Professional Documents
Culture Documents
1. Sa pagbabalik ni Rizal sa pilipinas (1896) alam nyang matindi ang kakaharapin nya ngunit hindi
sya natatakot dahil alam nya ito ang magiging dahilan ng paglaya ng ating bayan.
Oktubre 6, 1896 Martes, Umalis si Rizal sa Barcelona. Tapat nyang isinulat ang mga
pangyayari sa kanyang talaarawan.
Oktubre 8, 1896 Nalaman ni Rizal sa isang Opisyal na sya ang sinisisi ng mga
Espanyol ukol sa madugong hikmagsikan sa Pilipinas. Nadawit sya bilang kapangkat at
kapanalig ng mga mag-aalsa (KKK).
Oktubre 11, 1896 Bago makarating sa Port Said, kinumpiska ang talaarawan ni Rizal
at masusing pinag-aralan ng mga awtoridad ang nilalaman nito ngunit wala silang
nakuhang kahinahinala.
Nobyembre 2, 1896 Naibalik na kay Rizal ang kanyang talaarawan.
Dr. Antonio Ma. Regodor & Sixto Lopez Kaibigan ni Rizal na nagpadala ng telegram
kay Atty. Hugh Fort para mailigtas si Rizal sa Spanish steamer sa pamamagitan ng
kasulatan ng habeas corpus.
Atty. Hugh Fort English lawyer sa Singapore.
Chief Justice Loinel Cox tinanggihan ang kasulatan ng habeas corpus dahil ang bapor
ay nagdadala ng mga tropa ng Espanyol.
Nobyembre 3, 1896 Dumaong ang Colon sa Maynila.
Ang mga awtoridad ng Espanyol ay nagtitipon ng ebidensya laban kay Rizal habang sina
Deodato Arellano, Dr. Pio Valenzuela, Moises Salvador, Jose Dizon, Domingo
Franco, Temoteo Paez, at Pedro Serrano Laktaw ay tinortyur upang maisangkot si
Rizal.
Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay inaresto at pinahirapan ngunit hindi kailanman
nagsabi ng anuman laban sa kanyang nakababatang kapatid
Nobyembre 20, 1896 - Nagsimula ang paunang pagsisiyasat kay Rizal
Colonel Francisco Olive Huwes-Panghukbo.
Dalawang uri ng katibayan ang ipinakita laban kay Rizal, dokumento at testimonya.
Desyembre 25, 1896 Sumulat ng liham si Rizal kay Tenyente Luis Taviel de Andrade.
Hinihiling ni Rizal na makausap sya bago humarap sa korte.
7:00 AM Dinala sya sa kapilya ng preso. Binisita siya ng mga Heswitang pari na galing
Ateneo; Ang unang bisita ay si Padre Manuel Sadara Mata (Rektor ng Ateneo Municipal) at
Padre Luis Viza, isang guro.
7:15 AM Umalis na si Padre Saderra. Napagusapan ang Sagradong Puso ni Hesus na inukit ni
Rizal noong siya ay estudyante. Dala-dala pala ito ni Padre Viza at ibinigay kay Rizal at siya
namang tinanggap.
8:00 AM Umalis na din si Padre Viza at dumating naman si Padre Antonio Rosell na siyang
nagyaya kay Rizal na mag-agahan Matapos ang agahan, dumating naman ang tagapagtanggol ni
Rizal na si Ten. Luis Taviel de Andrade at siya ay pinasalamatan sa serbisyong binigay niya sa
kanya.
9:00 AM Dumating si Padre Federico Faura, na siyang nagpa-alala kay Rizal sa sinabi niya sa
kanya noon na mapupugutan siya ng ulo ng dahil sa Noli Me Tangere. Tinawag ni Rizal ang
Padre na isang propeta dahil sa kanyang babala noon pa man ngunit hindi lang pinakinggan.
10:00 AM Dinalaw naman siya ng isa sa mga guro niya sa Ateneo na si Padre jose Vilaclara
kasama si Vicente Balguer na isa naming paring heswita sa Dapitan na napalapit kay Rizal noong
siya ay naka-destino donn. Pag-alis nila ay nakausap naman ang isang mamamahayag na
Espanyol ng El Heraldo de Madrid na si Santiago Mataix.
12:00PM-3:30PM Naiwang magisa sa selda si Rizal, at matapos niya kumain ay ditto na siya
naging abala sa pagsusulat. Sa mga oras na ito ay maaring naisulat ni Rizal ang kanyang huling
paalam na itinago sa alcohol nalutuan na regalo ng asawa ni Juan Luna na si Paz Pardo de Tavera.
-Ang huling liham niya kay Propesor Blumentritt, sa wikang Aleman na nagllalaman ng kanyang
huling paalam kasama ng isang aklat.
3:30 PM Bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago upang kausapin muli si Rizal. Ang
kanyang dahilan ay upang talakayin ang pagbawi ni Rizal sa mg ideyang anti-katoliko sa kanyang
sulatin at pagsapi sa Masonerya.
4:00 PM Dumating ang ina ni Rizal. Nang kanyang hagkan ay pilit na pinaghiwalay sila ng
guwardiya at siyang dahilan ng pagiiyakan nila. Pumasok na rin sa selda si Trinidad para sunduin
ang ina, ibingay ni Rizal ang alcohol na lutuan na siyang naglalaman ng kanyang huling
pamamaalam.
-Pagkaalis ni Dona Teodora at Trinidad ay dumating naman sila Padre Vilaclara, Padre Estanislao
March at Padre Rosell.
6:00 PM Dumating naman si Don Silvino Lopez Tunon, and Dekano ng katedral ng Maynila.
Umalis na sina Padre Balaguer at Padre arch at naiwan si Padre Vilaclara kasama ni Rizal at Don
Tunon.
8:00 PM Ang huling hapunan ni Rizal.kay Kapitan Dominguez na pinapatawad na niya ang
kanyang mga kaaway kasama na rin rito ang mga huwes-militar na nagsentensiya sa kanya ng
kamatayan.
9:30 PM- Ang sumunod na panauhan ni Rizal ay si Don Gaspar Cesteno, ang piskal ng Royal
Audiencia de Manila. Matapos ng kanilang magandang usapan ay napaniwala ang piskal sa
angking katalinuhan ni Rizal.
10:00 PM Pinadala ni Padre Balaguer kay Rizal ang burador ng pagbawi na ipinadala ng
Arsobispong anti-Pilipino na si Bermardino Nozaleda, ngunit hindi ito nilagdaan ni Rizal dahil
hindi nita ito nagustuhan.
-Ayos naman kay Padre Balaguer, nagpakita siya ng mas maikling burador na inihanda ni Padre
Pio Pi (Superyor ng mga Heswita sa Pilipinas). At makaraan ng ilang pagbabago ay isinulat ni
Rizal ang kanyang retraksiyon, na kung saan itinakwil na niya ang Masonerya at mga
relihiyosong ideang anti-katoliko