You are on page 1of 5

ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA

MAKABAGONG HENERASYON

EIREEN NICOLE F. ERENETA


11-STEM A
PANIMULA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkaisa ng mga


mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto ng bansa.

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang


pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan
ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng
isang bansa, maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-
komunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya,


lalong lalo na ang patungkol sa ating wika. Nagkaroon ng mas maraming barayiti
ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad
nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki”, na kadalasang tinatawag na “beki
language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong ito,
lalong lalo na sa mga kabataan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at


nagbabago. Gumagamit na din tayo ng iba’t-ibang paraan upang mas mapaikli ang
pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng
bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na
nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.
Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa
pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na
ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas magandang
bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng
mga balbal na salita, ito ang pinaka-mababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang kahalagahan ng wikang


Filipino sa mga kabataan ng makabagong henerasyon. At sila ay tinatanong ng
mga sumusunod na katanungan:

1. Mahalaga ba ang wikang Filipino?


2. Ginagamit moba ang wikang Filipinoo ngayon?
3. Bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki mob a ang wikang iyong kinagisnan?
4. Tama bang alisin ang wikang Filipino sa ating bansa at palitan ng wikang
Ingles?
5. Sinasabing wikang Ingles ang mas ginagamit ng karamihan dahil ito sa ay
pangkahalatan, nanaisin mo bang gamitin parin ang wikang Filipino?
6. Ikinahihiya mo ba na ikaw ay isang Pilipino at ang wika mo ay Filipino?
7. Bilang nabibilang sa makabagong henerasyon, alin ang mas komportable
mong gamitin sa pakikipag-usap? Wikang Filipino? O Wikang Ingles?
8. Sang-ayon ka ba na patuloy na itutro sa paaralan ang wikang Filipino?
9. Ang paggamit ba ng wikang banyaga ay masasabing indikasyon ng matataas
na karunungan?
10. Nakatutulong ba sa mga kabataan ngayon ang patuloy na paggamit ng
wikang Filipino?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa, maging ng tao sapgkat ito
ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-
talastasanng bawat mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala
ito ang mga tao ay hindi nagkakaisa at nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na
ito ay pakinabang sa mga sumusunod:

1. SA MGA MAG-AARAL – Ang pag-aaral na ito ay makatutlong sa kanila na


malaman kung paano uunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita
na kanialng kailangang gamitin na makatutlong din sa ikatatagumpay ng
kanilang pag-aaral.
2. SA MAMAMAYAN – Ang pa-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng
kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung papaano ito makakatulong
sa pag-unlad ng pamamayanan.
3. SA MGA SUMUSUNOD PANG HENERASYON – Ang pag-aaral na ito ay
maaari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila na ideya tungkol sa
wika sa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang kahalagahan ng


wikang Filipino sa makabagong henerasyon na kasama sa pag-aaral ay ang
mga kabataan na nabibilang sa milenyals. Random sampling ang nangyaring
pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok sapagkat ninais ng mga
mananaliksik na makakuha ng datos ukol sa presepsyon ng mga kabataan
patungkol sa nasabing paksa.
DEPINISYON/KAHULUGAN/TALASALITAAN

MILENYALS – (kilala din sa katawagang Ingles na Millennials,


Generation Of Miracles, Generation Me, Kuruko at Peter Pan Generation).
Ay isang demograpikong kohort na sinundan ang Henerasyong X. walamg
tiyak na panahon kung kalian nagsimula o natapos ang henerasyon na ito;
karaniwang ginagamit ng mga demograpo at mga mananaliksik ng unang
bahagi ng dekada 1980 bilang simula ng mga taon ng kapanganakan at ang
kalagitnaan ng dekada 1990 hanggang unang bahagi ng dekada 2000 bilang
katapusan ng mga taon ng kapanganakan.

EKONOMIYA – Ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang


bansa o ibang pook: ang trabaho, puhunan, at mga piangkukunang lupain
at mga pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at
konsumpisyon ng mga kalakal at serbisyo ng pook na ito. Ang isang ibinigay
na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong
teknolohikal na ito. Kasaysayan at panlipunang organisasyon gayundin ang
heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya
bilang mga pangunahing paktor.

HENERASYON – Salinglahi; Mga taong ipinanganak at nabubuhay sa


iisang panahon; Angkan; Propagasyon ng nabubuhay na nilalang
(procreation); Isang na-develop na bagay (teknolohikal).

ARKAYK – Ay lumang Tagalog na ginagamit. Bago ang paggamit ng


Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng
tagalog gayunin din ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi
na ganoong ginagamit sa kasalukuyang panahon.

You might also like