You are on page 1of 11

Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and

Works of Jose Rizal)

MODYUL sa Buhay, mga Gawa at mga Sinulat ng


isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani

Panimula

Ang modyul na ito ang pagtatampok ng isang kritikal na pag-aaral


at pagsusuri sa buhay, mga akda at nagawa ni Dr. Jose Rizal mula
pagkabata hanggang sa siya ay itanghal na isang bayani. Ang
kurso ay alinsunod sa itinatadhana at diwa ng Batas Rizal (R.A.
1425, 1956) na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng
pangkasalukuyang panahon na mapagtibay ang damdaming
makabayan ng mga mag-aaral.

Mga Layunin sa Pagkatuto

Matapos ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay:

1. Kilalanin ang mga pangunahing datos at historikal mula sa


panahong pre-kolonyal hanggang sa panahon ng Rebolusyong 1896;
2. Mailarawan ang kalagayan at pagbabagong pulitikal, ekonomiko,
sosyal, at kultural sa panahon ng kolonyalismong Espanyol na may
diin sa ika-19 na dantaon na siyang panahong ginalawan ni Rizal;
3. Masuri ang pagkabuo at pagbabago sa pagkatao, paniniwala at
pilosopiya ni Rizal sa konteksto ng kanyang panahon;
4. Maipaliwanag ang naging kontribusyon ng pambansang bayani sa
pagpapaunlad ng nasyonalismong Pilipino;
5. Mapagtibay ang damdaming makabayan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpapaunawa sa mayaman at
maipagmamalaking nakaraan ng bansang Pilipinas at kadakilaan ng
mga bayaning Pilipino sa pangunguna ni Rizal;
6. Malinang ang mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggamit ng prosesong historikal;
7. Mailahad ang iba’t ibang diskurso at perspektibo sa pag-aaral sa
buhay, mga ginawa at sinulat ni Rizal;
8. Mataya ang kaangkupan at kahalagahan ng pag-aaral sa buhay,
mga ginawa at sinulat ni Rizal sa kasalukuyang panahon.
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
1. Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas
Rizal

——————————————————————————————————
Gawain 1

A. Panoorin ang video tungkol kay Batas Rizal o Republic Act. 1425
na matatagpuan sa https://news.abs-cbn.com/focus/12/30/17/pag-
aaral-ng-buhay-ni-rizal-dapat-pang-palalimin-mga-eksperto

1. Batay sa maikling paliwanag ng mga host sa napanood na


bidyo, Bakit dapat pag-aralan ang búhay at mga akda ni Rizal?
Isa-isahin ang mga punto de vista na kanilang binanggit sa pag-
aaral ng Batas Rizal. Sang-ayon kaba sa kanilang mga inihaing
punto? Bakit?

2. Ipakita ang inyong sagot sa mga tanong sa pamamagitan ng


paggamit ng mga patunay na magbibigay ng katotohanan sa
inyong pinupunto.

B. Basahin ang artikulong “Rizal Law @60: Anyare?!” ni XIAO CHUA


https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/569896/rizal-
law-60-anyare/story/ at sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang ibig sabihin ng Republic Act 1425 o Batas Rizal? Ano ang
kinalaman nito sa pag-aaral sa kolehiyo?
2. Pagnilayan ang naging saysay ng Batas Rizal makaraan ang
mahigit limampung taon na ito’y ipinatutupad. Nagampanan kaya
nito ang tinakda nitong layon? Papaano kaya ito mabisang
ipatupad ngayong parang hindi na uso ang kabayanihan?

3. Isulat ang inyong sagot sa isang papel.

C. Mag-isip ng pinakahulíng nobela/kuwento na nabása mo. Ano ang


natutuhan mo mula sa kuwento? Gamitin ang karanasang ito sa
mga akda ni Rizal. Paanong nakapagdudulot ng patriyotismo ang
pagbabasá ng mga nobela ni Rizal? Mag-isang magnilay at
pagkaraa‟y magtalakay bílang pangkat. Iharap sa klase ang resulta
ng pangkatang talakayan. (Oral na talakayan sa pamamagitan ng
video zoom of goggle meet)

——————————————————————————————————

2. Ang Filipinas sa ika-19 dantaon sa konteksto ni Rizal:


 Pang- ekonomiya: sa pagtatapos ng Kalakalang Galeón,
pagbubukás ng Suez Canal, pagbubukás ng mga daungan
sa pandaigdigan g kalakalan, paglakas ng ekonomiya ng
pagluluwas ng mga ani at mga monopolyo
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
 Panlipunan: edukasyon, pagdami ng mga mestisong Chino,
pagdami ng mga ingkilino
 Pampolitika: Liberalismo, paglakas ng mga repormang
Bourbon, konstitusyong Cadiz

Noong ika-19 na siglo, binuksan ng Espanya ang Pilipinas sa


pandaigdigang kalakalan at, kaugnay nito, sa mga lumalaganap na
kaisipan sa Europa. Taong 1834 binuksan ang mga daungan ng
Maynila at mula 1855 hanggang 1873, anim pang daungan ang
nabuksan. Taong 1869 naman ng nabuksan ang Kanal ng Suez, na
nagpaikli ng oras sa paglalakbay mula sa Europa tungong Pilipinas.
Dahil dito, ang pagsasaka sa Pilipinas ay nabago mula sa dating
pansariling konsumo lamang tungo sa pag-eksport ng mga cash
crops tulad ng tabako, asukal, at abaka. Ang kaakibat nitong pag-
usbong ng ekonomiya ay nagpayaman sa ibang mga Pilipino.
Marami sa kanila ay nakapag-aral sa Maynila at sa ibang bansa.

Ang pagdating ng maraming kaisipan mula sa Europa ay nagmulat


ng kamalayan sa maraming Pilipino. Hiniling nila ang maraming
pagbabago sa lipunan. Isa na rito ay ang sa kaparian. Ang mga
katutubo ay hindi pinapayagan na isa ma sa mga hanay ng mga
pari at orden. Dahil dito, nagrebelde si Apolinario dela Cruz noong
1841. Kaya lamang ay natalo ng mga Espanyol ang mga rebelde at
pinatay si dela Cruz.
 Basahin ang kabuuan ng teksto sa:
 http://r-adik-al.blogspot.com/2007/05/pagbabago-ng-
pilipinas-sa-loob-ng.html
 https://www.coursehero.com/u/file/38214456/Lecture-
45-Ang-Pilipinas-noong-ika-19-na-Dantaonpdf/?
justUnlocked=1#doc/qa

——————————————————————————————————
Gawain 2

A. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Pag-ugnayin ang mahahalagang pangyayari ng ika-19 na siglo sa


kontemporaryong panahon kaugnay ng makabayang/
makabansang/ nasyunalismong damdamin ng mga katutubong
Pilipino. Ihanay din ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
makabansang/ makabayang/ nasyunalismong tatalakayin
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
2. Bumuo ng Graphic organizer / talahanayan na nagmamapa ng
mga pagbabago sa ika-19 dantaon ng Filipinas, pagsasakategorya
ng mga pagbabagong panlipunan, pampolitika, pang- ekonomiya,
pangkultura

B. Panonood ng pelikulang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo


Ngayon?”
Repleksiyong papel tungkol sa pelikula
Gabay na Katanungan:
 Mailarawan ang ika-19 dantaon ng Filipinas na ipinakita sa
pelikula
 Batay sa iyong pagbabasá at talakayan sa klase, ano ang
masasabi mo sa panahon ng ika- 19 dantaong ipinakikíta sa
pelikula?
 Ano ang pangunahing tanong na nais masagot ng pelikula?
Ano ang sarili mong repleksiyon sa iyong napanood at ang
iyong pag- unawa?

——————————————————————————————————

3. Búhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, at Panimulang


Edukasyon

Basahin ang TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL


Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.
Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa
Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-
aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de
Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t
ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El


Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.


Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang
layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya
namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at
hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang


magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896
ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya
sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng


kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng
rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo
Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa


Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

——————————————————————————————————

Gawain 3
A. Matapos mabasa ang tala ng buhay ng pambansang bayani,
bumuo ng sariling tala ng buhay at ihahambing ito sa pinagdaanan
ni Rizal sa kaniyang kabataan.

B. Gumawa ng isang Family Tree at itala ang pamilya ng


pambansang bayani mula sa kanyang ninuno at ilahad ang
pagkakakilanlan sa mga ito.
(https://80yearsoflove.wordpress.com/2013/09/23/jose-protacio-
rizal-mercado-y-alonso-realonda-ang-kanyang-buhay-hanggang-
kamatayan/)

C. Lumikha ng timeline ng yugto ng kabataan at panimulang


edukasyon ni Rizal (Basahin ang nilalaman nito:
https://ourhappyschool.com/philippine-studies/memoirs-student-
manila-p-jacinto-pen-name-jos%C3%A9-rizal)

***Upang higit na maunawaan ang kabataan ni Dr. Jose Rizal


panoorin ang Documentary Film na ito sa buhay ng Pambansang
Bayani

D. Isa-isahin ang mga ninuno ni Rizal at ilahad ang kahalagahan nito


sa pagkatao ni Rizal.
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)

E. Anong klase ng bata si Dr. Jose Rizal? Papaano naiiba ang


pambansang bayani sa kanyang mga kapatid at kaklase?

F. Ano ang unang alaala ng kamusmusan ni Dr. jose Rizal? Bakit ito
nagging memorable sa kanyang paglaki?

G. Ano ang naging kalungkutan ng ating Pambansang bayani? Bakit?

H. Isaysay ang isa sa mga kwentong anekdota ang “Kwentong ng


Gamugamo”. Ang kaugnayan nito sa pagkatao ni Dr. Jose Rizal at ng
mga bata sa kasalukuyan?

4. Búhay ni Rizal: Mataas na Edukasyon at Búhay sa Ibang


Bansa

4.1 PUMASOK SI RIZAL SA ATENEO (1872-1877)


 Noong Hunyo 20, 1872 sinamahan si Jose ng kanyang
kapatid na si Pacianopara magpunta sa Maynila. Kumuha ng
pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at
Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa
Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa
kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at
nagbalak na pumasok sa Ateneo.
 Mga Dahilan Kung Bakit Ayaw Tanggapin si Rizal Sa Ateneo:
1. Huli na siya sa pagpapatala.
2. Masakitin siya at maliit para sa kanyan edad.
 Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang
apelyidong Rizal imbes na Mercado.
 Tinulungan siya ni Padre Manuel Xerex Burgos na pamamgkin
ni Padre Jose Burgos upang makapasok siya sa Ateneo.
 Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni
Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng
Intramuros.
4.2 ANG SISTEMANG PANG-EDUKASYON NG MGA
HESWITA
 Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Heswita
kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas.
 Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin
ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa
sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa
pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting
tagapagtanggol ng simbahan.
 Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei
Gloriam o Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
 Hinati Ang Klase Sa Dalawang Pangkat:
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga
mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
2. Imperyong Carthagena – katawagan sa mga externos o
mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
 Laging napapaligsahan ang dalawang pangkat. Sa simula ng
pasukan sila ay gumagamit ng dalawang bandila.
 Sa unang pagkatalo, ang bandila ng natalong pangkat ay
inililipat sa kaliwang bahagi ng silid.
 Sa ikalawang pagkatalo, inilalagay ito sa mababang posisyon
sa kanang bahagi.
 Sa pangatlong pagkatalo, ang nakatagilid na bandila ay
inilalagay sa kaliwa.
 Sa ikaapat, ang bandila ay ibinabaligtad at inilalagay sa
kanan.
 Sa panlima, ang nakanbaligtad na bandila ay inilalagay sa
kaliwa.
 At sa pang-anim, ang bandila ng natalo ay pinapalitan ng
pigura ng isang asno.

Ang uniporme ng mga mag-aaral sa Ateneo ay “pantalong hinabi


mula sa abaka at guhit-guhit na amerikanang gawa sa bulak”. Ang
material ng amerikana ay tinawag na “rayadillo” na ginawang
uniporme ng mga sundalong Pilipino noong mga unang araw ng
Unang Republika ng Pilipinas
——————————————————————————————————

Gawain 4
A.

Mahalagang tingnan ang Pilipinolohiya (o pag-unawa sa pagkataong Pilipino) bilang


batis ng etika at pangangatuwirang moral. Batay sa tambalang-lapit at
pagpapakahulugan sa mga ito, mahihinuha ang mga konseptong etikal gaya ng
masama, mabuti, mabait, mapagkamkam, at iba pa. Sa pagpapakahulugan ding ito
natutukoy ang batis ng pangangatuwirang moral ng mga Pilipino tulad ng
pagpapahalaga sa budhi at kaluluwa.

Bilang bahagi ng diskurso tungkol sa pagkataong Pilipino, tatalakayin natin ang


Pilosopiyang Pilipino.

2.0 Pilosopiyang Pilipino

Sa panghuling bahagi ng modyul na ito, ating tatalakayin ang Pilosopiyang Pilipino.


Mayaman ang diskurso tungkol sa kung mayroon nga ba tayong matatawag na
Pilosopiyang Pilipino. Bahagi ng usapin ang tungkol sa kahulugan nito na maaaring
Pamagat ng Kurso : Buhay at Mga Sinulat ni Rizal (Life and
Works of Jose Rizal)
nanggagaling sa iba’t ibang gamit ng salitang “pilosopiya”, at kung ano ba ang
maituturing na “Pilipino” (kumpara sa di-Pilipino) na salitang ikinawing sa
pilosopiya upang mabuo ang tambalang salita na “pi-losopiyang Pilipino”. Sa
bahaging ito ng ating modyul ay hindi natin tututukan ang magkahiwalay na salitang
“pilosopiya” at “Pilipino” bagama’t sisimulan natin ang gawain mula sa pag-unawa
sa ilang konsepto ng pilosopiya mula sa akda ni Armando Bonifacio. Sa halip ay mas
tatalakayin natin ang pakahulugan sa tambalang-salita na “pilosopiyang Pilipino” at
kung paano muli ay magamit ito bilang batis ng katutubong halagahin at katuwirang
moral.

Ayon kay Armando Bonifacio, isang pilosoper na Pilipino, sa kanyang akda na Three
Con-cepts of Philosophy, ang salitang “pilosopiya” ay maaaring tumukoy sa
sumusunod: Una, personal na pilosopiya, halimbawa ay ang mga moral na halagahin
o alituntuning sinusunod sa buhay (rules of life). Ikalawa, ang gawain ng pagmumuni
o repleksiyon, halimbawa ay ang pag-analisa at obhektipikasyon ng mga halagahin, o
mga paniniwalang metapisikal o episte-molohikal. Ikatlo, ang muling pagbubuo ng
isang komprehensibong sistema ng paniniwala o halagahin na naglalayong
magkaroon ng batayang pag-unawa sa pundasyon ng lahat ng kaalaman, halagahin at
pagkilos.

Page 5 of 8
——————————————————————————————————
Gawain 4

Basahing mabuti ang artikulong “Three Concepts of Philosophy” na matatagpuan


sa http:// docshare.tips/three-concepts-of-
philosophy_58bab092b6d87f616d8b4836.html

Pagkatapos ay ipaliwanag, sa loob ng 150-200 na salita, ang iyong pagkaunawa sa


tatlong konseptong inilahad ni Bonifacio. Siguraduhing tukuyin ang pagkakaiba ng
bawat isa.
——————————————————————————————————

Mula sa mga konsepto ng “pilosopiya” na iyong natututunan sa unang gawain, atin


namang suriin kung paano maaari natin sila makita sa usapin ng pilosopiyang
Pilipino. Tulad ng na-banggit sa panimula, sadyang malawak na ang diskurso sa
pakahulugan ng Pilosopiyang Pilipino. Marami ang nagtanong kung mayroon nga
kaya tayong sariling pilosopiyang Pilipino at marami naman ang sumagot sa
kanilang mga akda na mayroon. Isa rito ay ang ar-tikulong Pilosopiyang Pilipino:
Isang pagsusuri ni Napoleon Mabaquiao na naglahad ng li-mang posibleng
konteksto kung saan maaaring sabihin na ang pilosopiya ay Pilipino:

1. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng


ideolohiyang Pilipino.
2. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng
etikang Pilipino.
3. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ang mga kategoryang
ginagamit sa pamimilosopiya ay katutubong Pilipino.
4. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ito ay ipinapahayag sa
wikang Pilipino.
5. Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung ang kamalayang taglay ng
namim-ilosopiya ay Pilipino. (Mabaquiao, 1998)

—————————————————————————————————
Gawain 5

Basahin ang akdang ito ni Mabaquiao na nagsuri ng kahulugan ng


pilosopiyang Pilipino upang mas higit mong maunawaan kung anong
konteksto ang tinutukoy ng bawat isang pakahulugan. Ang akda ay makikita
sa https://www.academia.edu/ 3420141/
Pilosopiyang_Pilipino_Isang_Pagsusuri
——————————————————————————————————

Page 6 of 8
Sa mga kahulugan at kontekstong binabanggit ng awtor ay makikita ang ilang
konsepto ng pilosopiya na iyong napag-aralan. Kung ang pilosopiyang Pilipino ay
ang nabubuo mula sa ideolohiya at etikang Pilipino, ibig sabihin ay hinuhubog ito
ng “personal na pilosopiya” ng mga Pilipino. Samakatuwid, ang pilosopiyang
Pilipino, bilang personal na pilosopiya, ay kumakatawan sa mga halagahing moral
ng Pilipino. Maaaring hindi unibersal na halagahin ang tinutukoy dito na angkin ng
lahat ng Pilipino kundi mga aktuwal o partikular na hala-gahin na maaaring
nagsisilbing gabay na batas sa buhay na siyang ginagamit nila sa kani-lang
pagpapasyang moral. Halimbawa, kung bahagi ng personal na pilosopiya ng isang
Pilipinong magsasaka ang pagpapahalaga sa lupa bilang ekstensiyon ng kanyang
sarili, aalagaan at pagyayamanin niya ito nang higit. Maaaring sabihin na bahagi ito
ng paghubog ng Pilosopiyang Pilipino o isang pilosopiyang pilipino. Sa ganitong
punto, malinaw na nagiging batis ng moral na halagahin ang pilosopiyang Pilipino.

Samantala, kung ang konsepto naman ng pilosopiya na gagamitin ay ang pagturing


dito bilang isang gawain ng pagmumuni at repleksiyon, gamit ang kamalayan,
kategorya, at wikang Pilipino, malinaw na patunay ito na maaaring paghugutan ang
pilosopiyang Pilipino hindi lamang ng halagahing moral kundi pati proseso ng
pangangatwirang moral. Sa ganitong punto muli, ang pilosopiyang Pilipino ay
nagagamit bilang batayan ng pangan-gatwirang moral (moral reasoning).
Halimbawa nito ay ang pag-analisa ni Prof. Leonardo de Castro (1995) sa usapin ng
utang na loob, pagkatao, at iba pa bilang etikal na konsepto sa kontekstong Pilipino.
Kanyang pinag-aralan ang gamit ng katutubong salita na “utang”, “loob”,
“pagpapakatao” at iba pa, mula sa kung paano sila binibigyang kahulugan sa pang-
araw araw na ugnayan ng mga Pilipino. Ibig sabihin, pinag-aralan ang konsepto,
kilos o isyu gamit ang kamalayan ng Pilipino sa halip na inunawa ang mga ito
gamit ang kanluran-ing teorya. Dahil dito naipalalabas ng pilosopiyang Pilipino
bilang isang metodo ng pag-iisip at pagtatasa ang katutubong halagahin at
katuwirang moral ng mga Pilipino.

—————————————————————————————————
Pangwakas na Gawain

Matatandaang ayon pa rin kay Mabaquiao, “Ang isang pilosopiya ay Pilipino kung
ang ka-malayang taglay ng namimilosopiya ay Pilipino.” Kaugnay nito, gawin ang
sumusunod bi-lang panghuling gawain sa modyul.

1. Kumuha ng isang meme, bidyo, patalastas, o kahit na anong naka-post sa


social media na maaaring nagpapakita o naglalaman ng isang etikal na isyu.
2. Gumawa ng tatlong minutong video ng iyong sarili na nagtatasa ng piniling
isyu gamit ang kamalayang Pilipino.

Maaaring sabihin ng inyong guro na ibabahagi ninyo sa klase ang iyong


pagtatasa kasama ang sinuring bidyo o meme sa susunod na pagkikita.
——————————————————————————————————

Page 7 of 8
Pangwakas

Kung iyong nagawa ang pangwakas na gawain nang mahusay, binabati kita.
Nagpapakita ito ng iyong pag-unawa sa kung paano ang Pilosopiyang Pilipino ay
magagamit sa moral na pangangatwiran at mapaghahanguan ng halagahing moral.

Mga Sanggunian

Bonifacio, A. (n.d.) Three Concepts of Philosophy. Kinuha mula sa


http://docshare.tips/ three-concepts-of-
philosophy_58bab092b6d87f616d8b4836.html .
Covar, Prospero R. (1993). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.
Diliman Review 41, 1: 5−11.
De Castro, L. (1995). Etika at Pilosopiya sa Kontekstong Pilipino. Quezon City: UP
Press. Gripaldo, R. (2009). The Making of a Filipino Philosopher. Philosophia 37 (1).
Kinuha
mula sa
https://www.researchgate.net/publication/290575903_The_making_of_a_-
Filipino_philosopher.
Mabaquiao, N. (1998). Pilosopiyang Pilipino: Isang Pagsusuri. Philippine Social
Science Review 55(1-4): 203-215. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/3420141/Pi-
losopiyang_Pilipino_Isang_Pagsusuri.
PTV News Xiao Time: Prospero R. Covar, Ama ng Pilipinolohiya. Mula sa
https://www.y-outube.com/watch?v=3UeMzK62SWo.

Inihanda nina:

PROF. DIOMEDES E. ENCINA


Dalubguro, DF

PROF. MARION C. LAGUERTA


Dalubguro, DF

Binigyang-pansin at Pinagtibay ni:

PROF. CHARITO A. MONTEMAYOR

Direktor

Page 8 of 8

You might also like