You are on page 1of 46

PANITIKAN SA PANAHON NG

PROPAGANDA AT
HIMAGSIKAN
(1872-1898)
PANAHON NG
PROPAGANDA
Ang panahong ito ay bahagi
pa rin ng panahon ng Kastila.
Sa panahong ito unti-unting
namulat ang kaisipang
Pilipino.
3
ILAN SA MGA DAHILAN NG
PAGKAMULAT:
1. Pagkakagarote sa tatlong pari na
sina Padre Gomez, Burgos at Zamora
2. Ang pagpapahintulot sa
pakikipagkalakalan ng pandaigdig
nang buksan ang Suez Canal
4
PAKSA NG PANITIKAN:
1. Humihingi ng pagbabago o reporma
sa pamamalakad ng simbahan at
pamahalaan.
2. Diwang makabayan.
3. Pag-asam o pagnanais ng Kalayaan.

5
KILUSANG
PROPAGANDA
- Binubuo ng mga intelektwal sa
gitnang uri
- Mga bumubuo ng kilusan:
✘ Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Mariano Ponce, Jose Ma.
Panganiban, Pedro Paterno at iba pa.
7
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA:
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga
Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino sa Korte ng Espanya.
3. Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
4. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa
pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong,
at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.
8
MGA TALUKTOK
NG PROPAGANDA
1. JOSE RIZAL
Mga sagisang panulat: Laong-Laan, Dimasalang
Organisasyong Itinatag: La Liga Filipina

Mga panitikang isinulat:


a. Noli Me Tangere
- Ito ang walang kamatayang nobela
na nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang
nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
10
- Inilantad ang mga kasamaang naghahari sa
pamahalaang Kastila sa Pilipinas.
- Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.

b. El Filibusterismo
- Karugtong ng Noli Me Tangere.
- Naglalantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama
rito ang katulong ngunit higit na makapangyarihan, ang
simbahan.

11
12
c. Mi Ultimo Adios
- Ito ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort
Santiago.
- Ipinalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa
pinakadakilang tula sa daigdig.

d. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS


- Hinggil sa kasamaan ng mga Pilipino.
- Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga
dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
13
e. Filipinas Dentro De Cien Años "Ang Pilipinas sa
Loob ng Sandaang Taon"
- Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang
panahon ng interes ng Europa ay mababawasan,
samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos
ay mararamdaman.
- Hula ni Rizal, “Kung may sasakop muli sa
Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.”

14
1. MARCELO H. DEL PILAR
Mga sagisang panulat: Plaridel
Pupdoh, Piping Dilat, Dolores
Manapat
Pahayagang Itinatag:
Diaryong Tagalog

15
Mga panitikang isinulat:
a. DASALAN AT TOCSOHAN
- akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban
sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.
b. LA SOBERAÑA EN FEILIPINAS
- isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di
makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.

16
DASALAN AT TOCSOHAN
"Amain namin sumaconvento ka,
sumpain ang ngalan mo
malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit
Saulan mo cami ngayon ng aming kaning iyong inarao-arao
at patauarin mo cami sa iyong pag-ungal para nang
pagpapataua mo kung kami’y nacucualtahan
at huag mo caming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo cami sa masama mong dila. Amen.”

17
DASALAN AT TOCSOHAN
“Aba ginoong barya,
nacapupuno ca nang alcancia,
ang Fraile sumasaiyo
bukod ca niyang pinagpala't pinahiguit
Sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.
Santa Baria, Ina ng Deretsos,
Ipanalangin mo caming huag anitan
ngayon at cami ipapatay, Siya Naua.”
18
3. GRACIANO LOPEZ-JAENA –
- Itinatag ang kauna-unahang
magasin, ang LA SOLIDARIDAD
na naging opisyal na bibig ng
“Asociation Hispano Filipina”
Mga panitikang isinulat:
a. Ang Fray Botod
- tinuligsa ang mga prayle na
masiba, ambisyoso at immoral ang
pagkatao.
19
b. La Hija Del Praile
- Dito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang
Kastila.
c. Sa Mga Pilipino
- isang talumpati na ang layunin mapabuti ang
kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at
may karapatan.

20
IBA PANG
PROPAGANDISTA
1. ANTONIO LUNA
- Dinakip at ipinatapon ng mga
Kastila sa Espanya.
- Sumanib sa kilusang
PROPAGANDA.
- Ang paksa ng kanyang mga
isinusulat ay nauukol sa mga
kaugaliang Pilipino, at ang iba’y
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga
Kastila.
- Sagisang-panulat – Taga-Ilog
22
Mga panitikang isinulat:
a. Noche Buena
- naglalarawan ng tunay na buhay ng mga
Pilipino.
b. La Tertulia Filipina (sa piging ng mga Pilipino)
- naglalahad ng isang kaugaliang Pilipino na
ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa
kaugaliang Kastila.

23
2. MARIANO PONCE
- naging tagapamahalang
patnugot, at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda.
- tungkol sa kahalagahan ng
edukasyon ang karaniwang paksa
ng kanyang mga sanaysay.
- Sagisang-panulat – Tikbalang;
Kalipulako; Naning
24
3. PASCUAL POBLETE
- Mamamahayag, makata,
mandudula, nobelista at
mananalaysay.
- Siya ang kauna-unahang
Pilipino na nagsalin sa
Pilipino ng Noli Me
Tangere ni Jose Rizal.
25
ANG PANAHON NG
PAGHIHIMAGSIK
- Hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino
ang hinihinging pagbabago ng mga
Propagandista.
- Naging bingi ang pamahalaan,
nagpatuloy ang pang-aapi at
pagsasamantala at naging mahigpit pa
ang pamahalaan at simbahan.
27
MGA SANGGUNIAN PARA SA BABASAHIN
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dasalan_at_Tuksuhan
https://sirmykel.files.wordpress.com/2019/02/friar-botod-graciano-lopez-
jaena.pdf

28
MGA TALUKTOK NG
TAHASANG
PAGHIHIMAGSIK
1. ANDRES BONIFACIO
- Kilala bilang "ama ng
demokrasyang Pilipino" ngunit
higit sa lahat, bilang "Ama ng
Katipunan“
- Namumuno sa Katipunan o KKK
(Kataas-taasang, Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan)
- Umanib sa La Liga Filipina
30
Mga panitikang isinulat:
a. Katungkulang Gagawin ng mga Anak
ng Bayan
- inihahalintulad sa sampung utos
ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang
ito.
b. Huling Paalam
- salin sa tagalog ng "Mi Ultimo Adios"
31
c. Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa
- isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay
Marcelo H. del Pilar.

32
2. APOLINARIO MABINI
Panitikang isinulat
a. El Verdado Decalogo (Ang
Tunay na Sampung Utos)
- ito ang ipinalalagay na
kanyang pinaka "obra maestra" na
ang pinakahangarin niya ay
magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino.

33
3. EMILIO JACINTO
- Kinilala bilang ‘Utak ng
Katipunan’ sapagkat tumayo
siya bilang kanang-kamay ni
Bonifacio
- Sagisag panulat: Dimas-
Ilaw
Mga panitikang isinulat:
a. Kartilya ng Katipunan
34
b. Liwanag at Dilim
- kalipunan ng kanyang mga
sanaysay na may iba't ibang paksa,
tulad ng kalayaan, paggawa,
paniniwala, pamahalaan, at pag-ibig sa
bayan.

35
MGA SANGGUNIAN PARA SA BABASAHIN
https://jcsibayan.files.wordpress.com/2018/07/ang-dapat-mabatid-ng-mga-
tagalog-ni-andres-bonifacio.pdf
https://sirmykel.files.wordpress.com/2016/07/emilio-jacinto-liwanag-at-
dilim.pdf
https://www.philippinemasonry.org/kartilya-ng-katipunan.html

36
MGA PAHAYAGAN
NOONG PANAHON
NG HIMAGSIKAN
1. KALAYAAN
- ang pamansag ng Katipunan.
- Itinatag noong 1896.
2. DIARIO DE MANILA
- pantulong ng Kalayaan
- Natagpuan ng mga Kastila ang limbagan
na nito kaya’t may katibayan sila sa mga
plano ng mga Katipunero.
38
3. LA INDEPENDENCIA
- Itinatag ito noong ika- 3 ng
Setyembre, 1898.
- Pinamatnugutan ni Antonio Luna
na naglalayon ng pagsasarili ng
Pilipinas.

39
GAWAIN/
OUTPUT

40
MULA SA OMAN, WITH LOVE SA BAYAN
- Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa
mga bayaning nagbuwis at nag-alay ng kanilang
sarili para sa bayan.
- Liham ng pasasalamat at pagtanggap sa
kabayanihang kanilang ginawa.
- Liham ng pangako na kayang ibigay ng
kasalukuyang kabataan para sa bayan.

41
MAIKLING
PAGSUSULIT

42
1. Kinilala bilang Ama ng Demokrasyang Pilipino
2. Siya ang nagtatag ng La Solidaridad na
pahayagan/magasin
3. Siya ang nagsulat ng Dasalan at Tocsohan
4. Siya ang nagtatag ng organisasyong La Liga
Filipina na una niyang itinatag sa Europa
5. Patungkol saan pumapaksa ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo?
43
6-10. Pagpapaliwanag. Hindi bababa sa
apat na pangungusap.
Ipaliwanag ang ilan sa mga dahilan o
layunin kung bakit namulat ang ating
mga bayani sa Panahon ng
Propaganda.

44
11-15. Pagpapaliwanag. Hindi bababa sa
apat na pangungusap.
Ipaliwanag ang ilan sa mga dahilan
kung bakit patuloy na nagkaroon ng
panitikan laban sa mga kastila noon
Panahon ng Himagsikan.

45
16-20. Pagpapaliwanag. Hindi bababa sa
apat na pangungusap.
Ipaliwanag ang ilan sa mga dahilan kung
bakit kinakailangang lumikha ng sagisag
panulat ang ating mga bayani sa pagsusulat
ng kanilang mga obra o mga panitikan.

46

You might also like