You are on page 1of 5

Aida I.

Imam BSED FIL-2B

Bb. Ma. Kristel J. Orboc October 14, 2019

Kasama kang Tumanda

Ni: Daniel Padilla

Itong awiting ito


Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda

Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ibibili ng balot
Pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Sasamahan kahit kailanman


Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Loves na loves parin kita


Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw
Ang pinakamaganda
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda

I Wanna Grow Old With You

By: Adam Sandler

I wanna make you smile whenever you're sad


Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches


Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let you hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink


Put you to bed if when you had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you
Ipakumpara ang salin sa orihinal at ipatala an mga obserbasyon sa mga sumusunod.

●Kabuuang naratibo (naratibong nabuo/dramatikong sitwasyon).

- Ang orihinal na kanta “ I wanna grow old with you” ay Nagpapakita ng lubhang pag-
ibig sa kanyang minamahal na kung saan isinalaysay niya sa kanyang awitin ang mga
bagay na kaya niyang gawin para sa kanyang iniibig. Nakasulat sa lirika ng kanta ang
mga bagay na handa siyang gawin alang-alang lamang sa kanyang minamahal, kagaya
lamang mga sumusunod; “Carry you around when your arthritis is bad, I'll get your
medicine when your tummy aches” at iba pa. Sinasabi sa kanta na “I could be the man
who grows old with you” na kung saan ipinapahiwatig ng kumunta na maaring siya ang
makasama nito sa pagtanda dahil handa siyang pagsilbihan ito. Samantala, ang salin
na kanta “ kasama kang tumanda” ay may pagkakatulad sa kahulugan sa orihinal na
kanta nito na kung saan nakasaad din sa lirika ng kanta ang mga bagay na kanyang
kayang gawin sa kanyang iniibig at parang hinihikayat niya ito na sagutin ng kanyang
minamahal sapagkat kaya niyang ibigay ang buong puso niya makasama lamang niya
ito sa pagtanda.

● Detalye ng naratibo( pagsusuri sa bawat linya at saknong)

Ang orihinal na kanta “ I wanna grow old with you” ay may limang saknong at ibaiba ang
sukat sa bawat linya nito. Samantala, ang salin nito sa Filipino ay ganun din, iba-iba ang
sukat ng bawat linta at saknong ngunit may tugmaang nagaganap dito.

Ang unang saknong at linya ng orihina na kanta ay nagpapahiwatig na handa siyang


alalayan ang kanyang minamahal sakaling maymaramdaman itong masakit at handa
siyang paligayahin ito makasama lamang siyang tumanda, ganun din sa salin nito sa
Filipino sa ikalawang saknong.

Ang salin sa Filipino ay nagkaroon pagdadagdag ng isang mensahe o saknong na kung


saan iniahhandog niya ang kanyang kanta para sa kanyang minamahal.

Ang ikalawang saknong sa orihinal na kanta at ikatlong saknong sa salin ng kanta ay


may pagkakatulad sa nais iparating ng bawat mangangawit at tanging pagkakaiba ng
dalawa ay ang mga binaggit lamang na karamdaman at gamot na kaya niyang bilhin
kung sakaling makaramdam ng sakit ang kanilang minamahal.

Ang ikaapat na saknong sa orihinala na kanta ay nagapapahayag ng subrang


pagmamahal sa kanyang minamahal. Habang ang ikaapat na saknong sa salin ay
nagpapahiwatig na handa siyang makasama at samahan ang kanyang minamahal kahit
saan at magpakailanman.
Ang ikalimang saknong sa orihinal ay nagpapahiwatig na hindi niya kayang mabuhay ng
wala ang kanyang iniibig at handa siyang ibigay ang lahat ng mga pangangailan nito.
Ang ikalimang saknong sa salin naman ay nagpapahiwatig na kahit anong mangyari ay
ang babaeng kanyang minamahal lamang ang pinakamaganda sa kanyang paningin.
Iba-iba ang pagpapakahulugan ng dalawa.

Ang pinakahuling saknong ng dalawang kanta ( orihinal at salain) ay may pagkakaiba


rin sa kahulugan o nais iparating ng bawat mang-aawit. Ang orihinal ay handa siyang
pagsilbihan ang kanyang minamahal, samantala, ang salin ay kikumbinsi niya ang
babaeing kanyang minamahal na sana sagutin siya nito dahil handa siyang ibigay ang
lahat para lamang sa kanya.

● Nabuong katangian pagkatao ng naghahayag ng awit ( persona).

Malumanay ang bawat boses ng dalawang mang-aawit na may kasamang emosyon sa


bawat linya ng kanta na kanilang kinakanta. Parehong nanghihikayat ang liriko ng
kanilang kanta at ang tinig ng boses ng bawat isa.

●Pananalinghaga sa loob ng awit.

Ang orihinal na kanta at ang salin ay gumamit din ng matalinghagang salita kagaya ng
“Build you a fire if the furnace breaks”, habang sa salin naman ay “ Humigit kumulang di
mabilang, Umabot man tayo sa three thousand one” walang nakapaloob sa dalawang
kanta na matalinghaga na may pagkakatulad sa kahulugan. Ang mga matatalinghagang
linya na ito ay nakakatulong upang mas maging kawili-wili ant kaakit –akit ang isang
kanta o sulatin sa makikinig at mambabasa.

●Ritmo o sukat ng kumpas.

Ang dalawang kanta ay parehong mababa ang tinig ng kanilang boses sa pag-awit ng
kanta kaya sila ay nabibilang sa “ Bass” na uri o saklaw sa kategorya ng pagkanta. Ang
ritmo at sukat ang nagbibigay ng buhay sa kanta, dito nakasaad kung paano kantahin
ang isang piyesa kdalasan itinuturing din itong tagasukat ng isang kumpas ng kanta.

●Kabuuang kahulugan ng orihinal at salin.

Ang orihinal at salin na kanta ay parehong nagpapahiwatig ng pag-ibig sa kanilang


iniibig. Nakasaad sa liriko ng kanta ang mga bagay na handa silang gawin para sa
kanilang iniibig. Handa silang pagsilbihan at ibigay ang lahat alang-alang lamang sa
kaligayahan ng bawat isa.

You might also like