You are on page 1of 10

5

ARALING PANLIPUNAN
Learning Activity Sheet
Quarter 4, – Week 1-2
ANG MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAG-
USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS

-0-
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1 - 2: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan
sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Miyembro sa Pagsulat ng Modyul

Tagasulat: Ian T. Lastierre, Virgiely C. Fregil


Mylen Gladys Garbanzos,
Rosavi M. Marañon, Rhoda Mae G. Toral

Editor: Nilo R. Carmona


Tagasuri: Nilo R. Carmona, Raymund A. Santiago
Tagaguhit: Jose Kharlo L. Gambale
Tagalapat: Roxan E. Del Castillo
Manugdumala: Bago City Management Team
Allan B. Yap
Ermi V. Miranda
Ma. Lourdes V. Teodoro
Region VI Management Team:
Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga,
Donald T. Genine
Mary Hazel V. Pineda

-1-
Learning Activity Sheet
Pangalan: __________________________________________Seksiyon: ________________
Petsa: _____________________________________________ Grado: __________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5


Ang mga Salik na Nagbigay daan sa Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino)

Naging mapang-abuso at mapaniil ang pangangasiwa ng mga Espanyol sa


Pilipinas. Nagdulot ito ng mga kaguluhan at pag-aalsa mula sa iba’t ibang panig
ng Pilipinas. Sa pagkakataong ito, nagkaisa ang mga katutubong pangkat sa
pag-aklas laban sa mga kalabisan sa pagpapatupad ng mga Espanyol ng mga
patakaran. Hindi man lubusang nagtagumpay, natuto ang mga katutubo sa mga
isinagawa nilang pag-alsa. Dulot din ng mga pangyayari sa daigdig, nakapasok
at nabuo sa mga Pilipino ang kamalayang makabansa na siyang nagsulong sa
kanilang pagnanais na makalaya mula sa pananakop ng mga Espanyol.

Ang modyul na ito ay sinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


naglalaman ng iba’t ibang salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. makatutukoy ng mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng
pakikibaka ng bayan; at
2. makapaliliwanag ng mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
kamalayang makibaka at makabansa.

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


• Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, hindi


masasabing nagsawalang-kibo at naging mapagtiis ang mga Filipino. Hindi
lamang sa mga huling taon ng kanilang pagkakasakop sila nagkaroon ng
kamalayan o tapang upang tutulan ang mga hindi makatarungan at mapang-
abusong pamamahala ng mga Espanyol sa bansa. Mapapatunayan sa
kasaysayan na may mahabang kuwento rin ng mga pagtutol ang mga Filipino
sa mga Espanyol dala ng iba’t ibang mga pangyayari sa loob at sa labas ng
bansa.

-2-
III. MGA SANGGUNIAN
• Araling Panlipunan 5 Batayang Aklat, pahina 251 - 254

IV.MGA GAWAIN
A. Pangkalahatang Panuto: Basahin at gawin ang mga gawain sa ibaba.
Isulat ang lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

B. Mga Gawain

GAWAIN 1.
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba.

Mga Salik ng Pag-usbong


Paliwanag
ng Nasyonalismong Pilipino

Pagbubukas ng Pilinas sa Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa


pandaigdigang kalakalan pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal. Sa
(Pagbubukas ng Suez pagbubukas ng kanal na ito, dumagsa ang mga
Canal) mangangalakal, nabuksan ang ibang pantalan
at daungan, at nagdulot ng malawakang
pandarayuhan. Higit na napadali ang pag-
angkat ng mga kalakal, at pagdating ng
kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa
ibang panig ng daigdig. Napaikli sa isang buwan
ang paglakbay mula sa Europe patungo sa
Maynila.

Paglitaw ng panggitnang uri Ang panggitnang uri ay karaniwang


ng lipunan o middle class kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish
mestizo. Dahil sa nakamit nilang kasaganaan ay
nagkaroon sila ng kakayahang pag-aralin ang
kanilang mga anak sa Maynila o sa Europe,
partikular sa Spain.

Pagsibol ng kaisipang Liberalismo – kaisipang patungkol sa kalayaan


liberal Noong ika-19 ng Setyembre 1868, sinalakay ng
France ang Spain. Nag-ugat ang himagsikang ito
sa pagpapalit ng pamamahala ng Spain mula sa
kamay ng konserbatibo tungo sa mga liberal. Sa
panahong ito, ipinadala bilang bagong
Gobernador-Heneral si Carlos Maria de la Torre.
Nakilala siya sa kanyang liberal na pamamahala
sa Pilipinas. Mabuti ang pakikitungo niya sa
mga Pilipino. Naging malapit siya sa mga ito,
ipinagbawal ang pagpaparusa at hinikayat ang

-3-
malayang pamamahayag. Subalit hindi nagtagal
ang liberal na pamumuno dahil pinalitan si de la
Torre bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de
Izquierdo na kinilala bilang isang pinakamalupit
na namuno sa Pilipinas. Sa panahong ito, lalong
sumidhi ang pagnanais ng mga Pilipino para sa
pagbabago at kasarinlan.

Sekularisasyon at ang Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga


paring sekular ng kapangyarihang pamunuan
ang mga parokya.
Tatlong Paring Martir Dinakip ang mga paring sina Mariano Gomez,
Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa).
Pinagbintangan silang mga pinuno ng pag-alsa
sa Cavite. Hinatulan sila ng kamatayan at
ginarote noong ika-17 ng Pebrero 1872.

SUBUKIN

A. Tama o Mali. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at salitang MALI kung mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal ay dumami ang mga dayuhang naglakbay


sa Pilipinas dala ang sariling pananaw, kaisipan, kultura, gayundin ang mga
Filipinong nakapaglakbay palabas ng bansa.

2. Hindi nagkaroon ng epekto ang pagkamatay ng tatlong paring martir


(GomBurZa) sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

3. Nakamit ng mga “naliwanagang” kabataan, o illustrados ang liberal na


edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.

4. Hindi madaling nakuha ni Gobernador- Heneral Carlos Maria de la Torre ang


tiwala ng mga Pilipino sa kaniyang liberal na pamumuno.
5. Isa pang mahalagang pangyayari na naging salik sa pag-usbong ng
kamalayang Filipino ang sekularisasyon.

B. Ugnay-Salita. Iugnay ang konsepto ng mga nasa Hanay A sa Hanay B. Piliin


sa Hanay B ang sagot at isulat sa sagutang papel.

-4-
A B

1. Suez Canal Ilustrados

2. Kaisipang liberal Kalayaan sa pagpapahayag ng sarili

3. Liberal na pamumuno Pag-aalsa sa Cavite

4. Panggitnang uri Kaisipang liberal

Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at
5. Sekularisasyon
pagkakapatiran

GAWAIN 2.
Panuto: Lagyan ng bunga ang puno sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salik
ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino sa hugis puso na papel. Idikit ito sa
puno at pagkatapos, gumawa ng isang buod ng paliwanag hinggil sa mga salik.
Gawin ito sa sagutang papel o sa bond paper.

-5-
Rubrics sa Pagmamarka ng Output/Poster

Kraytirya 5 4 3
Nilalaman Napakalawak ng Malawak ang Hindi tiyak ang
impormasyong impormasyong mga impormasyong
ibinigay ibinigay ibinigay
Kaayusan Hindi gaanong
Napakalinis ng
Malinis ang gawain malinis ang gawain
gawain
Pagkamalikhain Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Nagpapakita ng
limitadong kaalamn Malabo o kulang na
may kaalaman at
at pagkamalikhain impormasyon at
pagkamalikhain
pagkamalikhain

GAWAIN 3.

Panuto: Iakma ang laman ng kahon sa pangungusap sa ibaba. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

Pagbubukas ng Suez Illustrado


Canal

Sekularisasyon Liberal na pamumuno

1. Madaling nakuha ni Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre ang


pagtitiwala ng mga Filipino. ______________________

2. Nagdulot ng malawakang pandarayuhan sa Pilipinas._____________________

3. Tumutukoy sa mga Pilipinong nakapag-aral sa Espanya. __________________

4. Pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihan na pamunuan ang


parokya. __________________

5. Pantay-pantay ang lahat ng tao at hinikayat ang malayang pamamahayag.


______________________

GAWAIN 4.

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nakapagbibigay ng sariling pananaw


tungkol sa salik na nagbigay daan ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
Isulat ang sanaysay sa sagutang papel.

-6-
C. Mga Batayang Tanong
1. Ano-ano ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino?

2. Sa iyong palagay, alin sa mga salik na ito ang masasabing may


malaking epekto sa paglaganap ng malayang kaisipan sa Pilipinas at
nagpakilos sa mga Pilipino upang ipaglaban ang mga karapatan at
kalayaan?
-7-
D. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

Rubrics sa Pagmamarka ng Sanaysay


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Mahusay na
naipapaliwanag ang mga
Nilalaman salik na nagbigay daan sa 15
pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
Wasto ang paggamit ng
mga bantas, baybay ng
Teknikal na Pagbuo ng
mga salita, at maayos 10
Sanaysay
ang mga bahagi ng isang
sanaysay
Naisuma ang sanaysay
ayon sa kabuuang
Konklusyon 5
kaisipan o mensahe ng
natutuhang aralin
KABUUANG PUNTOS 30

V. REPLEKSIYON

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag.

Nauunawaan ko sa natapos na aralin na____________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

-8-
-9-
GAWAIN 4
Rubrics sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Mahusay na naipapaliwanag ang
mga salik na nagbigay daan sa
Nilalaman 15
pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino
Wasto ang paggamit ng mga
Teknikal na Pagbuo ng bantas, baybay ng mga salita, at
10
Sanaysay maayos ang mga bahagi ng isang
sanaysay
Naisuma ang sanaysay ayon sa
Konklusyon kabuuang kaisipan o mensahe ng 5
natutuhang aralin
KABUUANG PUNTOS 30
GAWAIN 2
Rubrics sa Pagmamarka ng Output/Poster
Kraytirya 5 4 3
Nilalaman Malawak ang Hindi tiyak ang mga
Napakalawak ng impormasyong ibinigay impormasyong ibinigay
impormasyong ibinigay
Kaayusan Hindi gaanong malinis
ang gawain
Napakalinis ng gawain Malinis ang gawain
Pagkamalikhain Nagpapakita ng Nagpapakita ng Malabo
Nagpapakita ng may
limitadong kaalamn at o kulang na
kaalaman at
pagkamalikhain impormasyon at
pagkamalikhain
pagkamalikhain
Gawain 1
GAWAIN 3 SUBUKIN
1. Liberal na pamumuno A. B.
2. Pagbubukas ng Suez canal 1. TAMA 1. Kaisipang Liberal
3. Illustrado 2. MALI 2. Kalayaan, pagkakapantay-pantay,
4. Sekularisasyon 3. TAMA at pagkakapatiran
5. Liberal na Pamumuno
4. MALI 3. Kalayaan sa pagpapahayag ng sarili
5. TAMA 4. Ilustrados
5. Pag-aalsa sa Cavite
VI. SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like