You are on page 1of 15

ARALIN 4

PANAHON NG PAGBABAGONG-DIWA

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Kasabay ng pagsibol ng pagbabagong-diwa ang himagsikang nagaganap sa


Espanya at ang pagbubukas ng Suez Canal noong 1869.Ang mga ideolohiya ng pag-
aaklas ng mga Amerikano at Pranses at ang mga pananaw nina Montesquieu,
Roosseau, Voltaire, Locke at iba pa ay nakarating sa ating bansa at lumikha ng mga
hangarin sa bawat Pilipino na magkaroon ng pagbabagong-bihis sa pamamahala sa
lalong ikagagaling ng taumbayan.
Ang pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at patuloy na pakikipag-ugnayan
at pakikipagkalakalan sa ibang bansa, ang pagtaas ng uri ng pamumuhay ay nagluwal
ng pangkat ng mga Pilipinong nakilala sa tawag na “Ilustrado o Middle Class”. Ang
pagkakagapi ng Reyna Isabela II at ang pag-akyat ng kapangyarihan ng liberalismo
ay malaking bahagi ng kasaysayan liberalismo sa Pil., gayundin ang pagkakaroon ng
demokratikong pamamahala ni Gob. Hen Carlos Ma. dela Torre sa Pilipinas.
Ngunit hindi nagtagal ang ganoong kalagayan sapagkat pinalitan agad si dela
Torre ni Gob. Hen. Rafael de Isquierdo-isang mapagmataas at may kahigpitan sa
pamamalakad. Umusbong ang kaguluhan dahil binaligtad niya ang mabuting
pamamahala ni dela Torre. Sumunod ang pag-aaklas sa arsenal sa Cavite noong
1872.
Nasupil ng mga Kastila ang mga manghihimagsik at isinangkot sa pangyayari
ang 3 pari. Sila ay nahatulang bitayin sa garote noong Pebrero 17, 1872. Ngunit batid
ng lahat na walang kasalanan ang 3 paring sina Jose Burgos, Mariano Gomes at
Jacinto Zamora. Maliban sa 3 pari, marami pang mga Pilipinong walang kasalanan
ang isinangkot at ipinatapon sa labas ng bansa. Ang ganitong pangyayari , lalo pang
nadagdagan ang mga makabayang naghahangad ng pagbabago. Naging daan ito ng
pagkakatatag ng “KILUSANG PROPAGANDA”.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Hangarin ng Propaganda
 Pagkakapantay-pantay na pagtingin sa Pilipino at Kastila sa harap ng batas
 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
 Ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya
 Italaga ang mga Pilipino bilang mga kura-paroko
 Kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino- gaya ng kalayang
magpahayag, makapagsalita, kalayaang makapaglunsad ng pagtitipon at
pagpupulong at gayundin sa paghingi ng katarungan at kaapihan.

Mga Propagandista
DR. JOSE RIZAL- Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang bilang sagisag
panulat. Isang makata at nobelista ng Propaganda. Itinuring na Dakilang
Malayo.
Mga Akda:

 NOLI ME TANGERE-HUWAG MO AKONG SALINGIN- itinuturing na


nobelang panlipunan- Inalay sa Inang bayan. Ito ang kaunahan at walang
kamatayang nobela na nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at
siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Inilantad ang mga
kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Tumalakay sa
mga sakit ng lipunan.
 EL FILIBUSTERISMO – ANG PAGSUSUWAIL- itinuturing na nobelang
pampulitika-itinuturing nainalay sa tatlong paring martir. Karugtong ng Noli.
•Naglalantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong
ngunit higit na makapangyarihan, ang simbahan.
 SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS – HINGGIL SA KATAMARAN
NG MGA PILIPINO. Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga
dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.
 SA MGA KABATAANG TAGA-MALOLOS
 EL CONSEJO DE LOS DIOCES –ANG KAPULUNGAN NG MGA BATHALA.
Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay
Cervantes.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 BRINDIS
 ME PIDEN VERSOS- HINIHILINGAN NILA AKO NG TULA(1882) – “A LAS
FLORES DE HEIDELBERG” (1882) Ang dalawang tulang ito nagpapahayag
ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
 KUNDIMAN
 SA AKING MGA KABABATA- Sinulat noong siya ay 8 taong gulang pa
lamang
 ALA JUVENTUD FILIPINA –SA KABATAANG PILIPINO. Isang tula na
inihandog niya sa mga kabtaang Pilipinong nag- aaral sa Pamantasan ng
Santo Tomas.
 MI ULTIMO ADIOS –ANG HULING PAALAM- Ito ang itinuturing na obra-
maestra ni Rizal
 FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS “ANG PILIPNAS SA LOOB NG
SANDAANG TAON” . Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon
ng interes ng Europa ay mababawasan , samantalang ang impluwensya ng
Estados Unidos mararamdaman. Hula ni Rizal, “kung may sasakop muli sa
Pilipinas, walang iba kundi ang Estados unidos.
 JUNTO PASIG •“SA TABI NG PASIG” . Isinulat niya ito nung siya ay 14 taong
gulang.
 NOTAS A LA OBRA SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS POR EL DR.
ANTONIO DE MORGA •“MGA TALA SA AKDANG PANGYAYARI SA
PILIPINAS NI DR. ANTONIO DE MORGA”
 P. JACINTO: MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE DE MANILA •“P. JACINTO:
MGA GUNITA NG ISANG ESTUDYANTE SA MANILA”
 DIARYO DE VIAJE DE NORTE AMERIKA •“TALAARAWAN NG
PAGLALAKBAY SA HILAGANG AMERIKA”

MARCELO H. DEL PILAR-naging tanyag sa bansag na PLARIDEL, ginamit niya ang


mga ngalang-sagisag na: PIPING DILAT, PLARIDEL,PUPDOH, SILING
LABUYO at DOLORES MANAPAT. Tinaguriang PREDICADOR NG
MASA. Itinatag ang “diyaryong tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan
niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


pamahalaang Kastila.Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya
si Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na naging tagapamansag ng
mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa
pamahalaan ng mga Pilipino.

Mga Akda:
 CAIINGAT CAYO-isang mapangantiyaw na kritika o libretong nagtatanggol
sa akdang Noli dahil sa pagtuligsa ni Padre Jose Rodriguez; inilathala sa
Barcelona noong 1888
 ANG CADAQUILAAN NG DIOS –isang sanaysay na naglalahad ng
panunuligsa sa mga prayleng Kastila at nagpapaliwanag ng kanyang
pilosopiya at sariling paghanga sa kagandahan ng kalikasan. – isang hawig
katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilathala sa Barcelona.
Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng Poong Lumikha,
pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.
 LA FRAILOCRACIA EN FILIPINAS AT LA SOBERAÑA MONACAL EN
FILIPINAS
 DUPLUHAN..DALIT…MGA BUGTONG ito’y katipunan ng maiiksing tula at
pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.
 DASALAN AT TUKSUHAN- Isang polyetong panggising sa damdamin ng
mga mamamayang Pilipino na gumagagad sa nilalaman ng aklat dasalan
bilang pagtuligsa sa mga prayleng Kastila
“Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami
ngayon nang aming kaning iyong inarao- arao at patawarin momkami sa iyong pag-
ungal para nang taua kung kami’y nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot
sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen
 ISANG TULA SA BAYAN
 PACIONG DAPAT IPAG-ALAB NG PUSO NG TAONG BABASA
 SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS-tulang binubuo ng 82
taludtod, naglalaman ng kasagutan sa HIBIK NG PILIPINAS SA INANG
ESPANYA na akda ni Herminigildo Flores

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA - salin sa sa tulang “amor patrio” ni Rizal
na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”.
 LA SOBERANA EN FEILIPINAS – isang sanaysay na tungkol sa mga
katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.
 POR TELEPONO

GRACIANO LOPEZ-JAENA- mananalumpati ng propaganda . Siya ay nakagawa ng


may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng
mga makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni
Remegio Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, “Manila Flatica.”
Mga Akda:
 LA HIJA DEL FRAILE –ANG ANAK NG PRAYLE at ang EVERYTHING IS
HAMBUG - Ito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga kapahamakan at
kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.
 SA MGA PILIPINO– isang talumpati na ang layunin mapabuti ang
kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan.
 EN HONOR DE LOS FILIPINAS –ANG DANGAL NG PILIPINAS
 MGA KAHIRAPAN SA PILIPINAS
 EN HONOR DEL PRESIDENTE DELA ASSOCACION HISPANO-
FILIPINO pinuri ni Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa
mga tao.
 FRAY-BOTOD- isang maikling nobelang naglalarawan sa isang prayleng
dumating sa Pilipinas, tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at
immoral ang pagkatao.
 TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS – noong ika-391
anibersaryo sa pagkakatukals ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng
Madrid.
 EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y RESURRECCION HIDALGO –
matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na mga larawan ng mga
kalagayan ng mag Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS (Pag- ibig ng
Espanya sa mga kababaihan ng Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga
babae na ang guro ay Gobernador ng lalawigan ang magbibigay.
 EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS – ipinagtanggo niya na walang
tuklisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan
at kailanagang (Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan ang Pilipinas.
 HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas) – ang pagwawagi sa mga
eksposisyon nina Luna, Resurreccion, at Padro de Tavera na ang
katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
 PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS
 ISANG PAGLINANG SA “INSTITUCION NG PILIPINAS”
 MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS – tinutukoy ang maling pamamalakad at
edukasyon sa Pilipinas – 1887.
ANTONIO LUNA- gumamit ng sagisag na TAGA-ILOG sa kanyang mga akda.
Naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino
Mga Akda:
 NOCHE BUENA
 DIVIERTEN –NAGLILIBANG SILA. Isang pagpuna sa sayaw ng mga
Kastila halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.
 POR MADRID- SA MADRID. Tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing
ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga
kapag sinisilangan ng selyo.
 LA MAESTRA DE MI PUEBLO
 TODO POR EL ESTOMAGO
 LA TERTULLA FILIPINA –ANG PIGING NG MGA PILIPINO. Naglalahad
ng isang kaugalian Filipino na ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa
kaugaliang Kastila.
 LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) - naglalarawan ng isang
pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi
upang kumite, kundi upang maihanap ng mapapangsawa ang kanyang
anak.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 IMPRESIONES – ito’y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang
dinaranas ng isang mag- aaral na naulila sa amang kawal.

MARIANO PONCE - nagkubli sa sagisag na TIKBALANG, NANDING at


KALIPULAKO. Naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at
mananaliksik ng Kilusang Propaganda
Mga Akda:
 MGA ALAMAT NG BULAKAN- naglalaman ng mga alamat at kwentong-
bayan ng kanyang bayang sinilangan
 PAGPUGOT KAY LONGINO– isang dulang Tagalog na itinanghal sa
liwasan ng Malolos, Bulakan
 SOBRE FILIPINAS
 ANG MGA PILIPINO SA INDI TSINA

PEDRO SERRANO LAKTAW-isa sa pangunahing Mason na kasama ni Antonio Luna.


Itinatag niya ang Lohiyang NILAD. Unang sumulat ng DICCIONARIO
HISPANO-TAGALOG. Ang kanyang ESTUDIOS GRAMATICALES at
SOBRE LA LENGUA TAGALA ang pinagbatayan ni Lope K. Santos ng
balarila ng Wikang Pambansa

JOSE MARIA PANGANIBAN- isang Bikolano mula sa Camarines Norte. Nakilala sa


sagisag na JOMAPA.
Ang mga Tulang Sinulat:
 A NUESTRO OBISPO
 NOCHE DE MAMBULAO
 ANG LUPANG TINUBUAN
 SA AKING BUHAY
 MGA SANAYSAY
 EL PENSAMIENTO
 LA UNIVERSIDAD DE MANILA
 SU PLAN DE ESTUDIO

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


DR. PEDRO PATERNO – Isang Makata, Nobelista, at Mandudula. Kauna-unahang
Pilipinong manunulat na nakalaya sa mahigpit na pagbabawal sa
panitikan nang panahon ng propaganda.
Mga Akda:
 NINAY-kauna-unahang nobelang panlipunan na orihinal na nasulat sa
Kastila na akdang Pilipino
 SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS –MGA SAMPAGITA AT SARISARING
TULA
 EL CRISTIANISMO Y LA ANTIGUA CIVILIZACION TAGALA
 LA CIVILIZACION TAGALA, EL ALMA FILIPINOS at LOS ITAS
 A MI MADRE –SA AKING INA – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina,
na nagiging malingkot ang isang tahanan kung wala ito
 SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS – Katipunan ng kanyang mga Tula.

PASCUAL POBLETE – Tinaguriang AMA NG PAHAYAGAN. Isang


nobelista,tagasaling-wika, makata, mananalaysay.
 nagtatag ng pahayagang EL RESUMEN
 Itinatag niya ang pahayagang EL GRITO EL PUEBLO na may pangalang
ANG SIGAW NG BAYAN
 Siya ang kauna-unahang nagsalin sa wikang Tagalog ng NOLI ME
TANGERE
 salin ng nobelang ANG KONDE NG MONTE KRISTO
 LUCRECIA TRICIPTINO
 salin ng BUHAY NI SAN ISIDRO LABRADOR
 ANG KAGILA-GILALAS NA BUHAY NI JUAN SOLDADO
 ANG MANUNULAT SA WIKANG TAGALOG

ISABELITO DELOS REYES- isang mamamahayag, manananggol,manunulat at


pinuno ng mga manggagawa
 Nagtatag ng IGLESIA FILIPINA INDEPENDENCIA
 LAS ISLAS VISAYAS EN LA EPOCA DELA CONQUISTA
 HISTORIA DE ILOCOS

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


 LA SENSACIONAL MEMORIA SOBRE LA REVOLUCION FILIPINA
 FERNANDO CANON-
 FLOR IDEAL
MGA HALIMBAWA NG AKDA

DASALAN AT TUKSUHAN
Ang Amain Namin
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh
inaraoarao at patauanin mo cami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung cami'y nacucualtahan;
at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo cami sa masama mong dila. Amen.

Ang Aba Guinoong Baria


Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't
pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nang Deretsos, ipanalangin
mo caming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria


Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang
aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh
hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para
sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang
pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at
maalam, matunog na guinto cami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile.
Amen

Ang Manga Utos Nang Fraile (Ang Sampung Utos ng Prayle)


Sa makabagong pagbabaybay
Ang mga utos nang Prayle ay sampu:
Ang una: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Huwag kang magpapahamak o manumba ng ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.
Ang ika-anim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Itong sampong utos ng Prayle'y dalawa ang kinauuwian.
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya nawa.
Anh ikawalo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itanggi ang iyong ari.

Ang mga kabuhungang asal, ang pangala'y tontogales ay tatlo.


Igalang mo …………… Ang Prayle
Katakutan mo…………
At pagmanuhan mo …..

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


FRAY BOTOD
ni Graciano Lopez Jaena
Sino si Botod?
May dalawang taong nag uusap at ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol kay Pari Botod. Nasa
plaza sila at nakita nila ito na may kasamang babae. Sinasampal ang babae at napaluhod ito at
nagmamakaawa na wari humihingi ng kapatawaran. Siya ang kura paroko sa bayan. Talagang naririto sila at
nagmamalabis hindi lamang sa ispiritwal na bagay kundi sa (politico) pamahalaan at sa kalaswaan

Paglalarawan:

Ang kahulugan ng Botod ay malaking tyan at ito ang itinatagurisa kanya ng mga tao. Ang ngalang
binyagan nya ay Ana dahil sa ipinanganak siya sa kapistahan ng Santa Ana- ina ng Mahal na Birhen.

Siya ay taga- Aragon at ang mga magulang niya ay di nya nakilala. Siya ay natagpuan ng isang
mangingisda sa ilog ng ebro malapit sa simbahan ng "Our lady of Pillar"- nang sumapit sa 14 na taon ay
tumakas at nagpunta sa villadolid sa kumbento ng mga Agustino.

Siya ay 21 nang maatasang pumunta sa Pilipinas. Siya ay nag anyong mahiyain ngunit pagkatapos
na maging kura paroko, naging mapagmalaki at napakayaman.pandak siya , may bilugang mukha na parang
buwan, bilugang pisngi. Makapal ang labi, maliliit ang mga mata, mapulang ilong na malaki ang butas kaya
madaling makaamoy. Mamula-mulang buhok, bilugan ang ulo na tulad ng bao ng niyog. Kunot ang noo at
matalas tumingin. Napakalaking tiyang nakausli at maikli ang leeg- iyan si Padre Botod.

Pag-uugali:

Mas matakaw kaysa kay Heliogabalus (Roman Emperor)  isang usurero,  masahol sa hudyong
nagpapahiram ng pera,  mahilig sa babae katulad ng isang sultan. Sa katapusan, ibig din niya ng magagarang
regalo.

Si Padre Botod ay patabaing baboy na kumakain, umiinom, natutulog, at walang iniisip kundi isatisfy
ang kanyang “appetite”.

Paano Inaaliw ang Sarili ?

Araw-araw nagsusugal maliban kung Linggo sapagkat ito ay nagsasabong.


Kung siya ay naglalaro at may mangungumpisal na mamamatay na ito ay kanyang itinataboy  at
sinasabihan na lang niya na magdasal ng “Sumasampalataya” (Act of Contrition) at doon na niya ibibigay ang
kanyang bendisyon.
Nang mamatay ang taong iyon:

Humiling ng 3 ang pari.


Tama na ang isa na lang at ang bayad ay 150 segunda klase. Hinanap ng tao si Pari Marcelino at sa
kanya raw ay 50-tatlong pari pa. Wala pong pera ang namatayan.
Magdelihensya kayo, kundi ay di mailiibing iyan.
aglasing si Padre Marcelino nang malaman ito at nang ibalita sa kanya ito ay ipinasara ang
kumbento.

Paano Nagpipista ng Patron sa Bayan? 

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Ipasasabi niya sa sakristan na sabihan ang mga mayayamang ginang at ginong na magbigay ng iba’t
ibang pagkain para sa bisita.  Ang kanyang paroko (parishioners) ay gagasta nang marangya sa pista.

Paano Siya Nangangalakal ?

Isa siyang usurero.


Pag humiram ng 300 ay di lamang pababayaran ng 600 kundi bibilhin niya ang palay nang murang-
mura at ipagbibili niya nang mahal kapag tag-araw.
Gigipitin niya ang mga magsasaka.
Sasabihin pa ngang lahat ay para sa birhen.

Paano siya nagiging Pulitiko?

Masahol pa kay Canovas o Lagasta.


Kapag may pupunta para mag-ayos ng daan-sasabihin niya na gawin muna ang kusina ng simbahan
niya.

Paano Nagsisinungaling?
Mayaman kami sa Espanya-
Pumunta kami rito upang maging sibilisado ang mga Indio.
Ayaw niyang ipaturo ang Kastila. Baka labanan daw siya ng mga Indio.

Paano Siya Nagsisiyesta?

Sa umaga: isang malaking tasang tsokolate, 4 na hiwang bibingkang kanin  sa tanghalian at


hapunan: alak at 10 dishes per meal, 15 kung isasama ang dessert.

Paglalarawan ng kanyang kwarto


Resurrecion ni Hidalgo
Asawa ni Putifar (Half Nude)
Kamang yari sa Kamagong, may seldang jusi
Mga larawang nakaaaliw

Gawain ng mga Canding- Canding  

Kikay - mamamaypay  
Paula - nangingiliti sa paa
Loleng- naghihilot sa ulo
Titay - nag-aalis ng kuto
Manay- nangingiliti sa tainga sa tulong ng pakpak ng manok
Arang - naghihila ng daliri  
Ansay - nag-aalis ng puting buhok
Biray (pinakamaganda) - nanghihimas ng tiyan
Calay - bumubulong ng mga  istorya sa tainga upang makatulog

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.


HULING PAALAM
Dr. Jose Rizal Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
sa kagalingan mo ay akin ding handog.
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU
Sa pakikidigma at pamimiyapis liwayway bayaang sa aki'y ihatid
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, magalaw na sinag at hanging hagibis.
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
Saan man mautas ay di kailangan, sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan doon ay bayaan humuning hinahon
pakikipaghamok, at ang bibitayan, at dalitin niya payapang panahon.

yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat Bayaang sino man sa katotong giliw
sa likod ng luksang nagtabing na ulap. tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.
kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
Idalanging lahat yaong nangamatay,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
Ang mga balo't pinapangulila,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
walang bakas kunot ng kapighatian
ay lumaganap na doon sa libinga't
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang ako, Bayan yao't kita'y aawitan.
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
Ang mga buto ko ay bago matunaw,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
mauwi sa wala at kusang maparam,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay Kung magkagayon ma'y, alintanahin
at simoy ng iyong paggiliw na tunay. na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig mga lansangan mo'y aking lilibutin.
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,

Matining na tunog ako sa dinig mo,


ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,


walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid


kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,


paalam estrangherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Direksyon: Sagutin ang sumusunod.

1. Nobela ni Rizal na tumatalakay sa malalang sakit ng lipunan.


a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Ang huling Paalam
d. Filipinas Dentro de Cien Años
2. Isang panunulad sa katesismo ngunit patuyang laban sa mga Prayle na siyang
ikinataguring Filibustero kay Del Pilar.
a. Dasalan at Tuksuhan c. Caiingat Cayo
b. Ang kadakilaan ng Diyos d. Fray Botod

3. Isang polyetong panggising sa mga damdamin ng mga mamamayang Pilipino


na gumagagad sa mga nilalaman ng aklat-dasalan. Ipinalalagay na ito ang
pinakamabangis na akda laban sa mga prayleng Kastila.
a. Dasalan at Tuksuhan c. Caiingat Cayo
b. Ang kadakilaan ng Diyos d. Fray Botod

4. Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat _________,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
a. Kanluran b. karimlan c. kalaliman d. silangan
EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU
5. Walang ______________ kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita’t hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.
a. Ginusto b. isunuhay c. pinili d. hiningi

6. Ang pagsusuring salin sa Filipino ng Fray Botod ay sinulat ni:


a. Graciano Lopez-Jaena c. Magdalena P. Limdico
b. Marcelo H. del Pilar d. Antonio Luna

7. Ang Botod ay nangangahulugang:


a. Nalunod b. nakausling tiyan c. buntis d. malaking tiyan

8. Ang tunay na pangalan o ang ngalang binyagan ni Fray Botod ay:


a. Santa Ana b. Ana c. Mariano d. Marino

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-uugali ni Fray Botod?


a. Mahilig sa mga babae c. matakaw
b. Ususero d. mahilig manregalo

10. Paano inaaliw ni Fray Botod ang sarili?


a. Nagsusugal maliban kung araw ng Linggo sapagkat siya ay
nagsasabong
b. Nakikipag-inuman
c. Nakikipagyabangan
d. Kumakain ng masasarap

11. Ano ang makikita sa kanyang kwarto?


a. Kamagong na kama c. Asawa ni Putifar (Half Nude)
b. Resurrecion ni Hidalgo d. lahat na nabanggit

12. Alin sa mga sumusunod ang tuligsa ni Graciano Lopez-Jaena sa mga prayle
na napapaloob sa nobelang Fray Botod?
a. Pagpapatubo nang malaki sa mga utang
b. Pagbanggit ng iba’t ibang bisyo ng mga prayleng Kastila
c. Ang pagsingil nang mahal sa pagpapalibing
d. Lahat na nabanggit

13. Paano nagpipista ng patron sa bayang pinagkukurahan ni Fray Botod?


a. Naghahanda ng husto ang pari para sa kanyang mga bisita
b. Ang mga mayayamang ginang sa parokya ang pinaghahanda niya para sa
kanyang mga bisita.
c. Nangangalakal siya upang may maihanda
d. Namumulitika siya upang makapanghingi ng donasyon

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU


14. Ayon kay Graciano Lopez-Jaena,sa kanyang akda, ang layunin ng mga prayle
sa pagparito sa Pilipinas ay:
a. Imulat ang mga Pilipino sa kahulugan ng relihiyon
b. Maghasik ng salita ng Diyos
c. Magmalabis hindi lamang sa espiritwal na bagay kundi sa pamahalaan at
sa kalaswaan.
d. Maging ambisyoso, masiba, at imoral sa mga gawain.

15. Ang pangalan ni Fray Botod ay hango kay _________ dahil ipinanganak siya
sa Kapisthan nito.
b. Santa Cecilia c. Santa Monica
c. Santa Maria d.Santa Ana

EDUC. 413 - PRE-SERVICE DEVELOPMENT SEMINAR -Para sa mga mag-aaral ng CatSU

You might also like