You are on page 1of 1

Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon.

Tingnan ang Pag-IBIG Fund para


sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya
("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang
masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng
emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal
na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito
sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol
din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.
Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo
ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.
awat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating kakulangan.
Isang taong magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog pa
natin ang ating pagkatao. Taong magiging dahilan para lubusan natin maunawaan ang tunay na
kahulugan ng salitang "kaligayahan". Ngunit masasabi ba nating pagdating sa pag-ibig ay puro na
lang kaligayahan? Hindi ba't darating din ang oras na kailangan mo ring masaktan. Ito ay pagkabigo
sa ating buhay na hindi natin inaasahan na magdadala sa atin ng labis na kalungkutan. Bahagi na
ito ng ating buhay. Gaano man kasakit, gaano man kasaklap, tanggapin na lamang natin at matuto
tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Ikaw, nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? O di
kaya'y nakasakit ka na ba ng damdamin ng iba?Marami na akong narinig na kwento ukol sa pag-
ibig ng iba. Kadalasan nagiging saksi pa nga ako ng pagmamahalan nila. Masaya, nakakakilig,
minsan pa nga ay nakakainggit. Hindi ba tunay naman? Nakakainggit yaong mga magkasintahan na
wagas kung magmahalan,magkatampuhan man o dumating man ang puntong puro na lang away,
ay pinaninindigan pa rin nila ang pangako nlang hindi nila iiwan ang isa't isa. Mayroon din namang
mga tao na sa una ay sawi na makahanap ng taong tunay na magmamahal sa kanila. May mga tao
namang takot na masaktan at lumuha kaya't pinipili na lamang nila na huwag na lamang
magmahal. May mga nagpapakamartir din, na kahit ilang beses pa silang lokohin ay handa pa rin
niyang patawarin. Hindi rin mawawala na sa kabila ng mga taong tunay na nagmamahal ay mga tao
ring walang ginawa kundi paglaruan ang pag-ibig. Ito ay ang mga taong wala ng ginawa kung hindi
magpa-asa at manggamit. Bakit ba nauso pa ang panloloko? At bakit may mga taong napakahilig
manloko? Ikaw saan ka kabilang dito?Alam ko mayroon tayong iba't ibang istilo sa pagmamahal.
Yung iba todo effort mapatunayan lang kung gaano niya kamahal at kung gaano kahalaga sa kanya
ang isang tao. Yung iba ay dinadaan na lamang sa biro. Meron din namang torpe at hanggang
sulyap lamang dahil wala siyang lakas na loob upang maipahayag ang kanyang tunay na
nararamdaman. May mga taong sobrang agresibo na ang gusto ay makuha agad ang loob ng
kanyang hinahangaan.May kasabihan tayong "TRUE LOVE WAITS" na nangangahulugang "May
Tamang Oras Para Sa Pag-ibig", gaano man katagal o gaano man kayo kalayo sa isa't isa
nananalaytay ang tiwala. Ano man ang istilo ng pagmamahal ang ating ginagawa tandaan natin na
ang tadhana na ang gagawa ng paraan para matagpuan natin ang taong tunay nna
magmamahal sa atin at mapag-isa ang damdamin. Ginawa tayo ng Poong maykapal para
magmahal at mahalin.

You might also like