You are on page 1of 7

THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

MOVIE REVIEW
Pamagat
Rizal sa Dapitan

Ipinasa ni: Mannie Joi T. Balalilhe


SBAC-1A
Ipinasa kay: Maestro Michael T. Abonita
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

A. Mga TAUHAN at DESKRIPSIYON


• ALBERT MARTINEZ bilang si JOSE RIZAL
- ang pangunahing tauhan sa pelikula. Ang ipinatapon sa lugar na Dapitan sa
kadahilanang siya ay napagbintangan na isa siyang taksil sa pamahalaang Espanya.
Siya ay naging magsasaka, manggagamot, negosyante, guro, zoologist , imbentor at
pintor sa lugar na iyon.
• AMANDA PAGE bilang si JOSEPHINE BRACKEN
- ang kahuli-hulihang naging kasinatahan ni Rizal at ito ay kanyang nakilala sa Dapitan
noong pinagamot nito ang stepfather na bulag kay Rizal.
• ROY ALVAREZ bilang si KAPITAN RICARDO CARCINERO
- ang gwardyang nagbabantay kay Rizal habang siya ay nasa dapitan. Siya ang
nagsilbing pamilya ni Rizal noong wala pa ang mga kapatid nito at ito ay lubos na
humanga sa angking katapangan ni Rizal.
• CRIZ MACHILENA bilang si PADRE ANTONIO OBACH
- ang paring labis ang panghuhusga kay Rizal sa kadahilanang hindi niya ito maakit na
muling magbalik loob sa simbahan at bawiin ang mga sinabi nito ukol sa relihiyong
Katolismo.• CANDY PANGILINAN bilang si MARIA RIZAL - ang kapatid ni Rizal na
inakalang si Josephine ay isang espiya kaya lubos itong nagalit sa pag-iibigan nila ni
Josephine.
• TESS DUMPIT bilang si NARCISA RIZAL
- isa sa mga nakasama ni Rizal noong siya ay nakakulong sa Dapitan.
• RUSTICA CARPIO bilang TEODORA ALONZO
- ang mapagmahal na ina ni Jose Rizal. Siya ay isa sa mga napagaling ni Rizal dahil sa
pagkabulag.
• JAIME FABREGAS bilang si PADRE FRANCISCO SANCHEZ
- ang kanyang heswitang guro na tumulong sa kanya sa pag-papaayos ng bayan ng
Dapitan. Hindi nagtagumpay ba muling magbalik loob si Rizal sa Katolismo.
• PAUL HOLMES bilang GEORGE TAUFER
- ang blinded stepfather ni Josephine Bracken na may pagnanasa sa kanya at ito ay
nagtungo kay Rizal upang magpagamot ngunit huli na ang lahat.
• SOLIMAN CRUZ bilang si PABLO MERCADO
- ang nagpanggap na malayong kamag-anak ni Rizal ngunit isa pala itong espiya na
ipinadala ng mga prayle at ipinag-utos na patayin si Jose Rizal ngunit hindi ito
nagtagumpay.
• NONI BUENCAMINO bilang si PIO VALENZUELA
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

- isa sa mga sugo ni Andres Bonifacio na nagtungo sa Dapitan kasama ang isang bulag
upang iparating ang mga saloobin ukol sa mga nangyayari sa bayan gayundin ang
humingi ng payo at nagsabi kay Rizal na itatakas nila ito sa Dapitan ngunit hindi pumayag
si Rizal.
• JUNELL HERNANDO bilang JOSIELITO D. ASENIERO
- ang naging estudyante ni Rizal sa Dapitan at isa sa mga naging paborito niya. Siya ang
naging kauna-unahang gobernador sa Zamboanga Del Norte.
• CARELLE MANUELA bilang si MANUELA ORLAC
- ang sinasabing kalaguyo daw ng isang pari at kasamahan nina George Taufer at
Josephine Bracken upang ipagamot ang stepfather ni Josephine.

B. Ang KASAYSAYAN
Ang kabuuan ng pelikulang ito ay ang naging pang-araw araw na pamumuhay
ni Jose Rizal sa isang malayo at tagong lugar sa Dapitan. Si Rizal ay ipinatapon sa
lugar na ito sa kadahilanang siya ay napagbintangan na isa siyang taksil sa
pamahalaang Espanya. Dumaong si Rizal sa lugar na ito sakay ng isang barkong
papuntang Dapitan siya ay may dalang sulat ang isa ay galing sa Gobernador na
nagsasabing patirahin siya sa kumbentong ng mga Heswita at kung hindi naman
maari ay sa bahay ng lang ng Gobernador. Dala din ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo
Pastells, ang superior ng mga Heswita, para kay Padre Antonio Obach, ang paring
Heswita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay
makatira sa kumbento. Ang mga kodisyong ito ay ang sumusunod: Una, hayag na
tatalikdan at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa relihiyong
Katolisismo. Sa kanyang pagdating doon ay sinalubong siya ni Don Ricardo Carnicero
y Sanchez, ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar na ito kung saan hindi
nito inaasahan na may darating pala siyang bisita. Habang sila ay nag-uusap ni Don
Sanchez ay dumating naman si Padre Antonio Obach at ipinakilala ni Don Sanchez
si Rizal dito ngunit kilala niya si Rizal bilang isang erehe, pilibustero, ang mortal na
kaaway ng Espanya at Iglesya Katolika sa Pilipinas. Dito rin siningit ni Don Sanchez
kung saan nga ba siya maninirahan at ito nga ang nakalagay sa sulat na dala niya
kasama ang mga kondisyon kung sa kumbento siya maninirahan. At dahil sa mga
kondisyong ito hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyon at nanirahan na lang siya sa
bahay ni Kapitan Carnicero ang kanyang bantay. Hinangaan ni Carcinero si Rizal. Si
Rizal ay labis na nakaramdam ng kalungkutan sa lugar na dahil sa sobrang
katahimikan. Sa kalagitnaaan ng kanilng pag-uusap may grupo ng mga kabataan ang
napadaan at sinabi ng kapitan na kausap niya na ang isa sa mga kabataan roon ay
nag-aaral dati sa seminaryo ngunit noong malaman nito na ang kanyang ama ay isang
prayle ay tila nawala sa tamang pag-iisip. Isang gabi gumagawa ng isang liham si
Rizal para sa kanyang pamilya na nasa malayong lugar at pinaparating nito na nasa
maayos siya kalagayan sa lugar na ito at wala silang dapat ipag-alala at isinaad niya
din sa sulat na ito na sana sila ay nasa maayos din na kalagayan. Isa sa
mahahalagang pangyayari kay Rizal sa Dapitan ay noong nanalo siya sa Lottery
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

nanihatid pa ito ng barko at tatlong tao ang naghati sa ganting-pala si Kapitan


Carnicero , si Rizal at isang tao di pinangalanan anim na libo at dalawang daan ang
natanggap ni Rizal dalawang libo naman ang binigay nya sa kanyang ama at
dalawang daan naman sa binigay niya sa kay Jose Maria Basa na nakatira sa Hong
Kong. Ang natirang pera sa kanya kamay ay pinagpagawa niya ng bahay at bumili
siya ng lupa sa Talisay. Ang mga bahay ay yari sa abaca, kahoy at kawayan.
Nakatanggap ng libro si Rizal mula kay Padre Pastells ito ay isinulat ni Don Felix
Sarda y Salvany at bilang pasasalamat sa Padre hinandugan naman nya ito ng isang
istruktura ni San Pablo. Nagkaroon ng mahabang sulatan si Padre Pastells na
naglalahad ng pangrelihiyong naniniwala. Di nagtagumpay si Padre Pastells na
maibalik si Rizal sa simbahan, ipinadala naman nya si Padre Francisco Sanchez
upang ito naman ang maghimok kay Rizal na magbalik sa simbahan ngunit di rin siya
ng tagumpay. Si Padre Francisco Sanchez ay isa sa mga naging guro ni Rizal sa
Ateneo at sinabi nito na si Rizal ang paborito niyang estudyante. Tumatanggap din si
Rizal ng mga panauhin at nakasama naman niya ang mga kanyang kapamilya.
Nagpadala ang mga prayle na may alyas Pablo Mercado upang maisangkot si Rizal
sa isang malaking kaso. Napaghalataan ni Rizal na ito ay ipinadala lamang ng
Espanyol upang maging ispiya nya. Ang nasabing lalaki na ang tunay na pangalan ay
Florencio na nagpapanggap lamang na kamag-anak niya. Muntik na makitil ang buhay
ni Rizal dahil sa lalaking ito ngunit buti na lang ay malakas ang pakiramdam nito at
nadepensahan ang sarili matapos siyang akmain na saksakin ng lalaking ito at ito ay
nakatakas.
Halos apat na taon na din nabilanggo si Rizal sa loob ng Dapitan pero kahit
siya ay isang bilanggo doon madami siyang mga bagay na nagawang produktibo, siya
ay naging magsasaka, manggagamot, negosyante, guro, zoologist , imbentor at
pintor. Ginamit din ni Rizal ang mga panahon niya sa Dapitan upang makapagturo ng
sa mga kabanatan doon. Marami siyang itinuro sa kanila, katulad na lamang ng wika,
heograpiya, kasaysayan, matematika gawaing industriya at madami pang-iba. Si
Rizal ay nagtayo ng isang paaralan kung saan tinuturuan niya ang mga batang
lalaking paslit upang maging matapang at maging edukado. Isa sa mga paborito
niyang estudyante ay si Joselito na binigyan niya ng isang pagsubok kung saan
ipinapahiwatig nito na sa kabila ng ating pagkatakot sa paggawa ng isang bagay ay
magtatagumpay pa din natin tayo kung malalagpasan natin yung takot na meron tayo.
Nagtrabaho din si Rizal bilang isang mang-gagamot sa Dapitan at ang kanyang mga
naging pasyente ay mahihirap at mayayaman. Matagal na panahon na hinihiling ni
Rizal na sana makasama niya ang kanyang ina sa nalalabi nitong buhat ngunit
makalipas ang ilang panahon bago siya payagan ng pamahalaan. Noong ito ay
maaprubahan ay labis na nagalak si Rizal sapagkat muli niyang makakasama ang
kanyang ina at ilang kapatid. Malugod niyang sinalubong ang pagdating ng kanyang
ina at ito nga ay naghanda pa ng kaunting salu-salo. Habang nagkakamustahan ay
nabanggit niya si Leonor Rivera at kinamusta ang kanyang pinakamamahal na pinsan.
Sumagot ang kanyang kapatid at sinabing ipinakasal na ito sa lalaking hindi niya gusto
at ang pinakamalala ay patay na si Leonor. At dahil sa nalaman nito ay nabigla siya
at nakaramdam ng kalungkutan sa nabalitaan dahil nga mahal na mahal niya ito ng
lubos. Nang tumira sa Dapitan ang kanyang ina ng isa’t kalahating taon siya din ang
gumamot dito. Itinayo ni Rizal ang sistema ng patubig sa Dapitan isinagawa nya ito
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

upang magkaroon ng malinis na tubig ang bawat kabahayan sa Dapitan at ginagamit


niya din ang patubigan na ito bilang pandilig sa kanyang mga pananim roon. Ang
sistema ng patubig na ito ay gawa sa mga kawayan. Sa tagal nagpamamalagi ni Rizal
sa Dapitan siya rin ay naging isang magsasaka. Si Rizal ay magpagmamayari ng lupa
na pitungpot pitong kilometer ang haba. Ito ay may tanim na abaca, niyog at cocoa.
Modernong pagsasaka ang ginawa ni Rizal sa kanyang lupa. Isang araw may
dumating sa Dapitan at nagpapagamot kay Rizal sapagkat siya nga ay isang tanyag
na doktor at ito ay nagngangalang George Taufer. Si George Taufer ay isang bulag
na pasyente ni Rizal ngunit ang sitwasyon nito ay di na kayang muling makakita pa.
Noong siya ay nagpunta sa Dapitan kasama niya ang kanyang ampon na si Josephine
Bracken. Dito nakilala ni Dr. Jose Rizal ang magandang dalaga at agad niya itong
natipuhan o nagustuhan. Kaya't inamin ni Rizal ang tunay nitong nararamdaman
ngunit ito ay muling umalis upang ihatid muli ang kanyang stepfather na
pinagnanasaan siya pero di niya magawang iwanan sapagkat ito ang nasa tabi niya
noong panahon na wala siyang kasama sa buhay. Ngunit makalipas ang ilang buwan
ay muli itong bumalik para pakasalan si Jose Rizal ngunit hindi sila pinayagang
magpakasal sapagkat wala silang permiso ng obispo ng simbahan. Ang kondisyon ay
magbabalik loob muna si Rizal sa simbahan at babawiin lahat ng kanyang pagbatikos
sa pamahalang Espanya. Dahil sa lubos na pagmamahal nagpahayag sila sa harap
ng Diyos na sila ay kasal. Hindi sila binigyan ng anak sapagkat namatay ang bata
habang ito ay isinisilang sa kadahilanang natabig ni Rizal si Josephine noong siya ay
napaghinalaan nitong isang espiya ngunit siya ay muling bumalik sa lugar nila para
magmakaawa na ipatigil ang pagpaparusa sa kanya. Sa labis na pagkagalit ni Rizal
ay hindi niya namalayan ang nangyari kay Josephine at ito ay nakunan. Ang pangalan
ng sanggol nila ay isinunod sa pangalan ng kanyang ama na Francisco. Sa kanyang
pananatili sa Dapitan ay nagkaroon siya ng panauhin na nagngangalang Dr. Pio
Valenzuela siya ay dumating bilang sugo ni Andres Bonifacio sakay ng barkong Venus
at kasama ng isang bulag upang di mahalataan binanggit din niya kay Rizal ang
napagkasunduan ng samahang katipunan. Nais nilang itakas si Jose Rizal ngunit
hindi ito pumayag. Dumating ang pagkakataon na malaya na siya kaya't ibinenta nya
ang kanyang mga lupain sa Dapitan. Malungkot na umalis si Rizal sa Dapitan sabay
sabing “adios dapitan” sa mga nagmamahal sa kanya. Si Kapitan Carnicero ang
naghatid sa kanya kasabay ng bandang tumutugtog ng “Chopin’s Farewell March”
para sa pag-alis ni Rizal. Sa kasamaang palad hindi na nakarating sa Cuba si Rizal
upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa medisina sapagkat siya ay muling dinakip ng mga
Espanyol na pinatawan ng salang rebelyon at pinatay noong Disyembre 31, 1896 sa
Bagumbayan na ngayon ay Luneta Park/Rizal Park sa Manila. Samantalang si
Josephine Bracken ay sumali sa isang grupo ng mga manghihimagsik na naglalayong
protektahan ang mga taga Cavite kasama ang dalawang kapatid ni Rizal na sina
Paciano at Trinidad. Nagsilbi sila doon bilang tagapagtanggol at matapos wala pang
dalawang taon ay nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan. Samantala ang naging
estudyante noon ni Rizal na si Joselito ay naging kauna-unahang gobernador sa
Zamboanga.
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

C. Ang PAMILYA NOON at NGAYON


Ang pamilya sa panahon noon ay sobrang mahal na mahal ang isa't-isa kahit
mayroon mang nagawang pagkakamali hindi katulad sa panahon ngayon kaunting
pagkakamali mo lang grabe na yung mga salitang sasabihin sayo o sa maikling salita
ay hindi ka pa nakakapagpaliwanag hinuhusgahan ka na at ang mas malala pa ay
itakwil ka mismo ng sarili mong pamilya. Noon ang pamilya ay suportado ang nais ng
bawat isa sa kaginhawahan man o kahirapan ay sama-samang nagtutulungan para
sa pangarap ng isa ngunit ang pamilya sa panahon ngayon ay madalas yung nais ng
isa ay hindi natutupad dahil sa kulang ang suporta mula sa sariling pamilya sapagkat
kaunting problema lang sumusuko na agad kahit wala pang ginagawang paraan para
makamit ang mithiin ng isa. Hindi ko naman nilalahat ng pamilya ay ganun ngunit may
iilan pa din naman suportado ang isa't-isa anuman ang mangyari..

D. Ang LIPUNAN NOON at NGAYON


Noon ang lipunan ay simple lamang ang pamamaraan ng kanilang pamumuhay
basta ang mahalaga ay may sapat na pangangailangan ang bawat isa walang labis o
walang kulang. Ngunit sa panahon natin ngayon ang lipunan ay nahahati na sa
dalawang antas ang mayaman at ang mahirap. Nakakalungkot man isipin pero ito na
ang nagiging sukatan kung paano ka ituturing ng kapwa mo. Kadalasan, ang mga tao
ngayon ay naghahangad ng karangyaan sa buhay at hindi na nanatiling kuntento sa
kung anong meron sila gayundin may mga pagkakataon naman na may mga taong
mapagsamantala at nilalamangan ang pangangailangan ng kapwa niya. Ang mga tao
noong panahon ay may magandang samahan, pagmamalasakitan, pagmamahalan
at naroon ang respeto. Ngunit sa panahon ngayon ay nariyan na ang mga trahedya,
krimen dahil sa di kakuntentuhan ng mg tao. Simpleng problema sa pera, nandyan na
ang pagnanakaw at pagpatay. Ang komunikasyon noong panahon ay maayos
sapagkat walang anumang hadlang ang nakakaabala habang nag-uusap ang
dalawang panig samantala sa panahon ngayon ay hindi mo na makakausap ng
maayos ang ibang tao lalo na kung ito ay may kinakaabalahan na teknolohiya ngunit
may maganda din naman itong epekto kung saan mas napapadali ang pag-uusap ng
dalawang panig kung ito ay nasa magkalayong lugar samantalang noon tumatagal ng
buwan bago mo matanggap ang sulat kaya may kahirapan. Noong panahon ang
simpleng problema, madaling nasosolusyonan sa simpleng pag-iisip lamang. Ngunit
sa panahon ngayon mas inuuna pang ipost sa social media kaysa ito ay pag-isipan
ng mabuti kung ano ang dapat gawing aksyon upang masolusyunan ito minsan
naman mas lalong ginagawang komplikado ang simpleng problema sapagkat maliit
na butas pero pinalalaki pa kaya madalas humahantong sa di pagkakaunawaan at
nauuwi sa pag-aaway. At ang panghuli noong panahon malinis ang kapaligiran kaya't
sariwa ang hangin na nalalanghap ng mga tao ngunit sa panahon ngayon ay punong-
puno na ng iba't-ibang klase ng polusyon kaya hindi na ganun kaligtas kaya maramibg
sakit ang naidudulot nito.
THE LIFE AND WORKS OF RIZAL

E. Ang POLITIKA NOON at NGAYON


Ang politika noong panahon ay sobrang higpit yung tipong nasasakal ka na sa
mga rules and regulation na isinasakatuparan nila at wala kang karapatan ipahayag
ang iyong saloobin ukol sa mga bagay na ayaw mo o hindi nakakabuti para sa mga
taong nasasakupan nito. Ngunit sa panahon ngayon ay may kalayaan na tayong
ilahad ang ating mga saloobin ukol sa mga nais nating iparating sa gobyerno sa
pamamagitan ng pagpopost sa social networking sites o di kaya naman ay sa
pagsasagawa ng mga rally upang ipaglaban ang karapatan bilang mamamayan hindi
katulad noon bawal gumawa ng aksyon kapag ikaw ay nahuli yare na asahan mo na
ang matinding parusa mula sa pamahalaan noon.

F. Ang KULTURA NOON at NGAYON


Sa panahon ni Jose Rizal ang mga nakagisnan na kultura ay ang pagmamano sa
mga nakakatanda bilang tanda ng kanilang paggalang ngunit kadalasan sa mga
kabataan ngayon ay hindi na marunong magmano at di pa nakikinig sa kanilang mga
magulang minsan dumadating din sa puntong nawawalan na ito ng galang sa mga
nakakatanda tuwing nakagagalitan. Noon, ang dalagang Pilipina ay likas na mayumi,
mahinhin, iginagalang at marunong gumalang at higit sa lahat hindi babastusin. Ngunit
habang lumilipas ang panahon ay unti-unting nagiging liberated ang mga kababaihan.
Pagdating sa oras ng kainan ang pamilya noon ay sama-samang kumakain at ito ang
oras ng kanilang masayang kwentuhan. Samantalang ngayon unti-unting namamatay
ang totoong diwa ng komunikasyon sa pamilya dahil mula kay tatay, nanay, ate at
kuya, at bunso ay di maiwan-iwan ang telepono at iba pang gadyet kahit sa harap na
ng hapagkainan.

You might also like