You are on page 1of 4

POLANGUI COMMUNITY COLLEGE

Polangui, Albay

Pamagat ng Kurso: Filipino - MC 109 - Itroduduksyon sa Pamamahayag


Kurso/Seksyon: BSED 2 - Ikalawang Semestre,
I. Pamagat ng Modyul 6: Pagsubok sa Kasanayan
II. Panimula:
Kumusta? Nahirapan ka ba sa mga modyul mo? Kung ang sagot mo ay “oo,” linawin natin
ang bahaging nahirapan ka. Isulat mo sa unang bahagi ng iyong sagutang papel ang mga bagay na
hindi mo gaanong naunawaan o kaya’y naguguluhan ka. Kung okey lang naman, at malinaw na
lahat, huwag mo ng aksayahin ang oras sa bahaging iyan…
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Narito ang iyong Modyul 6. Oooooppsss, parang ang dali lang ng panahon. Natapos mo na
pala ang ilan sa mga modyul natin! At bilang pag-alam sa mga kasanayang nalinang sa’yo, nais
kong sagutin mo ang lahat ng ebalwasyong inihanda ko para sa’yo. Ang pakiusap ko lang, HUWAG
mo munang bubuksan ang mga modyul na hawak mo. Alam ko namang kayang-kaya mo ito.
Gagamit ka ng sagutang papel. Kailangan mo ring sanayin ang sarili mong mag-cursive o kabit-
kabit ang paraan ng pagsusulat. Okey na ba? Simulan mo na…

III. Mga Layunin:


1. Nasasagot ang mga ebalwasyon kaugnay ng araling nasa Modyul 2 at 5
2. Nakasusulat ng mga mga pansariling ideya kaugnay sa mga talakay sa aralin
3. Nabibigyang-halaga ang mga araling tinalakay sa pamamagitan ng pagiging matapat sa sarili.

IV.Pagsubok sa Kasanayan:
I. Pagsulat ng Balita (10 puntos bawat balita)
A. Panuto: Gumawa ng balita batay sa mga sumusunod na detalye.
 Nagsimula ang sunog dakong alas-otso ng umaga sa isang karinderya sa Batangas City Public
Market
 Nangyari ang sunog kahapon ng umaga
 Walang namatay pero lima ang nasugatan. Kabilang na dito ang dalawang bombero
 Hindi binaggit sa ulat kung sino ang nagmamay-ari ng ng kainan.
 Aabot sa isang milyong halaga ng ari-arian ang naabo
 Nakilala ang mga nasugatan. Sila ay sina Mc Leoden Rolan. Siya ay 44 taong gulang, Ried Arcillas
na 19 taon naman, Jan Coliat na 58 taon, Karla Tolentino, 50 at Chelsea Pagcaliwagan na 37
taong gulang.
 Sa teorya ng pulisya, possibleng short circuit ang pinagmulan ng sunog. Ito raw ang naging
dahilan ng pagsabog ng dalawang LPG tank ng naturang kainan at hanggang sa kumalat ang apoy
sa kalapit na mga tindahan.
 Si Rolan at Arcillas ay kapwa fire volunteer. Si Coliat, Tolentino at Pagcaliwagan ay kapwa vendor
naman.
 11:35 ng umaga – dineklarang fire out ang sunog
 Edgardo Valencia – Market Administrator. Ayon sa kanya may 230 stalls sa palengkeng nabanggit
ang nilamon ng apoy kaya tinatayang P1milyon ang halaga ng ari-ariang naabo sa sunog

B. Panuto: Sumulat ng isang tuwirang balita na may 7-8 talata batay sa mga sumusunod na detalye.
 Senior Fire Officer 1 Mike Flores – imbestigador mula sa Central Fire Station ng Quezon City
Police. Ayon sa kaniyang inisyal na ulat nakilala ang mga nasawi.
 Sila ay sina: Felisa Mercado na limampu’t anim na taong gulang. Pitong taon naman si
Vivencio Lobetain. Anim na buwan si Marin Laurente. Dalawampu’t apat si Joan Macarang.
Limang taon si Nataniel Macarang. Walong taon si
Rina Ramos at si Melanio Bondoc na dalawamput walong taong gulang.
 Ang mga biktima ay pawing mga resident eng Agno Extension sa Barangay Tatalon.
 Nagsimula ang sunog pasado alas-6:00 ng gabi. Bumubuhos noon ang malakas na ulan nang
biglang umapoy ang isang dalawang palapag na tahanan na nasa nasabing lugar.
 Sumiklab ang sunog sa isang squatters area sa Barangay Tatalon na nasa Lungsod Quezon, sa
kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Ondoy.
 Makitid ang kalye dito. Ito ang dahilan kung bakit nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula
sa sunog na tumagal nang halos walong oras.
 Ayon kay Flores sa inisyal na ulat, umabot sa 300 tahanan ang naabo.
 Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng naturang insidente at halaga
ng ari-ariang naabo dito.
 Nang isagawa ang clearing operations – narekober ang mga bangkay na nasa kani-kanilang
tahanan. Halos matusta na ang mga ito matapos madaganan ng mga nagbagsakang kahoy.
 Karamihan sa mga nasawi ay hindi na nakalabas pa ng kanilang tahanan nang simulang
maglagablab ito. Tuluyan na silang nakulong at ito ang naging sanhi ng kanilang kamatayan.
 Hindi napigilan ng malakas na buhos na ulan ang pagkalat ng apoy hanggang sa tuluyang
lamunin ang mga bahay dito.
 Pawang mga yari sa light materials ang mga tahanan ng mga residente. Ito ang naging
dahilan kung bakit mabilis kumalat ang apoy.
 Pito katao ang nasawi sa sunog na ito na nangyati kahapon ng madaling araw.

II. Pagkilala sa Pamatnubay ng Balita


Panuto: Kilalanin kung nasa anong uri ng Pamatnubay ang sumusunod:
1. Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at
ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
2. Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa
impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.
3. Sa Kalibo, Aklan gaganapin ang National Schools Press Conference sa darating na Pebrero 2006,
4. Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa
taunang kita.
5. Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan,
inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte ang “City
hall sa Barangay”
6. Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking halaga ng
salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.

III. Pagpapaliwanag
A. Panuto: Isa-isahing ipaliwanag kung bakit kailangan mong taglayin ang sumusunod na katangian ng
Isang manunulat ng balita (2 puntos bawat aytem)
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
a. Alam kung saan makapangalap ng datos.
b. Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa pangyayari na itatampok sa balita.
c. Madaling makakilala ng mga kaganapang karapat-dapat ibalita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa
B. Panuto: Talakayain ang mga nilalaman ng Kredo ng Mamamahayag (Journalist Creed). Isa-isahin
ang saklaw at limitasyon mo bilang mamamahayag/manunulat. (15 puntos)

You might also like