You are on page 1of 5

Camp Crame Elementary School

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5


Ika-apat na Markahan
Ika -12 ng Abril,2022 (8am-9am)

I. Layunin:
1. Naipapaliwanang ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino tulad ng pag-aalsang agraryo at pagtatag ng monopolyo sa
tabako

2. Nakapaghahambing ng kabutihan at kasamaang dulot ng pag-aalsang agraryo at


pagtatag ng monopolyo sa tabako

3. Nabibigyang halaga ang pag-aalsang agraryo at pagtatag ng monopolyo sa


tabako

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Mga Salik na Nagbigay Daan sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong


Pilipino

B. Sanggunian: MELC, Definitive Budget of Work for SY 2021-2022

C. Kagamitan: Mga Larawan, video, PPT, Laptop, cellphone, Wordwall app


at Internet Access (wifi)
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Bayan
E. Integrasyon: Arts, ESP at ICT
F. Estratehiya: Inquiry-Based Approach

III. Pamamaraan:

1. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Mga Panuntunan sa Online Class
c. Pagbabalitaan: (Pre-recorded)
- Pakikinig ng isang balita mula sa isang piling mag-aaral.
- Magtawag ng ilang bata para magbigay ng reaksiyon tungkol sa
balitang napakinggan.

d. Balik-aral: (Wordwall: Flip Tiles)


Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang bawat
pangungusap.

1.) Ang ____________ ay ang tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim.


2.) Ang ____________ ay ang tradisyon ng pakikidigma at pamumugot ng mga
katutubong tinawag ng mga Espanyol na Igorot.
3.) Ipinakita ng mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyanismong Espanyol sa
anim na digmaang tinatawag na ____________.
4.) Si ____________ ang sultan sa Mindanao na unang naglunsad ng banal na
digmaan laban sa mga Espanyol.
5.) Sa ikatlong pagkakataon, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga
katutubong pangkat sa Cordillera bilang bahagi ng patakarang pang-ekonomiya ni
Gobernador-Heneral Jose Basco na tinawag na ___________

1. Pagganyak: (ARTS/ESP Integration)

a. Pagpapanood ng isang Tiktok video clip na nagpapakita ng pagiging


Makabayan sa masining na pamamaraan.

Pagtatanong sa mga bata.


1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan?
2. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang
maipakita ang iyong pagkamakabayan?
3. Bakit kailangan nating mahalin ang ating bayang sinilangan?

b. Pagsasagot ng 4Pics 1 Word: (Word Game)

• Tanong:
1. Ano ang inyong napansin sa mga nahulaang salita?
2. May kinalaman kaya ito sa pagiging Pilipino noong Panahon ng mga
Espanyol?
3. Sa paanong paraan kaya ipinakita ng mga Pilipino noon ang
damdaming makabayan at pagmamahal sa bansa laban sa mga
Espanyol?
4. Nagtagumpay kaya ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

3. Pagtatalakay: (Video Presentation/ICT Integration)


Pagpapakita ng video presentation tungkol sa mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino sa Panahon ng mga Espanyol.
4. Pagsusuri: (HOTS, Inquiry-Based Learning)

1. Ano ang dalawang salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng


nasyonalismong Pilipino?
2. Bakit nagkaroon ng pag-aalsang agraryo?
3. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol,
papayag ka ba na basta na lang kakamkamin ang iyong sariling
lupain?
4. Bakit hindi pabor ang mga Pilipino noon sa monopolyo ng tabako?
5. Makatwiran ba ang ganitong sistema sa panahon ng mga Espanyol?
6. Ano ang mga positibo ang negatibong epekto ng sistemang ito?
7. Kung ikaw ay isa sa mga magsasaka sa taniman ng tabako, papayag
ka ba na magtrabaho dito? Bakit?

5. Paghalaw at Paglalahat

Tanong:

1. Ano ang dalawang salik na nagbigay-daan sa Nasyonalismong

Pilipino noong Panahon ng Espanyol?

• Pag-aalsang Agraryo – kilusan ng mga magsasaka na


lumalaban sa panggigipit ng mga Espanyol.
• Monopolyo sa Tabako – sistemang may layuning
kontrolin ang pagtatanim at pagbibili ng mga tabako.

2. Bakit nagkaroon ng pag-aalsang agraryo?

• Nagkaroon ng pag-aalsyang agraryo dahil sa di


makatarungang pangangamkam ng mga espanyol sa
lupain ng mga katutubo.

3. Ano-ano ang mga positibo at negatibong dulot ng Monopolyo sa

Tabako?

• Sa positibong dulot, naging maunlad ang ekonomiya ng


bansa pagdating sa kalakalan.
• Sa negatibong dulot, nagkaroon ng matinding taggutom
dahil tanging tinatanim lang ay tabako.
6.Paglalapat :

Gawain: (FACT or BLUFF)

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay FACT o BLUFF.

_____1. Ang monopolyo sa tabako ay ipinatupad sa Pilipinas bilang


pagkukunan ng karagdagang kita sa Espanya gayundin ng
pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
_____2. Makatarungan ang pagsisingil ng buwis sa mga Pilipino.
_____3. Pinagbabayad ng mga prayle ang mga magsasaka ng renta sa
lupang kanilang sinasaka.
_____4. Nagkaroon ng pag-aalsa dahil sa pangangamkam ng mga lupa ng
mga katutubo.
_____5. Nabigyan ng karampatang kabayaran ang mga magsasaka sa
kanilang ani.

7.Pagtataya

Panuto: Isulat ang MABUTI kung ang pahayag ay nagpapaliwanag ng


kabutihang naidulot ng monopolyo sa tabako sa ating bansa at MASAMA kung ito
ay hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1.) Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.


_____2.) Natustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan
ng kolonya at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa
Espanya.
_____3.) Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.
_____4.) Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat
sa mga bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.
_____5.) Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong Silangan.

I. Kasunduan:

Gumawa ng isang poster tungkol sa pagiging Makabayan sa


kasalukuyang panahon. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.
J. Karagdagang gawain para sa Modular
Panuto: Piliin ang mga pahayag na nagpapakita ng pag-aabuso sa pagtatag ng
monopolyo sa tabako. Iguhit ang emoticon na ito bilang tanda. Isulat ito sa
sagutang papel.
1.) Hindi binibigyan ng tamang sahod ang mga manggagawang Pilipino.
2.) Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.
3.) Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.
4.) Ang mga magsasakang nasisiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi
binuwisan ang lupa.
5.) Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga
opisyal.

Inihanda ni: Ipinasuri kay:

SARAH JANE J. SIENA MERCIDITHA D. RAZON


Teacher I Master Teacher I

Sinang-ayunan ni:

MARIA FE V. ROBLES
Principal

You might also like