You are on page 1of 10

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
MODULE 3
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Mga Layunin:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa ang mga
sumusunod:
 Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas ng lipunan;
 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad;
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas ng larangan.

PANIMULA
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na
pakikipagsapapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kakintalang
maaring magdulot ng karanasang magpapatakbo ng kanyang buhay. Ang mga
sumusunod na paksa ay mga gawaing pangkomunikasyon karaniwan subalit sa
mahalaga sa buhay ni Juan:
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal
7. Mga ekspresyong local

PANIMULANG GAWAIN
Pagsasagawa ng review sa mga gawaing pangkomunikasyon Hahatiin ang
klase sa limang pangkat. Maaaring mamili sa mga piling pelikulang Die Beautiful,
Sister Stella L at Heneral Luna at suriing mabuti ang mga gawaing
pangkomunikasyon na maoobserbahan sa pelikula. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong gamit ang dalawa hanggang tatlong pangungusap at ipaskil ang sagot sa
social media page na ginawa ng guro para sa inyo. Narito ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano-ano ang kontribusyon ng mga naobserbahang gawaing
pangkomunikasyon sa pangkalahatang naratibo at iniwang aral?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Page 1 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO

2. Paano natulungan ng mga gawaing pangkomunikasyong ito ang bida sa


pelikula upang maharap ang mga hamon na itinampok sa kwento?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon


Lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang
komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon sapagkat ito
ang nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa
pagsasakatuparan ng paghahatid ng mensahe at kung paano maaaring isagawa ang
daloy ng usapan. Ang salik na ito ay may impluwensya sa paksa na pag-uusapan.
Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat
lugar na tangi sa pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa ay ang paggamit ng mga
Ilocano ng wen, win at wën na ang kahulugan ay “oo” sa mga Tagalog. Iba-iba ang
gawi at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba-ibang lugar ngunit ang kahulugan ay iisa.
Isa pang halimbawa ay ang agalwad kayo o kaya ay agannad kayo na isang pahayag-
Iloko na maaaring mangahulugang sana’y maging ligtas kayo sa inyong pag-uwi o
simpleng ingat kayo. Sa ilang lugar sa Ilokos, ang agalwad kayo, agannad kayo o ay
pagbibigay-babala sa kaanak, kaibigan o kakilala sapagkat may hinihinuha na
nakaambang panganib.

Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa gawing


pangkomunikasyon ang mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang
humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala, ugaliin, gawi at uri
ng pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay
sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin. Ayon kay Davey (2018),
ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at
karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng
iisang pangkat. Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon. Ang kultura
ay sinasabing komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa kung paanong
ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging
kilos, ugaliin at pananalita at gawing pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang
etnikong pangkat.

Sosyo-ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang


estadong sosyo-ekonomiko ay nauugnay sa gawing pangkomunikasyon. Minsa’y
iniaayon ang gawi ng komunikasyon sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao.
Halimbawa, sa mga pelikula ay napapanood ang mga sitwasyong kinasasangkutan
ng tauhang mayaman na karaniwang mababa ang tingin sa mga kasambahay. Naiiba
ang gawi ng pananalita ng mayamang amo sa pananalita ng aping kasambahay.

Page 2 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng
pahayag ay naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas
ng mga salita ay may kaugnayan sa edukasyon. Saan ba madalas marinig ang mga
salitang balbal at kolokyal? Sino ang madalas gumagamit ng mga salitang pormal?
Ang mga guro sa kanilang pagtuturo at tagapamahala ng kumpanya ay higit na
gumagamit ng mga salitang pormal. Ang impormal na salita ay maririnig naman sa
mga pangkat ng indibidwal na nasa palengke, umpukan ng magbabarkada at iba pa.
Ang gawi ng pananalita ng isang doktor ay pormal, higit itong malumanay at
nagtataglay ng mataas na uri ng bokabularyo samantalang ang barker sa isang
paradahan ng dyip ay gumagamit ng impormal na salita at malakas na boses sa
pagtawag ng mga pasahero.

Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng
lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit
ang mga lalaki na hindi akma kapag ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang paraan
at gawi ng komunikasyon ay apektado dahil sa kasarian. Halimbawa, ang paggamit
ng mga salitang besh o kaya beshie ay na higit na angkop gamitin ng mga babae sa
kapwa babae at ang bro o brod na malimit namang gamitin ng mga lalaki sa kapwa
lalaki. Bagama’t sa kasalukuyan, ang ganitong kalakaran sa paggamit ng mga salita
bilang bahagi ng gawi ng komunikasyon ay hindi na rin batayan kung sino ang
kausap at kung ano ang kasarian ng kausap sanhi ng usapin hinggil sa gender
awareness and development kung saan tanggap ng lipunan ang paggamit ng
alinmang salita na hindi na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita. Maging lalaki,
babae, tomboy o bakla ay malayang nakagagamit ng mga salitang naisin upang
magpahayag ng kaisipan at damdamin.

A. TSISMISAN: Pakikipagkwento ng Buhay-buhay ng mga Kababayan


Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes”. Karaniwan, kapag
sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan
ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan
o dinagdagan upang ito ay maging usapusapan hanggang tuluyan nang
magkaroon ng iba’t ibang bersyon. Nangyayari sapagkat mabilis itong
nagpapasalin-salin mula sa isang tao tungo sa iba pang indibidwal. Intriga,
alimuom, sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-bulungan at alingasngas
ito kung tawagin. Kadalasa’y hindi kabutihan ang dulot nito dahil nakasisira ito
sa ugnayang pantao, reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na maaaring wala
naman talagang katotohanan.
Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang
pambansang marijuana ng bansa. Parte na ito ng kulturang Pilipino. Bawat
barangay ay mayroong isang grupo ng mga tsismoso/a na nagkikita araw-araw
para pag-usapan ang mga ‘balita’. Kadalasan naririnig ito sa palengke, bakuran,
tindahan at pinapasukan ng mga manggagawa ngunit kadalasan sa mga ito ay
mga housewife o di kaya mga middle-aged na walang magawa. Madalas na
maririnig ang mga Pilipino na magsabi ng “Tara magtsismisan tayo” o kaya “Ano
ang bagong tsismis?”
Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may
mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na may
katumbas na ‘gossip’. Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig
makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba samantalang ang tsismosa ay
Page 3 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan-minsan
lamang kung magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang mga kwento ay
madalas namang exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami rin ang
mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao
sa mga sikreto at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng mga Pinoy ay
ang pangtsitsismis hango sa inggit na naging pasimpleng paraan na upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng
reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad
ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o
‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan
din ang iba’t ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman sa pag-aaral.

B. Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis


Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na akto, bagamat hindi
maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon o cause
of action para sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya
ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng
kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang
pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, luugar ng kapanganakan,
pisikal na depekto at iba pang personal na kondisyon.

Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang Libelo


na isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa isang
bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang kilos,
pagkukulang, kondisyon katayuan o kalagayan na dahilang ng kasiraang-puri,
ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang masira ang alaala ng isang
namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC).
Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at 1000 sa
una, ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na community service.

UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Malapitang Salamuhaan


Ang umpukan ay tumutukoy sa isang maliit na grupo ng taong nag-uusap
hinggil sa mga usaping ang bawat kasapi ay may interes sa pag-uusapan na
maaaring may kabuluhan sa kani- kanilang personal na buhay, katangian,
karanasan o kaganapan sa lipunan.
Mapapansin sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere, inilarawan ang maraming
umpukang naganap sa pagitan ng mga panauhin tulad ng asal ng katutubong
Pilipino, monopolya ng tabako, kapangyarihan ng Kapitan Heneral at marami
pang iba.
Hindi maitatatwa na impormal ang naturang umpukan sapagkat malayang
nakapagpapahayag ng kani-kanilang sloobin ang bawat kasapi. Ito ay maaaring
maganap sa kalye tulad ng mga tumatambay sa tabi ng kalsada, sa tindahan o
Page 4 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
kahit sa harap lamang ng bahay. Maaari rin itong makita sa trabahong
pinapasukan na kalimitang paksa ay tungkol sa sahod, polisiya, pamumuno at
promosyon.

TALAKAYAN: Masinsinang Talaban ng Kaalaman


Ang talakayan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng ideya o kaisipan
para sa isang nararapat o mahalagang desisyon. Mayroong nakatalagang
tagapangasiwa sa naturang gawain kung kaya’y higit na pormal ang gawaing ito
kumpara sa umpukan.
Ito ay kadalsang nararanasan sa loob ng isang klase dahil ditto nagkakaroon
ng puwang o pagkakataong maipahayag ng mga mag-aaral na maibahagi ang kai-
kanilang saloobin o natutunan sa naturang paksa sa loob ng isang oras na kaakibat
ang tulong ng dalubguro sa naturang aralin upang tulungan sa pagpapaliwanag
ang mga mag-aaral.
Sa talakayan hindi maiiwasan ang pagkabagot ng bawat isa lalo na’t purong
guro ang nagsasalita sa harapan kung kaya narito ang katangian ng mabuting
pagtalakay.
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa pagtanong at
pagsagot sa mga katanungan na walang pangamba.
2. Hindi Palaban. Minsan nagkakaroon ng kainitan ang talakayan kung kaya
hindi dapat dumating sap unto na ang respeto sa loob ng klase ay mawala
bagkus ipahayag ito nang maayos at sa paraang mahinahon na may wastong
paggalang.
3. Baryasyon ng Ideya. Magkaroon ng pagkakaiba-iba ng ideya na maaaring
maging instrumento ng mas mainam pang pakahulugan na nakabatay sa mga
sagot ng bawat isa.
4. Kaisahan at Pokus. Ang dalubguro ang tagapamagitan ng impormasyon o
kaisahan sa klase kung kaya’t marapat lamang na handa siya sa pagpapanatili
ng kaisahan at pokus sa klase.

PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapwa sa kanayang Tahana’t Kaligiran


Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang indibidwal patungo sa dalawa
o higt pang maraming bahay upang maisakatuparan ang naturang mithiin tulad
ng pangungumusta, pakikiramay, paghingi ng pabor para sa proyekto at marami
pang iba. Makalipunan ang gawaing ito dahil tuwirang nakikipag-usap ang isang
tao.
Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpamalas ng mabuting pagpapakilala
at pagtanggap ng mga panauhin na pinatutunayan sa mahahalagang okasyon sa
buhay ng tao tulad ng pista, pasko, araw ng mga poatay at kaluluwa at kaarawan.
Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng tradisyon ng pagbabahay-bahay ay
nagpapakita na ang dating makalipunang konsepto ay nagiging di-makalipunan
dahil nawala na ang personal na pakikipagtalakayan.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon dito dahil na rin sa layuning
maraming bahay ang kakailanganing mapuntahan sa loob ng isang araw ngunit
ang iba nama’y pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
pinupuntahan.

PULONG BAYAN: Marubdob na Usapang Pampamayanan

Page 5 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
Karaniwan itong isinasagawa sa isang partikular na grupo bilang isang
konsultasyon sa bawat kasapi at paghahanda sa darating na okasyon o aktibidad.
Lider ang nangunguna sa naturang pulong upang pangasiwaan ang maayos na
daloy ng pagpupulong tulad ng pagbibigay ng suhestiyon, mungkahi o opinyon.
Malaki ang papel ng pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na nais
ipatupad lalo na’t may direktang epekto ito sa mga mamamayan. Bahagi ng
proseso ng regulasyon ang konsultasyon sa tao o publiko at inbalido ang
anumang batas na maaprubahan kung walang isinagawang pagsangguni sa mga
mambabatas.

Mga Dapat Iwasan Sa Pulong


1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may
iba’t ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay
nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong
magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong
dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o
pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan,
kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama
ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at
walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na
walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas”
manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda
sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.
7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar
ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit
ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o
nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang
pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa
alanganing oras – tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras
ng trabaho ng mga manggagawa.

EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Masigla at Makulay na Ugnayan


Ang ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino
dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla,
pagkataranta, takot, dismaya tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng
pasasalamat, pagbati o pagpapaalam. Sa talastasang Pilipino, ito ang nagbibigay
kulay sa mga kwento ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng
mga Pilipino.
Iba’t iba ang ekspresyong lokal na laganap sa bansa. Narito ang mga
halimbawa:
1. Tagalog – “Bahala ka sa buhay mo”; “Tanga!”; “Nakupo”; “Inay ko!”; “Dyusko
o Susmaryusep”.

Page 6 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
2. Ilocano – “Alla” o namangha; “Gemas” o nasarapan at “Anya metten!” o ano
bay an!.
3. Bicolano – “Dios mabalos” o pasasalamat; “Garo ka man” o pagkadismaya;
“Inda ko sa imo” o ewan ko sayo at Masimut o Lintian” o sobrang galit. 4
4. Bisaya – “Ay, Tsada” o maayos sa paningin; “Samok ka!” o magulo ka;
“Paghilum!” o manahimik ka; “Ambot” o medyo inis o galit.

Isa rin sa mga di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng biro kaya


mayroon tayong birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang
katotohanan pero naghahamon o nang-uuyam o fishing tulad ng “Joke lang”,
“Charot”, “Echos”, “Charing” at marami pang #charotism.

C. Komunikasyong Di-Berbal ng mga Pilipino


Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-Berbal
Ang komunikasyong di-berbal ay maaring matagpuan sa iba’t iba nitong anyo
katulad ng mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay.
1. Kinesika – pinapatunayan lamang sa bahaging ito na ang bawat kilos ay may
kaakibat na kahulugan na maaaring bigyang interpretasyon ng mga taong na
kanyang paligid. Ekspresyon ng mukha tulad ng pagkunot ng noo at pagtaas
ng kilay.
2. Proksimika – gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa
ay may kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng
mensahe tulad ng nag- uusap na malapit ang distansya.
3. Oras (Chronemics) – oras ang pinapahalagahan sa uring ito na nahahati sa
apat: teknikal o eksaktong oras, pormal na oras o kahulugan ng oras bilang
kultura, impormal na oras o o ras na walang katiyakan at sikolohikal na
nakabatay sa estado sa lipunan at mga personal na karanasan.
4. Paghaplos (Haptics) – karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi
na maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa
paraan ng paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay
o pagbati.
5. Paralanguage – tumutukoy sa di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
6. Katahimikan – ang katahimikan katulad ng pgsasawalang kibo, pagbibigay ng
blangkong sagot sa isang text message ay maituturing na mga mensahe sa
isang akto ng komunikasyon. Ang mga ito ay mga di-berbal na komunikasyon
na ang kahulugan ay nakabatay sa pananaw ng taong tumatanggap nito
7. Kapaligiran – Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaring bigyan ng
pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin ditto. Ang pisikal na anyo ng
pagdarausan ng isang paliham ay pagpapaalala kung gaano pinaghandaan ng
tagapangasiwa ang mahalagang okasyon sa araw na iyon. Ang kaayusan ng
lugar ng pagdarausan ng Gawain ang makatutulong upang malaman kung ang
magaganap na talakayan ay pormal o impormal.

PAGSASANAY 1
Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na konsepto. Magbigay ng
ilustrasyon hinggil sa mga konsepto.

Page 7 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
1. Tsismisan at Umpukan
Tsismisan Umpukan

Ilustrasyon

2. Pulong Bayan at Talakayan


Pulong Bayan Talakayan

Ilustrasyon

PAGSASANAY 2
Komunikasyong Di-berbal: Sumulat ng talata upang mabigyan ng angkop na
pagpapaliwanag ang sumusunod na di-berbal na komunikasyon.
1. Pagkindat
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
2. Pagpapakita ng kamao
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
3. Paggamit ng bandilang pula
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
Page 8 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
4. Pagpapalaki ng mata at ilong
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
5. Pag-angat ng dalawang balikat
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
6. Pagkagat ng labi
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
7. Pagsusuot ng blusang puti
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
8. Pananahimik
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
9. Pagiging huli sa oras na pinag-usapang tagpuan
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________
10. Pagkakagulo ng tao
__________________________________________________________
__________________________________________________________
________________________________________

PAGSASANAY 3
Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali ang isinasaad ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
_____ 1. Sa anyo ng komunikasyong di- berbal nahahati ang oras(chronemics) sa tatlong
uri.
_____ 2. Ang Di-tuwirang ekspresyon ang pagpapahayag ng katotohanan kaya mayroon
tayong birong totoo, may halong hibla ng katotohanan at halos walang
katotohanan pero naghahamon o nang-uuyam o fishing
_____ 3. Proksimika ay gamit ang espasyo, pinaniniwalaang ang agwat ng tao sa kapwa
ay may kahulugan na maaaring mabuo sa pananaw ng tagatanggap ng mensahe
tulad ng nag- uusap na malapit ang distansya.
_____ 4. Mga dapat iwasan sa pulong ay bara-bara na pulong na walang sistema ang
pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang
“house rules”.
_____ 5. Ang katangian ng mabuting pagtalakay ay kaisahan at pokus na ang dalubguro
ang tagapamagitan ng impormasyon o kaisahan sa klase kung kaya’t marapat
lamang na handa siya sa pagpapanatili ng kaisahan at pokus sa klase.
_____ 6. Ang Paralanguage ay tumutukoy sa linggwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita tulad ng intonasyon, bilis at bagal sa pagsasalita o kalidad ng boses.
_____ 7. Sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis ay ang pambansang
virus ng bansa.

Page 9 of 10
NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE
Bangus Street. Corner Apahap Street, North Bay Boulevard South, Navotas City
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
WIKANG FILIPINO
_____ 8. Walang malaking papel ang pulong sa pagsasagawa ng regulasyon at batas na
nais ipatupad lalo na’t may direktang epekto ito sa mga mamamayan.
_____ 9. Mga dapat iwasan sa pulong ay pagtalakay sa napakaraming bagay hindi na
nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod
na ang isip ng nagpupulong.
_____ 10. Paghaplos (Haptics) ay karaniwang kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi
na maaaring bigyang pakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe sa
paraan ng paghaplos nito tulad ng pagtapik sa balikat na waring nakikiramay o
pagbati

Mga Larawan:
1.

Sanguniaan:
 Tanalgo, Christie T. et.al. Gabay sa Pagtuturo sa GE 105.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFil.

Inihanda ni:

MARKLOUIE G. BOQUILA, LPT, MAEd

Page 10 of 10

You might also like