You are on page 1of 14

5

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 1 at 2
Mga Salik na Nagbigay-daan
sa Pag- usbong ng Nasyonalismong
Pilipino

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 5
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 1 at 2: Mga Salik na Nagbigay-daan ng Pag-usbong
ng Nasyonalismong Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Mylene S. Talon


Pangnilalamang Patnugot: Marites L. Arenio, Nora P. Mangasep

Editor: Nora P. Mangasep


Tagawasto: Nora P. Mangasep
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Maria Lea A. Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagaguhit: Gideon B. Cayubit, Fedeliza A. Dela Cruz


Tagalapat: Josepha D. Esguerra - Antipuesto

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes PhD. EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS – Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald M. Brillantes, Rodney M. Ballaran
Carissa M. Callalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Salik na Nagbigay-daan sa Pag-usbong
ng Nasyonalismong Pilipino
MELC: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Nasyonalismong
Pilipino

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga salik na nagbigay-daan sa nasyonalismong Pilipino
2. Nailalarawan ang mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
3. Naipaliliwanag ang mga mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino

Subukin Natin
Panuto: Suriing mabuti at unawain ang mga tanong. Ilagay ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na nagbigay-daan


sa pag-usbong ng nasyonalismo?
A. Liberal na pamamahala
B. Pagbukas ng Suez Canal
C. Pag-usbong ng panggitnang uri
D. Pakikipagkasundo sa mga mananakop

________2. Ano ang kabutihang dulot sa mga Pilipino ng mga pangyayari sa iba’t
ibang panig ng mundo?
A. Natalo ang mga Pilipino
B. Nagtagumpay ang mga Espanyol
C. Napalapit ang mga Pilipino sa mga Espanyol
D. Nagising ang diwang makabayan ng mga Pilipino para sa bansa

________3. Ano ang pangyayaring nagbunsod upang makapaglakbay ang mga


Pilipino sa mga bansa sa Europa at maranasan ang mamuhay sa
malayang kapaligiran?
A. Pagbukas ng Suez Canal
B. Usapin tungkol sa sekularisasyon
C. Paggarote sa tatlong paring Pilipino
D. Pagbubukas ng Maynila sa Pandaigdigang kalakalan

________4. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga Pilipino ng kaalaman ukol


sa konsepto ng kalayaan, nasyon, at karapatan?
A. Natutuhan nilang nararapat na maging malaya ang Pilipinas
B. Natutuhan nilang maging tapat sa naisin ng mga Espanyol sa bansa
C. Natutuhan nilang maging mapagtiis upang maiwasan ang pagbuwis
ng buhay
D. Natutuhan nilang mas makabubuting manatili sa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol.

1
________5. Anong pangyayari ang naging hudyat sa pagsilang ng nasyonalismong
Pilipino?
A. Liberal na pamamahala
B. Pag-usbong ng panggitnang uri
C. Usapin tungkol sa sekularisasyon
D. Paggarote sa tatlong paring Pilipino

________6. Paano tumindi ang hangarin ng mga Pilipinong makalaya sa


pamamahala ng mga Espanyol?
A. Noong pinagmalupitan ang mga magsasakang Pilipino
B. Noong binigyan ang mga paring Pilipino ng mga parokya
C. Noong pinamunuan sila ng mga orden o pangkat ng mga pari
D. Noong nakapag-aral sila at nabuksan ang kanilang kamalayan ukol
dito

_________7. Alin sa sumusunod na salik ang naglalarawan ng pagtatamasa ng


kaginhawaan sa buhay kung kaya’t nakapag-aral sila sa ibang bansa
at naliwanagan?
A. Liberal na pamamahala
B. Usapin sa sekularisasyon
C. Pag-usbong ng panggitnang uri
D. Pagbubukas ng bansa sa Pandaigdigang kalakalan

_________8. Ano ang tawag sa pagpapamalas ng pagmamahal at pagmamalasakit


para sa sariling bayan?
A. Bayani C. Orden
B. Nasyonalismo D. Salik

________ 9. Ano tawag sa mga paring Pilipinong pinagkaitan ng karapatan ng mga


Espanyol na makapamahala sa mga parokya?
A. Paring regular
B. Paring sekular
C. Paring Espanyol
D. Pinuno ng parokya

________ 10. Sa pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig, saan nagmula


ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kaisipang politikal at
Rebolusyong Pranses at Amerikano?
A. Mula sa pandaigdigang balita
B. Mula sa mga aklat at magasin
C. Mula sa aral na turo ng Kristiyanismo
D. Mula sa mga turo ng katutubong relihiyon

2
Ating Alamin at Tuklasin
Iyan ang alamin natin
Paano nakatulong
ngayon, isa-isahin
ang ilang pangyayari
natin ang mga
sa bansa sa pagsibol
pangyayari upang
ng diwang
malaman kung paano
makabayan?
naapektuhan ang mga
Nagkaisa ba ang
ninuno upang mag-isip
mga Pilipino dulot ng
at kumilos tungo sa
ng mga pangyayaring
pagbabago ng kanilang
iyon?
kalagayan.

Mahabang panahon ang lumipas bago


namulat ang mga Pilipino sa uri ng pamamahala ng mga Espanyol sa kapuluan.
Maraming salik ang naging daan sa pagkamulat ng mga Pilipino. Ang mga
pagbababagong pang-ekonomiya sa kapuluan ay nagpalago sa kabuhayan ng
maraming Pilipino at nagbigay-daan sa pagkabuo ng bagong pangkat ng mga
Pilipino. Sa kanila nabuo at lumaganap ang ideya ng nasyonalismo o diwang
makabayan.
Tinatalakay nito ang damdamin ng pagmamahal at pagkakaisa ng mga taong
naninirahan sa isang bayan o bansa na may isang wika at kultura, may
pagpapahalaga, pagmamalasakit, at paggalang sa kanilang bayan.
Unang yugto ng pagkilos tungo sa pagbabagong politikal ang paghingi ng reporma
sa pamamagitan ng mga panulat. Ginamit ang mga tula, nobela, at sanaysay sa
pagtuligsa sa pamahalaang Espanyol. Bagama’t nabigo ang mga repormista sa
layunin nito, nagtagumpay ito na gisingin ang kapwa Pilipino sa patuloy na pang-
aabuso ng mga dayuhan.

Mga Salik na Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino


Ang nangyaring pagbabago ng mga ideolohiyang nagbukas sa mga kaisipan
ukol sa pagsusuri ay nag-umpisang magkabisa mula sa pakikipagkalakalan o
komersyo, at maging sa kontribusyon ng ibang mananakop. Ang transpormasyon ng
ating pang-ekonomiyang pamilihan bilang pamilihan ng mga hilaw na materyales sa
Europa ang di-sinasadyang nagbukas sa ating bansa sa mga liberal at
rebolusyonaryong ideya. Samakatuwid, ito ang nagbuwag sa ating matagal na
isolasyon sa isa’t isa at naging ugat sa ating malawakang kalakalan sa ibang bansa.

3
Umunlad ang kalakalan sa bansa nang buksan ang Pilipinas sa kalakalang
Pandaigdig noong 1834. Natutuhan ng mga Pilipino mula sa mga aklat at magasin
ang tungkol sa pagsisikap ng mga Amerikano at Pranses na matamo ang kalayaan.
Ang mga aklat na ito ang nagbigay sa mga Pilipino ng bagong kaisipang politikal
at mga mithiin ng mga Rebolusyong Pranses at Amerikano. Kalayaan,
pagkapantay-pantay, at kapatiran ang naging mithiin ng sambayanan.

Mahalaga ang bahaging ginampanan ng pagbubukas ng Suez Canal noong


Nobyembre 17,1869 sa paggising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Umikli sa isang buwan ang paglalakbay mula Europa patungong Maynila kaya
maraming mga dayuhan ang nagtungo sa Maynila. Marami ring Pilipino ang
nakarating sa Espanya at sa ibang bansa sa Europa upang mag-aral at maglakbay.
Namulat sila sa kalagayan ng mga malayang bansa. Nakita nila at naranasan kung
paano mamuhay sa isang malayang kapaligiran. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas,
Nagkaroon sila ng kamalayan sa simulain, tradisyon, suliranin, kasaysayan, at
mithiin sa bansa. Nauunawaan na nila ang konseptong kalayaan, nasyon, at
karapatan. Nadama nila ang pangangailangan ng pagtutulungan ng mga Pilipino.
Dahil dito nagsimula silang magbigay-pansin sa mga pagbabago, katarungan, at
kalayaan sa kolonya.

Ito ang nagbigay kalayaan sa mga Pilipino na ipahayag ang kanilang mga
damdamin, alisin ang pagpipigil sa pamamahayag, at palitan ang malabis na
pagpaparusa sa maysala ng pagkabilanggo upang sila ay magkaroon ng
pagkakataon sa pagbabago. Ngunit napatunayang hindi lubos na liberal si Dela
Torre, dahil lihim niyang ipinahaharang ang mga sulat ng mga kilalang Pilipino
mula sa Europa at Hongkong. Gayunpaman, malaking salik ang liberalismo ni dela
Torre sa pagsulong ng kalayaan para sa bansa. Ito ang isa sa mga nagbigay-daan
upang magkaroon ng lakas ang mga pinunong Pilipino na isulong ito.

May dalawang uri ng paring Katoliko sa bansa noon- ang regular at sekular.
Kabilang ang paring regular sa isang orden samantalang ang mga paring sekular
ay hindi. Nagkaroon ng suliranin kung sino ang mamamahala sa mga parokya ng
mga paring Heswita nang matanggal ang mga ito noong 1768. Pinagbintangan sila
ng mga maykapangyarihan sa Spain na siyang nanguna sa pag-aalsa ng mga tao
laban sa isang ministro sa pamahalaan at pagtangkang patayin si Haring Charles
III. Pagkatapos ng maraming pag-uusap, nagpasya ang mga nakatataas na mga
paring Pilipino ang ilagay sa mga bakanteng parokya. Ngunit nang nagbalik ang
mga Heswita sa bansa, ibinalik sa kanila ang dati nilang parokya. Inalis ang mga
paring Pilipino sa kanilang tungkulin. Nawalan ng pamamahalaan ang mga paring
Pilipino. Naramdaman ng mga paring Pilipino na hindi mainam ang pakikitungo
sa kanila ng mga namamahala sa simbahan kung kaya’t nagtatag na sila ng mga
4
kilusan.
Ang kamatayan ng tatlong paring Pilipino ang naging hudyat sa pagsilang
ng nasyonalismong Pilipino. Ito ang pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino sa
buong bansa sa kawalan ng katarungan. Ipinakita ng pagpatay sa GomBurZa na
maging mga pari ay hindi ligtas sa kalupitan ng mga Espanyol. Naniniwala ang
mga Pilipino na walang kasalanan at biktima lamang sila ng kalupitan ng mga
Espanyol. Ang paniniwalang ito ang di sinasadyang nagmulat sa iba pang Pilipino
sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang pagkamulat na ito ang nagbigay-daan upang magkaisa ang lahat ng
Pilipino bilang isang bansa at lahi para labanan ang ugat ng kanilang paghihirap
at kaapihan.

Bunga ng paglago ng agrikultura at ang pagbubukas ng Pilipinas sa


kalakalang pandaigdig ay may ilang mangangalakal, magsasaka, at propesyunal
na umunlad ang pamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri sa lipunan sa
bansa. Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabilangan ng mga Chinese at
Spanish mestizo. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay nagkaroon ang mga nasa
panggitnang uri ng kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa Maynila o
sa Europa partikular sa Espanya. Doon nakamit ng mga ”naliwanagang” kabataan,
o mga illustrados ang liberal na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na
kalagayan noon ng Pilipinas.

(Pinagkunan: Maria Analyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, at Mary Dorothy dL. Jose, Pilipinas
Bilang Isang Bansa, Quezon City: Department of Education-Vibal Group Inc., 2016, 251-254.)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga salik na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

6
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung tama ang paglalarawan sa mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa at ekis (x) kung mali.

_____ 1. Natutuhan ng mga Pilipino mula sa mga aklat at magasin ang tungkol
sa pagsisikap ng mga Amerikano at Pranses na matamo ang kalayaan.
_____ 2. Ang panggitnang uri ay karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at
Spanish mestizo.
_____ 3. Ang kamatayan ng tatlong paring Pilipino ang naging hudyat sa
pagsilang ng nasyonalismong Pilipino.
_____ 4. Nang bumalik ang mga Heswita sa bansa, patuloy na namahala ang
mga Pilipino sa mga parokya.
_____ 5. Ang pamumuno ni Gobernador Carlos Maria Dela Torrre ang nagbigay
kalayaan sa mga Pilipino na ipahayag ang kanilang mga damdamin at
alisin ang pagpipigil sa pamamahayag.

Nakatulong ba ang mga salik na ito sa pagpupunyagi ng mga Pilipino na


makamit ang Kalayaan?

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin mula sa talakayan ang mga salik na nagbigay daan sa pag-
usbong ng diwang makabansa o nasyonalismo batay sa mga inilalarawang
konsepto sa ibaba.

1. Dahil sa kasaganaan nagkaroon ng pagkakataon na


mapag-aral ang kanilang mga anak sa Maynila at
Espanya na naging dahilan upang mabuksan ang
kanilang kamalayan ukol sa tunay na kalagayan ng
bansa.
2. Naging hudyat sa pagsilang ng nasyonalismong Pilipino
sa Pilipinas dahil sa kawalan ng katarungan ng
pagkamatay ng mga paring Pilipino.

3. Inalis ang mga paring Pilipino sa kanilang tungkulin sa


mga parokya at sila’y nawalan ng pamamahalaan na
kung saan nagsimulang maramdaman nila ang hindi
maayos na pakikitungo ng mga pinunong simbahan.

4. Dahil dito natutuhan ng mga Pilipino ang tungkol sa


pagsisikap ng mga Amerikano at Pranses na matamo
ang kalayaan at nakapagbigay ng bagong kaisipang
politikal.

5. Maraming mga Pilipino ang nakapaglakbay sa Europa


at namulat sa kalagayan ng malayang bansa.
7
Gawain 2
Panuto: Pumili ng tatlong salik ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa mula
sa nakatala sa loob ng kahon at ipaliwanag ito. Isulat ang iyong sagot sa graphic
organizer sa ibaba.

 Pag-usbong ng Panggitnang uri  Pagbukasng


>Pagbukas ngSuez
SuezCanal
Canal
 Paggarote sa tatlong paring Pilipino  Liberalna
> Liberal napamamahala
pamamahala
 Usapin tungkol sa sekularisasyon  Pagbubukasng
> Pagbubukas ngMaynila
Maynilasa
sa
pandaigdigangkalakalan
pandaigdigang kalakalan

Napiling salik: Paliwanag sa napili:

Paano nakatulong ang ilang pangyayari sa bansa sa pagsibol ng nasyonalismo


o diwang makabayan?

8
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ng angkop na salita upang mabuo ang mga konseptong inilahad.
Piliin mula sa ibaba ang wastong sagot at isulat sa patlang.

Maraming mga ________________sa ibang bahagi ng mundo ang gumising sa


diwang makabayan ng mga Pilipino. Dahil dito, ninais nilang maipamalas ang
kanilang ___________________ sa bayan. Ilan sa mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismo ay ang pagbukas ng __________________________,
pag-usbong ng _________________________, liberal na ______________________,
usapin tungkol sa _________________________, paggarote sa
tatlong______________________________, at pagbukas ng Maynila
sa______________________. Namulat sa kaisipan ng mga Pilipino na kinakailngan
nilang kumilos, magpahayag, at umaksyon upang labanan ang isang kaaway.

 paring Pilipino  Suez Canal


 sekularisasyon  pagmamahal
 pamamahala  panggitnang uri
 pandaigdigang kalakalan  pangyayari

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa patlang.

_____ 1. Anong pangyayari ang naging hudyat sa pagsilang ng nasyonalismong


Pilipino?
A. Liberal na pamamahala
B. Pag-usbong ng panggitnang uri
C. Usapin tungkol sa sekularisasyon
D. Paggarote sa tatlong paring Pilipino

_____ 2. Ano ang pangyayaring nagbunsod upang makapaglakbay ang mga Pilipino
sa mga bansa sa Europa at maranasan ang mamuhay sa malayang
kapaligiran?
A. Pagbukas ng Suez Canal
B. Usapin tungkol sa sekularisasyon
C. Paggarote sa tatlong paring Pilipino
D. Pagbubukas ng Maynila sa Pandaigdigang kalakalan

9
_____ 3. Ano ang tawag sa pagpapamalas ng pagmamahal at pagmamalasakit para
sa sariling bayan?
A. Bayani C. Orden
B. Nasyonalismo D. Salik
_____ 4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na nagbigay-daan
sa pag-usbong ng nasyonalismo?
A. Liberal na pamamahala
B. Pagbukas ng Suez Canal
C. Pag-usbong ng panggitnang uri
D. Pakikipagkasundo sa mga mananakop
_____ 5. Sa pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig, saan nagmula ang
kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kaisipang politikal at Rebolusyong
Pranses at Amerikano?
A. Mula sa pandaigdigang balita
B. Mula sa mga aklat at magasin
C. Mula sa aral na turo ng Kristiyanismo
D. Mula sa mga turo ng katutubong relihiyon
_____ 6. Alin sa sumusunod na salik ang naglalarawan ng pagtatamasa ng
kaginhawaan sa buhay kung kaya’t nakapag-aral sila sa ibang bansa at
naliwanagan?
A. Liberal na pamamahala
B. Usapin sa sekularisasyon
C. Pag-usbong ng panggitnang uri
D. Pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang kalakalan
_____ 7. Ano ang kabutihang dulot sa mga Pilipino ng mga pangyayari sa iba’t
ibang panig ng mundo?
A. Natalo ang mga Pilipino
B. Nagtagumpay ang mga Espanyol
C. Napalapit ang mga Pilipino sa mga Espanyol
D. Nagising ang diwang makabayan ng mga Pilipino para sa bansa
_____ 8. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga Pilipino ng kaalaman ukol
sa konsepto ng kalayaan, nasyon, at karapatan?
A. Natutuhan nilang nararapat na maging malaya ang Pilipinas
B. Natutuhan nilang maging tapat sa naisin ng mga Espanyol sa bansa
C. Natutuhan nilang maging mapagtiis upang maiwasan ang pagbuwis
ng buhay
D. Natutuhan nilang mas makabubuting manatili sa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol.
_____ 9. Paano tumindi ang hangarin ng mga Pilipinong makalaya sa pamamahala
ng mga Espanyol?
A. Noong pinagmalupitan ang mga magsasakang Pilipino
B. Noong binigyan ang mga paring Pilipino ng mga parokya
C. Noong pinamunuan sila ng mga orden o pangkat ng mga pari
D. Noong nakapag-aral sila at nabuksan ang kanilang kamalayan ukol
dito
_____ 10. Ano tawag sa mga paring Pilipinong pinagkaitan ng karapatan ng mga
Espanyol na makapamahala sa mga parokya ?
A. Paring regular
B. Paring sekular
C. Paring Espanyol
D. Pinuno ng parokya

10
Susi sa Pagwawasto
Subukin TAYO’Y MAGSANAY ATING PAGYAMANIN
Gawain 1
1. D Pag-usbong ng
panggitnang uri Gawain 1
2. D
1.pag-usbong ng panggitnang uri
3. A Gawain 1
4. A Pagbubukas ng Maynila sa
Pandaigdigang kalakalan
5. D 2. Paggarote sa tatlong paring Pilipino
6. D
7. C Paggarote sa tatlong
3. Usapin tungkol sa sekularisasyon
8. B paring Pilipino

9. B
10. B Pagbubukas ng Suez Tayahin
4. Pagbukas ng Maynila sa Pandaigdigang
Canal Kalakalan

Tayahin 5.Pagbukas ng Suez Canal


Usapin sa
1.D sekularisasyon
2.A
3.B paring
4.D PilipinoLiberal na
5.B pamamahala
6.C
7.D Gawain 2
8.A
9.D 1. √ 2. √ 3. √ 4. X 5. √
10.B

Ang Aking Natuhuhan

Maraming mga pangyayari sa ibang bahagi ng mundo ang gumising sa diwang


makabayan ng mga Pilipino. Dahil dito, ninais nilang maipamalas ang kanilang
pagmamahal sa bayan. Ilan sa mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismo
ay ang pagbukas ng Suez Canal, pag-usbong ng panggitnang uri, liberal na pamamahala,
usapin tungkol sa sekularisasyon, paggarote sa tatlong paring Pilipino, pagbukas ng
Maynila sa pandaigdigang kalakalaan.
Namulat sa kaisipan ng mga Pilipino na kinakailangan nilang kumilos
magpahayag, at umaksyon upang labanan ang isang kaaway.

Sanggunian
Pamprosesong Tanong:
(Maaring magkaiba ang mga sagot)

Aklat
Gawain 2-Basa Mo, Suri Mo
Gabuat, Maria Annalyn P., Michael M. Mercado, at Mary Dorothy dL. Jose. Araling
1. Kristiyanismo 3. Magellan 5. kolonya
Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Department of Education-
2. Pope Alexander VI 4. Cebu
Vibal Group, Inc., 2016.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like