You are on page 1of 5

✓ CHRISTIAN SAMARITAN HEALTH SERVICES AND TECHNICAL SCHOOL, INC.

Divisoria
Pangalan: Date: Score: Section:

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Topic: Linggwistikong Komunidad, Unang Wika, Pangalawang wika at iba pa.

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural kasaysayan at gamit ng wika sa
lipunanng Pilipino.
Pamantayang Pagganap: Nasusuri ang kalikasan gamit ang mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
wikang pambansa ng Pilipinas.
Mga kasanayang Pampagkatuto:1. Naiiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sotwasyong
pangkomunikasyn sa Radyo, talupmpati at mga Panayam F11PN-Ia-86 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika
sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. F11PS-Ib-86 3.Nagagamit ang kaalaman sa modernong
teknolohiya (Facebook, Google at iba pa) sap ag-unawa sa mga konseptong pangwika. F11PT-Id-30
Bibliograpiya: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Aralin No. 5 & 6
(Servillano T. Marques, Jr. PhD) Rex publishing House,
Robert D. Ampil
PAUNANG PAGTATAYA:
Paano ka nakikipag komunikasyon sa iyong kapwa mag-aaral, kapamilya o mga tao sa inyong pamayanan?
Ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Sumulat ng isang aktwal na pangyayari o naratib report sa iyong
pakikipagkumonikasyon sa tahanan, paaralan o sa lipunan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________.
TALAKAYAN:
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay pagsasalin, paghatid ng balita, kuro-kuro, mensahe, kaalaman o
impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan, at ediya mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa
isang patutunguhan. Ayon kay Josefina Mangahis et al. (2008), sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong
Filipino, ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na communi atus na ibig sabihin ay “ibinabahagi.” Sa
ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay magbabahagian ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang
pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat. Ang komunikasyon ay isang likas na minanang
gawaing panlipunan na nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng panahon, dahil ito ay isang prosesong
dinamiko, tuloy-tuloy at nagbabago.
MGA URI NG KOMUNIKASYON
Sa pagnanaisa ng mga tao na makipag-unawaan sa kanyang kapwa na kasama niya sa lipunang
kinabibilangan ay apat na uri ang komunikasyon ang kanyang ginagamit.
1. Komunikasyong Verbal- Uri ng komunikasyong gumagamit ng wika maaaring pasalita o pasulat.
2. Komunikasyong Exta-Verbal- Uri ng komunikasyong gumagamit ng tamang tono o tibre ng boses sa
pagsasalita o pagpapahayag ng kanyang saloobin o damdamin. Ang mababa at malumanay na tinig ay tanada
ng paggalang sa mga matatanda, samantalang ang malakas na boses, mataas na tono, at mabilis na ritmo ay
ginagamit sa pagbibigay babala o paghingi ng tulong.
3. Komunikasyong Di Verbal- Ito naman ay uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Sa halip, kilos
at galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
4. Komunikasyong Simboliko- Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay
na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao. Naipapakita
sa pamamagitan ng kasuotan o damit, alahas/palamuti ng katawan at iba pa.

Ang Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika


Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit ng wika ang Conative, Informative at
Labeling. Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-
uutos, cognative ang gamit ng wika. Nakikita rin ang cognative na gamit ng wika sa mga pagkakataong
gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao.
Maraming impormasyon din tayong nakukuha sa pagbabasa ng mga pahayagan, magasin at iba pang
babasahing nagbibigay sa atin ng mga karagdagang kaalaman. Sa mga sitwasyong gusto tayong ipaalam sa
1
isang tao, nagbibigay ng mga datos kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig
natin,

 Conative- Ito ay ang paghimok at pag impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at paki-
usap.
 Halimbawa: tuwing darating ang eleksyon n,gamitin at huwag balewalain ang isang mahalagang
pamana sa atin ng demokrasya. Piliin natin ang mga kandidatong maglingkod sa bayan.
 Informative- kung ang isang tao ay nagbibigay ng kaalaman at impormasyon. O kaya’y ikaw ay
nagibigay ng datos par mapatunayan ang iyong impormasyon.
 Halimbawa- sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW , patuloy parin ang
maraming Pilipino sa pangigibang-bayan upang magtrabaho.
 Labeling- Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.
 Halimbawa- “Impeng Negro” -Rogelio R. Sikat, “Pilosopo tasyo” – Jose Rizal

King of Comedy Fallen 44


Lasalista

Pasaway Pambansang Kamao

Queen of All Media Fashionista

Jejemon Ate Guy


Balikan ninyo ang mga salita sa loob ng kahon na binasa mo kanina. Ang mga salitang nagbabansag.
Magsagawa ng maikling pananaliksik o magtanong sa mga kakilala kung kanino madalas ipinatutungkol ang
mga bansag na ito.
1. King of Comedy Dolphy
2. Mga Pasaway __________________________________________________
3. Queen of All Media ____________________________________________
4. Jejemon _______________________________________________________
5. Fallen 44 ________________________________________________________
6. Pambansang Kamao _________________________________________________
7. Fashionista __________________________________________________
8. Ate Guy _______________________________________________________
9. Lasalista _______________________________________________________
10. Terror _______________________________________________________

PAGLALAHAT: Basahin at unawain ang mga katanungan


1. Sa iyong palagay paano mo malilinang ang iyong sariling kakayahang lingguwistiko at komunikatibo sa
pakikipagkumonikasyon sa iyong kapwa, pasalita man o pasulat?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

2. Ano-ano ang aspektong dapat isaalang-alang upang magkaunawaan ang mga taong nag-uusap?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika na conative, informative, at


labeling.
_________________________________________________________________________

2
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

PAUNANG PAGTATAYA:
Basahin ang mga sumusunod na liriko mula sa mga piling saknong ng ilang awiting Filipino.
Kumusta ka?
Ano ba’ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko’y malakas na naming kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta, mahal parin kita
-“Kumusta Ka?”
Nonoy Zuñiga
Kaytagal din nating nagkita
Ako’y nasasabik na sa’yo
Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Umulan bumagyo ayos lang,
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kumusta ka mahal ko, ayos ba?
“Kumusta Ka Na?”
Rey Valera
Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag away
Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako’y iyong irespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo
“Cotabato”
Asin
Piliin kung anong mga linya ng awit ang nagpapahayag ng Damdamin at kung anong mga linya ang
nagpapahayag ng Opinyon. Isulat sa loob ng puso ang mga linyang nagpapahayag ng damdamin. Isulat naman sa loob ng
speech bubble
ang nagpapahayag ng ipinyon.

TALAKAYAN:
Sa unang unsang taon ng paglaki ng bata, unti-unti niyang natututuhan ang wikang ginagamit ng kanyang magulang at
iba pang taong nakakasalamuha niya sa lipunang kanyang ginagalawan. Mahalagang punto ito sa paglaki ng bata
sapagkat dito niya nalilinang ang kanyang katangian. Ginagamit niya ang wika upang matugunan niya ang mga
pagangailanganng pisikal, emosyonal, at sosyal. Tinatawag din namin itong unang wika na katutubong wika at wika ng
ina. Ito ay ang tunay na wika na natututo at nagsasalita sa bahay. Sa gayon, natututo ng mga bata ang kanilang unang
wika mula sa kanilang mga magulang, lolo o lola o tagapag-alaga. Samakatuwid, natututo ng isa ang unang wika nang
walang kahirap-hirap at natural sa pamamagitan ng pakikinig sa mga magulang, at iba pang mga tagapag-alaga na
nakikipag-usap sa wikang ito. 

Sa nakaraang aralin, sinimulan mong pag-aralan ang mga gamit ng wika. Ituloy natin sa araling ito ang iba pang gamit
ng wika ayon pa rin ka Roman Jacobson. Basahin ang mga sumusunod na diyalogo.
DIYALOGO 1:
Thelma: Uy, napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin. Baka may sakit siya o baka may problema. Halika, lapitan natin siya.

3
Thelma: Sol, kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo?
Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami.
Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako kagabi sa pagsulat ng term paper
natin.
Thelma: Hay… pare-pareho pala tayon. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term paper
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol, at okey ka lang
Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa, ha.
Matutukoy mo bo ang mga gamit ng wika sa diylogo sa itaas? Balikan mo ang pahayag na ito.
“Uy, napansin mo ba?”
“Kumusta ka?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
“May problema ka ba?”
Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito. Ginagamit natin ang wika bilag panimula sa usapan.
Nagpapakita namn ng mabuting pakikipag-kapuwa tao o pakikipag-ugnayan sa kapuwa ang mga pahayag na ito madalas
kaysa hindi, nais ng bawat isa sa atin na magkaroon ng maganda at matatag na relasyon sa ating kapuwa. Karaniwang
maikli ang mga usapang PHATIC. Sa Ingles tinatawag itong SOCIAL TALK o SMALL TALK. Sa isang pag-uusap, ang
bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang Phatic.

DIYALOGO 2:
Mryna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.
Lito: Sinabi mo pa. nalulungkot talaga ako sa mga pangyayaring ‘yan
Myrna: Ako nga awang-awa sa mga namamatay ng mahal sa buhay. Lalo na ‘yung mga batang nawawalan ng magulang.
Mababasa sa diyalogong ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamino emosyon gaya ng lungkot, takot at awa. sa
araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o
emosyon sa ating kausap.
Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako, nahihiya ako, kinakabahan ako at iba pa. sa mga sitwasyong sinsabi
natin ang ating nararamdaman, EMOTIVE ang gamit natin ng wika.
Hindi naman maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling paniniwala,
pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga personal o panlipuna, nababanggit natin ang mga saloobin o
kabatiran, ideya, at opinion. Sa mga usapang ganito, EXPRESSIVE ang gamit ng wika.

MGA GAWAIN:
Panuto: Gamit ang mga piling saknong ng mga awit sa Unang Pagtataya, tukuyin kung alin sa mga linya ng awit ang
PHATIC, EMOTIVE, EXPRESSIVE.
PHATIC EMOTIVE EXPRESSIVE

Tukuyin ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na phatic, emotive, at expressive. Sumulat ng tatlong halimbawa ng
pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika phatic, emotive, at expressive.
Phatic:
1.
2.
3.
Emotive:
1.
2.
3.
Expressive:
1.
2.
3.

4
PAGTATAYA 1:
PANUTO: TAMA o MALI: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.
_________ 1. Ang wika ay mula at para sa lipunan.
_________ 2. Kailangang turuan ang mga bata ng mga paraan para sa paggamit ng wika dahil bilang mga musmos,
wala silang kakayahan na matutuhan ito nang mag-isa.
_________ 3. Walang kaugnayan ang wika sa kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa.
_________ 4. Napapalitan ng mga patakarang panggramatika ang katutubong kaalamang pangwika kapag ang isang
bata ay pumasok na sa paaralan.
_________ 5. Ayos lang na patuloy na tawaging diyalekto ang Cebuano, Bikol, Ilokano, at iba pang wika sa labas ng
Maynila.
PAGTATAYA 2: Ipaliwanag sumusunod na mga katanungan.
1. Magbigay ng dahilan kung bakit mahalagang matutuhan ng bata ang Mother-Tongue-Based Multilingual Education
(MTB-MLE)?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.
2. Magbigay ng dahilan kung bakit naipapahayag natin ang ating sarili sa pakikipagkomunikasyon lalo na sa Phatic,
Emotive, Expressive na gamit ng wika? Magbigay katuwiran.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.

PAGLALAHAT: Basahin at unawain ang mga katanungan.


1. Sa iyong palagay, nalilinang ba ng mga magulang ang pagtuturo ng wika sa kanilang anak? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.

You might also like