You are on page 1of 8

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Alnay Polangui Albay

Koda ng Kurso : Elective 1


Pamagat ng Kurso : Filipino para sa Natatanging Gamit
Kredit : 3 yunits
Talatakdaan ng Pagtuturo : Ikalawang Semester T.P 2021-2022
Sabado- 5:00-6:30 n.h
Tagapagdaloy : RUBY LIZA MELLA-CAPATE
Impormasyon sa Pagsangguni : capate.pcc@gmail.com/0936-844-8860
Modyul 1:
PAGTATAGUYOD ng
WIKANG PAMBANSA sa
MAS MATAAS na ANTAS ng
EDUKASYON at LAMPAS pa

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri
ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at
talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katututbong
wika ng bansa.

Mula sa Kapasyahan Blg. 13-39


ng Kalupunan ng Komisyon sa Wikang Filipino

I. PAGTUONAN NATIN ANG:

1. Pagsusuri sa kasalukuyang estado ng WIkang Pambansa sa konteksto ng Mataas na


Edukasyon
2. Pagtalakay sa mahahalagang gampanin ng Mataas na Edukasyon sa pagpapalakas ng
Wikang Pambansa
3. Pagbuo ng makabuluhang mungkahi sa pagpapalakas ng Filipino at pagpapakalat nito sa
konteksto ng Mataas na Edukasyon

II. MOTIBASYON
Ano ang naiisip mo ngayon tungkol sa Wikang Pambansa?

PANGALAN SA SOCIAL MEDIA

MGA GAWAIN KO SA SOCIAL MEDIA

Itala rito ang Shout -out mo sa Filipino

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

1
III. NILALAMAN/PAKSA
1. Filipino sa Mataasa na Edukasyon
2. Pagtatangkang Burahin ang Filipino sa Mataas na Edukasyon
3. May Filipino sa Kolehiyo at Unibersidad

IV. PAGTALAKAY 1. Filipino sa Mataas na Edukasyon

Bahagi ng patuloy na paglinang sa Flipino ang mga gawaing


isinasakatuparan sa mga paaralan na maituturing na bahagi ng
komokontrol o makapangyarihang larang/domeyn. Para kay Almario
(2008), Punong Komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting magsimula sa
itaas-pababa. Ang mga aksyon ay nararapat na magmula sa kolehiyo at
unibersidad. Sinabi pa niya na mabilis ang paglaganap ng anumang wika
mula sa sentro ng karunungan tungo sa mababang antas.
Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang
kolehiyo/unibersidad o ang mataas na antas ng edukasyon. Inilahad pa
rin ni Almario (2008) na may suliranin sa nabanggit na domeyn. Ang mga
suliraning ito ay pagtanggap at pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang
karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan ang Filipino sa
kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na Edukasyon// Higher
Education Institution (HEI).

TERSARYA (Kolehiyo at Unibersidad)

SEKONDARYA (Junior at Senior High School)

ELEMENTARYA

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

2
Ganito ang hinarap na hamon ng Filipino sa Kolehiyo. Dumating
ang taong 2013 nang ilabas ang CMO No. 3 na tungkol sa bagong General
Education Curriculum, walang tiyak na kurso sa Filipino. Sa halip,
nagpasabi na maaring ituro sa Filipino at Ingles bilang mga medym ng
pagtuturo ang mga inilahad na kurso. Inilipat umano ang mga asignatura
tungong Senior High School.

Magkaiba ang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang medyum ng


pagtuturo kaysa sa isinusulong na magkaroon ng kursong Filipino sa
Mataas na Edukasyon.

MEDYUM sa ISANG
PAGTUTURO FILIPINO DISIPLINA

2. Pagtatangkang Burahin ang Filipino sa Mataas na Edukasyon


Lumutang ang isyu ng pagtatangkang burahin ang Filipino sa Mataas na
Edukasyon nang tukuyin na ito ay binaba sa Senior High School.
Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay nagbigay-daan sa
pagkakatatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng wikang Filipino
/TANGGOL WIKA sa isang konsultatibong forum noong Hulyo 21, 2014. Ito ay
dinaluhan ng limandaang delegado mula sa iba’t-ibang kolehiyo, unibersidad at
paaralan , mga samahang pangwika at kultural.
Patuloy na nakipaglaban ang nasabing alyansa sa pamamagitam ng aktibong
paglulunsad ng mga programa sa desiminasyon ng sama-samang pagkilos tungo
sa pagkamit ng mga mabuting layon. Sa papel na inilahad ni San Juan (2017)
na Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA:
Internal na Kuwento, Mga Susing Argumento at Dokumento (20142017),
tinalakay ang labing-apat na argumento hinggil sa pagpapanatili ng Filipino.

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

3
Narito ang lagom ng mga argumentong inilahad. Lagyan mo ng tsek ang
hanay ng iyong pagsang-ayon o hindi at pangatwiranan ang iyong sagot.
ARGUMENTO SANG- ‘DI- PALIWANAG
AYON SANGAYON SA SAGOT
1. Walang makabuluhang dahilan ang
mga anti-Filipino sa
pagpapatanggal ng Filipino at Panitikan
2. Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang
asignatura na nasa Junior at/o Senior High School ay may
katumbas pa rin sa kolehiyo
3. Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan sa pag-aarak,
at hindi simpleng wikang panturo lamang
4. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang
ituro at linangin din ito bilang asignatura/kurso
5. Bahagi ng College Readiness
Standards ang Filipino at Panitikan
6. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika
bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito.
7. Binigayn ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa
kurikulim kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang
pambansa
8. Pinag-aaralan din sa ibang banasa ang Filipino – at maypotensyal
itong maging isang nangungunang wikang global-kaya lalong dapat
itong pagaralan sa Pilipinas
9. Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia at Brunei
malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia at
Brunei, na mga bansang kasapi ng ASEAN, at mahalagang wika ito
sa konteksto mismo ng ASEAN Integration.

10. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa


National Achievement Examination
11. Filipino ang wikang mayorya, ng midya at ng mga kilusang
panlipunan, ang wika sa demokratiko at mapagpalayang domeyn
na mahalaga sa pagbabagong panlipunan
12. Multilinggwalismo ang kasanyang akma sa Siglo 21.
13. Hindi pianulad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng
pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa
14. May sapat na material at nilalaman na maituturo sa Filipino at
panitikan sa Kolehiyo

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

4
3. May Filipino sa Kolehiyo at Unibersidad

Nagbunga ang makabuluhang adbokasi. Dumating ang Abril 2018,


ipinalabas ang CMO No.4 na may paksang Policy on the Offering of Filipino
and Panitikan Subjects in all Higher Education Programs as part of New
General Educaion Curriculum. Simula sa Akademikong Taon 2018-2019,
magpapatuloy na maituro ang mga kursong Filipino at Panitikan sa lahat
ng programa sa Mataas na Edukasyon.

DATING KURSO SA FILIPINO MGA BAGONG KURDONG FILIPINO (mula sa


mungkahi ng Tanggol-WIka)

1. Komunikasyon sa Akademikong Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Filipino (KOMFIL)
2. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Filipino sa Iba’t Ibang disiplina (FILDIS)
Pananaliksik
3. Masining na Pagpapahayag Dalumat ng/sa Filipino (DALUMAT-FIL)
4. Philippine Literature of the Region Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT)
– iba ito sa dating kurso
5. Master Works of the World Sinesosyedad/Pelikulang Panlipunan (SINESOS) iba ito
sa dating kurso

IV. Pantulong na Kawing

Panoorin sa video Sharing site na youtube ang mga nakatalang pamagat sa ibaba.
Iminumungkahing magbubukas ito ng makabuluhang talakayan upang mas mapalalim pa ang
pagkaunawa sa paksa. (Ang kawing ay ipopost sa google classroom)

 Sulong WIkang Filipino. Isa itong higit sa limang minutong panayam kay Bienvenido
Lumbera , Pambansang Alagad ng Panitikan, na pagsusuri sa CMO.20 na hinggil sa
Bagong General Education Curriculum. Ito ay binuo ng Departamento ng Filipino at
Panitikan sa Pilipinas at All UP Academic Employees Union.

 Sulong Wikang Filipino. Edukasyong Pilipino, Para Kanino? Tinugunan at nilinaw ng


labing-isang minutong video na ito ang mga pagpapahayag at paglalahad ng DepEd at
CHED tungkol sa Edukasyon ng mga Pilipino. Dagdag pa, tungkol sa pagbura ng Filipino
sa Mataas na Eduaksyon at Pagsusulong sa Filipino bilang asignatura, wikang panturo
at wika ng pananaliksik.

 Speak in English Zone ni Joel Costa Malabanan. Panoorin ang awit-tanghal ni


Malabanan sa panahong tinangkan palawakin ang oras ng pag-aaral ng ingles sa
paaralan sa ilalim ng pamahalaang Arroyo.

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

5
V. Pagtataya (WIKAWIT)

Mula sa pagtutok sa nilalaman. Talakayin ang mga sumusunod sa


pamamagitan ng pagbuo ng konseptong papel. Ito ay dapat na magsusulong sa
pagpapatatag ng Filipino sa Mataas na Edukasyon. Gawing batayan ang
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan sa pagpapalaganap at
pagpapaunlad ng Wikang Pambansa?
2. Paano makakatulong ang mga nabibilang sa makapangyarihang domeyn sa
pagpapalakas ng Wikang Pambansa?
3. Paano palalakasin sa larang ng edukasyon at nang lampas pa ang Wikang
Pambansa?
4. Ano-ano ang mga benepisyo ng mga HEI (Higher Education Institution) sa
Wikang Pambansa?
5. Ano-ano ang mga suliraning makahaharap sa pagpapalakas ng Wikang
Pambansa sa HEI?

RUBRIKS SA PAGTATAYA/PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY MARKA

15 10 5

Nilalaman Nailahad nang wasto ang opinyon at Nailahad nang wasto ang Hindi maayos at nailahad nang
pangangatwiran sa nilalaman. opinyon at pangangatwiran sa wasto ang opinyon at
Nakapagbigay ng nilalaman subalit kaunti pangangatwiran sa nilalaman at
sapat na pagkukuro, paghahambing lamang ang naibigay na walang naibigay na pagkukuro,
at pagpapaliwanag. pagkukuro, paghahambing at paghahambing at
pagpapaliwanag pagpapaliwanag .
Kaangkupan Angkop ang mga May kaunting kamalian sa Walang kaangkupan ang mga
salitang pinili at inilapat upang pagpili ng mga salita na napiling salita
makabuo ng liriko.
Angkop ang mga ebidensya at inilapat sa pagbuo ng liriko sa paglalapat sa liriko.
pagpapatunay upang mabigyang
katarungan ang inilatag na opinyon.
Kawastuhan Wasto at maayos ang pagkakagamit May kaunting pagkakamali sa Walang kawastuhan sa
ng mga salita at bantas upang pagkakagamit ng mga salita at paggamit ng mga
makabuo ng makabuluhang bantas upang makauo ng salita at bantas sa pagbuo ng
pangungusap. makabuluhang pangungusap makabuluhang pangungusap.
Kasiningan May sukat at tugma ang bawat liriko. Kulang ng isang elemento Kawalan ng 2 elemento sa liriko
(sukat o tugma) upang mabuo
ang
kasiningan ng liriko

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

6
VII. SANGGUNIAN:
Mortera, Melvin O.,2019, Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (Kursong Filipino sa
Mataas na Edukasyon), Book Atbp. Publishing Corp. Mandaluyong City, pp. 2-16

RUBY LIZA MELLA-CAPATE

You might also like