You are on page 1of 21

z

MGA GAWAING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga
z Salik na Nakaaapekto sa Gawing
Pangkomunikasyon
1. Lugar- tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang
komunikasyon.
2. Mga taong naninirahan sa lugar- sila ang humuhubog sa kultura ng
lugar.
3. Sosyo-ekonomiko- antas ng pamumuhay ng tao
4. Edukasyon- naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao ang
pamamaraan at nilalaman ng kaniyang pahayag.
5. Kasarian- may mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag
ginagamit ng lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian.
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
z

Tsismisan

Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na


“chismes”. Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga
kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan
ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay
maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay
maging usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t
ibang bersyon.
z
Umpukan

Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy


sa pagpapangkat-pangkat ng isnag pamilya o magkakapatid,
magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho
o magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain, at
hangarin. Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapin at
hangarin ay karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang
linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong
mapatatag ang kanilang samahan at lalo pang mapabuti ang
pagtrato sa isa’t isa. Naiiba ang umpukan sa tsismisan sapagkat
higit na mabuti ang tunguhin ng usapin sa umpukan.
z
Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing
panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan, may
mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang ilang
piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang
barangay upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu. Sa
pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga
mamamayan ay nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa
mga gawain at layuning nais isakatuparan sa lugar.
Pulong-bayan
z

Usaping political ang karaniwang paksa ng pulong-bayan.


Ito ay nauukol sa mga gawain at layuning pambarangay at
pambayan. Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa
isang barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang
pag-usapan ang mga layunin, proyekto at/o mga batas na
isasakatuparan sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga
opisyal ng barangay o bayan ang kasangkot at sama-sama sa
pagpupulong dahil ang mga napag-uusapan at
napagkakasunduan ay tinatalakay sa inihandang lugar at
inilalahad sa pamamagitan ng katitikan. Ang pulong-bayan din ay
di-gaanong pormal kapag ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa
lamang ng anunsyo sa pangkat ng mamamayan sa pamamagitan
ng pamaraang pasalita.
z
Komunikasyong Di-berbal

Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag sa


artikulo nina Hans at Hana (2018) hinggil sa tatlong aspekto
ng komunikasyong di-berbal. Kabilang ditto ang kinesika
(kinesic behavior), pandama (haptics) at proksemika
(proxemics). Bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang dalawa
pang mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na
batay sa pagpapaliwanag ni Heathfield (2018) tulad ng
paralenggwahe (paralanguage) at mga bagay (object
language).
z
Kinesika (Kinesics)
Ang kinesika ay tumutukoy sa
komunikasyong di-berbal na may kaugnayan
sa paggalaw ng katawan tulad ng tindig
(posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng
mukha (facial expression) at occulesics na
tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact)
sa pagpapahayag ng mensahe).
z

Tindig. Isinasaalang-alang ditto ang ideya kung


paano naaapektuhan ang ibang tao sa paraan ng
pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng
ulo. Kung paano igalaw ang katawan o tumindig ay
nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan. Ang
bilis at bagal ng paggalaw ay mayroon ding
kahulugang ipinahihiwatig.
z
Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-
araw na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang
tao. Ang pagkaway ay maaaring mangahulugan ng
pagsasabi ng “kamusta” o kaya ay “paalam”. Ang pagturo
(point) ay maaari ring mangahulugan ng galit o kaya ay
simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na
nagugustuhan. Ang ilan pa sa mga ginagamit na kumpas
ay kapag kinukuyom ang palad bilang kahulugan ng
pagpipigil ng matinding emosyon at paglalahad ng palad
paharap sa kausap na ang ibig sabihin ay pagpapahinto.
z

Ekspresyon ng mukha. Binanggit nina Hans at


Hans na ang mukha ay isa sa mga bahagi ng
katawan na nakapagpapahayag ng maraming
ekspresyon at kahulugan. Ang mukha ay
nakapagpapahiwatig ng kaligayahan at saya, ng
kalungkutan, ng galit, ng takot at maging ng
kabiguan.
Occulesics/
z Pagtingin. Mabisang gamitin ang mga
mata sa pagpapahayag. Kung paano tumingin sa iba
ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito
ay maaaring makapagpakita ng pagkawili,
pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto.
Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa pagpapanatili
ng daloy ng usapan at sa kung paano maaaring
tumugon ang kausap. Ayon pa rin sa kanila, maaari
tayong makipag-usap sa pamamagitan ng ating mga
mata.
z

2. Pandama (Haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak ay
nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan. Daan-
daang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga
anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba-ibang
kahulugan ang paraan ng paghawak.
z

3. Proksemika (Proxemics)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring
may kaugnayan sa dalawang taong nag-uusap. Ang
pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit
ng mga taong nag-uusap ay naghahatid ng iba’t
ibang kahulugan ayon sa kung sino ang nag-uusap.
Karaniwan ang espasyo ay di-gaanong napapansin
na nakapghahatid din ng kahulugan.
z

4. Paralenggwahe (Paralanguage)

Ang paralenggwahe ay higit na tumatalakay sa kung


paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng
isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga
nasabi.
5. Bagay
z (Object language)

Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa


komunikasyong nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na tinatawag
ding material artifact). Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng
disenyo ng mga gamit, damit, mga sasakyan at iba pa. ang
pagkakaayos ng mga kagamitan sa isang bahay o opisina ay
nagtataglay rin ng mensahe na nabibigyang kahulugan ng tumitingin
nito. Kaugnay nito, ang pananamit at uri ng pananamit ay ginagamit
din bilang isang paraan ng pagsasaad ng mensahe tulad ng lahi,
kalagayan, antas at uri ng pamumuhay at kalagayang ekonomiko.
Kaugnay nito, sa ibang kalagayang kultural, mayroon ding iba pang
mga uri ng di-berbal na komunikasyon tulad ng oras (chronemics),
simbolo (iconics) at kulay (color).
Oras.z Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga,
tanghali, hapon, takipsilim, gabi, hatinggabi at madaling
araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay may
kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba
naman ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at
pagpapahinga. Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang
kaisipan na ang mga Pilipino ay maaaring pumasok sa
trabaho na lampas sa takdang oras ng pagpasok
samantalang ang mga Amerikano ay dapat pumasok sa
trabaho ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may
winter, summer, spring at fall, ngunit sa Pilipinas at tanging
tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.
z

Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid


ng mga simbolo. Makikita ang mga ito sa mga
pamilihan, daan. Palikuran, sasakyan at iba pa.

Kulay. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan


nito.
z Mga Ekspresyong Lokal

Mayaman ang kulturang Pilipino sa mga kultural na


pagpapahayag tulad ng mga salawikain, kasabihan, talinghaga at
bulong. Ang mga ito ay mga uri ng pagpapahayag na ginagamit para
sa iba’t ibang layunin tulad ng pangangaral, pagbibigay ng paalala,
pagbababala, paghahangad at pagpapahiwatig ng damdamin at
kaisipan. Mga tao sa lipunan ang gumagamit ng ganitong uri ng
pagpapahayag. Nabubuo at umuunlad ang kultura sanhi ng
pakikisalamuha na tao sa kaniyang lipunan. Kaugnay nito, dahil iba-
iba ang mga taong nakakasalamuha sa lipunan, nahuhubog ang iba-
ibang ugaliin, paniniwala, gawi at kabilang na rin ang pagkakaiba ng
mga ekspresyon.
z

Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing


pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay nag-iiba dahil sa
heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan
kung bakit may varyasyon ang paggamit ng wika.
z

Halimbawa:

Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw.


(Nangangahulugang tanghali na kaya dapat bumangon na
sa pagkakahiga at magtrabaho na)

Ilokano: Bumtak ti sara’t nuangin (o sa iba nuangen).

You might also like