You are on page 1of 3

Aralin 3:

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Pitong gatang
Fred Panopio

Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon


Lugar
 tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon ito ang nagtatakda sa uri, paraan at
gawing pananalita.
Halimbawa
 maglandi
 Batangas
 Maynila
 maglaro
Mga taong naninirahan sa lugar
 sila ang humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, gawi at uri ng
pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid ang
siyang nagtatakda ng paksa o usapin.
— Davey (2018)
“Ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na nabuo sanhi ng sama-
samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng isang pangkat.”
Sosyo-ekonomiko
 Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang estadong sosyo ekonomiks ay nauugnay sa gawing
pangkomunikasyon.
 Sarah Ang Munting Prinsesa
Edukasyon
 Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may kaugnayan sa edukasyon.
 Saan ba madalas marinig ang mga salitang balbal at kolokyal? Sino ang madalas gumagamit ng mga
salitang pormal?
Kasarian
 May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian.
Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na hindi akma kapag ginamit ng isang babae

Mga Gawing Pangkomunikasyon


1. Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na "chismes“
Mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay
maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging usap usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng
iba't ibang bersyon.

2. Umpukan
gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid,
magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na may magkakatulad na gawi,
kilos, gawain at hangarin.
Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang
linaw.

3. Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga mamamayan sa
kanilang mga bahay.
Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga
kabahayan ng isang baranggay upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu.

4. Pulong-bayan
Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at layuning pambarangay
at pambayan.
Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa isang barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang
pag-usapan ang mga layunin, proyekto at/o mga batas na isasakatuparan sa lugar.

5. Komunikasyong di-berbal
Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na hindi ginagamitan ng salita.
Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga kilos, ekspresyon at mga paralenggwahe ay umaayon sa
bugso ng nararamdaman sa oras ng pagpapahayag
Tatlong(3) aspekto ang komunikasyong di-berbal
- Hans at Hans (2018)
paggalaw ng katawan
- tindig (posture)
- kumpas (gestures)
- ekspresyon ng mukha (facial expression) at
- oculesics na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact)
Kinesika (Kinesics)
Pandama (haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba't ibang kahuli.
Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang paraan ng paghawak
Tatlong(3) aspekto ang komunikasyong di-berbal
- Hans at Hans (2018)
Espasyo o agwat sa pagitan ng kausap
-Ang pagiging malapit, malayo o kaya'y malapit na malapit ng mga taong nag-uusap ay naghahatid ng iba't ibang
kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap.
Proksemika (Proxemics)
Dalawang(2) Uri ng komunikasyong di-berbal
- Heathfield (2018)
higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano
ang kahulugan ng mga nasabi.
Paralengguwahe (Paralanguage)
Bagay (Object language)
Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid tinatawag ding material artifacts.
Oras, simbolo at kulay

6. Mga Ekspresyong Lokal


Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na pagpapahayag tulad ng paggamit ng mga salawikain, kasabihan,
talinghaga at bulong. Ang mga ito ay mga uri ng pagpapahayag na ginagamit para sa iba't ibang layunin tulad ng
pangangaral, pagbibigay ng paalala, pagbababala, paghahangad at pagpapahiwatig ng damdamin at kaisipan. M

Mga halimbawa ng ekspresyong lokal


 "Ating", "re" o "nire"
 Cabanatuan
 Batangas
 "Ala, eh"
 Bataan
 "Sus, Ginoo",
"Alla naman"
Tatlong (3) Uri ng Ekspresyong Lokal
Jeproks, para kang sirang plaka, bugtong na anak

Tatlong (3) Uri ng Ekspresyong Lokal


Ikako, totoy o nene, susmaryosep
Tatlong (3) Uri ng Ekspresyong Lokal

Pak!, edi wow, LODI.

You might also like