You are on page 1of 3

Pamagat: Tatsulok

Manunulat: Noel Cabangon


Uri ng panitikan : Awitin/Musika
Tauhan:
Totoy- ang protaganista ng awitin

Buod

Hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t mas marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok
At sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Ang “Tatsulok” ay orihinal na inawit ng grupong Buklod at inilabas itosa panahon


ng Total War Policy ni Pangulong Corazon Aquino. Ang “all-out-war policy” na ito
ni Aquino ang susugpo sa mga rebelde subalit sarebolusyon ay may mga nadamay
na sibilyan.Ang kantang ito ay nagsasalaysay tungkol sa away-militar at ang
ugatng mga pag-aaway sa ating bansa.Noong sumisikat pa lang ang kantang ito,
ang ala-ala ng mga anti-communist vigilante groups ay sariwa pa sa isipan ng mga
tao, lalo na sapagsulpot ng ibang grupo gaya ng Alsa Masa at iba pang “death
squads”.Parehong insidente ng death squads ang lumaganap kasabay ng
extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Ang mganapatay na
ito ay binansagang: “NPA Supporters”.Sa bandang huli, sinasabi ng kanta sa atin
na ang pagtatalo ay hindilamang sa pagitan ng NPA at ng rehimeng Aquino noon
(pula’t dilaw). Ang ugat ng pagaaway-away na ito ay kahirapan, ang “social
pyramid”.

Teorya:
Sa awit na "Tatsulok" makikitaaaan ito ng isang marxismong usapin. Hinggil sa
nahimigang liriko, malalaman na ang paksain ng kanta ay napapatungkol sa
nangyayaring agwat ng mga mamamayan sa ating lipunan; ang mayaman at
mahirap. Sa Marxismong usapin, tintalakay at tinutuligsa ang mga namamayaning
antas, o mga naghaharing uri kung tawagin at ang palaki nang palaking agwat nito
mula sa mga naghihirap na pangkat at siya namang matagumpay na naiparating
ng mga manunulat at mangaaawit. Hinihimok din nila ang mga tao na balikatrin
ang tatsulok. Isang tauhan mula sa nasabing awit, ay si "Totoy". Siya ay
sumisimbolo ng mga ordinaryong mamayan sa ating bayan. Buhad nito, siya ay
ginamit na representasyon ng isang mamamayang Pilipino, na binabalaan sa mga
nangyayaring isyung panlipunan tulad na lamang ng (Extra Judicial Killings,
Kahirapan at ang paglaki ng agwat ng mahirap sa mayaman) upang mag-ingat at
iligtas ang sarili kung kinakailangan.

Simbolismo
Totoy
Ang salitang totoy o ang karkter na totoy sa kantang 'tatsulok' ay sumisibolo sa
mga mamayang pilipino o ordinaryomg tao.

Tatsulok
Ang tatsulok ay sumisimbolo bilang instrakturang panlipunan. Ang Istrukturang
Panlipunan o Social Structure ay relasyon ng mga taong bumubuo ng isang
lipunan. Ito ay ang ayos ng mga institusyon at interaksyon ng mga tao na
namumuhay sa lipunan.

Pula 't dilaw


Ang pula't dilaw ay sumisimbolo sa dalwang karakter. Ang pula ay sumisimbolo sa
mga npa at ang dilaw naman ay sa rehimeng aquino.

You might also like