ng maraming inisyatibo ang mga tagasulong ng Wikang
Pambansang Filipino.
 Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 117 na lumikha sa Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas bilang kapalit ng Surian ng Wikang Pambansa. Nakatakda
itong malusaw matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng 1987 na
nag-aatas na magtatag ng isang komisyon ng pambansang wika. Sa
pamamagitan ng Batas Republika 7104 noong 1991 ay naitatag ang
Komisyon sa Wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Ang KWF ay ang ahensya ng gobyerno na binigyan ng
kapangyarihan na makapagmungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran,
at gawain hinggil sa wika, lalo na sa paggamit ng Pambansang Wika, ang
wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987: WIKA
Sek. 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987: WIKA
Sek. 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na
midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Katila at Arabic.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987: WIKA
Sek. 8: Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

Sek. 9: Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa


na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
sa Filipino at iba pang mga wika.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Wikang Filipino
Ipinaliliwanag ng kasaysayan na ang pambansang wika ay hindi lamang
nakatuon sa rehiyon ng Katagalugan bagama’t Tagalog ang nagiging
pamantayan sa pagbuo nito. Patuloy na umuunlad ang wikang Filipino sa
aspekto ng gramatika, palaugnayan, mga pahiwatig, at pakahulugan bunga
na rin ng paggamit dito sa panrehiyon at pandaigdigang ugnayan. Lumawak
ang gamit ng Filipino sa mga asignaturang Panitikan, Araling Panlipunan,
Teknolohiya, Inhenyeriya, Medisina, Batas, Matematika, at iba pang
larangan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sistemang K to 12
Ang pagsusulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng
Edukasyon (Department of Education –DepEd) kaugnay ng tinatawag na K to
12 ay nagkaroon nang ganap na katuparan noong 2011. isinaalang-alang sa
pagsusulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon ng mga kanluraning
bansa.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sistemang K to 12
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito
pormal na naipatupad dahil na rin sa pagtutol ng maraming kasapi ng
akademiya, mga mag-aaral at mga magulang. Itinuturing nila itong dagdag
pasakit sa balikat ni Juan dela Cruz dahil sa dagdag na gastos na gugulin ng
mga mag-aaral para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan.
Mula sa sampung taon na basikong edukasyon ay dinagdagan pa ito ng
dalawng taon na hindi naman alam ang patutunguhan. Naging malaking
hamon ito para sa mga namumuno ng isang eskwelahan bunga ng mataas
nitong kahingian upang matuguna ang repormang kaakibat ng programang K
to 12. Sa kabila ng kaliwa’t kanang demonstrasyon at mga pagtutol ay nanaig
pa rin ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Aquino na baguhin ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sistemang K to 12
Pormal na itinalaga ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bilang
tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong K to 12 noong taong 2013.
binigyan sila ng eksklusibong kapangyarihan na mamahala sa mga
pampublikong paaralan, at magbigay ng regulasyon sa mga pribadong
paaralan. Ang implementasyon ng programang K to 12 at ang ratipikasyon ng
Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013
ay nagbukas sa tatlong taong dagdag sa basikong edukasyon ng mga mag-
aaral.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sistemang K to 12
Mula 1945 hanggang 2011 ay anim (6) na taon ang ginugugol ng mag-
aaral sa kanyang elementarya at apat (4) na taon para sa kanyang
sekundarya. Dahil sa mga batas na nabanggit ay nabago ang panahon na
dapat gugulin ng isang indibidwal bago makatuntong ng kolehiyo – isang taon
ang kailangang gugulin sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na
taon para sa junior high school, at 2 taon para sa senior high school.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang Kahalagahan ng K to 12 Kurikulum ng DepEd
Hindi naging madali para sa DepEd na mapagtagumpayan ang hamon
ng sistemang K to 12 dahil sa laki ng pagbabagong dulot nito sa sistema ng
edukasyon na matagal din nating niyakap sa mahabang panahon. Naging
malaking hamon dito ang pag-akap at pagtanggap sa bagong sistema ng higit
na nakararami na kahit sa kasalukuyan ay nagbibigay pa rin ng kalituhan sa
marami. Bukod pa ito sa hamon ng kahandaan sa bahagi ng kanilang ahensya
na magpapatupad nito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang Kahalagahan ng K to 12 Kurikulum ng DepEd
Sa kabila ng mga isyung ito ay dumaan naman sa masusing pag-aaral
ang bagong sistemang ito ng edukasyon sa Pilipinas. Naging pursigido ang
DepEd na maipatupad ito sa lalong madaling panahon dahil na rin sa
kabutihang maidudulot nito katulad ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga
mag-aaral na mapagtuunan ng pansin ang iba’t ibang larangan ng
espesyalisasyon katulad ng pagluluto, tour guiding, animation, at marami
pang iba. Ang labindalawang basikong edukasyon ay magbubukas ng sapat na
pagkakataon sa mga mag-aaral na higit na matutunan at mapaghusay ang
mga kinakailangang kasanayan sa kolehiyo at unibersidad, at maging sa
mundo ng kalakalan at hanapbuhay.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ang Kahalagahan ng K to 12 Kurikulum ng DepEd
Binigyang-katwiran ng DepEd ang integrasyon ng edukasyon sa mga
bansang nasa Asya gayong ang Pilipinas ay napag-iwanan na dahil sa
pagtangkilik nito sa sampung taon na basikong edukasyon. Sinasabi na ang
labintatlong taon na programa ay lalong makatutulong sa pagpapatibay sa
pundasyon ng mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, bukod sa ito rin ang
sistema na tinatangkilik ng mga mauunald na bansa sa mundo.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Larangan ng Pagpapakadalubhasa
Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos sa bagong
sistema ng edukasyon ay makapagtataglay ng kahusayan na kailangan upang
sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maaari itong magkaroon ng katuparan
sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukuhanin sa kanilang ika-11 at
12 taong baitang ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o
pagpapakadalubhasaan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
 Academics para sa mga nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo
 Technical-vocationalpara sa mga mag-aaral na nais na makapaghanapbuhay
matapos ang kanilang high school
 Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyoner ng CHEd na si Dr.
Patricia Licuanan na ang K-12 ang sagot sa usapin ng trabaho matapos ang
labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang hindi ipagpatuloy ang pag-
aaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya ang kinakailangang lakas at talino
na hinahanap ng mga kumpanya para sa kanyang serbisyo. Ang mga
inaasahang kasanayan na ito ng mga mag-aaral ay maaaring makuha sa mga
asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral mula sa dating
sampu. Bukod pa rito ang tinatawag na ASEAN Integration o ang pagsabay ng
Pilipinas sa sistema ng edukasyon na ginagamit sa halos lahat ng bansa sa
Asya.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng
mga mag-aaral kung sakali na sila’y magpasyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa
kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, Serye ng 2013 ang Commission on Higher
Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumpu’t anim (36) na
yunit ng Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng
mga sumusunod: Understanding the Self (Pag-unawa sa Sarili); Readings in
the Philippine History (Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas);
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
The Contemporary World (Ang Kasalukuyang Daigdig); Mathematics in the
Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig); Purposive
Communication (Malayuning Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapaha-
laga sa Sining); Science, Technology, and Society (Agham, Teknolohiya, at
Lipunan); Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito ng CHED
sapagkat lantaran na tinanggal ang asignaturang Filipino na sana ay
makaagapay natin sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon at marketisasyon ng
kultura at wikang Filipino.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang
pagkawala ng Filipino sa kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at
ika-12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya ring ipinaliwanag
na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsiyon na gamitin
ang Filipino sa tatlumpu’t anim na yunit ng General Education.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Kung susuriing mabuti ang mga naging pahayag ni Licuanan, makikita
na para bang kanyang inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang
batang inagawan lamang ng laruan at kayang patahanin kung bibigyan ng
bago at higit na kaakit-akit na laruan. Nakalulungkot sapagkat naging
mababaw ang kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol ng
wika sa kahalagahan ng Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang
programang K-12 lalong higit ang mga probisyong may kaugnayan sa ating
kultura at wika ay hindi dapat maging isang laro o eksperimento lamang.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Kailangan ng masidhing pag-aaral bago ipatupad dahil dito nakasalalay
ang kinabukasan ng indibidwal na ang nais lamang naman ay mag-aral upang
magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na magandang estado ng
pamumuhay. Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong
institusyon sa kolehiyo ay may opsiyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu’t
anim (36) na Pangkalahatang Edukasyon (General Education) ay hindi rin
katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsiyon ay nangangahulugan ng
isang di-paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong
akademikong institusyon na ang karamihan ay nagsusulong ng Ingles bilang
wikang panturo.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Naniniwala si Ramon Guillermo ng Philippine Studies sa UP
Departamento ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas na ang pagtanggal ng
CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo batay sa CMO 20, Serye ng 2013
ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.
Wala na ring magpapatuloy ng mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung
mananaig ang memorandum na ito ng CHED. Kanyang tahasang sinabi na ang
memorandum na ito ng CHED ay nangangahulugan ng panganganib sa wikang
Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong ito ay
bukod pa sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na
maaaring magbunga ng kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan ng trabaho
para sa karamihan.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Idinagdag pa rin ni Guillermo na ang pagkawala ng Filipino bilang
asignatura sa kolehiyo ay nangangahulugan ng hindi pagbibigay-galang o
respeto sa maaabot ng wikang Filipino bilang larangan ng isang siyentipiko at
akademikong pag-aaral. Binigyang-diin ni Guillermo na ang Filipino ay hindi
lamang dapat na manatili bilang isang simbolo ng pagkabansa. Dapat itong
maging isang wika na ginagamit natin sa mga larangan ng ating kaalaman.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Maganda rin ang mga naging argumento ni Antonio Tinio, ating
kinatawan sa Kongreso. Ayon sa kanya, ang K-12 ay isang pagsusulong sa
labor-export policy na ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para
sa mga serbisyong katulad ng business courses, outsourcing, call center, at
iba pa. Hindi sinusuportahan ng K-12 ang industriyalisasyon at pagpapaunlad
ng agrikultura.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Idinagdag pa ni Tinio na ang programang K-12 ay mas nakatuon sa
pangangailangan ng ibang bansa (higit na mayayamang bansa) kaysa
pangangailangan ng higit na nakararaming mga Pilipino. Iginiit ni Tinio na ito
ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang isinusulong sa ilalim ng kurikulum
habang ang Filipino naman ay patuloy na pinahihina.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013
Sinabi pa ni Tinio na obligasyon ng administrasyong Aquino na
paunlarin ang Filipino bilang wikang panturo at wikang pambansa ayon na rin
sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20 Serye ng
2013
Ang petisyon ng Tanggol Wika at iba pa sa agarang paglalabas ng Korte
Suprema ng Temporary Restraining Order o Permanent Restraining Order ay
inihain sa kanilang kapasidad bilang namumuwisan at mga mamamayang
Pilipino. Kanilang iginiit na ang pagpapatupad ng CMO 20, Serye ng 2013 at
iba pang hakbang na kaugnay nito ay tahasang paglabag sa polisiya at
mandatong inilatag ng Konstitusyon ng Pilipinas, lalong higit sa
pagsasalansang nito sa mga probisyong may kaugnayan sa wika, edukasyon,
at pampaggawa ng Konstitusyon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20 Serye ng
2013
Kanila pang idinagdag na ang CMO 20, Serye ng 2013 ay lumalabag
din sa Batas Republika 7104 (Ang Batas na Lumilikha sa Komisyon sa Wikang
Filipino at ang Pagbibigay Dito ng Kapangyarihan, Tungkulin, at para sa Iba
pang Layunin), Batas Pambansa 232 (Ang Batas na Nilikha para sa Pagtatatag
at Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng Edukasyon), at Batas Republika
7356 (Ang Batas na Lumilikha sa Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining –
National Commission for Culture and the Arts). Kanila ring sinabi na ang
paglabag sa kanilang karapatan na makilahok sa mga dayalogo na may
kaugnayan dito ay di-mababayaran o matutumbasan ng anumang danyos na
maaaring ibigay ng mga respondente.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20 Serye ng
2013
Ang mga sumusunod ay ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng
mga petisyong laban sa CMO 20, Serye ng 2013:
 Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika,
kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.
 Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan
ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa
bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa – mga bagay na nilayong
iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang
nagratipika nito.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20 Serye ng
2013
Ang mga sumusunod ay ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng
mga petisyong laban sa CMO 20, Serye ng 2013:
 Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto
ang implementasyon ng CMO 20, Serye ng 2013 sa pamamagitan ng
temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction, tuloy-
tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino,
anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20 Serye ng
2013
Ang mga sumusunod ay ilan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng
mga petisyong laban sa CMO 20, Serye ng 2013:
 Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad,
kultura, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sagot ng Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema) sa Petsiyon
Laban sa CMO 20 Serye ng 2013
Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon na bigyan ng ganap na implementasyon ang kautusan nito na
ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan ng
pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon sa Taong
Aralan 2018-2019.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sagot ng Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema) sa Petsiyon
Laban sa CMO 20 Serye ng 2013
Ang mga kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong ng
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika, mga
alyansa ng iba’t ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang
panlingguwistika at pangkultura, at ilang may pagpapahalagang mamamayan,
na makakuha ng paborableng desisyon para sa Filipino at Panitikan.
Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kanilang
ipinaglalaban nang maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte
Suprema laban sa pagtatanggal ng Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoryong asignatura sa bagong Pangkalahatang Kurikulum na Pang-
edukasyon alinsunod sa CHED CMO 20, Serye ng 2013.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Sagot ng Kataas-taasang Hukuman (Korte Suprema) sa Petsiyon
Laban sa CMO 20 Serye ng 2013
Ang Temporary Restraining Order ay isang kautusan ng korte para sa
limitadong panahon (1) bilang solusyon sa mga biglaang pangyayari, (2)
bilang pagbabawal sa isang indibidwal na gumawa ng aksyon na
makapamiminsala ng iba, o (3) upang panatilihin ang dating estado (status
quo). Ipinagkakaloob lamang ito sa mga pambihirang pagkakataon at
mananatili hanggang sa maisagawa ang pagdinig sa preliminary o permanent
injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o solusyon.

You might also like