You are on page 1of 3

ZANTUA, Jazreen Danielle C.

2015-01564

Reaksyon sa Pelikulang Jose Rizal

Ang pelikulang Jose Rizal ay nag-tala ng buhay ni Dr. Jose Rizal, and pambansang

bayani ng Pilipinas. Tinalakay ang kanyang buhay mula sa kanyang pagkabata hanggang sa

kanyang pagkamatay sa ilalim ng mga kamay ng mga Espanyol. Sinama din ang mga pag-ganap

ng mga karakter na isinulat ni Rizal sa kanyang mga nobela. Nakita natin sa pelikula ang

kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyang Espanyol.

Ipinakita sa pelikula kung ano si Rizal bilang isang anak at kapatid. Una, makikita kung

gaano ka-handa ang batang si Rizal na protektahan sa mga gwardiya sibil ang kanyang inang

inaaresto. Pangalawa, nag-aral si Rizal upang maging isang doktor dahil hindi pumayag ang

kanyang ina na magpa-opera kung hindi si Rizal ang gagawa. Pangatlo, ipinakita kung gaano ka-

lungkot si Rizal nang hindi siya payagang yakapin man lang o mahawakan ang kanyang ina bago

ang kanyang itinakdang pag-bitay. Bilang kapatid, ipinakita na malapit siya sa kanyang mga

kapatid lalong lalo na sa kanyang nakatatandang kapatid na si Paciano.

Kulang man ang mga itinalang mga babae ni Rizal sa pelikula, naipakita pa rin na isa

lamang din siyang normal na tao pagdating sa larangan ng pag-ibig. Sa pagsuyo niya kay Leonor

Rivera at pag-tago nila sa kanilang relasyon, maipapakitang lubos kung mag-mahal ang ating

bayani. Mag-tutula upang akitin ang kanyang sinisinta, mag-sasalita ng mabubulaklak na mga

salit na tiyak na pupukaw sa damdamin ng kanyang sinisinta, iyan ang mga para-paraang

ginagawa ni Rizal pagdating sa panunuyo. Pagdating naman kay Josephine Bracken, ipinakita sa

pelikula kung gaano kasaya si Rizal kasama si Josephine sa Dapitan.


Si Rizal ay ang tipo mong kaibigan na susuporta sayo hanggat ikaw ay nasa tama, ngunit

siya ang pipigil sayo kung ang ideya mo lamang ay kasakiman at makasarili. Ipapagtanggol ka

niya sa mga kasakiman ng mga Espanyol at mumulatin niya ang iyong mga mata sa pagiging

makabayan.

Ipinakita sa pelikula ang pasensiya ni Rizal na tapusin at isulat ang kanyang mga

nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na magiging inspirasyon ng mga Pilipino upang

lumaban at ipagtanggol ang Pilipinas sa ilalim ng koloniyang Espanyol. Sa pamamagitan ng

kanyang plumat papel, nailahad niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga Pilipino noong

mga panahong iyon. Binuksan niya ang mga mata ng mga nabulag sa kasakiman ng mga

Espanyol. Dahil kay Jose Rizal, lalong umalab ang rebolusyong magpapalaya sa ating mga

Pilipino.

Kung papanoorin ang pelikula, ang pinaka-dahilan kung bakit umalab ang puso at

namulat ang mga mata ng mga Pilipino ay dahil sa mga nobela at mga isinulat ni Rizal habang

siyay nasa Europa. Ayon nga kay Rizal sa pelikula, isa lamang siyang doktor na nagpapalinaw

ng mga mata. Ngunit, mas lalong umalab ang puso ng mga Pilipino nang hulihin si Rizal ng mga

militanteng Espanyol at ipinatapon sa Dapitan. Kung susumahin, ang paraang ginamit ni Rizal

upang maisulong ang kilusang makabayan ay ang pag-sulat gamit ang kanyang pluma.

Isang senaryo sa pelikula ang tumatak sa akin, ang parte kung saan nasa korte si Rizal

kasama ang kanyang abogade na si Luis Taviel de Andrade. Iprinisenta nang abogadong nag-

aakusa kay Rizal ang mga paratang na wala man lamang batayan, purong mga salita lamang na

walang ebidensya ang kanyang mga pinag-sasabi. Sa kabilang panig naman, si Taviel de

Andrade ay naglatag ng mga kapani-paniwalang mga impormasyong may ebidensya at nanalig

siya sa kapangyarihan ng batas na nagpapatunay na walang kasalanan si Rizal. Ngunit, dahil ang
mga Espanyol parin ang may kapangyarihan sa desisyon nawala ang hustisya. Nakakagalit dahil

ipinagkait kay Rizal ang malinis na paglilitis.

Akala ko ang tanging mahalaga sa buhay ay edukasyon. Pero nadiskubre ko, depende

pala iyon sa pinag-aaralan. Mayroon palang pinag-aaralan na nakakabulag. Ang mga katagang

ito ang pinaka-tumatak sa aking isipan bilang isang mag-aaral. Bilang isang estudyanteng galing

sa Catholic school noong highschool, napaka-daming hindi itinuro o hindi binigyang atensyon na

mga impormasyon tungkol sa buhay ni Rizal. Ang edukasyon ay susi upang mapalawak ang

ating kaalaman, nasa sarili na natin kung ating bibigyan ito ng importansya o magbubulagan

nalang at mananatiling walang pakialam sa ating bayan. Tayong mga binigyan ng tsansang

makapag-aral, tayong mga kabataan, ang pag-asa ng bayan.

Bagamat hindi binigyan ng hustisya ang pagpapakilala sa karakter ni Andres Bonifacio

at ipinakita lamang na siyay pala sigaw ng Mabuhay si Dr. Jose Rizal! masasabi ko pa rin na

ang pelikulang Jose Rizal ay isang obra. Maganda rin ang pag-halo ng mga senaryo galing sa

mga nobela ni Rizal at ang realidad na pangyayari dahil makikita ng mga manonood kung saan

kinuha ni Rizal ang inspirasyon sa kanyang mga isinulat. Samakatuwid, ang pelikula ay tiyak na

magpapa-alab ng pagiging makabayan mo bilang isang Pilipino.

You might also like