You are on page 1of 10

Panitikan sa panahon ng

Propaganda
Kaligirang kasaysayan

o Tatlong paring martir noong pebrero17,1872


o Diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
o And pagkakadala sa kapuluan sa liberal na lider na si Jose Ma. De la Torre

Ang kilusang propaganda

Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal:

o Jose Rizal
o Marcelo H. del Pilar
o Graciano Lopez Jaena
o Mariano Ponce
o Jose Ma. Panganiban
o Antonio Luna
o Emilio Jacinto
o Jose Paalam Y Velasquez
o Apolinario Mabini
o Andres Bonifacio

Mga Layunin ng kilusang propaganda;

o Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.


o Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
o Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya
o Gawing mga Pilipno ang mga kura paroko.
o Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalitao pagpupulong, at pagpapahayag ng
kanilang karaingan.

Mga taluktok ng Propaganda

Jose
Rizal
Marcelo H. Del Pilar

Graciano Lopez
Jaena

TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK

Andres
Bonifacio
Emilio Jacinto

Apolinario Mabini.
Jose Rizal

Sagisag panulat : Laong-laan at Dimasalang

Mga akda:

1. Noli Me Tangere
o Ito ang kaunahan at walang kamatayan nobela na napasigla nang malaki sa kilusang
Propaganda at siyay nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya.
o Inilantad ang mga kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas.
o Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.

2. El Filibusterismo
o Karugtong ng Noli.
o Naglalantad sa mga kabukukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na
makapngyarihan, ang simbahan.

3. Mi ultimo Adios
o Ito ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort Santiago.
o Ipinalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.

4. Sobre la Indolencia de los Filipinos


o Hinggil sa kasamaan ng mga Pilipino.
o Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga
Pilipino ay tamad.

5. Filipinas Dentro De Cien Anos


o “Ang Pilipinas sa loob ng sandaang taon”.
o Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon ng interes ng Europa ay mabawasan,
samantalang ang impluwensiya ng Estados Unidos maramdaman.
o Hula ni Rizal” Kung may sasakop muli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.

6. A la Juventud Filipino
o “Sa Kabataang Pilipino”.
o Isang tula na inihahandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Santo
Tomas.

7. El Consuejo De Los Dioses


o “Ang Kapulunahan ng mga Bathala”.
o Ito ay isang dulang patalinhagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

8. Junto Pasig
o “Sa tabi ng Pasig”
o Isinulat niya ito nung siya ay 14 taong gulang.

9. Me Piden Versos
o “hinilingan nila ako ng Tula”taong 1882- “A Las Flores De Heidelberg” taong 1882.
o Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

10. Notas A La Obra Sucesos De Las Islas Filipinas Por El Dr. Antonio De Morga
o “Mga Tala sa Akdang Pangyayari sa Pilipinas ni Dr. Antonio De Morga
11. P. Jacinto: Memorias De Un Estudiante De Manila
o “P. Jacinto: Mga Gunita ng isang Estudyante sa Manila”.

12. Diaryo de Viaje de Norte Amerika


o “Talaarawan ng Paglalakbay sa hilagang Amerika”.

MARCELO H. DEL PILAR

Sagisag panulat : Plaridel,Pupdoh, Piping, Dilat, Dolores ,Manapat, at Siling Labuyo.

- tinatag ang “diyaryong tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi
mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.
- Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya si Jaena bilang
patnugot ng La Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na
ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino.

MGA AKDA:

1. Pag –Ibig sa Tinubuang Lupa - salin sa sa tulang “amor patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto
20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”.

2. Kaiigat Kayo – ito ay isang pabiro at pauyang tuligsa sa tugon ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal;
inilathala sa Barcelona noong 1888.

3. Dasalan at Tocsohan– akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad
sa Barcelona, 1888. “Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming
kaning iyong inarao- arao at patawarin momkami sa iyong pag- ungal para nang taua kung kami’y
nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong
dila. Amen

4. Ang Cadaquilaan ng Diyos – isang hawig katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilathala
sa Barcelona. Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga, at pag-
ibig sa kalikasan.

5. Dupluhan…Dalit…Mga Bugtong – ito’y katipunan ng maiiksing tula at pang-aapi ng mga prayle sa


Pilipinas.

6. La Soberana En Filipinas – isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang ginawa


ng mga prayle sa mga Pilipino.

7. Por Telepono pasyong dapat ipag-alab ng puso ng taong babasa ito rin ang sagot ng Espanya sa Hibik
ng Pilipinas.
GRACIANO LOPEZ JAENA

Sagisag Panulat: Diego, Laura, Bolivar

- Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng mga


makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni Remegio Garcia, datingmay=ari ng
tindahan ng aklat, “Manila Flatica.”

Mga Akda

1. ANG FRAY BOTOD – tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at immoral ang pagkatao.

2. LA HIJA DEL PRAILE at ang EVERYTHING IS HAMBUG -Ito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.

3. SA MGA PILIPINO – isang talumpati na ang layunin mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad, at may karapatan.

4. TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS– noong ika-391 anibersaryo sa pagkakatukals ng


Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.

5. EN HONOR DEL PRESIDENTE MORAYTA DELA ASUNCION HISPANO


PILIPINO– pinuri ni Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa mga tao.

6. EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y RESURRECCION HIDALGO – matapat na papuri sa


kanilang mga iginuhit na mga larawan ng mga kalagayan ng mag Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.

7. AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS- (Pag- ibig ng Espanya sa mga kababaihan
ng Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga babae na ang guro ay Gobernador ng lalawigan ang
magbibigay.

8. EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS – ipinagtanggo niya na walang tuklisan sa Pilipinas at dapat


magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailanagang (Pilipinas) baguhin upang hindi
mahirapan ang Pilipinas.
9. HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas) – ang pagwawagi sa mga eksposisyon nina Luna,
Resurreccion, at Padro de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

10 PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS

11 ISANG PAGLINANG SA “INSTITUCION NG PILIPINAS”

12 MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS – tinutukoy ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas –


1887.
ANTONIO LUNA

Sagisang Panulat - Taga-Ilog.

Mga Akda:

1. NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino.

2. SE DIVIERTEN (naglilibang sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila halos di-maraanang
sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.

3. LA TERTULIA FILIPINA (sa piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng isang kaugalian Filipino na
ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa kaugaliang Kastila.

4. POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisilangan ng selyo.

5. LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) -naglalarawan ng isang pangaserahan na ang


kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumite, kundi upang maihanap ng
mapapangsawa ang kanyang anak.

6. IMPRESIONES – ito’y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag- aaral
na naulila sa amang kawal.

MARIANO PONCE

Ay naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng Kilusang

Propaganda. Ang kanyang mga sagisag sa panulat ay Tikbalang, Kalipuako at Naning.

Mga Akda:

1. MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang


bayang sinilangan.
2. PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulakan.
3. SOBRE FILIPINAS
4. ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA
PEDRO PATERNO

Isang iskolar, dramateryo, mananliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda

Mga Akda:

1. NINAY – kaun-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino.


2. A MI MADRE (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malingkot ang isang
tahanan kung wala ito.
3. SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS – Katipunan ng kanyang mga Tula.

JOSE MA. PANGANIBAN

Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na

(JOMAPA) ANG LUPANG TINUBUAN


SA AKING BAHAY
SU PALAN DE
ESTUDIO EL
PENSAMIENTO
Ang Panahon ng tahasang Himagsikan

- Hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino ang hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi
ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at nagging mahigpit pa ang
pamahalaan at simbahan.
- Nahati sa dalawang panahon: Laban sa mga Kastila, Laban sa mga Amerikano.

ANDRES BONIFACIO

- Kilala bilang “ama ng demokrasyang Pilipino” ngunit higit sa lahat, bilang “Ama ng
Katipunan” Umanib sa “La Liga Filipina”

Mga Akda:

1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa sampung utos


ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilayang ito.

2. HULING PAALAM – salin sa tagalog ng “Mi Ultimo Adios”

3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del
Pilar.

4. EL VERDADO DECALOGO (Ang Tunay na Sampung Utos) – ito ang ipinalalagay na kanyang
pinaka “obra maestra” na ang pinakahangarin niya rito ay magpalaganap ng nasyonalismong Pilipino.
EMILIO JACINTO

-Ay kinilalang “Utak ng Katipunan”, sapagkat tumayo siya bilang kanang-kamay ni Bonifacio.
- Sagisag panulat: Dimas, Ilaw, at Pingkian

Mga Akda:

1. KARTILYA NG KATIPUNAN

2. LIWANAG AT DILIM – kalipunan ng kanyang mga sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng
kalayaan,
paggawa, paniniwala, pamhalaan, at pag-ibig s bayan.

3. Buhat sa liwanag at dilim- Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningi. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog
kung tinatamaan ng nag- aapoy na sikat ng araw ay nagningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak ng dumampot. Ang ningning ay madaya.

APOLINARIO MABINI

- Kilalang sa pagiging paralitiko.


Mga Akda:

1. EL DESAROLLO Y CAIDA DE LA REPUBLIKA FILIPINA


2. (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino)
3. SA BAYANG PILIPINO
4. PAHAYAG
JOSE PALAM Y ELASQUEZ

- Sagisag panulat – Anahaw, Esteban Estebanes, Gan Hantik


- Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang akalat na pinamagatang “MELANCOLICAS.”
- Siya ang may titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN:

1. HERLADO DE LA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik,


mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming makabayan.
2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.
3. LA REPUBLIKA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
4. LA LIBERTAD – pinamatnungutan ni Clemente Zulueta

You might also like