You are on page 1of 7

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Ang Pagbubukas ng Suez Canal (1869)
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 12
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5
SUSING KONSEPTO:

Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdiqang Kalakalan (1834)

Sa paglipas ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo, iniutos


ng Hari ng Espanya, noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng Maynila para sa
pandaigdigang kalakalan. Nanguna ang mga Ingles sa kalakalan sa Pilipinas at ito ay
sinundan ng mga Amerikano at Pranses. Naging mataas ana halaga ng mga produkto tulad
ng asukal, tabako, abaka, at indigo. Umunlad ang produksivon sa bansa nang magbukas
ang mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan sa iba't ibang panig ng Pilipinas tulad ng
daungan sa Sual (Pangasinan), lloilo, Zamboanga, Cebu, Tacloban, at Legaspi.

Sa paglago ng kalakalan, lumago din ang salapi at kapital ng mga tao. Maraming
bangko ang binuksan.

Mga Bangkong Binuksan sa Pilipinas

 Banco Español-Filipino de Isabel II (1851)


 Chartered Bank of India, Australia, and China (1869)
 Shanghai Banking Corporation (1876)
 Monte de Piedad (1882)

Nagkaroon din ng maunlad na sistema ng komunikasyon at transportasyon dahil sa


pag-unlad ng komersiyo. Sa pagkakaroon ng maaayos at matitibay na daan at tulay, naging
mabilis ang komunikasyon at ugnayan ng mga tao. Nagsimula na rin ang pag-unlad ng
kaisipan ng mga tao at ang kamalayan sa kanilang kapaligiran. Naging madali at mabilis din
ang pagpasok ng mga dayuhang may dala-dalang iba't ibang ideya at kaisipang liberal na
gumising at nagpamulat sa isipan ng mga Pilipino.
PAGSASANAY:
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung ang pahayag tungkol sa pagbubukas ng
Pilipinas sa Pagdaigdigang Kalakalan (1894) ay tama. Lagyan ng malungkot na mukha
kung mali.

___1. Inutos ng Hari ng Espanya noong 1824 ang pagbubukas ng daungan ng Maynila.
___2. Umunlad ang produksiyon sa bansa nang magbukas ang mga daungan.
para sa pandaigdigang kalakalan.
___3. Isa sa bangkong binuksan sa Pilipinas sa panahong ito ay ang Monte de Piedad
(1882).
___4. Nagkaroon ng maunlad na sistema ng komunikasyon at transportasyon
dahil sa pag-unlad ng komersiyo.
___5. Nanguna ang mga Ingles sa kalakalan sa Pilipinas at ito ay
sinundan ng mga Tsino at Hapon.

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Pagdating ng Kaisipang Liberal
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 12
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5
Pagdating ng Kaisipang Liberal

May mga kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika ang nakarating sa ating bansa
nang buksan ng Espanya ang Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Ang mga
malayang kaisipan ng makabagong daigdig na nakasulat sa mga aklat at mga pahayagan ay
nadala ng mga mangangalakal sa Pilipinas. Lumaganap ang impluwensiyang "La llustracion"
(Enlightenment) o pagkamulat. Namulat ang mga tao sa kanilang mga karapatan. Namulat
sila na may karapatan ang lahat ng taong isinilang na dapat maging Malaya. May
karapatang silang mabuhay at karapatang magkaroon ng mga ari-arian. May karapatang
silang makapamili ng pilosopiya at relihiyon. Umunlad ang bagong pilosopiyang
pagkapantay-pantay at kalayaan. Nanghina ang Katolisismo dahil sa pag-unlad ng
Protestantismo. Naging mapanuri ang mga tao at humingi ng pagbabago sa Sistema ng
kanilang pamahalaan. Maraming bansa ang nagbigay ng kalayaang makapili ng relihiyon sa
kanilang mga mamamayan. May mga Pilipinong nakapag-aaral.

Namulat ang mga isipan ng mga katutubo sa mga ideolohiya ng mga Rebolusyong
Amerikano na, "mas mabuti pa ang mamatay kung walang kalayaan" at ang Rebolusyon ng
mga Pranses na nagpapakita ng kanilang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan,
pagkakapantay pantay, at kapatiran o liberty, equality, and fraternity. Napag-alaman ng
mga katutubo na may karapatan silang dapat ipaglaban at hindi dapat sila maging alipin
ng mga dayuhan sa sarili nilang bansa. Hindi nagtagal ay humingi sila ng mga repormang
makapagpapabago at makapagpapabuti ng kanilang kalagayan.

SUSING KONSEPTO:

PAGSASANAY:

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag tungkol sa pagdating ng kaisipang
liberal sa bansa ay tama. Lagyan ng ekis (X) kung mali.

___1. Ang mga malayang kaisipan ng makabagong daigdig na nakasulat sa mga


aklat at mga pahayagan ay nadala ng mga mangangalakal sa Pilipinas.
___2. Lumakas ang Katolisismo dahil sa pag-unlad ng Protestantismo.
___3. Lumaganap ang impluwensiyang "La llustracion" (Enlightenment) o pagkamulat.
___4. Ideolohiya ng mga Rebolusyong Amerikano, "mas mabuti pa ang
mamatay kung walang kalayaan."
___5. Ang rebolusyon ng mga Tsino ay nagpapakita ng kanilang pakikipaglaban upang
makamit ang kalayaan, pagkakapantay pantay, at kapatiran o liberty, equality,
and fraternity.

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Ang Panggitnang Uri ng Mamamayan o mga Illustrado
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 12
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5

SUSING KONSEPTO:
Ang Panggitnang Uri ng Mamamayan o mga Illustrado

Ang mga Pilipinong nakaangat sa lipunan ay nakapag-aral. Sila rin ay naglakbay at


nag-aral sa ibang bansa. Namulat sila sa kaisipang liberal at sa mapaniil na pamamalakad
ng mga Espanyol sa ating bansa. Sila ay humiling ng pagbabago sa mga Espanyol. Ang
pangkat na ito ay tinawag na illustrado.

Jose Rizal
Itinatag niya noong Hulyo 1892 ang "La Liga Filipina" sa llaya, Tondo upang maging
daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Isinulat niya ang "Noli Me Tangere" at "El
Filibusterismo." Ang aklat na "Noli” ay kuwentong naghahayag ng pagmamalabis,
pagmamalupit, at pagkaganid ng mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga Pilipino. Ang"El
Filibusterismo" ay isang nobelang political na naglalahad ng nalalapit na rebolusyon sa
bansa.

Graciano Lopez Jaena


Isinulat niya ang akda na"Fray Botod" na nagbubunyag ng kasibaan at kasamaan ng
ilang prayle kaya siya ay tinugis. Sumapi siya Circulo Hispano- Filipino at naging isang
masugid na propagandista. Itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad. Kinilala siya bilang
pangunahing orador ng mga Pilipino sa Espanya.

Marcelo H. del Pilar


Kinilala Siya bilang bantog na mamamahayag. Siya ay nakiisa sa pagpapalaganap ng
damdamin ng kilusang propaganda sa pamamagitan ng pagsasalita at paglalathala ng mga
babasahing natutungkol sa kabalbalang nangyayari sa Pilipinas. Nagtungo siya sa mga
bayan at mga sabungan at dito ay tinuligsa niya ang mga prayle.
PAGSASANAY:
Isulat sa patlang ang titik T kung ang pahayag tungkol sa panggitnang uri ng mamayan o
illustrado ay tama.Titik M naman kung mali.

___1. Si Marcelo H. del Pilar ang nagtatag ng “La liga Filipina” noong 1892.
___2. Ang mga Pilipinong nakaangat sa lipunan na nakapag-aral, nakapaglakbay
at nag-aral sa ibang bansa ay tinawag na illustrado.
___3. Si Graciano Lopez Jaena ay ang nagsulat ng akdang "Fray Botod."
___4. Si Jose Rizal ay kinilala bilang bantog na mamamahayag.
___5. Ang"El Filibusterismo" ay kuwentong naghahayag ng pagmamalabis, pagmamalupit,
at pagkaganid ng mga pinuno at prayleng Espanyol sa mga Pilipino
DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Liberal na Pamamalakad ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 12
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5
SUSING KONSEPTO:

Liberal na Pamamalakad ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre

Ipinadala ng Espanya sa Pilipinas si Carlos Maria dela Torre upang


manungkulan bilang gobernador-heneral. Nahikayat niya ang mga Pilipino na
pag-usapan ang mga suliranin ng bansa upang ang mga ito ay maituwid.
Inalis niya ang mga bantay sa palasyo at nakihalubilo siya sa mga tao. Lalong
nainis ang mga prayle nang alisin nito ang parusang pamamalo, sensura sa
malayang pagpahayag ng kaisipan at pinahintulutan niya ang malayang pag-
uusap sa mga bagay na nauukol sa pulitika. Lalong pinapootan ng mga prayle
nang hikayatin ng gobernador-heneral na magkaroon ng pagbabago sa
pamamalakad ng pamanalaan ang mga Pilipino.

PAGSASANAY:
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung ang pahayag tungkol sa liberal na
pamamalakad ni Gobernador-heneral Carlos Maria dela Torre ay tama. Lagyan ng
malungkot na mukha kung mali.

____1. Ipinadala ng Portugal sa Pilipinas si Carlos Maria dela Torre upang


manungkulan
bilang gobernador-heneral.
____2. Nasiyahan ang mga prayle kay Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre.
____3. Inalis ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre ang mga bantay sa
palasyo at nakihalubilo siya sa mga tao
____4. Hindi nahikayat ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre ang mga
Pilipino
na pag-usapan ang mga suliranin ng bansa upang ang mga ito ay maituwid.
____5. Nainis ang mga prayle nang alisin ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela
Torre
ang parusang pamamalo at pinahintulutan niya ang malayang pag-uusap sa

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 5

Pangalan: Petsa: Puntos:


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Pamagat ng Aralin: Pag-aalsa sa Cavite
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian: Araling Panlipunan 5 Learner’s Material LAS Bilang: 13
KAYAMANAN- Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5

SUSING KONSEPTO:
Pag-aalsa sa Cavite

Nang manungkulan ang sumunod na gobernador-heneral na si Rafael de


Izquierdo y Gutiérrez noong 1871-1873, muli niyang ipinatupad ang sensura ng
pamamahayag at hinadlangan at ipinahinto ang paghingi ng mga reporma tulad ng
mga karapatang politikal at sekularisasyon ng mga parokya. Isa siyang malupit na
gobernador-heneral. Ang kanyang pamamahala ay ikinagalit ng mga manggagawa
at sundalo sa Arsenal ng Cavite dahil inalis niya ang kanilang pribilehiyong hindi
pagbabayad ng buwis at hindi paglilingkod ng polo. Nag-alsa sila at inakupahan
ang kuta sa San Felipe noong Enero 20, 1872. Nagtagumpay sila at nakuha nila
ang Arsenal ng Cavite. Dumating ang mga sundalong galing sa Maynila at sila ay
nagapi. Ang mga lider ay pinatay at ang mga kasapi ay ibinilanggo.

Ang pagbitay ng mga Espanyol sa tatlong paring martir ay nagpasidhi rin ng


damdaming makabayan ng mga Pilipino. Sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose
Burgos, at Padre Jacinto Zamora (GomBurZa) ay binitay dahil pinagbintangan
silang nakipagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaang Espanyol.

PAGSASANAY:

You might also like