You are on page 1of 4

Module 9: Pagtuturo ng Panitikan sa Elementarya (TEAFI2)

Topic: Panitikang Pilipino sa Panahon ng Propaganda


Kaligiran:
Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal: •Jose Rizal •Marcelo H. del Pilar •Graciano
Lopez Jaena •Mariano Ponce •Jose Ma. Panganiban •Pedro Paterno atbp.

LAYUNIN NG KILUSANG ITO:


•Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
•Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
•Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
•Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.
•Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA

 A.JOSE RIZAL
 Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang bilang sagisag panulat.
 Henyo sa Wikang Kastila

MGA AKDA
1. NOLI ME TANGERE •Ito ang kaunahan at walang kamatayang nobela na nagpasigla
nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa
Espanya. •Inilantad ang mga kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa
Pilipinas. •Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.Unang naging daan sa pagkaka-isa ng
mga Pilipino. Nagturo ng nasyonalismo at patriyotismo sa mga Pilipino.
2. EL FILIBUSTERISMO •Karugtong ng Noli. •Naglalantad sa mga kabulukan ng
pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na makapangyarihan, ang
simbahan.
3. MI ULTIMO ADIOS •Ito ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort
Santaigo. •Ipinalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong
pinakadakilang tula sa daigdig.
4. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS •Hinggil sa kasamaan ng mga
Pilipino. •Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na
sabing ang mga Pilipino ay tamad.
5. FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS •“ANG PILIPNAS SA LOOB NG SANDAANG
TAON” •Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon ng interes ng Europa ay
mababawasan , samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos mararamdaman.
•Hula ni Rizal, “kung may sasakop muli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estdos
unidos.
6. A LA JUVENTUD FILIPINO •“SA KABATAANG PILIPINO” •Isang tula na inihandog
niya sa mga kabtaang Pilipinong nag- aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.
7. EL CONSUEJO DE LOS DIOSES •“ANG KAPULUNAGN NG MGA BATHALA” •Ito
ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
8. JUNTO PASIG •“SA TABI NG PASIG” •Isinulat niya ito nung siya ay 14 taong gulang.
9. ME PIDEN VERSOS •“HINILINGAN NILA AKO NG TULA” (1882) – “A LAS FLORES
DE HEIDELBERG” (1882) •Ang dalawang tulang ito nagpapahayag ng mga di
pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
10. NOTAS A LA OBRA SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS POR EL DR. ANTONIO
DE MORGA •“MGA TALA SA AKDANG PANGYAYARI SA PILIPINAS NI DR.
ANTONIO DE MORGA”
11. P. JACINTO: MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE DE MANILA •“P. JACINTO: MGA
GUNITA NG ISANG ESTUDYANTE SA MANILA”
12. DIARYO DE VIAJE DE NORTE AMERIKA •“TALAARAWAN NG PAGLALAKBAY
SA HILAGANG AMERIKA”

B. MARCELO H. DEL PILAR


•Kilala sa kanyang sagisag panulat na: •PLARIDEL •PUPDOH •PIPING DILAT
•DOLORES MANAPAT •SILING LABUYO
•Itinatag ang “diyaryong tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan niya ng mga puna at
pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.
•Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya si Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng
mga kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino.

MGA AKDA:
1. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA - salin sa sa tulang “amor patrio” ni Rizal na
napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”.
2. KAIIGAT KAYO – ito ay isang pabiro at pauyang tuligsa sa tugon ni P. Jose
Rodriguez sa Noli ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888.
3. DASALAN AT TOCSOHAN – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa
mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.
“Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami
ngayon nang aming kaning iyong inarao- arao at patawarin momkami sa iyong pag-
ungal para nang taua kung kami’y nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa
inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen
4. ANG CADAQUILAAN NG DIYOS – isang hawig katesismo subalit pagtuya laban sa
mga prayle na inilathala sa Barcelona. Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng
Poong Lumikha, pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.
6. DUPLUHAN…DALIT…MGA BUGTONG – ito’y katipunan ng maiiksing tula at pang-
aapi ng mga prayle sa Pilipinas.
7. LA SOBERANA EN FEILIPINAS – isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di
makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.
8. POR TELEPONO 9. PASIONG DAPAT IPAG-ALAB NG PUSO NG TAONG BABASA
C.GRACIANO LOPEZ JAENA
 •Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay
binabasa ng mga makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni Remegio
Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, “Manila Flatica.”

MGA AKDA:
1. ANG FRAY BOTOD – tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at immoral
ang pagkatao.
2. LA HIJA DEL PRAILE at ang EVERYTHING IS HAMBUG - Ito ay ipinaliwanag ni
Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.
3. SA MGA PILIPINO – isang talumpati na ang layunin mapabuti ang kalagayan ng mga
Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan.
4. TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS – noong ika-391 anibersaryo sa
pagkakatukals ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.
5. EN HONOR DEL PRESIDENTE MORAYTA DELA ASUNCION HISPANO PILIPINO
– pinuri ni Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa mga tao.
6. EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y RESURRECCION HIDALGO – matapat na
papuri sa kanilang mga iginuhit na mga larawan ng mga kalagayan ng mag Pilipino sa
kamay ng mga Kastila.
7. AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS (Pag- ibig ng Espanya sa mga
kababaihan ng Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga babae na ang guro ay
Gobernador ng lalawigan ang magbibigay.
8. EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS – ipinagtanggo niya na walang tuklisan sa
Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailanagang
(Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan ang Pilipinas.
9. HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas) – ang pagwawagi sa mga
eksposisyon nina Luna, Resurreccion, at Padro de Tavera na ang katalinuhan ay
nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
10. PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS 11. ISANG PAGLINANG SA “INSTITUCION
NG PILIPINAS” 13. MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS – tinutukoy ang maling
pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas – 1887.

IBA PANG MGA PROPAGANDISTA

D.ANTONIO LUNA

MGA AKDA:
1.NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino.
2.SE DIVIERTEN (naglilibang sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila halos di-
maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.
3. LA TERTULIA FILIPINA (sa piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng isang kaugalian
Filipino na ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa kaugaliang Kastila.
4. POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay
lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisilangan ng selyo.
5. LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) - naglalarawan ng isang
pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumite,
kundi upang maihanap ng mapapangsawa ang kanyang anak.
6. IMPRESIONES – ito’y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng isang
mag- aaral na naulila sa amang kawal.

E. MARIANO PONCE
•Ay nagging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng Kilusang
Propaganda. •Ang kanyang mga sagisag panulat ay: TIKBALANG, KALIPULAKO at
NANING.

MGA AKDA:
1. MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng
kanyang bayang sinilangan.
2. PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng
Malolos, Bulakan.
3. SOBRE FILIPINAS
4. ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

F. PEDRO PATERNO
•Isang iskolar,dramateryo, mananliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda.

MGA AKDA:
1.NINAY – kaun-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang
Pilipino.
2.A MI MADRE (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging
malingkot ang isang tahanan kung wala ito.
3.SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS – Katipunan ng kanyang mga Tula.

G. JOSE MA. PANGANIBAN


•Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na JOMAPA

MGA AKDA:
•ANG LUPANG TINUBUAN
•SA AKING BAHAY
•SU PALAN DE ESTUDIO
•EL PENSAMIENTO

Activity 9. Gawin ang mga sumusunod.


A. Gumawa ng inyong lesson plan na ang paksang tatalakayin ay ang tatlong
pinakakilalang propagandista. Talakayin ang kani-kanilang kahalagahan sa
panahon. Ituro ang virtues na nasyonalismo at patriyotismo.
B. Talakayin ang akdang Noli Me Tangere sa inyong klase. Iplanong mabuti kung
paanong ituro na maglalayong malinang sa mga bata ang kanilang pagmamahal
sa bayan. Ipakita ito sa pamamagitan ng detalyadong lesson plan.

You might also like