You are on page 1of 16

KABANATA 22

Ang pagkakapatapon sa Dapitan, 1892-96

Nanirahan si rizal bilang desterado sa malayong Dapitan, isang liblib na


nayon sa Mindanao na nasa pangangasiwa ng mga misyonerong
Heswita, mula 1892 hanggang 1896. Ang apat na taong ito sa kanyang
buhay ay hindi kasingkulay, ngunit maraming ibinungang magagandang
gawa.

Simula ng Disteryo sa Dapitan. Ang barkong CEBU na nagdala kay


Rizal sa Dapitan ay may sulat ding mula kay Padre Pablo Pastells,
Superyor ng Lipunang Heswita sa Pilipinas para kay Padre Antonio
Obach, Heswitang kura paroko ng Dapitan. Sa liham na ito ipinaalam ni
Padre Pastells kay Padre Obach na si Rizal ay maaaring tumira sa
kumbento ng simbahang paroko sa ilalim ng mga sumusunod na
kondisyon:
1. Na ipahahayag ni Rizal sa madla ang kanyang mga pagkakamaling
may kinalaman sa relihiyon, at gagawa siya ng pahayag na
magpapakitang siya ay isang Espanyol at laban sa rebolusyon.
2. Na makikibahagi siya sa mga ritwal at seremonya ng simbahan at
mangungumpisal ng kanyang nakalipas.
3. Na mula ngayon ay kikilos siya bilang huwarang sakop ng
Espanya at isang lalaki ng relihiyon.
Hindi sinang ayunan ni Rizal ang mga kondisyong ito. Kaya doon
siya nanirahan sa bahay ng komandante, si Kapitan Carnicero.
Nagging maganda ang relasyon nina Carnicero (bantay) at Rizal
(preso).
Humanga si Carnicero sa magagandang katangian at personalidad ni
Rizal. Madalas silang magsalo sa pagkain at masaya silang
nagkakausap. Nalaman ni Carnicero na si Rizal ay hindi basta-
bastang preso, lalo namang hindi siya pilibustero. Naging maganda
ang mga ulat niya kay Gobernador Dispujol hinggil sa kanyang preso.
Binigyan niya ng kalayaan si Rizal na magpunta sa kahit saan at
minsan lamang sa isang linggo kung mag ulat sa kanyang tanggapan.
Pinayagan niya si Rizal, na mahusay mangabayo, na sumakay sa
kanyang kabayo.
Sa bahagi naman ni Rizal, hinangaan niya at iginalang ang mabait at
mapagbigay na kapitang espanyol.

Nanalo sa Loterya sa Maynila. Noong Setyembre 21, 1892,


nabulabog ang tahimik na bayan ng Dapitan. Dumating ang barkong
Koreong Butuan, na may makukulay na banderitas na nililipad lipad
ng hangin. Naisip ni Carnicero na isang Espanyol na may mataas na
tungkulin ang parating kaya isinuot niya ang magara niyang
uniporme, inutos sa taumbayan na magpunta sa dalampasigan, at siya
mismo ay nagtungo roon na may kasama pang banda musiko.
Walang sakay na Espanyol ang barko ngunit dala nito ay magandang
balita. Ang tiket sa loterya bilang 9736 na pag aari nina Kapitan
Carnicero, Dr. Rizal at Francisco Equilor (Espanyol na residente ng
Dipolog, kalapi bayan ng Dapitan) ay nanalo sa pangalawang
gantimpalang P20,000 sa Loterya ng Maynila sa pag aari ng
pamahalaan.Ang bahgi ni Rizal ay nagkakahalaga ng 6200. Nang
matanggap niya ang salapi, ibinigay niya sa ama ang 2000 at 200 sa
kaibigang si Basa na nasa Hongkong at ang natira ay ibinili niya ng
lupang sakahan sa may baybay dagat ng Talisay, isang kilometro
mula Dapitan.
Ang pagkakapanalo na ito ni Rizal sa Loterya ay nagpakita ng isang
aspeto sa kanyang buhay. Hindi siya umiinom ng alak ni
naninigarilyo ngunit mahilig siyang tumaya sa loterya. Nung unang
biyahe niya sa Madrid mula 1882 hanggang 1885, lagi siyang
naglalaan ng kahit tatlong petsas buwan-buwan pâra sa tiket ng
loterya. Ito lamang ang kanyang bisy, wika ni Wenceslao Retano, ang
una niyang mananalambuhay na Espanyol at dating kaaway.
Ang Debate nina Rizal at pastells hinggil sa Relihiyon. Noong
kanyang destiyero sa dapitan, nagkaroon ng mahaba at matalinong
debate si Rizal kay pastells hinggil sa relihiyon.

Hinamon ni Rizal sa isang Duelo ang isang Pranses. Habang


nakikipagdabate si Rizal kay padre pastells sa pamamagitan ng
palitan ng sulat, nagkaroon siya ng away sa isang Pranses na nasa
Dapitan, si G. Juan Lardet, isang negosyante. Ang lalking ito ay
bumili ng troso mula sa lupa ni Rizal. Ilan sa mga trosong ito ay
mababa ang kalidad.
Lingid kay Lardet, ipinakita ni Miranda ang liham nito kay Rizal. Isa
sa kahinaan ng bayani ay yaong pagiging maramdamin. Nang mabasa
niya ang liham ni Lardet ay kaagad na nag init ang kanyang ulo dahil
para sa kanya, ay isa itong paghamak sa kanyang integridad. Kaagad
niyang hinarap si Lardet at hinamon sa duelo.
Nang malaman ng komandante ang insidente, kinausap ni Carnicero
ang pranses at hininging magpaumanhin ito kay Rizal kaysa
tanggapin ang hamon nito. ¨Kaibigan wala kang kalaban laban kay
Rizal sa larangang ito. Si Rizal ay eksperto sa sining ng
pakikipaglaban lalo na sa pag eeskrima at pagbaril.
Nakinig si Lardet sa komandante, at sinulatan niya si Rizal, sa wikang
Pranses, noong Marso 30, 1893. Humingi siya ng tawad sa nagawang
pang iinsulto. Tinanggap ni Rizal ang paumanhin sapagkat isa siyang
maginoo at bihasa sa pundonor (batas ng kabalyero), at nanumbalik
ang mabuting relasyon nila ni Lardet.
Maaaalalang dalawang ulit nang nangyari na dahil sa pagiging
maramdamin ni Rizal ay may hinamon siya sa duelo—sina Antonio
Luna at Retana.

Magandang Buhay sa Dapitan. Sa Dapitan, naging maganda,


tahimik at kaaya aya ang buhay ni Rizal. Mula Agosto 1893, salit
salitang dinalaw si Rizal ng mga kapamilya niya ang kalungkutan nito
sa pag iisa sa kanyang kuta ng mga Espanyol s lupain ng mga Moro.
Nagpatayo siya ng bahy sa baybay dagat ng Talisay, na pinaliligiran
ng mga punong namumunga ng prutas. Nagpatayo rin siya ng isang
paaralang panglalaki at isang ospital para sa kanyang mga pasyente.

Ang Pagtatagpo ni Rizal sa Espiya ng Prayle. Noong mga unang


araw ng Nobyembre 1893, masaya at payapang naninirahan si Rizal
sa kanyang bahay sa Talisay, isang kilometro ang layo mula Dapitan.
Kasama niya roon ang kanyang Ina, mga kapatid na sina Narcisa at
Trinidad at ilang mga pamangkin. Ang masaya nilang pamumuhay
ang ginambala ng isang kakatwang insidenteng kinasasangkutan ng
isang espiya ng mga Prayle. Ang espiyang ito ay sinasabing
nagngangalang PABLO MERCADO na diumano ay kamag anak si
Rizal kaya dinalaw ito sa kanyang bahay noong gabi ng Nobyembre
3, 1893. Ipinakilala nito ang sarili bilang kaibigan at kamag anak,
nagpakita pa siya ng larawan ni Rizal at isang pares ng butones na
may inisyal na P.M. (Pablo Mercado) bilang tanda ng kanyang
pagiging kaanak ng mga Rizal.
Sa kanilang pagkukuwentuhan, inalok ng bisita ang kanyang serbisyo
bilang tagapagdala ng mga liham ni Rizal sa mga kababayan sa
Maynila. Si Rizal na may matalas na pandamdam ay kaagad na
nagduda. Gusto sanang palayasin ni Rizal ang impostor ngunit alam
niya ang kanyang tungkulin bilang maybahay at isinaalang alang din
niya ang pagkalalim ng gabi at malakas na ulan kaya inanyayahan pa
niya ito na tumigil sa kanyang bahay ng gabing iyon. At maagang
maaga kinabukasan ay pinaalis na niya ito.
Pagkaalis ng impostor na kamag anak ay pinagtuonan niya ng
pansinang mga gawain niya sa araw araw, kinalimutan ang insidente
ng nakaraang gabi. Ngunit napag alaman niyang ang impostor ay nasa
Dapitan at ipinamamalita sa lahat na siya ay kamag anak ni Dr. Jose
Rizal. Nagalit si Rizal at nagtungo siya sa comandancia at ipinaalam
ang pangyayari kay Kapitan Juan Sitges (na humalili kay Carnicero
noong Mayo 4, 1893 bilang komandante ng Dapitan). Kaagad na
ipinag utos ni Sitges na dakpin si Pablo Mercado at inutusan si
Anastacio Adriatico na imbestigahan ito.
Napag alaman ang katotohanan sa imbestigasyon. Ang tunay na
pangalan ni Pablo émercado ay Florencio Namanan. Siya ay katutubo
ng Cagayan De Misamis , binata at mga 30 taong gulang. Inupahan
siya ng mga prayleng rekolekto upang isagawa ang isang lihim na
misyon sa Dapitan—ang ipakilala ang sarili kay Rizal bilang kaibigan
at kamag-anak nang sa ganoon ay matitiktikan nila ang mga ginagawa
ni Rizal at makakakuha ng mga liham at sulatin ni Rizal na mag
uugnay sa kanya sa Kilusang Rebolusyonaryo.
Nakapagtatakang biglang ipinatigil ni Sitges ang imbestigasyon at
pinawalan ang espiyaé Kagad din niyang ipinadala ang opisyal na ulat
kay Gobernador Heneral Blanco, na mahigpit na nagtago sa mga
dokumentong ito. Si Rizal na nagulat sa mga pangyayari ay humiling
ng kopya ng ulat hinggil sa imbestigasyon ngunit hindi pinaunlakan
ni Sitges ang kanyang kahilingan.
Batay sa mga ulat na ito, ang insidente ng lihim na misyon ni PABLO
MERCADO ay hindi isang Pagtatangkang Pagpatay kay Rizal. Ito ay
isa lamang pag eespiyang pakana ng mga prayle.
Bilang Manggagamot sa Dapitan. Nanggamot din si Rizal sa
Dapitan. Marami siyang naging pasyente ngunit karamihan ay dukha
kaya binigyan na lamang ang mga ito ng libreng gamot.Sa kanyang
kaibigang nasa Hong Kong, si Dr. Marquez, isinulat niya:
Narito ang mga pagkahiraphirap na pasyente kaya walang bayad pati
na ang gamot nila. Gayunman may mga pasyente siyang maykaya kaya
nakatatanggap siya ng mainam na bayad para sa pangagamot niya.
Noong Agosto 1893, dumating sa Dapitan ang kanyang Ina at kapatid na
si Maria at doon nanirahan sa kanya ng isang taon at kalhati. Inoperahan
niya ang kanang mata ng kanyang ina.Naging matagumpay ang
operasyon ngunit sa kabila ng mga paalala ng anak, tinanggal ni Donya
Teodora ang benda ng kanyang mata kaya naimpeksiyon ito. Kaya
nasabi ni Rizal sa kanyangbayaw na si Hidalgo: Ngayon alam ko na
kung bakit hindi dapat gamutin ng doktor ang sarili niyang pamilya.
Sa kabutihang palad, nagamot ang impeksiyon sa mata ni Donya
Teodora, salamat sa husay ng kanyang anak bilang manggagamot, at
nakakita siyang muli.
Ang husay ni Rizal bilang manggagamot, lalo na sa mata, ay kumalat sa
maraming lugar.Marami siyang pasyente nagmula sa ibat ibang bahagi
ng Pilipinas—mula Luzon, Cebu, Bohol, Panay, Negros at Mindanao at
kahit pa sa Hong Kong. Isang mayamang pasyenteng Pilipino, si Don
Ignacio Tumarong, ay muling nakakita dahil sa panggagamot ni Rizal; at
bilang pasasalamat ay binayaran siya ng P3000. Isa pang mayamang
pasyente, isang Ingles, ang nagbayad ng P500. Si Don Florencio
Azcarraga, mayamang asyendero mula Aklan, ay binayaran si Rizal ng
isang kargada ng asukal.
Bilang mangagamot, naging interesado si katutubong Medisina at sa
gamit ng mga halamang gamot. Pinag aralan niya ng mga halamang
gamot sa Pilipinas at mga gamit nito. Sa mahihirap na pasyente na hindi
kayang bumili ng gamot, ito ang kanyang nireresta.

Sistemang Patubig sa Dapitan. Si Rizal ay may titulong pagka


agrimensor na nakuha niya mula sa Ateneo. Dinagdagan pa niya ang
kanyang kaalaman dito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat
tungkol sa inhinyera. Sa Dapitan, nagamit niya ang kanyang kaalaman
sa inhinyera nang magpatayo siya ng isang sistemang patubig na
magbibigay ng malinis na inumin sa taumbayan.
Ang mga inhinyero nga ngayon humahanga sa pagkakagawa ni Rizal ng
ganoong sistema ng patubig dahila alam nila ang kakulangan nito sa
kagamitan at pondong pinansiyal. Kahit na walang tulong mula sa
pamahalaan, nagtagumpay si Rizal sa pagbibigay ng isang magandang
sistemang patubig sa Dapitan.

Bukod sa pagpapatayo ng unang sistemang patubigan dito,


gumugol din siya ng ilang buwan para alisin ang mga latiang nagiging
sanhi ng malaria sa Dapitan. Bilang isang manggagamot na nagsanay sa
Europa, alam niyang kumakalat ang malaria dahil sa mga lamok na
naninirahan sa mga basing lugar.
Ang P500 ibinayad sa kanya ng pasyente niyang Ingles ay ginamit
niya para magkaroon ng sistemang pang- ilaw ang Dapitan. Ang
sistemang pang- ilaw noon ay binubuo ng mga lamparang langis ng
niyog na inilalagay sa madidilim na lugar ng Dapitan. Ang elektrisidad
ay hindi pa nakararating sa Pilipinas. Noon lamang 1894 nang
magkaroon ng elektrisidad ang Maynila.
Isa pang proyektong pangkomunidada ni Rizal ay ang
pagpapaganda ng Dapitan. Sa tulong ng kanyang kaibigan at dating
guro, si Padre Sanchez, naipaayos niya ang plasa ng bayan nang lalo
itong mapaganda. Biro pa nga niya na mas mainam kung kaya nitong “
karibalin ang pinakamaganda sa Europa. “ Sa harap ng simbahan,
gumawa sina Rizal at Padre Sanchez ng isang malaking mapa ng
Mindanao. Ang mapang ito ay makikita pa rin sa plasa ng Dapitan.
Si Rizal bilang Guro. Mula pagkabata, batid ni Rizal ang
kahalagahan ng mabuting edukasyon. Sa kanyang mga paglalakbay,
pinag- aralan niya ang sistemang pang-edukasyon ng mga makabagong
bansa. Siya mismo ay nagplanong magtatag ng isang modernong
kolehiyo sa Hong Kong para sa Pilipinong kalalakihan nang sa gayon ay
maisanay niya ang mga ito sa mga modernong konsepto, na noo’y hindi
pa kilala sa Pilipinas.
Nagkaroon siya ng pagkakataong magamit ang mga ideya niya sa
edukasyon nang mapatapon siya sa Dapitan. Noong 1893, itinatag niya
ang isang paaralan na tumagal hanggang sa matapos ang kanyang
destiyero noong Hunlyo, 1896.
Tinuruan ni Rizal ang mga batang lalaki ng pagbasa, pagsulat, mga
wika ( Espanyol at Ingles) , heograpiya, kasaysayan, matematika
( aritmetika at heometriya), gawaing industriyal, pag aaral sa kalikasan,
mga moral, at gymnastics. Sinanay niya ang mga ito sa pangongolekta
ng mga ispesimen ng mga halaman at hayop, magmahal sa anumang
Gawain, at kung paano “ kumilos na tulad ng lalaki.
Mga kontribusyon sa Agham. Sa Mindanao, nakakita si Rizal
ng mayaman na lupain para sa pangangalap ng mga ispesimen. Sakay ng
kanyang baroto at kasama ang ilang estudyante, ginalugad nila ang gubat
at baybay- dagat, naghahanap ng mga ispesimen ng mga insekto, ibon,
ahas, butiki, palaka, kabibi at halaman.
Sa apat na taon ng pagkakapatapon sa kanya sa Dapitan,
nakalikom si Rizal ng mayaman na koleksiyon ng konkolohiya na
binubuo ng 346 na kabibi na kumkatawan sa 203 species.
Natuklasan niya ng ilang pambihirang ispesimen na ang ngalan ay
isinunod sa kanya ng mga siyentipiko. Kabilang ditto ang Draco rizali
(lumilipad na butiki), Apogonia rizali (maliit na uwang ), at
Rhacophorus rizali (kakaibang palaka).

Pag-aaral sa Wika. isinilang na linggwista, ipinagpatuloy ni Rizal


ang kanyang pag-aaral sa mga wika. Sa Dapitan, natuto siya ng Bisaya,
Subanum, at mga wikang Malay.
Mga Gawaing Masining. Ipinagpatuloy din ni Rizal ang kanyang
mga masining na gawain. Sa pamamagitan ng kanyang talino sa
pagpinta, natulungan niya ang mga Madre ng Kawanggawa sa
paghahanda ng altar ng Mahal na Birhen sa kanilang kapilya.
Si Rizal bilang Magsasaka. Sa Dapitan , naglaan sin Rizal ng
malaking panahon sa agrikultura. Bumili siya ng 16 ektarya ng lupa sa
Talisay, kung saan niya itinayo ang kanyang bahay, paaralan at ospital.
Sa kanyang bukirin, ipinakilala ni Rizal ang mga modernong
paraan ng agrikultura na natutunan niya sa Europa at Amerika.
Tinulungan siya ng kanyang mag-aaral sa mga gawain sa araw- araw.
Hinikayat niya ang mga magsasaka sa Dapitan na iwaksi na ang
sinaunang paraan ng pagsasaka at gamitin ang modernong paraan ng
agrikultura. Nang –angkat siya ng mga makinarya mula sa Estados
Unidos.
Si Rizal bilang Negosyante. Bukod sa pagsasaka , nagging
negosyante rin si Rizal. Sa pakikipagsosyo kay Ramon Carreon isang
negosyante sa Dapitan, nagging matagumpay sila sa mga industriya ng
pangingisda, kopra at abaka.
Ang pinakamatagumpay na negosyo ni Rizal sa Dapitan ay sa
industriya ng abaka.
Si Rizal bilang Imbentor. Isang bagay na di alam ng marami ay
ang katotohanang si Rizal ay isa ring imbentor. Maaalalang noong 1887,
habang nagsasanay ng medisina sa Calamba, naimbento niya ang lighter
ng sigarilyo na iniregalo niya kay Blumentritt. Tinawag niya itong
“sulpukan”. Ang kakaibang lighter na ito ay gawa sa kahoy.
Sa Dapitan, naimbento niya ang isang makinaryang gawaan ng
ladrilyo.
“ Mi Retiro(Ang aking pamamahinga)”, Noong Pebrero 1895,
nagbalik sa Maynila si Dona Teodora, na muli nang nakakakita. Sa
matagal niyang paninirahan sa Dapitan, nakita niya kung gaanokaabal
ang kanyang matalinong anak at nanghihinayang siya na napabayaan
nito ang pagsulat. Kaya hinilinganng ina ang anak na sumulat muli ng
tula.
Bilang pagbibigay sa ina, isinulat ni Rizal ang napakagandang tula
tungkol sa payapa niyang buhay bilang desterado at ipinadali niya ito sa
kanyang ina noong Oktubre 22, 1895. Ang tulang ito ay “ Mi Retiro” na
sinasabi ng mga kritiko na isa sa pinakamahusay na isinulat ni Rizal.

Si Rizal at si Josephine Bracken


Sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng kabigatan ng gawain sa araw,
madalas ding nalulungkot si Rizal. Hinahanap-hanap niya ang kanyang
pamilya at iba pang kamag-anak, mga kaibigan sa dayuhang lupa, ang
kahali-halinang buhay sa mga lungsod sa Europa, at masasayang araw sa
Calamba. Ang pagkamatay ni Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 ay
nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Kailangan niya ng
isang taong makapagpapasaya sa kanya sa pagiging malungkot na
desterado.

Sa awa ng Diyos, ang “taong ito” ay dumating sa Dapitan, na


parang silahis ng araw na humawi sa kanyang malungkot na diwa. Siya
si Josephine Bracken, isang Irlandes na 18 taong gulang,
“balingkinitan, may buhok na kulay kastanyas, asul ang mga mata,
simpleng manumit, at masayahin.” Siya ay isinilang sa Hong Kong
noong Oktubre 3,1876 kina James Bracken, corporal sa himpilan ng mga
Ingles, at Elizabeth Jane McBride. Namatay ang kanyang ina sa
panganganak, at inampon siya ni G. George Taufer, na kinalaunan ay
nabulag.

Walang espesyalista sa Hong Kong na makapagpagaling kay G.


Taufer kaya nagtungo siya sa Maynila, kasama ang kanyang ampong si
Josephine, para hanapin ang kilalang siruhano sa mata, si Dr. Rizal.
Napag-alaman nilang nasa Dapitan si Rizal kaya nagtuloy sila doon-
kasama ang Pilipinang si Manuela Orlac. Ipinakita nila kay Rizal ang
kard ang pagpapakilala ni Julio Llorente, kaibigan at kaeskwela niya.

Nagka-ibigan sina Rizal at Josephine sa unang pagkikita pa


lamang. Pagkaraan ng isang buwang ligawan, nagkasundo silang
magpakasal. Ngunit si Padre Obach, ang pari ng Dapitan, ay tumangging
ikasal sila kung walang permiso mula sa Obispo ng Cebu.

Nang malaman ni G. Taufer ang plano nilang magpakasal, nagalit


siya. Hindi niya makayanan ang mawala sa piling niya si Josephine kaya
nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng paggilit ng
lalamunan. Ngunit napigilan siya ni Rizal. Para maiwasan ang ganitong
trahedya, sinamahan ni Josephine si Taufer sa Maynila. Ang bulag na
lalaki ay hindi mapagaling dahil ang pagkabulag niya ay sanhi ng sakit
sa babae kaya wala ng lunas.

Nagbalik sa Hong Kong si G. Taufer ng mag-isa. Naiwan sa


Maynila si Josephine at pansamantala siyang nanirahan sa pamilya ni
Rizal. Kinalaunan ay nagbalik siya sa Dapitan. Dahil walang paring
magkakasal sa kanila, naghawak-kamay si Rizal at Josephine, at sa
harap ng Diyos ay ipinahayag nila ang pagiging mag-asawa. Nabuhay
sila bilang mag-asawa. Siyempre, naiskandalo si Padre Obach, at
pinagpistahan sila ng tsismis sa Dapitan.

Masayang namuhay si Rizal at Josephine sa Dapitan. Sa ilang


liham niya sa kanyang pamilya, pinuri ni Rizal si Josephine at sinabing
napakasaya niya sa piling nito. Hindi na siya nalulumbay. Ang Dapitan,
para sa kanya, ay isa nang langit.

At minsan, sumulat ng isang tula si Rizal kay Josephine:


Josephine, Josephine
Ikaw na siyang napadpad sa bayabaying ito
Naghahanap ng pugad, bagong tahahanan,
Tulad ng isang naglalayag na ibon
Sakaling kapalara’y ikaw dalhin
Sa Japan, Tsina, o Shanghai,
Huwag kalilimutang sa baybaying ito
May pusong tumitibok para sayo.
Sa unang bahagi ng 1896, nagging napakasaya ni Rizal dahil
nabuntis si Josephine. Sa kasamaang palad, sa pagbibiro ni Rizal,
natakot si Josephine at nalaglag ang walong buwan na sanggol sa
kanyang sinapupunan. Ang sanggol na lalki ay anbuhay lamang ng
tatlong oras. Ang namatay na anak ay pinangalanang “Francisco” ni
Rizal, bilang parangal kay Don Francisco (kanyang ama), at inilibing sa
Dapitan.

Si Rizal at ang Katipunan


Habang ipinagluluksa ni Rizal ang kanyang anak, unti-unti ring
dumudilim ang kalangitan sa bansa. Si Andres Bonifacio, ang
“Dakilang Anakpawis,” ay nagpupursige para sa isang rebolusyon. Ang
lihim na samahang itinatag niya noong Hulyo 7, 1892 ay tinawag na
katipunan at parami na ng parami ang mga kasapi nito.

Sa isang lihim na pulong ng Katipunan sa isang maliit na ilog na


kung tawagin ay Bitukang Manok, malapit sa bayan ng Pasig, noong
Mayo 2, 1896, napagkasunduang si Dr. Pio Valuenzuela ang magiging
sugo sa Dapitan ng sa gayon ay maipaalam kay Rizal ang balak ng
Katipunan na maglunsad ng rebolusyon alang-alang sa kalayaan.

Noong Hunyo 15, umalis ng Maynila si Dr. Valuenzuela sakay ng


barkong Venus. Para maitago ang kanyang misyon ay nagsama siya ng
isang bulag, na ang ngalan ay Raymundo Mata, at isang gabay. Sa
ganitong paraan, iisiping hihingi lamang siya ng payo ukol sa
panggagamot mula sa dalubhasang si Rizal.
Dumating si Dr. Valuenzuela sa Dapitan noong gabi ng Hunyo 21,
1896. Si Rizal, na talagang mabuting maybahay, ay malugod na
tinanggap si Dr. Valuenzuela. Pagkatapos ng hapunan, ang dalawa ay
masinsinang nag-usap sa hardin. Sinabi ni Valuenzuela kay Rizal ang
plano ng Katipunan at ang pangangailangan ng kanyang suporta.

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapangahas na balak ni


Bonifacio na isulong ang bansa sa isang madugong rebolusyon.
Naniniwala siyang hindi pa lubusang handa ang kilusan dahil sa
dalawang bagay; (1) hindi pa handa ang taumbayan, at (2) kailangan
pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang
rebolusyon. Hindi rin niya sinang-ayunan ang isa pang plano ng
Katipunan hinggil sa pagliligtas sa kanya dahil nagbitiw na siya ng
pangako sa mga awtoridad na Espanyol at wala siyang balak na sirain
ito.

Nagprisintang Doktor ng Militar sa Cuba


Ilang buwan bago makipag-ugnayan ang Katipunan sa kanya,
inialay na ni Rizal ang kanyang serbisyo bilang isang doctor-militar sa
Cuba, na noo’y nasa gitna ng digmaan at papalawak na epidemya ng
yellow fever. Mayroon noon kakulangan sa mga manggagamot na
tutulong sa pangangailangan medical ng mga tropang Espanyol at mga
mamamayan ng Cuba. Si Blumentritt ang nagsabi sa kanya tungkol sa
kalunus-lunos na kalagayan sa Cuba at pinayuhan siyang maghandog ng
tulong-medikal doon.

Bilang pagtalima sa payo ni Blumentritt, sinulatan ni Rizal si


Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang humalili kay Despujol, noong
Disyembre 17, 1895, at naghandog ng kanyang serbisyo bilang doctor
ng militar na ipadadala sa Cuba. Ilang buwan ang lumipas ngunit wala
siyang natatanggap na sagot mula sa Malacanang. Nawalan na siya ng
pag-asa na matanggap ang kanyang inaalok sa pamahalaan.

Kung kailan hindi na niya inaasahan, isang liham mula kay


Gobernador Blanco, na may petsang Hulyo 1,1896, ang dumating sa
Dapitan, at nagpapaalam na tinatanggap ng pamahalaan ang kanyang
alok. Ang liham, na dumating noong Hulyo 30, ay nagsasaad na isang
Komandante Politiko Militar ng Dapitan ang magbibigay sa kanya ng
isang permiso para makabalik siya sa Maynila, kung saan siya bibigyan
ng pasaporte para makapunta sa Espanya, “ at doon nama’y aatasan siya
ng Ministro ng Digmaan sa Mga Operasyong Sandatahan sa Cuba, na
maitalaga sa pangkat mediko.”

“Ang Awit ng Manlalakbay”


Ganoon na lamang ang tuwa ni Rizal sa pagtanggap sa masayang
balita mula Malacanang. Sa wakas, malaya na siya! Muli ay
makapaglalakbay siya sa Europa at pagkaraan sa Cuba. Sa kanyang
galak ay naisulat niya ang makabagbag-damdaming tulang “El Canto
del Viajero” ( Ang Awit ng Manlalakbay).

Paalam, Dapitan
Noong Hulyo 31, 1896, nagwakas ang apat na taong
pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan. Nang hatinggabi ng petsang iyon,
sumakay siya sa barkong Espana. Kasama niya si Josephine, Narcisa,
Angelica (anak ni Narcisa), tatlong pamangkin na lalake, at anim na
estudyante. Halos lahat ng taga-Dapitan, bata man o matanda, ay nasa
pantalan para ihatid siya. Marami ang lumuha nang pumalaot na ang
barko- lalo na ang ibang mag-aaral na may kahirapan kaya hindi sila
nakasama sa mahal nilang guro sa Maynila. Bilang musika ng
pamamaalam, tinugtog ng banda ang makapanindig-balahibong Funeral
March ni Chopin. Habang inihahatid ng hangin ang napakalungkot na
melodiya, nararamdaman marahil ni Rizal ang malapit niyang
kamatayan.

Habang pumapalaot ang barko, tinapunan ni Rizal ng huling tanaw


ang Dapitan at kumaway sa mababait na tagaroon, dala-dala sa kanyang
puso ang magagandang ala-ala ng pagkakatira niya roon. Nang hindi na
niya maaninag ang dalampasigan ng Dapitan, malungkot siyang
nagtungo sa kanyang silid at nagsulat sa kanyang talaarawan: “
nanirahan ako sa distrito ng apat na taon, labintatlong araw, at
ilang oras.”

You might also like