You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office
San Carlos City, Pangasinan
BACNAR ELEMENTARY SCHOOL

Name:____________________________________Score:_________________________
Grade and Section:_________________________ Date:_________________________

Learning Activity Sheet in


ARALING PANLIPUNAN 5
Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

(MELCs):
Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino

Konsepto: Mga Salik Sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

PANIMULA:
Sa nakaraang aralin napag-aralan mo na may dalawang pangkat ng mga
katutubong Pilipino ang hindi nagpasakop sa mga Espanyol dahil sa kanilang tapang at
pagkakaisa na ipagtanggol ang kalayaan ng bansa. Sino ang dalawang pangkat na Ito?
Sa pagpapatuloy ng ating aralin ay iyong malalaman ang pangyayari o salik na
naging daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Bago yan mainam na malaman
muna ang kahulugan ng nasyonalismo. Ang nasyónalismo ay isang sistema ng
paniniwala o ideolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng
bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng
paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong. Ngayon ay ating alamin ang mga
salik na nagpausbong sa nasyonalismong Pilipino.

MGA SALIK NA NAGING DAAN SA PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO

Pagbubukas ng Suez Canal


Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang
Suez Canal. Sa Pagbubukas ng kanal na ito higit na napadali ang pag-aangkat ng
kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europa patungo sa ibang panig ng
daigdig. Napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila.
Bunsod nito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ang sariling mga
pananaw, kaisipan at kultura, gayundin ang mga Pilipinong nakapaglalakbay palabas ng
bansa.
Pag-Usbong ng Panggitnang- Uri
Bunga ng paglago ng agrikultura at ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakang
pandaigdig ay may ilang mangangalakal, magsasaka at propesyonal na umunlad ang
pamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang -uri ng lipunan sa Pilipinas. Ang
panggitnang uri na karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish meztiso. Dahil
sa nakamit nilang kasaganaan ay nagkaroon ang mga nasa panggitnang- uri ng
kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europa, partikular sa
Espanya. Doon nakamit ng mga ‘naliwanagang’ kabataan o mga ilustrados, ang liberal
na edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.

Ang Pagpasok ng mga Liberal na kaisipan.


Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan. Nakilala ang mga
pampulitikang manunulat na tulad nina Voltaire at John Locke na di sang-ayon sa umiiral
na sistemang monarkiyal. Ayon sa kanila kung mapatutunayan ng mga mamamayan na
hindi na karapat-dapat ang pinuno sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na ito at
palitan. Ang kaisipang liberal na ito ay nadama sa naganap na Himagsikang Pranses.
Ang mga simulain ng mga Pranses, pagkapantay-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ay
umabot at nakarating sa Pilipinas. Naging inspirasyon ng mga Pilipino ang mga simulaing
ito para sa kanilang mga minimithing pagbabago o reporma.

Liberal na Pamumuno
Madaling nakuha ni Gobernador-Heneral De La Torre ang tiwala ng mga Pilipino.
Nakilala siya sa kaniyang liberal na pamamahala sa Pilipinas. Nakinig siya sa mga
suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga tao, Espanyol man o Pilipino.
Ipinagbabawal niya ang paghahagupit bilang parusa, winakasan ang pag-eespiya sa
mga pahayagan at hinikayat ang malayang pamamahayag. Naniniwala siya na pantay-
pantay ang lahat ng tao. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay naranasan ng mga
Pilipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang sarili kaya minahal siya na mga
Pilipino. Subalit siya ay pinalitan ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo, ang isa sa
pinakamalupit na namuno sa bansa sa panahong ito lalong sumidhi ang pagnanasa ng
mga Pilipino para sa kasarinlan.

Sekularisasyon
Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring secular ng kapangyarihan
pamunuan ang Parokya. Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol na
kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit
at Dominican. Paring secular naman ang tawag sa mga Pilipinong pari na hindi maaring
mapabilang sa alinmang samahang relihiyoso. Nag-ugat ang suliranin mula sa pagtutol
ng mga paring regular na pamunuan ng mga paring secular ang mga parokya. Ito ay
sapagkat kaakibat ng pagiging pinuno ng parokya ay ang malawak na kapangyarihan at
impluwensya gayundin ang yamang mula sa kaban ng simbahan. Ibinalik sa mga paring
regular ang mga parokyang hawak ng mga paring sekular. Hinaing ng mga Pilipinong
pari ang diskriminasyon ang ginawang pagtatanggal sa kanilang katungkulan. Bunsod
nito, nagsimula ng isang kilusan sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez, ang Samahang
Sekularisasyon
Ang Pag-aalsa sa Cavite at Tatlong Paring Martir
Ang mga pribilehiyong tinatamasa ng mga manggagawa sa arsenal ng Cavite ay
winakasan ni Gobernador Izquierdo noong ika -28 ng Nobyembre1871 . Ang mga
pribilehiyong ito ay ang di pagbabayad ng buwis at and di paglilingkod nang sapilitan sa
matagal nang panahong kanilang tinatamasa Ikinagalit ng mga manggagawang Pilipino
ang pagbawi sa kanilang mga pribilehiyo kaya’t silay naglunsad ng isang pag-aalsa sa
arsenal noong ika20 ng Enero , 1872 . Sa pag-aalsang ito ay isinangkot ang tatlong
paring martir at pinagbintangan na sila ang namuno sa pag-aalsa sa Cavite. Mabilisan
silang nilitis at hinatulan ng kamatayan. Ang pagkamatay ng tatlong pari ay ginawang
babala ng mga Kastila sa mga Pilipino upang huwag silang pamarisan. Ipinakita nila na
ang sinapit ng 3 pari ay maaaring mangyari rin sa kanila. Subalit imbes na masiraan ng
loob ang mga Pilipino ay mas tumindi pa ang galit na nararamdaman. Naintindihan nila
na kung ang mga matatalino at may pinag-aralan ay hindi ligtas sa kamay ng mga kastila
sila pa kaya. Simula noon ay namuhi sa mga Kastila ang mga Pilipino at hinangad nila
ang kanilang kalayaan. Kung ating maaalala inihandog ni Jose Rizal ang dalawang
nobelang kanyang nilikha- ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo sa pag-alaala
sa 3 paring nagpakita ng kabayanihan alang-alang sa bansa.

La Ilustracion
Mahalagang kilalanin ang malaking naiambag ng isipang La Ilustracion mula sa
Europa sa mga pagbabagong ito dahil sa ideya ng kaliwanagan ang nagsilbing tulay ng
Spain at ng Pilipinas sa pagtawid mula sa konserbatismo tungo sa modernismo at liberal
na kaisipanat sa pagbubuo ng kamalayang makabayang nakabatay sa karapatan at
kalayaang ibinunsod sa Cadiz Constitution ng 1812. Isa itong mahalagang salik ng
pakikibaka ng mga mamamayang Pilipino laban sa Koonyalismong Espanyol.

Cadiz Constitution 1812


Binigyang halaga sa nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan
sa pagboto ng mga kalalakihan, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan
sa pamamahayag reporma sa lupa at malayang kalakalan.

Epekto na La Ilustracion sa Pilipinas


Pag-aalsa ng mga katutubo ng Sarat, Ilocos Norte noon 1815. Kumalat ang pag-aalsa sa
mga karatig bayan sa Ilocos. Bigo man ang pag-aalsa, malinaw na pinukaw ang kaisipang La
IIustracion at ng Cadiz Constitution ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang
karapatang dapat tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ang mga ito upang mapagtanto ng mga
Pilipino na may pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa kung magwawakas ang
pang-aabuso sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga karapatan. Ang lahat ng mga
pangyayaring ito ay nagpapakita ng matinding pagmamahal sa bayan o nasyonalismo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Isulat sa NOTEBOOK ang masayang mukha kung ang mga pangyayari ay
salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at malungkot na mukha kung hindi.

1. Pagbubukas ng Suez Canal


2. Pagbitay sa tatlong Paring Martir
3. Pagpasok ng mga liberal na kaisipan
4. Pag-usbong ng panggitnang -uri sa lipunan
5. Pag mamalupit ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre

Gawain sa pagkatuto Bilang 2


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang nagsasaad ng mga pangyayari na nagpausbong sa
nasyonalismong Pilipino sa Hanay A. Isulat sa NOTEBOOK ang titik ng tamang sagot

A B

1. Pagbubukas ng Suez Canal A. Nagbunga ito ng pagkamatay ng tatlong


paring martir na lubos na ikinagalit ng mga
Pilipino sa mga Espanyol at naghangad na
makamit ang kalayaan sa mga pakikipaglaban.

2. Pagbitay sa tatlong paring martir B. Nagdala ng mga aklat at pahayagan na


naglalaman ng mga kaisipang liberal na
nagmulat sa nasyonalismong Pilipino ng tunay
na kalayaan na kanilang ninasa.

3. Pag-aaklas sa Cavite C. Pinaghandugan ni Jose Rizal ng kanyang


2 nobela, ang Noli Me Tangere at El
Filibustirismo na gumising sa diwang
nasyonalismo ng mga Pilipino

4. Pagbubukas ng kaisipang liberal D. Pumukaw sa kamalayan ng mga Pilipino


sa mga karapatang dapat ay tinatamasa nila
kung malaya lamang ang bansa. Hinangad nila
ang kalayaan sa pamamagitan ng mga pag-
aalsa.

5. La Ilustracion E. Ang kaisipang ito ay naging daan upang


humingi ng pagbabago at reporma sa bansa.
Malaki ang nagawa nito sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

You might also like