You are on page 1of 5

PERSPEKTIBA NG ARALING PILIPINO

Mga Pananaw at Lapit sa Araling Pilipino

Aralin 1: Araling Pilipino sa Panahon ng Neoliberal at Artipisyal na Pilipino


ni Prof. Mykel Andrada

Araling Pilipino sa Panahon ng Neoliberal at Artipisyal na Pilipino


Neoliberal/Neoliberalismo
 Hinahayaan ang pag laganap ng pribadong sektor
 Modernong panahon
.
 Globalisasyon
-Malayang pagpasok hindi lamang sa produkto kalakalan kundi sa ugnayan at
pagkakaroon ng malayang pagpasok kaisipan at pananaw na nagiging dahilan kung bakit
nagkakaroon ng artipisyal na Pilipino

Artipisyal na Pilipino
 Pilipino pero hindi by heart.
 Naaapektuhan ang pag-iisip at nailito dahil sa mga kinamulatan
 Naimpluwensyahan ang pagkatao ng ilipino sa kilos, isip, salita at iba pa.

Oryentasyon at Kasaysayan
Isang napakalaking hamon para sa bawat Pilipino na bigyan ng isang kongkretong
kahulugan ang Araling Pilipino. Tumutukoy ito sa napakalawak na pag-aaral hinggil sa
kultura,
wika, panitikan, at lipunan ng mga Pilipino gamit ang mga paraang interdisiplinarya sa
kasaysayan, antropolohiya, arkitektura, araling sining, lingguwistika,araling islam,
ekonomiya, pilosopiya, musika, panitikan, sosyolohiya at iba pa.
Kaya naman mahalagang maging pundasyon ito ng bawat Pilipino sa kritikal na
pagsusuri sa lipunang ginagalawan. Ito ay sama-samang pagtuklas, pagsubok na
maipaliwanag at mapaunawa ang
esensiya ng Araling Pilipino sa ating lahat. Ngayon at higit kailanman, sa panahon na
kinikitil ang
Filipino at Panitikan sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.
A – Akademikong Disiplina P – Panlipunang Uri at Ekonomiya

R – Reaksyon sa Kolonyal na I – Imperyalismo ang Kalaban

Oryentasyon sa Edukasyon L – Lahi at Etnisidad

A – Agham (Siyentipiko) I – Identidad

L – Linang (Kalinangan) P – Progresibo

I – Indihenisasyon I – Interdisiplinaryo

N – Nasyonalismo (Makabayan) N – Nagpapalaya o Mapagpalaya

G – Gender at Seksuwalidad O – Organisado

Bakit Hindi Paksaing Filipino?


Bienvenido Lumbera
Ipinapakita sa unang bahagi ng talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera na may pamagat na
“Bakit Hindi Paksaing Filipino?” na may indibiduwalismong kulturang namamayani; na higit 
kulturang Pilipino na higit na pinapahalagahan ang kulturang kolektibo. Isang patunay rito ang
wikang Filipino, mga salitang halimbawa ay kapuwa, tayo, at iba pa.
Re-edukasyon, hindi ito tumutukoy lamang sa pag-aaral muli. Ito ay pagsasaayos ng
sistema ng edukasyon. Kailangan ng re-edukasyon, kailangan ng paglalapat ng mga aralin sa tunay
na pangyayari sa buhay ng Pilipino.
Sa gayon ay higit na tatangkilikin, mamahalin, at papaunlarin ang wika, kultura, at lipunang
Pilipino na siyang bubuhay sa pusong nasyonalismo. Ito ang magbubunsod ng malaking
pagbabago sa buhay ng isang indibiduwal at kalagayan ng bayan.

 1959- panahon o taon nagsimula ang re-edukasyon ni Bienvenido


(bilang isang intelektuwal)
 Binigyan diin ang nasyonalismo sa pagkakaroon ng matatag na bansa
 Pagkakaroon ng indibidwalismo

Mga hamon sa pagtuturo gamit ang lenteng Araling Pilipino


 Kalituhan sa identidad
-Korean Culture ( Samgyupsal )
 Lumalalang neoliberalisasyon sa edukasyn
-Pagpapahalaga sa wika
Nahahatak ang mga tao na
 Fake News paniwalaan ang impormasyon at ma
rebisa na nakakaapekto bilang isang
indibidwal na pilipino
 Historical Revisionism

Paano makabuo ng nasyonalismong bansa

1. Pagwawaksi sa mga kaisipang banyaga; Imperyalistang bansang Amerika.


2. Pag tuunang pan sin ang sining.
3. Pag tatag ng panibago at makaPilipinong kultura para sa isang progresibong
bansa.
4. Pag tuunang pansin ang literatura.

Kultura
Isang komplikadong konsepto ang kultura na kayang makapag-impluwensya sa bawat aspeto
ng ating pamumuhay, lingid man ito sa ating kaalaman o hindi. Sa biswal na pagtingin ng kultura,
higit na nakikita natin ang dulot nito sa paraan ng pagbati sa isa’t isa; mga tradisyong sinusunod
kapag may pagdiriwang; mga pagkain at marami pang iba. Sa kabilang banda, makikita rin sa ating
mga paniniwala, kaugalian at pananaw ang kulturang namamayani sa atin. 

Marami nang nagtangka at nagtatangka pa rin na bigyan ng kahulugan ang kultura. 


Kadalasan ng pagsasalarawan nito sinasabing ito ay isang sistema ng kaugalian at paniniwala na
ibinabahagi natin sa iba, ito ang nagbibigay sa atin ng pakiramdam na tayo ay kabilang sa pangkat o
pagkakaroon ng pagkakakilanlan. 

Ang kultura ay binubo ng mga elemento tulad ng kasaysayan, relihiyon, wika, tradisyon,
halaga, paniniwala at kaugalian. Kahit sa murang edad ay naipapasa na ito at patuloy pa sa pag
usbong. Tinutukoy nito kung sino at kung paano tayo dapat kumilos, kahit pa hindi pa ganap ang
pakikipag-usap ay naunawaan na natin ang isa’t isa. 

*Diverse culture/Multiculture

Pakahulugan ng kultura mula iba’t ibang larang


Gerald Hendrik Hofstede
 Social Psychologist (Sokolohiya)
 Pananaliksik sa Cross-Cultural
“Isang kolektibong pagprograma ng isip kung saan nakikilala ang kasapi ng isang pangkat ng
tao mula sa isa pa.” 
*Nakagawiang Gawain
Haimbawa: Pagtawag ng Ate/Kuya kahit sa di kakilala.
John Mole
 Maunulat ng panitikan na pambata
 Isyung panitikan na may kaugnyan a rin sa bata
“Ang kultura ay kung paano ginagawa ang mga bagay sa paligid nito.”
Halimbawa: Kangay ( Shawie), pag mamano,

Shalom Schwartz
“Ang kultura ay isang paniniwala, kasanayan, simbolo at kaugaliang  naganap sa mga tao sa
isang lipunan.”
Halimbawa: festival, pamahiin, po at opo, “eka”
Linguistic Relativity
= Katawagan sa kadalasan na mga nagagawa o nadidinig sa paligid
Saphir and Whorf
= Malaki ang epekto ng kapaligiran sa pagbubuo ng isang wika.

Alfonsus Trompenaars
“ang kultura ay isang buhay na proseso ng paglutas ng mga  problema ng tao sa pamamagitan
ng pakikipag-ugnay , oras, at kalikasan ng tao.”
Halimbawa: Bayaniha

Tatlong gamit ng kutura Man Developed three words from


culture
1. Upang makasanayan ( pag
gamit, maisapraktika ) 1. Colonus
2. Upang bigyan ng mataas na 2. Cultus
pagkilala ( gampanin sa 3. Cultura
pagpapakilala )3. Upang
pagyamanin 
Hindi sa Pilipinas nagmula ang salitang “KULTURA”. Ang kultura ay nagmula sa salitang Colere
na nagmula sa salitang Latin. Ang katumbas nito sa Pilipinas ay kalinangan/linang o
kabihasnan/hasa.

Kultura ay makikita sa ating mga: 


• Gawi  • Pagkilos 
• Kaisipan  • Tradisyon 
• Panitikan  • Paraan ng pamumuhay 
• Kumbensiyon  • Wika 
• Pananamit 
Bugtong
“Mapuputing dalaga, nagtatalik sa Lila”
-Kerisol
-Melting Pot
-Ampaw (Popped Rice)

Ang tao ang lumilikha ng Wika, Panitikan at Kultura

sapagkat siya ang nakikipag ugnayan, sa pakikipag-ugnayan ay kinakailangan ang


komunikasyon na maaaring makikita sa kilos o sa mga tunog. Ang mga tunog ay siyang tinawag na
ponolohiya na kapag pinagsama-sama ay nakakabuo ng mga salita at/o nakabubuo ng wika. 
Sa pamamagitan ng wika naipapahayag natin ang kaisipan at damdamin natin na maaaring 
bumuo ng isang panitikan. Makikita natin sa wika at panitikan ang kulturang namamayani rito.  Tao
ang bumubuo ng kultura, siya ang nagtatakda ng mga dapat at hindi dapat, mga bagay na tama o
mali, mga pananaw at paniniwala sa buhay at marami pang iba.

Lumalago ang kultura sa mga paraang tulad nito: 


• “Namamana” o naipapasa mula sa praktika (practice)
• Nababago at napapaunlad
• Nagagamit bilang kasangkapan ng nang-aapi at nagsasamantala o ‘di kaya ay bilang
kasangkapang panlaban ng inaapi at pinagsasamantalahan
• Hindi lamang instrumento kundi buhay na praktika at teorya ng pagbabagong panlipunan

You might also like