You are on page 1of 11

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 3:
Paghahambing ng Kultura
at Kaugalian ng mga Bansa sa Daigdig

May-akda: Aaron Paul C. Atienza


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


Aralin 1 – Paghahambing ng Kultura at Kaugalian ng mga Bansa sa Daigdig

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:

A. naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salita batay sa pinagmulan nito


o etimolohiya;
B. natutukoy ang kultura ng bansang pinagmulan ng akdang binasa;
C. naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa pinanood na bahagi nito; at,
D. naisusulat nang wasto sa pamamagitan ng isang sanaysay ang sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa
kultura ng ibang bansa.

Subukin

Lagyan ng tsek ang patlang na katabi ng bilang kung ito ay sumasagot


sa tanong na: Bakit mahalaga ang kultura ng isang bansa? At lagyan ng
ekis kung hindi.

___1. Upang maipagmalaki ang bansa.


___2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at pagbubunga nito ng
pagkakaisa.
___3. Sumusukat sa yaman ng ating bansa.
___4. Binubuo nito ang ating pagkatao
___5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.

Aralin Paghahambing ng Kultura


1 at Kaugalian ng mga Bansa sa Daigdig

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng sariling damdamin o


saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura at kaugalian
ng ibang bansa. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat
ang lahat ng gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan

Lagyan ng tsek ang patlang na katabi ng bilang kung ito ay isa uri ng
etimolohiya o pinagmulan ng salita.

___1. Pagsasama ng mga salita


___2. Hiram na salita
___3. Kasaysayan
___4. Morpolohikal na pinagmulan
___5. Onomatopoeia

Tuklasin
A. Panimula

Basahin mo nang may pag-unawa ang susunod na teksto. Tiyak na


makatutulong ang kaalamang matututuhan mo rito upang matulungan
kang masagot ang pokus na tanong kung paano nakatutulong ang pokus
na pinaglalaanan at kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at
saloobin.
B. Pagbasa

Sanaysay ukol sa Kulturang Pilipino


ni Aubrey Manahan

Ngayon, nakikita natin na lumiliit na ang mundo. Ang


pagkakalantad sa ibang kultura ay karaniwan na at hindi na imposible ang
pakikipag-usap sa mga taong nasa Pilipinas o nasa Hawaii. Pero sa kabila
nito, mayroon pa ring pagkakaiba sa mga kultura at mga hindi
pagkaunawaan. Halimbawa, mayroong pagkakaiba ang kulturang Pilipino
sa kulturang Amerikano kahit mayroong namagitang kasaysayan sa mga
bansang ito.

Mahalaga ang konsepto ng komunidad sa Pilipinas. Mas mabagal


ang takbo ng buhay sa Pilipinas kaya madaling kausapin ang mga tao.
Laging may tao na nakaistambay sa labas kaya binabati nila kung sino
man ang naglalakad para lang masimulan ang pakikipag-usap. Ang mga
pakikipag-usap ay isang paraan para magtatag ng pagtitiwala at relasyon
sa ibang tao. Iniimbitahan din ng mga tao ang mga kausap nila sa bahay
nila. Sa kulturang Pilipino, pumupunta ang mga tao sa kapit-bahay nila
para makakilala sila. Ang mga Pilipino ay isinasama ang kanilang sarili at
nakikisama bilang isang paraan ng pakikipagkaibigan. Halimbawa, natuto
tayo sa mga diyalogo natin na tanungin ang mga tao “Saan tayo pupunta?”
kahit hindi sila talagang kasama. Ganito kasi ang kasaysayan ng Pilipinas,
mahalaga ang komunidad sa mga buhay ng Pilipino dahil ang kondisyong
pang-ekonomiya ay hindi maganda.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Malaking-malaki ang pagkakaiba ng ilang aspekto ng kulturang
Amerikano kaysa kulturang Pilipino. Hindi kasinlakas ang ideya ng
komunidad sa Pilipinas. Mas sanay ang mga Amerikano na nag-iisa sila at
hindi nakikipag-usap sa tao na hindi nila kakilala. Kahit na makita mo ang
kapitbahay mo, hindi sila babati sa iba. O maikling pagbati lang na hindi
talaga kailangan ng sagot. Ang mga relasyon sa ibang tao ay mas mapili.
Mas maganda ang ekonomiya ng Estados Unidos kasya sa Pilipinas kaya
mas may distansiya sa pagitan ng mga tao. Mayroon ding konsepto ng
personal space o privacy sa Estados Unidos na wala masyado sa kulturang
Pilipino. Ang indibiduwalismo ay mas importante kaysa komunidad sa
kulturang Amerikano. Ang ideya ng paligsahan ay importante sa kulturang
Amerikano dahil sa politika at ekonomiya kaya malamang hindi masyadong
malapit ang mga tao sa isa’t isa.

Dahil lumaki ako na isang Pilipino-Amerikano, nakikita ko na


mayroong maganda sa kapwa kultura. Gustung-gusto ko na nagtuturo ang
kulturang Pilipino, na hindi ka nag-iisa at laging mayroong sumusuporta sa
iyo sa pamilya mo at sa komunidad. Gustung-gusto ko rin ang paligsahan
at pagpapahalaga sa indibiduwal sa kulturang Amerikano. Ang
pagkakagalit at salungatan sa magkakaibang mga kulturang ay nangyayari
pa rin pero iniisip ko importanteng maintindihan ng mga tao na may
pagkakaiba talaga ang iba’t ibang mga kultura. Kung igagalang ng mga tao
ang ibang kultura, mas magkakasundo ang mga tao.
mula sa:
https://www.google.com/amp/s/dcnhsmalikhaingpagsulat.wo
rdpress.com/2010/09/06/ako-bilang-isang-manunulat/amp/

C. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod na mga tanong.

1. Ilarawan ang nagsasalaysay at tukuyin kung sino siya.


2. Paano niya ipinaghambing ang dalawang kultura? Ipaliwanag
3. Maganda ba ang naging bunga sa kanya na magkaroon ng dalawang
kulturang kinalakihan? Pangatwiranan.
4. Anong damdamin ang nadama mo habang binabasa ang akda? Bakit?
5. Ano ang ibig ipahiwatig ng sanaysay sa kahalagahan ng kultura sa
pagkahubog natin bilang tao? Pangatwiranan.

Suriin

Dahil bawat tao ay nabibilang sa lipunan, ibig sabihin, nabibilang din


tayo sa kultura nito. Hinuhubog nito ang bawat indibidwal para
magampanan ang kanilang papel sa lipunan sa kanais-nais na paraan. Sa
tulong nito, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao at mas
nabubuo ang kanilang pagkatao.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Elemento ng kultura:

Ang sumusunod ay ang pito (7) sa pangunahing elemento ng kultura.

1. Kaugalian (Norms)
Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang
indibidwal kung paano siya gagalaw sa lipunan.

Apat uri ng norms:

 Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng mga
tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa
mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang kanilang mga tsinelas.

 Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan natutukoy ang
moralidad ng isang tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing
nagsisimba.

 Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung saan ang
moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na kilos.
Halimbawa, pagsuot ng maikling shorts kapag magsisimba.

 Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan para
sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at nakasulat
sa konstitusyon.

2. Pagpapahalaga (Values)
Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan kung ano ang mga
gawaing katanggap-tanggap at ano ang mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan
din ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong mga kilos ang mabuti at
nararapat. Halimbawa, ang pagmamano ng mga bata sa nakakatanda.

3. Paniniwala (Beliefs)
Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na tinatanggap sa lipunan
bilang totoo. Halimbawa, ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga
Albularyo.
4. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay na nagbibigay ng
kahulugan. Maari din itong paggamit ng di-berbal na komunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng kahulugan ang isang bagay kahit
hindi ito gamitan ng wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng kahulugan ay
ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin
tayo sa ating mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng simbolo na
gumagamit ng hindi berbal na kumunikasyon ay sign language at pagkumpas
(gestures).

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
5. Wika (Language)
Ang wika ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang wika ay
maaring nasa anyo ng sulat o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat
sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat
indibidwal.

6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)


Ang sining at panitikan ay ang produkto ng imahinasyon ng mga tao. Sa
pamamagitan ng dalawang ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang
emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan. Mahalaga ang sining at
panitikan sa kultura sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa
ng mga naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.

7. Relihiyon (Religion)
Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga tao sa mga
ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari, partikular na sa mga Diyos. Sa ibang
lugar, ito ang nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang kanilang
kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala. Ang halimbawa ng relihiyon ay
Hudaismo, Kristiyanismo, Islam at iba pa.

Dalawang uri ng Kultura


Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay ang materyal at hindi
materyal na kultura. Ang dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.

 Materyal na Kultura
Masasabingg ang materyal na kultura ay mga bagay na makikita mo sa
iyong paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan. Ilang
halimbawa nito ay mga gusali o arkitektura, mga likhang sining, mga kasuotan,
kagamitan, at iba pa. Maari bang ding sabihin na ang pagkain ay isang materyal
na kultura sapagkat ito ay masasabing nagpapakita kung anong paniniwala o
mismong kultura ng isang pangkat o grupo ng mga tao.
 Di-materyal na Kultura
Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nahahawakan ngunit
maaring maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong paligid. Kabilang dito ang
mga ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at norms ng isang lupon ng mga
tao. Halimbawa sa di-materyal na kultura ay ang paniniwala ng isang tribo sa
mga anito o sinasabing diyos-diyosan.

Kahalagahan ng Kultura
 Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao.
 Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng pagkakaisa.
 Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga
talento.
 Binubuo nito ang ating pagkatao
 Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.

Konklusyon
Sa pangkalahatan, ang kultura ay ang pamamaraan ng pamumuhay ng
mga tao sa isang lipunan. Ang mga pangunahing elemento nito ay
ang kaugalian, pagpapahalaga, paniniwala, simbolo, wika, sining at panitika
nat relihiyon. Nalaman din natin na mag dalawang klasipikasyon ang kultura;
Ang materyal at di-materyal.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Pagyamanin

Pagsasanay 1: Magtala ng mga kinikilalang kultura ng iba’t ibang bansa sa


mundo at tukuyin ang dahilan ng pagkilala dito.

BANSA KULTURA BAKIT KINIKILALA

Pagsasanay 2: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Wikang Bisaya

Ang mga wikang Bisaya, ayon sa larangan ng dalubwikaan, ay


kasapi ng pamilyang Gitnang Pilipino ng mga wika kung saan kabilang din
ang Tagalog at Bikol. Karamihan sa mga wikang Bisaya ay sinasalita sa
Kabisayaan ngunit sinasalita rin sila sa Bikol (partikular sa Sorsogon at
Masbate), sa mga pulo sa timog ng Luzon tulad ng mga iyong mga
bumubuo ng Romblon, sa hilaga at kanlurang mga bahagi ng Mindanao, at
sa lalawigan ng Sulu sa timog-kanluran ng Mindanao. Ilan ding mga
residente ng Kalakhang Maynila ang nagsasalita ng Bisaya, at ang
karamihan ay nakauunawa sa iba’t ibang digri dulot ng pamamayani rito
ng mga Bisaya.
Mga higit 30 wika ang bumubuo sa pamilyang Bisaya. Ang wikang
Bisayang may pinakamaraming tagapagsalita ay ang Cebuano, sinasalita
ng 20 milyong tao bilang katutubong wika sa gitnang Kabisayaan at sa
hilaga at silangang mga bahagi ng Mindanao. Dalawa pang mga
nangungunang wikang Bisaya ay ang Hiligaynon, na sinasalita ng 7 milyon
sa kanlurang Kabisayaan, at ang Waray-Waray, sinasalita ng 3 milyon sa
silangang Kabisayaan.
Maliban sa pagtukoy ng kani-kaniyang wika gamit ang mga lokal
na pangalan, tinatawag din ng mga Bisaya, tulad ng mga Sugbuanon,
Hiligaynon at Waray-Waray, na Bisaya o Binisaya ang mga wikang Bisaya.
Subalit may kaakibat itong kabulaanan at pagkalito dahil ang iba't ibang
mga wikang itong gamit ng samu't saring etnolingguwistikong pangkat ay
may pagkakaibang istruktural (Ingles: mutual intelligibility). Sa kabilang
dako, ang mga nakasailalim sa pamilya ng mga wikang Bisaya ngunit ay
taal na ginagamit sa labas ng Kabisayaan ay hindi tinatawag
na Bisaya o Binisaya ng mga nagsasalita nito. Higit pa, ang
ngalang Bisaya para sa mga nagsasalita ng mga tulad
ng Butuanon, Surigaonon at Masbatenyo ay tumutukoy sa mga Sugbuanon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Habang ang wikang Tausug ay kasapi ng pamilya ng mga wikang Bisaya,
hindi ito kinikilala ng mga tagapagsalita nito bilang Bisaya, sapagkat ang
ibig sabihin ng salitang Bisaya sa Tausug ay Kristiyano partikular na ang
mga katabing Sugbuanon at Hiligaynon.
Sa ngayon, wala pang katiyakan sa pinagmulan ng
pangalang Bisaya. Gayunman, mayroon ding pangkat-etnikong
naninirahan sa mga bahagi ng Borneong sakop ng Malaysia na katukayo
ang mga Bisaya ng Pilipinas.
Naglahad si David Zorc ng internal na klasipikasyon ukol sa mga
wikang Bisaya (Zorc, 1977:32). Ang limang pangunahing sangay ay Timog,
Cebuano, Gitna, Banton at Kanluran. Subalit inilinaw ni Zorc na ang mga
wikang Bisaya ay mas nararapat na ituring na isang diyalektong
kontinyuwum (Ingles: dialect continuum) imbis na isang hanay ng mga
magkakabukod na wika. Sinasabing ang mga wikang Timog Bisaya ang
kauna-unahang humiwalay sa pangkat na siyang sinundan ng Cebuan
hanggang sa sumunod ang tatlo pang sangay. Sa mga pulong Kabisayaan,
ang lalawigan ng Romblon ang pinakadibersipikado pagdating sa mga wika
dahil tatlong kasapi ng mga sangay ay sinasalita rito.
Sagutin nang pasalita ang sumusunod na mga tanong:

1. Saan kabilang ang wikang Bisaya kasama ang Tagalog at Bikolano?


2. Ilan ang wika na bumubuo sa pamilyang Bisaya?
3. Saang panig ng Pilipinas mas marami ang gumagamit ng wikang Bisaya?
4. Ilan ang bilang ng mga nagsasalita ng wikang Bisaya sa Pilipinas?
5. Sa iyong palagay may malaki bang bahagi ang pagkakaiba ng mga
salita sa ating bansa? Pangatuwiranan.

Isaisip

Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral


ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo
at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.
Para sa mga wika na may napakahabang nakasulat na
kasaysayan, ang mga etimoloho ay gumagamit ng teksto ng mga wikang
ito, at mga teksto tungkol sa wikang ito, para makakuha ng kaalaman
kung paano nagagamit ang mga salita noong sinauna, at kung kailan
ang mga salita ay naging bahagi ng isang wika. Ang mga etimoloho ay
gumagamit ng proseso ng komparatibong lingguwistika para makagawa
ng mga direktang koneksiyon sa inang wika nito. Sa ganitong paraan,
ang mga salitang ugat ay puwedeng makuha ang pinanggalingan,
halimbawa na lang, ang pamilyang Indo-Europeo.
Kahit na ang mga etimolohikal na saliksik ay galing sa
mga pilohikal sa gawain, ngayon karamihan ng mga etimolohikal na
pananaliksik ay ayn sa mga mga pamilyang wika na kung saan maliit na
impormasyon lang ang makukuha, gaya ng Ularic at Austronesyo.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Isagawa

Sumulat ng sariling sanaysay na may hawig at paghahambing sa


binasa sa itaas na tumatalakay sa kulturang pinaniniwalaan ng iyong
angkan/pamilya na humubog sa iyong pagkatao. Malaya ka sa pagbuo ng
sariling pamagat. Sundin ang mga hakbang sa pagsulat ng sanaysay at
gamitin ang mga kinakailangang elemento.

Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ------------------------------------------- 20 puntos
Orihinalidad -----------------------------------------10 puntos
Mensahe----------------------------------------------10 puntos
Paraan ng paghahambing--------------------------10 puntos
Kabuoan----------------------------------------------50 puntos

Tayahin
Bigyang buhay ang isinulat na sanaysay sa pamamagitan ng
masining na pagsasalaysay. Irekord ang pagsasalaysay. Unawain ang mga
pamantayan sa pagmamarka upang magkaroon ng gabay sa pagsasalaysay.

Batayan sa pagmamarka:

Kakayahan sa pagbigkas ———————————--————- 20


Nilalaman at kaayusan ng lohika ng mga pangyayari ——-- 20
Kakayahan sa pagbabago ng boses ————————---—— 15
Kahusayan sa pagbibigay buhay tauhan------------------------ 25
Kakayahan sa panghihikayat sa kawilihan ng nakikinig----– 20
Kabuoang puntos —————— 100

Narito ang isa pang gawaing magpapahusay sa iyong kasanayan.

Pumili ng isang kultura sa ibang bayan na kinikilala mo. Sa


pamamagitan ng isang maikling sanaysay, ipaliwanag kung bakit mo ito
napili. Ihambing mo rin ito sa ibang kultura sa alinmang bansa sa daigdig.
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sanaysay.

Hanggang dito na lamang ang araling ito. Sana ay nadagdagan ang


iyong kaalaman. Maligayang pag-aaral sa iyo!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

https://www.paanohow.com/edukasyon-at-pag-aaral/paano-gumawa-ng-
sanaysay/

https://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT/

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kahulugan-kultura-elemento-
uri/Featured image – Designed by FreePik

www.slideshare.net/mobile/jaredram55/kultura-77782879

https://www.slideshare.net/mobile/jazzdaweyur/kultura-101235775

https://www.cliffsnotes.com/study-guides/sociology/culture-and-
societies/cultural-norms Modyul para sa Mag-aaral sa Filipino 10

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aaron Paul C. Atienza (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like