You are on page 1of 1

Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon.

Tingnan ang Pag-IBIG Fund para


sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya
("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang
masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng
emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal
na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito
sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol
din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.
Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo
ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

You might also like