You are on page 1of 45

ARALIN 1

SALIGANG PANGKASAYSAYAN AT KONTEKSTO NG RA 1425

PAKSA
 Introduksiyon sa kurso
 Batas Pambansa Bilang 1425

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 maipaliwanag ang kasaysayan ng Batas Rizal ang mahahalagang probisyon nito.


 kritikal na matása ang pagiging epektibo ng Kursong Rizal.

PAKSA 1: INTRODUKSYON SA KURSO: BATAS PAMBANSA 1425

Sa unang aralin sa kurso sa Buhay at Gawa ni Jose Rizal, ang araling ito ay
nagbibigay ng talakayan tungkol sa makasaysayang konteksto at nilalaman ng Batas
Rizal at sinusuri ang mga kalagayang panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya sa
Pilipinas noong ika-19 na siglo. Ang pag-aaral sa konteksto ng kasaysayan ng Batas
Rizal ay nagbibigay-daan sa amin upang mas maunawaan ang mga nilalaman,
makatwiran at kahalagahan ng batas. Katulad nito, ang pag-aaral sa ika-19 na daigdig
ay nakatutulong sa pag-aaral ng buhay, mga gawa at ideya ni Dr. Jose Rizal dahil
inilalagay ito sa kanya ng naaangkop na konteksto.

Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal


Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan
at nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayaning nag-alay ng kanilang mga
buhay. Sa tulong ng batas na ito, nagpapaalala sa bawat Pilipino ang mga dugo’t
pawis na inalay ng ating mga bayani na maaaring maging inspirasyon sa bawat isa sa
pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

1
Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilang basahin ang mga
sinulat ni Rizal aniya, “Ang impluwensya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa
mga pari ngayon.”

Ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni


Rizal.Kung kaya, ang sinumang sumalungat sa batas ni Rizal ay para naring inaalis si
Rizal sa kanilang isipan.

Ang mga nobela ni Jose Rizal na NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO ay


naglalaman ng mga pahayag sa subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan,
ang sinaunang makabasa nito ay maaring mag-iba ang paniniwala o sumalungat sa
mga tinuturo ng simbahan.

Mistulang may monopolyo ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung


noong panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing
kasabwat ng hapon.

Ano nga ba ang Batas Rizal?


Ang BATAS REPUBLIKA 1425 na mas kilala sa tawag na “BATAS RIZAL” ay
pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen.
Jose P. Laurel. Bago ito napagtibayan noong Hunyo 12, 1956, dumaan ng batas na ito
sa mga umaatikabong debate sa loob ng senado at kongreso. Tinawag itong House
Bill 5561 sa Kongreso na pinangungunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag
naman itong Senate Bill 438 sa senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M.
Recto. Hindi nakakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito,
dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa
bayan ang dalawang ito.
Ang pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas.
Mahabang proseso ang pinagdaan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang
batas.

Ano ang Republic Act 1425?


Ang Republic Act 1425 o ang tinatawag na Rizal Law ay ang batas na nagdidikta
sa lahat ng mga paaralan sa buong Pilipinas na magbigay ng mga asignatura at kurso
tungkolsa buhay at mga gawa ni Jose Rizal. Ang buong titulo ng batas na ito ay An
Act to Include in the Curriculum of All Public and Private Schools, Colleges and
Universities Courses On the Life, Works and Writing of Jose Rizal, Particularly His
Novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, Authorizing the Printing and
Distribution Thereof, and for Other Purposes.

 Hunyo 12, 1956 – Pinagtibay ang Batas Republika Blg. 1425 at tinawag itong
Batas Rizal.

2
 Ayon sa batas, dapat maging bahagi ng kurikulum lahat ng pamantasan
maging pampubliko at pambribadong paaralan ang kursong nauukol sa
buhay, mga ginawa at naisulat ni Jose Rizal.

Batas Rizal: Sa Nakaraang 50 Taon


Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit
nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang
makamit ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na
pagtingin, masasabi nating naging matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa
ating bansa ay may bantayog ni Rizal. Kilala siya sa lahat ng mga Pilipino bilang
pambansang bayani. Madalas din natin gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad
ng walang kamatayang “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.

Mga Karagdagang Babasahin:


Basahin ang “Batas Rizal” (RA 1425)
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1956/06jun/19560612-RA-1425-
RM.pdf

ARALIN 2
ANG PILIPINAS SA IKA-19 NA DANTAON SA KONTEKSTO NI RIZAL

PAKSA
 Pang ekonomiya: sa pagtatapos ng Kalakalang Galeon, pagbubukas ng
Suez Canal, pagbubukas ng mga daungan sa pandaigdigang kalakalan,
paglakas ng ekonomiya ng pagluluwas ng mga ani at mga monopolyo.

MGA TUNGUHIN
Ang mga sumusunod ay ang mga resulta ng pag-aaral na inaasahan nating
makamit sa pagtatapos ng aralin:

 matáya ang kaugnayan ng isang indibidwal sa kaniyang lipunan.


 masuri ang iba‟t ibang panlipunan, pampolitika, pangekonomiya, at
pangkulturang pagbabago na naganap noong ika-19 dantaon.
 maunawaan si jose rizal sa konteksto ng kaniyang panahon.

3
PAKSA 1: PANG EKONOMIYA: SA PAGTATAPOS NG KALAKALANG
GALEON, PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL, PAGBUBUKAS NG MGA
DAUNGAN SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN, PAGLAKAS NG
EKONOMIYA NG PAGLULUWAS NG MGA ANI AT MGA MONOPOLYO.

Sa bawat yugto ng kasaysayan, palagiang makikita ang mga pagbabago sa iba’t


ibang aspeto ng lipunan. Gayunpaman, sa kasaysayan ng Pilipinas partikular na
binibigyang pansin ng mga historyador ang ika-19 na dantaon kung kailan namalas
ang napakaraming pagbabago sa larangan ng pulitika, ekonomiya, at sa pang araw-
araw na buhay ng mga Pilipino. Mahalaga ang malalimang pagtalakay sa mga
pagbabagong ito sapagkat mula sa mga ito ay makikita ang konteksto ng Kilusang
Repormista at ng Himagsikang Pilipino noong 1896 na tuluyang bumago sa takbo ng
kasaysayan ng Pilipinas.
Ang mga pagbabagong ito ay dala ng isang mahalagang kaganapan sa Espanya,
ang pagpalit ng mga Bourbon, ang naghaharing dinastiya noon sa Pransya, sa mga
Hapsburg bilang naghaharing dinastiya o royal house noong 1700. Namatay ang hari
na si Charles II nang walang naiwang magmamana ng kanyang korona. Dahil dito,
naganap ang War of the Spanish Succession na tuluyang nagluklok kay Philip V ng
House of Bourbon bilang hari ng Espanya. Ito ay nagbunsod ng tuluyang pagpasok ng
mga ideya mula sa Enlightenment sa Pransya. Sa pagpapalit na ito nagmula ang iba’t
ibang reporma sa Espanya at sa mga kolonya nito kabilang na sa Espanya. Ang mga
repormang ito ay nakilala bilang Bourbon Reforms na nagbigay tugon sa humihinang
ekonomiya ng Espanya.

Ang Pilipinas noong Panahon ni Rizal


Kaharian ng Espanyol sa Pilipinas

Magulo ang katapusan ng panahon ng Español, sinimulan ng mga taga-Ilocos


dahil sinasarili ng pamahalaan sa Manila ang paggawa at kalalakal ng kanilang giliw
na inumin, basi, at natapos sa pagpasok ng mga Amerikano.

Sa Bohol, tumagal pa ng 27 taon ang himagsikan ni Dagohoy noon pang ika-


1744. Noong 1841, naghimagsik ang mga Tagalog sa Laguna at Tayabas dahil sa
pagsupil sa mataimtimang “Ka Pule” Apolinario Dela Cruz. Napuksa ang malaking
himagsikan subalit pahiwatig ito ng lumalawak na pag-alsa ng buong Katagalugan,
lalong lumawak nang bitayin ang tatlong (3) paring martir noong 1872, sina Mariano
Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.

4
Higit ang gulong naganap sa España. Sinakop sila ng mga taga-Pransya,
nalagas ang mga sakop na kaharian sa buong Amerika, naging madugo ang
himagsikan hanggang umabot sa digmaan ng Español laban sa Español.
Ang gulo, intriga at agawan sa kapangyarihan at katungkulan ay dinala ng
mga dayong Español sa Pilipinas at naipit ang mga Pilipino sa kalupitan ng
magkabilang panig hanggang sa sila’y napilitang maghimagsik noong 1896.

Sa isang taginting na saglit, nagkaisa ang mga Tagalog sa pagpalayas sa mga


Español subalit nasupil ang himagsikan nang mabigo silang damayan ng mga taga-
Ilocos, Bicol at Visaya.

Sila-silang mga Tagalog mismo ay nagpatayan din gaya ng mga Español.

Subalit lahat ay nawalan ng katuturan – ang himagsikan, ang agawan, pati na


mismo ang panahon ng Español – nang dumating ang mga Amerikano noong 1898 at
dinaig silang lahat.

IBA’T IBANG KATAWAGAN NA NANINIRAHAN SA PILIPINAS

1. PENINSULARES – mga Kastilang


pinanganak sa Espanya; subalit
naninirahan sa Pilipinas.
https://www.google.com/search?
q=peninsulares+tagalog&sxsrf=ALeKk00WmtYVo0j89KFVoAy9ejCg1O90hA:1
597128399540&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=IBWaHE5dHdzoiM
%252CK0so6Br166rz_M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRorKoeOXYJwVW5Rp8jmdK4RqdYKQ&sa=X&ved=2ahUKEwig5aj3xpLrAhXE
DaYKHQXVA1EQ9QEwA3oECAoQIA&biw=1920&bih=969#imgrc=IBWaHE5dH

2. MESTIZO – magkahalung Kastila sa


Pilipinas.

https://www.google.com/search?
q=mestizo+tagalog&hl=en&sxsrf=ALeKk009ejrt8J7XSkJymUl5-
aWJqscnDw:1597128531880&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi0nba2x
5LrAhVdwosBHXSyCy4Q_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=920#imgrc=UlragXoxri
pdwM

5
3. SANGLEY – mga Intsik at Indio (mga
taong naging Kristiyano)

https://www.google.com/search?
q=sangley+tagalog&sxsrf=ALeKk00nIqz83iBmyeCWeiFblZOQAvtTFQ:159721109833
2&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi_xJaB-
5TrAhVENKYKHcnzDxIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969

4. PILIPINO – tinatawag na Indio

https://www.google.com/search?
q=sangley+tagalog&sxsrf=ALeKk00nIqz83iBmyeCWeiFblZOQAvtTFQ:159721109
8332&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi_xJaB-
5TrAhVENKYKHcnzDxIQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=969

PAGBABAGONG NAGANAP SA PILIPINAS NG MGA KASTILA

1. KAUNLARAN NG KOMERSYO AT AGRIKULTURA


- Ika-19 na siglo – binigyang karapatan – dayuhan pangangalakal at
paninirahan sa Maynila
- Nakadagdag ang pagbubukas ng daungan ng Sual – Pangasinan,
Iloilo, Zamboanga at Cebu – para panlabas, pangangalakal. Ito ay
nakapagpalago ng kabuhayan ng Pilipinas.
- Umunlad ang Agrikultura at dayuhang mangangalakal kasama sa
pag-unlad – agrikultura.

2. PAGBABAGO SA EDUKASYON
- Batas ng Edukasyon 1863 – pagtatag ng paaralan para sa mga guro
sa Maynila at itinaas ang sahod ng guro.
- Ang Ateneo de Municipal – dati’y nasa ilalim ng pamamahala ng
Ayuntamiento at inilipat sa pangangasiwa ng paring Heswita, dito
nag-aral ang batang Rizal.

3. SEKULARISASYON NG MGA PARI


- Problema: panahon ng panunungkulan ni Obispo Sta. Justa at Gob.
Hen. Anda. Dumami and parokya na dapat magdagdag ng pari/kura

6
paroko. Inilagay ang paring sekular na Pilipino ngunit minasama ng
mga paring regular na kastila. Ipinaglaban ni Padre Jose Burgos ang
sekularisasyon ng mga parokya. Ngunit walang mabuting ibinunga
dahil ipinagkait ng pamahalaan ang kahilingan.

4. LIBERALISMO NI CARLOS MA. DELA TORRE


- 1868 ng nakamit ng paring liberal ang kapangyarihan pagkatapos
ng rebolusyon.
- Carlos Ma. Dela Torre - gobernador at kapitan heneral ng mga
Pilipino.
- Dala-dalawang liberalismo at demokrasyang pinagtagumpayan sa
Rebulosyong 1868.
- Sa pamamagitan nito nagkaroon ng pagkakataon ang Pilipino na
ipakita ang kanilang kakayahan sa pagpapahayag sa sariling
pamahalaan
- 1871 pinabalik si Dela Torre sa Espanya at pinalit si Rafael De
Izquierdo

5. SI IZQUIERDO AT ANG PAG-AALSA SA CAVITE


- Enero 1872 nag-alsa ang mga sundalong Pilipino sa Cavite. Di
minabuti ang muling pagbabayad ng buwis.
- Pag-aalsa: kinasangkapan ng bagong pamahalaan upang hulihin
ang mga Pilipinong kaaway ang kastila upang parusahan.
- Ipinadakip din ng tagapamuno ang mga kasapi sa pag-aalsa
kabilang sa mga naging biktima sina Padre Gomez, Burgos at
Zamora ipinapatay sa pamamagitan ng GAROTE at ang iba ay
ipinatapon sa pulo ng Marianas

ANO ANG KAHALAGAHAN NG NAGANAP NA PANGYAYARING ITO?

- Namulat ang mga Pilipino upang mag-alsa.


- Pagsasanib ng simbahan at pamahalaang Espanya – Relihiyon at
Pamahalaang iisa ang Hari at isang karapatan ang nasa
pagtataguyod ng Papa (Royal Patronage) at ipinatupad din sa
Pilipino.

ANO ANG NAGIGING MALAKING KONTROBERSIYA UKOL SA PAGSASARILI NG


SIMBAHAN AT PAMAHALAAN?

- Hindi naging malinaw ang kapangyarihang sinasaklaw ng mga


pinuno
7
- Prayle – nagkaroon ng malaking impluwensiya maging sa laban ng
simbahan

MGA KASAMAAN NG ADMINISTRASYONG ESPANYOL

1. Hindi matatag na administrasyong kolonyal (Instability of Colonial


Administration)
- Naging magulo ang pulitika ng mga Kastila mula pa sa maligalig na
pagahahari ni King Ferdinand VII (1808-1833)
- Sumailalim sa madalas na pagbabago ang kanilang pamahalaan
dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa pagitan ng “despotism” (isang
taong namumuno, malakas ang kapangyarihan sa pamumuno) at
“liberalism” (binibigyang – diin ang karapatan ng isang indibidwal)
at sa Carlist Wars (pinag – aagawan ang trono ng Espanya)
- Sa loob ng 28 na taon, nagkaroon ng apat na konstitusyon, 28 na
parlamento at 529 na ministro. Kasama na rin ang iba’t ibang mga
rebolusyon.
- Apektado ang Pilipinas dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang
mga gobernador heneral at pabago bago ang mga kailangang
sunding patakaran.
- Dahil dito hindi na tuluyang umunlad ang politika at ekonomiya ng
Pilipinas. Kung mayroon mang gagawin na pangako o bagong
patakaran ang isang gobernador heneral, hindi ito matutuloy dahil
siya ay mapapalitan na naman ng bagong gobernador heneral.

2. Mapagsamantalang Kolonyal na Opisyales (Corrupt Colonial Officials)


- Liban sa iilan, karamihan sa mga opisyal ng kolonya (gobernador –
heneral, huwes, ehekutibong panlalawigan, atbp.) na ipadala ng
Espanya sa Pilipinas noong ika-19 na dantaon ay mga tiwali,
malulupit, hindi makatarungan at madadaya.
- Noon pa mang 1810, pinuna na ni Tomas Comyn ang mapait na
katotohanang mga ignoranteng barbero ng lalawigan, at mga
bastos na magdaragat at sundalo ang ginagawang mahistrado ng
distrito at komandante ng Garrison.

Mga halimbawa:

1. Hen. Rafael de Izquiersdo (1871-1873) – pinabitay ang mga inosenteng pari


na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora
2. Almirate Jose Malcampo (1874-1877) walang alam sa pamamahala.
3. Hen. Fernando Primo de Rivera (1880-1898) – nagpayaman lamang

8
4. Hen. Valeriano Weyler (1888-1891) – mahirap na tao ngunit nang bumalik sa
Espanya ay isa ng milyonaryo.
- Tinawag siyang tirano ng mga Pilipino dahil sa kanyang brutal na
pang-uusig sa mga magsasaka ng Calamba, lalo na sa mag-anak ni
Dr. Rizal.
5. Hen. Camilo de Polavieja (1896-1897) – nagpabitay kay Rizal.

3. Pagkakaroon ng Representasyon sa Pilipinas sa Spanish Cortes (Philippine


representation in the Spanish Cortes)
- Para makakuha siya ng suporta sa mga kolonya noong panahon ng
pananakop ni Napoleon, binigyan ng Espanya ang mga ito ng
representasyon sa Cortes o parlamento.
- Mahalaga ang kinatawan ng mga Pilipino sa Kortes ng Espanya
upang maging matapat ang pamahalaang Kolonyal sa Inang
Espanya.
- Ventura de los Reyes (1810-1813), unang delegadong Pilipino;
pinaalis ang “galleon trade”
- Naalis ang representasyon ng kolonya ng Espanya (Kasama ang
Pilipinas) sa Spanish Cortes noong 1837 sumama lalo ang
kondisyong ng Plipinas
- Graciano Lopez – Jaena- isa sa mga nangunguna sa pagprotesta sa
mga Kastila na magkaroon muli ng Pilipinong delegado sa Spanish
Cortes

4. Nawalan ng mga Karapatan ang mga Pilipino (Human Rights denied to


Filipinos)
- Mula nang ipagtibay ang Konstitusyon ng 1812 at iba pang
konstitusyon noong mga sumunod na taon, tinatamasa ng mga
Espanol ang:
Kalayaan ng pananalita, kalayaan ng pamamahayag, kalayaan ng
asosasyon, at iba pang karapatang pantao.
Masigasig na binantayan ang mga ito kaya walang monarkiyang
nangahas na buwagin ang mga ito.
- Ngunit ipinagkait naman ang mga ito sa atin.

5. Walang pantay-pantay sa harap ng Batas (No equality before the law)

9
- Ang mga misyonerong Espanyol na nagdala ng Kristiyanismo sa
Pilipinas noong ika-16 na dantaon ang nagturo ng pagkakapantay-
pantay bilang mga anak ng Diyos.
- Dahil dito, maraming Pilipino ang naging interesado sa pagiging
Kristiyano
- Pagdating naman ng mga Kastilang awtoridad hindi nila
ipinalaganap ang itinuturo ng mga Kastilang misyonero
- Leyes de Indias (Laws of the Indies) – prinoprotektahan ang mga
karapatan ng mga tao sa mga kolonyal na bansa ng Espanya, hindi
ito naisasagawa sa mga bansang kolonyal ng Espanya, pati ang
Pilipinas.
- Ang batas daw ay para sa mga puting Espanyol lamang
- Ang Kodigo Penal ng Espanya, na ipinatutupad sa Pilipinas, ay
nagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga katutubong
Pilipino o mestizo at magaan naman sa mga puting Espanyol.

6. Walang Hustisya sa mga Korte (Maldministration of Justice)


- Ang mga hukuman ng hustisya sa Pilipinas noong panahon ni Rizal
ay napakatiwali.
- Ang mga huwes, piskal, at iba pang opisyal ng korte ay walang
karapatan sa kanilang tungkulin dahil ignorante sa batas.
- Ang hustisya ay nabibili. Walang hustisyang nakukuha ang mga
mahihirap na Pilipino dahil hindi nila ito kayang bayaran.
- Parating nananalo sa korte ang mga mapuputi, popular at
mayayaman na Kastila.
- Matagal na proseso ang mga kaso para sa mga Pilipino at madalas
nangyayari ang pagtakas o pagtatago ng mga suspek o pagkawala
ng mga opisyal na dokumento.

Mga halimbawa:

1. Kaso ni Juan Dela Cruz noong 1886-1898- may dalawang lalaki na


pinatay noong gabi Hunyo 7, 1886; tinawag na suspek si Juan Dela
Cruz; walang trial at tamang imbestigasyon ang isinagawa ngunit
naipadala parin si Juan Dela Cruz sa prisinto sa loob ng 12 na taon.
Nang dumating ang mga Amerikano sa Cavite pagkatapos ng
labanan sa Manila Bay (May 1, 1898), nakita nila si Dela Cruz sa
prisinto. Hinihintay niya parin na maisagawa paglilitis sa kanyang
kaso.
2. Donya Teodora (ina ni Rizal) – inaresto at ikinulong, inosente
3. Jose Rizal – ipinadala sa Dapitan kahit walang tamang paglilitis
10
4. Paciano Rizal Mercado – exiled; wala ring tamang pag-imbestiga

7. Diskriminasyon (Racial Discrimination)


- Ipinalalaganap at naniniwala ang mga Kastilang awtoridad sa
pananampalatayang Kristiyano, ngunit hindi naman nila ito
gingawa. Ayaw nilang isipin na kapatid nila ang mga Pilipino, at
para sa kanila ay mas matataas sila kaysa sa mga Pilipino.
- Tinatawag ng mga Kastila ang mga Pilipino na “Indio” (Indians), at
bumawi naman ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtawag sa
mga Kastila na mga “Mestizong Bangus” (milkfish) dahil sa kanilang
mapuputing balat.
- Ang isang tao, kahit wala namang alam o masama ang kanyang
ugali, basta Kastila at mestizo, ay mataas na lebel sa komunidad.

8. “Frailocracia” o Frailocracy
- Dahil sa pilosopiyang political ng Espanya hinggil sa unyon ng
Simbahan at Estado, sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na
pamahalaan sa Pilipinas na kung tawagin ay frailocracia
“pamahalaan ng mga prayle”.
- Ang mga prayle ang siya ring superbisor sa mga eleksyong lokal
Inspektor ng mga paaralan at buwis
Tagapangasiwa ng mga moral, sensura ng mga aklat at
komedya
Tagapangasiwa ng mga gawaing pampubliko
Tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan
- Tinuligsa nina Rizal, Del Pilar, Lopez-Jaena at ibang Pilipinong
repormista ang frailocracia.
- Tinuligsa ni Rizal ang mga prayle at tinawag silang kaaway ng
repormang liberal kaunlaran sa Pilipinas.
- Si G. Lopez-Jaena naman ginawa silang kakatwang karikatura sa
kanyang Fray Botod
- Ang mga masasamang prayle na ito ay dinungisan ang marangal na
ngalan ng Espanya, dinumihan ang reputasyon ng daan-daang
mabubuting prayle.
- Ikinumpara sa Roman God na si Janus ang Frailocracia dahil may
dalawa itong mukha:
Masamang mukha ay ipinakita nila Rizal sa paraan ng pag
babawi sa mga prayle na umapi sa kanila
Ipinapakita naman ang mabuting mukha para sa
katotohanan nito sa kasaysayan
11
9. Sapilitang pagtatrabaho (Forced Labor)
- Kilala sa tawag na POLO
- Pinipilit at kailangang magtrabaho ang mga Pilipinong lalaki sa
konstruksiyon ng mga simbahan, paaralan, ospital o pag-aayos ng
mga daan at tulay at iba pang trabahong Pampubliko.
- Kalalakihang Pilipinong edad 16-60 ang inuutusang gumawa sa loob
ng 40 araw sa isang taon.
- POLISTAS – tawag sa mga lalaking nagtatrabaho.
- Hulyo 12, 1883 Royal Decree: ginawang 18-60 taong gulang at
ginawang 15 araw sa loob ng isang taon na lamang; hindi lang
Pilipino ang magtratrabaho ngunit pati rin ang mga Kastila
- Ang mayayaman ay nakaligtas sa ganitong paggawa sa
pamamagitan ng pagbabayad ng falla, halagang ibinabayad sa
pamahalaan para makaiwas sa polo.
- Dapat may 50 sentabos na makukuha ang mga polistas pagkatapos
magtrabaho ngunit madalas ay parte lang.

10. Prayle ang mga may-ari ng mga Hacienda (Haciedas owned by the friars)
- Noong panahon ni Rizal, ang mga prayle mula sa iba’t ibang
relihiyosong orden ay mayayamang may lupa, may-ari ng
pinakamagaganda at pinakamalalaking hacienda
- Naging dahilan ito ng mga pag-aalsang agraryo dahil itinuturing ng
mga Pilipinong kasama ng magsasaka ang prayleng may lupa na
siyang nagnakaw sa lupa ng kanilang ninuno.
- Isa sa mga madugong pag-aalsang agraryo ay naganap noong 1745-
1746
- Noong 1768 si Gob. Anda ay inirekomenda na ibenta na lamang
ang mga estadong pagmamay-ari ng mga prayle; hindi na naman
pinansin ang kanyang rekomendasyon
- Ayon kay Rizal, ang pag-aari ng mga prayle sa mga lupa ay lalo
lamang nagpalala sa di pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas noong
panahon ng Espanyol.

11. Ang Guardia Civil (The Guardia Civil)


- “Constabulary”
- Ang pinakamumuhiang simbolo ng pagmamalupit ng mga Espanyol
ay ang Guardia Civiles na nilikha ng Atas ng Hari noong Pebrero 12,
1852
12
- Ginawa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas na
kontrol nga ang mga bandido sa mga probinsya, ngunit ito rin ay
naging mapang-abuso; naabuso ang mga inosenteng tao,
maraming inosenteng babae ang nagahasa at maraming mga
kagamitan at mga hayop na pagmamay-ari ng mga Pilipino ang
ninakaw.
- Hindi disiplinado ang mga native at mga Kastilang opisyales sa
Guardia Civil sa Pilipinas, hindi kagaya ng Guardia Civil sa Espanya
kung saan disiplinado, maayos, matino at nabibigyan ng respeto
ang mga tao.

ARALIN 3
BUHAY NI RIZAL: PAMILYA, KABATAAN AT PANIMULANG EDUKASYON

MGA PAKSA
 Pamilya
 Kabataan
 Panimulang Edukasyon

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Masuri ang pamilya, kabataan, at panimulang edukasyon ni Rizal


2. Magkaroon ng ebalwasyon sa mga tao at pangyayaring naging impluwensiya sa búhay
ni Rizal noong siya‟y batà pa

PAKSA 1: PAMILYA NI JOSE P. RIZAL


Ang ikatlong Aralin ay tungkol sa Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, at
Panimulang Edukasyon ng ating Pambansang Bayani. Si Dr. Jose P. Rizal ay katangi-
tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan at itinanghal na pinakadakila
at pambansang bayani ng Pilipinas

13
Pagsilang ng Isang Bayani

“Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19, 1861, sa pagitan ng ika-11 at


hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang
pagdating ko sa Calamba na ito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina,
mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako
sa peregrinasyon” - Jose Rizal

Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo


19, 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna.
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22,
edad tatlong araw, ang kura paroko na si Padre Rufino Collantes at ang kanyang
ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga-Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak ni
Rizal.
Ang ngalang “Jose” ay pinili ng kanyang ina na deboto kay San Jose.
Ang buong pangalan ng ating bayani ay Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonzo Realonda.
MGA MAGULANG NI RIZAL
FRANCISCO MERCADO - ipinanganak noong Mayo 11, 1818, nag aral ng Latin at
Pilosopiya sa Colegio ng San Jose. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa
Haciendang Dominicano sa Calamba. Siya ay namatay noong Enero 5, 1898.
TEODORO ALONZO - ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila. Siya ay nag-
aral sa Colegio de Santa Rosa. Siya ay mayroong interes sa literatura at mahusay sa
wikang Espanyol. Namatay noong Agosto 16, 1911.
MGA BATANG RIZAL
1. Saturnina (1850-1913)
2. Paciano (1851-1930) – itinuturing niyang pangalawang ama
3. Narcisa (1852-1939)
4. Olympia (1852-1887)
5. Lucia (1857-1919)
6. Maria (1859-1945)
7. Jose (1861-1896)

14
8. Concepcion (1862-1865) – namatay sa sakit sa edad na tatlo
9. Josefa (1865-1945)
10. Trinidad (1868-1951)
11. Soledad (1870-1929)

Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong


1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa kanyang ama) na isang Tsino.
Ginamit ng mag-anak ang “Rizal” na ibinigay ng isang Espanyol na alkalde mayor ng
Laguna na kaibigan ng pamilya.

“MGA NINUNO NI RIZAL”

15
ANG PAMILYA RIZAL

Ang Kabuhayan ng Pamilya


1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat ng principalia at isa sa mga kinikilalang
pamilya sa Calamba.
2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga
Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay
umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga
hanapbuhay.
4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay,
gilingan ng trigo para maging harina at gawaan ng hamon.
5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa
Calamba.
6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.
ANG TAHANAN NG MGA RIZAL
1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay
nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba.
2. Ang paligid ng kabahayanan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing,
chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa.

PAKSA 2: MGA ALAALA NG KABATAAN

Nagsimulang mag-aral ng abakada sa gulang na Tatlong taon. Tahimik at


lubhang mapagmasid si Jose Rizal. Mahilig siya sa pagbabasa at pakikinig sa usapan
ng kanyang mga nakakatandang kapatid. Kinatutuwaan niya ang pagpipinta,
pagsulat at paglililok. Mahusay din siya sa pagsusulat. Walong taong gulang siya
nang kanyang isulat ang kanyang unang Tula na pinamagatang “Sa Aking Mga
Kababata”.

Sumulat din siya ng Dula na may himig katatawanan at itinanghal sa isang


pistang bayan sa Calamba. Nagustuhan ito ng gobernadorcillo ng Paete at binayaran
ang manuskrito ng dalawang piso. Ang kwento ng “Gamugamo” ay isang
magandang alaala

16
sa diwa ng batang si Rizal. Isang gabing tinuruan sya ng kaniyang ina na basahin ang
isang lumang aklat na “El Amigo de Los Ninos”, ay napansin nito ang kawalang gana
niya sa binabasa. Nang Makita nito na ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang
panunuod ng gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy, ikinukwento nito
ang isang bata at matandang gamugamo.

PAKSA 3: ANG PAG-AARAL AT PAGLALAKBAY NI JOSE RIZAL

Ang unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang Ina. Una niyang
natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal. Unang napansin ng kanyang ina ang
kanyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula. Naging guro din niya
si Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua. Ang nagturo sa kanya ng Kastila at
Latin ay si Ginoong Leon Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Lalo pa niyang napatunayan ang kawalang katarungan ng lipunan nang


masaksihan niya ang pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre Mariano
Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora noong Pebrero 17, 1872. Maagang natutunan
ng batang si Rizal ang pagdarasal, pagrorosaryo at pagsisimba. Unang pumasok siya
sa paaralan ng Binan sa pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz.Ang batang si Rizal ay
hindi likas na palaaway subalit hindi siya umuurong sa labanan kahit na maliit lamang
siya noon at kapag alam niyang siya’y nasa katwiran.

ATENEO DE MANILA
Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Nasa ilalim ng pamamahala ng mga kastilang pari. Natanggap niya ang lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa mga aklat. Hindi tinanggap si Rizal
sa ateneo dahil siya ay huli na sa patalaan at maliit para sa edad niya. Hindi siya
nakapasa sa pagsusulit sa ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Burgos at
mga Jesuits kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa ateneo. Sa unang pagkakataon
ginamit ni Jose ang Rizal imbes na ang Mercado.

Unang Taon sa Ateneo (1872-1873)


 Upang mapagbuti ni Rizal ang kanyang kaalaman sa wikang Espanyol siya ay
nagpaturo ng mga aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kanyang
pamamahinga sa tanghali.

17
 Padre Jose Bech – ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.
Pangalawang Taon (1873-1874)
 Dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati niyang kamag-aral sa Biñan.
 Nagsimula si Rizal sa pagkahilig niya sa pagbabasa at ang ilan sa mga aklat ay
ang mga sumusunod:
-Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas
-Universal History na isinulat ni Cesar Cantu na pinipilit niyang ipabili
sa kanyang ama.
-Travels in the Philippines ni Doktor Feodor Jagor
 Si Padre Jose Bech siya parin ang kanyang naging guro.
Pangatlong Taon (1875-1876)
Nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang nasabing pari
ang: Humikayat kay Rizal para mag-aral ng mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga
tula. Sinabihan ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng
katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral.
Romundo de Jesus – guro sa eskultura.
Peninsula De Agustin Saez – guro sa pagpinta at paglilok.
Padre Villaclara at Padre Mineves – iba pang guro sa huling taon.
Huling Taon (1877-1877)
Nag-aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural History.
Hinikayat siya ni Padre Jose Villarada na itigil ang pagsusulat at iwan ang grupong
Musa (Muses) subalit hindi ito sinunod ni Rizal. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong
Marso 23, 1877 nang may limang medalya at natamo sa paaralan ang Bachiller en
Artes.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas


Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagpatala sa kursong
Medisina upang matulungan niya ang kanyang inang may sakit sa mata. Tinapos din
niya at ipinasa ang pagsusulit sa kursong Surbeyor. Natamo ni Rizal ang
pinakamataas na karangalan nang matapos niya ang kurson “Bachiller de Artes’’
noong Marso 23, 1877, sa gulang na 16 na taon. Kumuha ng Pilosopiya at Panitikan.
Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka.

Ang tulang “Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya sa kanyang Ina ang
unang tula na naisulat niya bilang mag-aaral sa Ateneo.
18
Nakita niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ang kawalang paggalang sa mag-
aaral na Pilipino kung kaya’t labis-labis ang kanyang pagkadismaya sa pag-aaral niya
rito kaya nagpasya siyang magpatuloy na lamang ng kanyang pag-aaral sa ibang
bansa.

Lalong nagtiim ang kanyang desisyong mangibang bansa nang minsang


pagpapaluin siya ng isang gwardya sibil dahil nakalimutan niyang magbigay galang
dito. Nagsumbong siya kay Heneral Primo de Vera ngunit hindi siya pinansin.

Sa Espanya (Unibersidad Central De Madrid)


Noong Mayo 3, 1880, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang at ng
pamahalaan,siya ay palihim na umalis ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose
Mercado. Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas nang siya’y nasa Espanya.
Kumalat ang sakit na Cholera na hindi nagawang pigilan ng pamahalaan. Maliban
dito ay labis niyang dinamdam ang kalungkutan at pamamayat ni Leonor Rivera na
kanyang kasintahan.
Ang paghihirap ng kanyang pamilya ay labis din niyang dinamdam. Tinaasan
ng buwis ang lupang kanilang sinasaka sa dahilang nagalit ang isang Dominikong
pari dahil hindi siya binigyan ng isang pabo.
Noong Hunyo 21, 1884, natapos ng kursong Medisina si Rizal sa Unibersidad
Central de Madrid. Hindi niya nakuha ang kanyang diploma sa dahilang di niya
naisumite ang kanyang tisis at sa di niya pagbabayad sa kaukulang halaga para sa
pagtatapos.
Noong sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa
paaralan ding iyon noong 1885. Nagtungo rin si Rizal sa Paris at Germany upang
magpakadalubhasa sa panggamot ng mata at malaki ang kanyang natutuhan kay
Dr. Louis Wecker. Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital sa Heidelberg sa
pamamahala ni Dr. Otto Becker.
SA BERLIN
Isa sa mga lugar na hinangaan ni Rizal ang Berlin. Minsan ay nahirang siyang
tagapanayam sa isang Unibersidad. Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na
hinahangaan ng lahat at nailathala ito na umani naman ng maraming papuri.
Maraming kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal. Ang paghahanda ng Christmas Tree
na yari sa karayom na may sabit na parol at ilaw-ilawan.
SA HAPON
Isa pa rin sa nagpatibok ng kanyang puso ang dalagang si Osei-san. Sa
kanyang pamalagi roon ay nakita niya minsan ang mga bandang Pilipino na
tumutugtog sa isang parke. Naisip niyang hindi mababang uri ang mga Pilipino kundi

19
nabibilang sila sa mga matataas na uri ng tao sa lipunan at puwede pumantay kahit
kaninumang lahi sa daigdig.
SA AMERIKA
Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puting Amerikano sa
mga Intsik at itim na Amerikano. Sa panahong iyon sa Amerika ay usong-uso ang
pag-aangkat ng mga intsik upang gawin nilang trabahador dahil mababa lamang ang
kanilang pasahod sa mga ito. Bagamat maunlad ang bansang ito at maganda ang
inaalok na trabaho para sa mga dayuhan ay makikita pa rin ang diskriminasyon sa
mga mayayaman at mahihirap nilang mamamayan.
SA LONDON
Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa London sa dahilang:
1. Upang mapahusay ang kanyang pagsasalita ng Ingles.
2. Upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang “Succesos de las Islas
Pilipinas”.
3. Sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang pagtuligsa sa mga
Kastilang nasa kanyang bayan. Sumulat siya ng mga artikulo na pawang
tumutuligsa sa mga Prayleng Kastila dahil sa kanilang pamamalabis at pang-
aabuso na inilathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
SA PARIS
Noong Marso 19, 1889, hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababayang nasa
Paris na magtatag ng isang samahan na nagngangalang KIDLAT CLUB.
Nakuha niya ang suporta ni Ferdinand Blumentritt at itinatag niya ang isang
samahang tinawag na “International Association of Filipinologist”.
SA BELGIUM
Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid. Sinimulan niya sa bansang ito
ang pagsulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo. Maraming artikulo ang
kanyang isinulat na ipinalathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
SA MALDRID
Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa Kalamba.
Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang Inhinyerong Ingles. Nabuo ang
aklat na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni Valentin Ventura. Sa
kakulangan ng salapi ay muntik na niya itong hindi napalim

20
ARALIN 4
BUHAY NI RIZAL: MATAAS NA EDUKASYON AT BUHAY SA IBANG BANSA

PAKSA
 Mataas na Edukasyon
 Buhay ni Rizal sa ibang bansa

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 maipaliwanag ang simulain ng asimilasyon na initaguyod ng Kilusang


Propaganda
 matáya ang kaugnayan ni Rizal sa iba pang Propagandista
 masuri ang pagunlad ni Rizal bílang Propagandista at pagtatakwil sa
asimilasyon

PAKSA 1: MATAAS NA EDUKASYON


Marso 23, 1876 - Ateneo Municipal de Manila, nag aral si Rizal ng Batsilyer en
Artes at notang Sobrasiliente at Batsilyer sa Agham

1877- Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid

1885- Medisina at pilosopiya

1884 - nagsimulang mag-aral ng Ingles, Latin, Griyego. Nagtungo din siya sa


Paris, France at Heidelberg at Germany

21
PAKSA 2: BUHAY SA IBANG BANSA

EUROPA
Ang lihim na pag- alis ni Rizal
Paciano- nagplano sa pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.
Antonio Rivera- ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal
patungo ng Espanya.
Jose Mercado- ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag alis
patungo Espanya.
SINGAPORE
Mayo 8, 1882, kasabay ng barkong Salvador, nagtungo siya sa Singapore.
Nagparehistro siya sa Hotel dela Paz. Dalawang araw na saglit na namalagi si Rizal sa
Singapore.

Mga lugar na kaniyang pinuntahan:


1. Harding Botaniko
2. Distribong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Standford Raffles

Colombo, CEYLON (Sri lanka)


Sakay ng barkong Djemnah, nagtungo siya sa Colombo, punong lungsod ng
Ceylon noong Mayo 18, 1882. Hinangaan ni Rizal ang Colombo dahil sa magandang
lugar dito. Buhat sa Colombo, tumawid ng Karagatang India patungong Guardafui
Africa.
Marsielles, Pransya
Nang gabi ng ika-12 ng Hunyo 1882, dumaong ng Pranses sa Marsielles.
Pinuntahan niya ang tanyag na lugar na Chatae D’ff kung saan ikinulong si Dantes sa
kaniyang paboritong nobela na Monte Cristo.

Barcelona, Espanya
Narating ni Rizal ang Espanya noong Hunyo 16, 1882 lulan ng tren mula
Marseilles, Pransya. Malugod na tinanggap si Rizal ng mga ilan niyang kamag-aral
niya noon sa Ateneo.

Madrid, Espanya

22
Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano- Filipino at Masonic Lodge Acasia at
sinimulan niya isulat ang nobelang Noli Me Tangere. Dito tinapos niya ang kursong
Medisina sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 21, 1884. Ngunit dahil sa
hindi niya naipasa ang kanyang thesis at hindi nakabayad ng karampatan para sa
kursong tinapos, hindi siya nabigyan ng diploma. Nang sumunod na taon ay natapos
niya ang kursong Pilosopiya.

Leipzig, Alemanya
Lulan ng tren binisita ni Rizal ang ilang lungsod sa Alemanya Agosto 14, 1886

Berlin, Alemanya
Noong Nobyembre 1, 1886, narating niya ang Berlin kung saan siya tinanggap
ng Sirkulo Siyentipiko. Dito niya pinaghusayan ang kaalaman sa optalmohiya sa
tulong ng ilang mga kaibigan. Namuhay si Rizal sa kahirapan. Siya siya ay nagutom,
nagkasakit ngunit hindi ito naging hadlang upang mailathala ang kaniyang nobelang
Noli Me Tangere noong Pebrero 21, 1887.

Paris, Pransya
Pumasok siya bilang isang katulong sa kilalang mangagamot doon na si Dr.
Louis de Wrecket na malaki ang naitulong sa kaniya sa pagkadalubhasa sa paggamot
ng mga mata. Tumungo siya sa Paris upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa sa
paggamot ng mga mata sa tulong ng isang tanyag na manggagamot na si Dr.
Wrecket.

Leitmeritz, Bohemia
Mayo 13, 1887, dumating ang tren sa estasyon ng Leimeritz kung saan
nagiistay si Prop, Ferdinand Blumentritt. Sinasabi na magaganda ang mga alaala ni
Rizal sa lugar na ito.

Switzerland
Magkasama si Rizal at si Viola noong Hunyo 2-3, 1887 sa pagbisita sa
Schaffhausen na itinuturing na isa sa kaakit-akit na lugar sa nasyon ng Alpine.
Pagkatapos ay kinakailangan magbalik ni Viola ng Barcelona at si Rizal ay nagpatuloy
sa kanyang paglalakbay.

ITALY
Sa Italy pinuntahan ni Rizal ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence.
Noong Hunyo 27, 1887 tinungo niya naman ang Roma. Makalipas ang isang linggong
pamamasyal sa Roma ay umuwi na ito muli sa Pilipinas.
23
Ikalawang Paglalakbay ni Rizal
HONGKONG
Pebrero 3, 1888- sumakay sa barkong Zafiro patungo ng Hong Kong at
nakarating sa Amoy China noong Pebrero 7, 1888. Victoria Hotel ang tinuluyan sa
pagdating niya at malugod siyang binate ng kaniyang kaibigan na si Jose Maria Basa
at ng mga naninirahang Pilipino. Jose Maria- isang abogado na tumakas sa Marianas
at nakararanas ng terrorismo sa Espanya ng 1872. Jose Sainz de Veranda- dating
kalihim ng gobernador heneral na sumusubaybay kay Rizal.

Yokohama, Japan
Pebrero 28, 1888 dumating si Rizal sa Yokohama at tumigil sa Hotel Grande.

Tokyo, Japan
Nagtungo rin siya sa Tokyo at binisita siya ni Juan Perez Caballero, kalihim ng
Legasyong Espanyol. Marso 15, 1888 nakilala niya si Seiko Usui (O-Sei-San)
na kaniyang naging kasintahan.

Estados Unidos
Abril 26- Mayo 8, 1888 dumaong ang barkong Belgin sa San Francisco at
nakita niya ang Amerika sa unang pagkakataon. Mayo 8, 1888 nagsimulang
maglakbay si Rizal sa iba’t ibang sulok ng Estados Unidos. Mula sa New York, tumulak
siya patungong Inglatera, sakay ng barkong City of Rome. (London Inglatera)

Barcelona at Madrid
(Espanya)
Disyembre 11, 1888 nagpunta si Rizal sa Barcelona at Madrid upang makipag-
ugnayan sa mga Pilipino doon tungkol sa mga gawaing propaganda para sa Reporma
ng Pilipinas. Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang pahayagang “La
Solidaridad” kung saan ang naging patnugot dito si Marcelo H. Del Pilar.

Brussels, Belgika
Enero 28, 1890 dahil sa magastos ang pamumuhay sa Paris at balakid na
kasiyahan ng lungsod sa pagsusulat ng El Filibusterismo, nilisan niya ang Paris
patungong Brussels, kabesera ng Belgika. Naging abala si Rizal sa pagsusulat ng El
Flibusterismo at ang pagpapadala ng mga artikulo sa La Solidaridad.

24
ARALIN 5
BUHAY NI RIZAL: PAGKAKATAPON, PAGLILITIS AT KAMATAYAN

PAKSA 1: BUHAY NI RIZAL: PAGKAKATAON, PAGLILITIS AT KAMATAYAN

Hunyo 26, 1892 nang dumating si Rizal sa Pilipinas galing Hong Kong, na
hudyat ng kanyang kalbaryo. Binuo ni Rizal ang samahang La Liga Filipina. Isinulong
ng samahang La Liga Filipina ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal
na pamamaraan, ngunit ito’y binuwag ng gobyerno at itinuring siya bilang kalaban ng
estado ng pamahalaang kastila. Pinatapon si Rizal sa Dapitan sa probinsya ng
Zamboanga. Apat na taon na nanatili si Rizal sa Dapitan, Habang siya ay nakakulong
bilang isang bilanggo nagkaroon siya ng pagkakataon na gumawa ng mga bagay-
bagay sa loob ng Dapitan. Sa pananatili ni Rizal sa Dapitan sa Loob ng apat na taon ay
unti-unting umusbong ang rebulusyong Pilipino na kalaunan ay napahamak siya.
Paglilitis kay Dr. Jose Rizal
Iniwan ni Rizal ang Barcelona at bumalik sa Pilipinas noong Oktubre 6, 1896
upang humarap sa paglilitis. Dumating si Rizal sa Pilipinas noong Nobyembre 3, 1896
sakay ng bapor na “Colon”. Nobyembre 21-25, 1896 nagkaroon ng Paunang
Pagsisiyasat. Si Rizal ay sumailalim sa limang araw na mahigpit na imbestegasyon.
Nobyembre 26, 1896 natapos ang paunang paglilitis kay Rizal. Disyembre 11, 1896.
Binasa kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal
noong Disyembre 26, 1896 nagpasya ang hukuman na bitayin si Rizal sa
pamamagitan ng pag baril. Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador-Heneral
Canilo Polaviela ang kautusang pagbaril kay Jose Rizal.

Paglalarawan kay Rizal habang Nililitis


1. Napapagitnaan ng dalawang sundalo.
25
2. Iginapos siya ng abot-siko
3. Itim na itim ang kanyang suot, puti ang kurbata at puti rin ang tsaleko.
4. Payapa at kagalang-galang ang kanyang kaanyuan
5. Mapapansin ang kagitingan ng kanyang loob
Kamatayan ni Rizal
Disyembre 30, 1896 ganap na ika-7 ng umaga sa Bagumbayan, si Rizal ay
nakaharap sa silangan. Ang grupo na babaril kay Rizal ay kinabibilangan ng mga
Pilipinong sundalo na kabilang sa grupo ng espanyol na sundalo. Ang huling salita na
binanggit niya ay “consummatum est” ang ibig sabihin ay “ito’y tapos na”.
Disyembre 30,1896 binaril si Rizal sa Bagumbayan. Pagbaril kay Rizal, siya’y pumihit
paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan at sa
bayan.

ARALIN 6
ANOTASYON NG “SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS” NI ANTONIO
MORGA

PAKSA
1. Anotasyon ng “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Antonio Morga.

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 masuri ang mga idea ni rizal hinggil sa muling pagsulat sa


kasaysayan ng filipinas.
 mahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pananaw ni rizal at
morga tungkol sa filipino at kulturang filipino.

PAKSA 1: PONOLOHIYA O PALATUNUGAN


26
Isa sa mga unang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang “Sucesos de
las Islas Filipino” na isinulat ni Antonio Morga. Ito ay nagsasanaysay sa loob at labas
ng bansa mula 1493 hanggang 1603. Si Antonio Morga ay isang royal official ng
Espanya at isang keen of observer at nakasaksi sa lahat ng pangyayari sa bansa. Ang
sakop ng librong ito ay ang pulitikal, sosyal, at ekonomikal na aspeto ng mga
mananakop at sinasakop. Pinili niya ang librong Sucesos upang ibunyag ang
testimonya ng isang espanyol. Kasama sa kanyang mga anotasyon ang pagbibigay
liwanag sa mga detalye ng libro ang mga hindi pagsang-ayon sa mga isinulat ni
Morga. At pati narin ang pagkompirmasyon sa mga parte ng kasaysayan mula sa
ibang sulatin.

Taong 1890 pinagbuti ni Rizal ang pag-aaral sa kasaysayan, kultura ng


Pilipinas sa pananatili ng wikang Pilipino. Sa paglalahad ng anotasyon sa “Sucesos de
las Islas Filipino” gusto ni Rizal na maipakita ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi
lamang sa pananakop ng mga Espanyol pati narin ang lagay ng pilipinas bago ito
sakupin at ang kalagayan niya sa panahong iyon.
Ang mga tinalakay ni Rizal sa kanyang anotasyon ay ang mga gobyerno at
bansang Espanya, katolikong relihiyon, mga pangalan ng lalawigan sa Pilipinas,
kultura ng Pilipinas, ang mga Pilipino, ang mga Intsik at ang kasakiman at pananalita
ng Espanyol.
Layunin ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas ay ang mga :
1. Magkaroon ng propagandang relihiyon.
2. Ang pananakop sa Pilipinas ng ginto.
3. Pagiging supremo.
Sa sanaysay ni Morga ang pagtutol niya sa Kristiyanong relihiyon ay ang
Romano Katoliko. Sapagkat nag-iingat si Morga sa pagiging dalisay ng relihiyon.
Sa paglalahad ng anotasyon sa “Sucesos delas Islas Filipino” gusto ni Rizal na
maipakita ang kasaysayan ng Pilipinas hindi lamang sa pananakop ng Espanyol pati
narin sa lagay ng Pilipinas bago ito

ARALIN 7
NOLI ME TANGERE

27
PAKSA
1. Noli Me Tangere

MGA TUNGUHIN
PAKSA 1: NOLI ME TANGERE

Ang Noli Me Tἁngere ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal, at


inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may
kahulugang “huwag mo akong salingin (o hawakan)”. Sinipi ito mula sa San Juan
20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na “huwag mo akong salingin
sapagkat hindi pa ako naakyat sa aking ama”. Mas madalas itong tinatawag na Noli;
at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo.
MGA TAUHAN NG NOBELA
CRISOSTOMO IBARRA
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra ay isang
binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
MARIA CLARA
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara ay ang mayuming
kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng
kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
PADRE DAMASO
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso ay isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa
San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
KAPITAN TIAGO

28
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago) ay isang mangangalakal na
taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
ELIAS
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala
ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.
SISA
Si Narcisa (o Sisa) ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
BASILIO AT CRISPIN
Sina Basilio at Crispin ay ang magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at
tagabagting ng kampana sa simbahan ng San Diego.
PILOSOPO TASIO
Si Don Anastasio (o Pilosopo Tasio) ay maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng san Diego.
DONYA VICTORINA
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña (o Donya Victorina) ay isang
babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang
“de” ang pangalan niya dahil aniya’y nagdudulot ito ng “kalidad”.

IBA PANG TAUHAN


PADRE SALVI
Si Bernardo Salvi (o Padre Salvi) ay ang kurang pumalit kay Padre Damaso,
nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
ALPERES
DONYA CONSOLACION Si Alperes, ay pumapangalawa sa kura sa
pinakamakapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng
San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal). Matalik na
kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Si Donya Consolacion ay napangasawa ni Alperes; dating labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali.
DON TIBURCIO DE ESPADAÑA
29
Si Don Tiburcio de Espadaña, ay isang pilay at bungal na Kastilang napadpad
sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.
LINARES
Si Linares ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni
Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
DON FILIPO
Si Don Filipo ay isang tenyente mayor na mahilig magbasa ng Latin.
SEÑOR NYOR JUAN
Si Señor Nyor Juan ang namamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng
paaralan.
LUCAS
Si Lucas ay kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-
natuloy na pagpatay kay Ibarra.
TARSILO AT BRUNO
Si Tarsilo at Bruno ay magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga
Kastila.
TIYA ISABEL
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
DONYA PIA ALBA
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y
maisilang.
KAPITAN BASILIO
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego sina Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang.

TENYENTE GUEVARRA
Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra
ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
KAPITANA MARIA

30
Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama.
PADRE SIBYLA
Paring Dominiko na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
ALBINO
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PILIPINAS AT ANG MGA HALIMBAWANG


INILAHAD SA NOLI ME TANGERE.
Ang kalagayan ng bansang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol sapagkat ang tawag ng mga kastila sa mga Pilipino ay alipin o Indio na kung
saan mayroong nagaganap na mga katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan sa
pamahalaan. Ang mga Prayle at Kastila ang gumagawa ng pang-aabuso at
masasamang gawain na kung saan nagdusa at naghirap ang mga Pilipino. Kung kaya’t
dahil, sa Noli Me Tangere namulat ang mga Pilipino sa pagnanais na makamit ang
kalayaan mula sa mananakop.
NOLI ME TANGERE
Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Jose Rizal

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng


pitong taong pag-aaral niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa
dahilang ito na kung saan inanyayahan niya ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar.

Nahamak si Ibarra ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalamsiya ng


magalang sa mga pari dahil may mahalaga siyang lakarin.

May magandang kasintahan si Ibarra na si Maria Clara na anak-anakan ni


Kapitan Tiyago at ang ito dahilan kung bakit madalas niya itong dalawin pagkatapos
ng piging. Muling binasa ni Maria ang mga lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral
sa Europa habang inalala nila ang kanilang pagmamahalan.

Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si Tinyente Guevarra na nagpahayag na


namatay na noong isang taon ang ama niyang si Don Rafael Ibarra.

Sabi ng Tinyente na inakusahan si Don Rafael Ibarra ni Padre Damaso


na erehe (taong hindi sumunod sa utos ng Simbahan) at pilibustero (taong
sumasalungat sa utos ng pamahalaan) dahil hindi umano nagsisimba at
nangunumpisal. Ngunit ayon sa Tinyente, nagsimula ito nang ipagtanggol ng Don ang
isang bata sa kamay ng isang maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya
namatay. Nakakulong umano si Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa
31
insidente ngunit ang mga kaaway niya ay gumawa ng mga kung anuano para ipahiya
ang Don. Nagkasakit ang Don at namatay dahil sa naapektuhan siya sa mga
pangyayari. Ang padre ay hindi nakuntento at ipinahukay ang labi ng don upang
ipalipat sa libingan ng mga Intsik ngunit nang dahil sa ulan ay itinapon ang kanyang
labi sa lawa. Imbes na nagtangkang ipaghiganti ang yumaong ama, ipagpatuloy ni
Ibarra ang nasimulan ng Don kaya nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.
Muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi iniligtas ni Elias noong babasbasan na ang
itinayong paaralan. Namatay ang taong binayaran ng lihim na kaaway. Si Padre
Damaso ay muling nag-aasar kay Ibarra. Nang saglit nang inihamak ng padre ang ama
niya ay nagalit at nagtangkang saksakin ang pari pero pinigilan siya ni Maria.

Dahill doon ay natiwalag si Ibarra ng Arsobispo sa simbahan. Sinamantala ito


ni Padre Damaso upang iutos sa Kapitan na hindi na ipagpatuloy ang kasal kay Maria
Clara at ipakasal sa binatang Kastila na si Linares. Pero dahil sa tulong ng Kapitan
Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbahan. Pero hindi inasaang hinuli si Ibarra nang
dahil umano’y nanguna siya sa pagsalakay sa kuwartel.

Tumakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Pumunta si Ibarra sa kay


Maria bago siya tumakas. Itinanggi ng dalaga ang liham na ginamit laban sa kanya
nang dahil sa inagaw ang liham kapalit sa liham ng ina niya na nagsasabi na si
Damaso ang tunay niyang ama. Pagkatapos nito ay tumakas na si Ibarra sa tulong ni
Elias. Sumakay sila sa bangka patungong Ilog Pasig hanggang sa Lawa ng Bay at
tinabunan si Ibarra ng mga damo at aabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Para
makaligtas si Ibarra, naging pampalito si Elias at tumalon sa tubig. Akala ng mga
tumutugis na ang tumalon ay si Ibarra kaya nila binaril si Elias hanggang nagkulay ng
dugo. Umabot ang balita kay Maria Calara na namatay si Ibarra. Natunton ni Elias
ang gubat ng mga Ibarra at doon niya natuklasan si Basillo at ang namatay niyang
inang si Sisa. Bago namatay si Elias ay sinugo niya ang bata na kung hindi man daw
niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang
daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.
https://philnews.ph/2019/07/17/noli-me-tangere-buong-buod/

ARALIN 8
EL FILIBUSTERISMO

PAKSA
1. El Filibusterismo
32

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karakter, banghay,


PAKSA 1: EL FILIBUSTERISMO

“ANG EL FILIBUSTERISMO” O “ANG PAGHAHARI NG KASAKIMAN”.


Inihandog ni Jose Rizal ang EL FILIBUSTERISMO sa Gomburza; Bilang pag
kilala sa kadakilaan ng tatlong paring martir. Mas palaban ang mga sitwasyong
nakapaloob dito at mas humihingi ng katarungan ang kaapihang natamo ng mga
naapi. Ang nasabing nobela ay pampolitika na nag papadama, nagpapahiwatig at nag
papagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan. Ang kalagayang panlipunan ay inihain sa paglalayong magising
ang bayan at maghimagsik, hindi upang mangarap lamang ng pag babago.
Ang pangunahing tauhan na si Simoun ay puno ng poot at galit, hindi siya
basta-basta nag titiwala sa iba. Naipalimbag ito sa tulong ni Valentin Viola.
LAYUNIN NG AKDA
Gumising sa diwa, manawagan, mag bigay aral at insperasyon, at nag silbing
daan tungo sa pag babago ng sarili at lipunan. Upang pumukaw ang
rebolusyonaryong damdamin ng mga Pilipino.

TEMA O PAKSA NG AKDA


1. Ang pag papakita ng laganap na sitwasyon ng mga Pilipino noon.
2. Ang pag-aabuso ng mga kastila.
3. Ang pangangailangan ng edukasyon.
4. Ang pag kailangan ng pagkapantay-pantay para sa bawat isang tao.

MGA TAUHAN
33
Simoun- ang mapagpanggap na mag aalahas na nakasalaming may kulay.
Isagani- ang makatang kasintahan ni Paulita.
Basilio- ang mag aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales- ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo- Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Ginoong Pasta- ang taga pagpayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben Zayb- ang mamamahayag ng pahayagan.
Placido Penitente- ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng
suliraning pampaaralan.
Padre Camorra- ang mukhang artilyerong pari.
Padre Fernandez- and paring Dominikong may malayang paninindigan.
Padre Florentino- ang amain ni Isagani.
Don Custodio- ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene- ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng akademya ng
wikang kastila.
Juanito Pelaez- ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang
sa kanilang angkang may dugong kastila.
Makaraig- ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng akademya ng wikang kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
Sandoval- ang kawaning kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga
mag-aaral.
Donya Victorina- ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez- kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Quiroga- isang mangangalakal na instik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas.
Juli- anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio.
Hermana Bali- naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
Hermana Penchang- ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran
ni Juli.
Ginoong Leeds- ang misteryosong amerikanong nagtatanghal sa perya.
Imuthis- ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
El Filibusterismo
El Filibusterismo-Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Jose Rizal

Advertisement: 0:04
Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias. Isang bapor na
nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna.
Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani. Si Basillo ay nakarating
sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di
34
inaasahang nakita niya si Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon
nagkunwari. Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na
samahan si Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata
nang dahil nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral na Pilipino ay
samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang Akademiya ng Wikang
Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga pari.

Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa


paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang
dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa
Panciteria Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi
ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ang unibersidad,
kinabukasan ay natagpuan na may mga paskil na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil
dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo.
Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata. Pinilit
din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan.

Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ang mga kamag-
anak maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak. Nagpakamatay si Juli dahil
naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa kanya. Nagpatuloy si Simoun sa
balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don
Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez,
na ang ninong ay ang Kapitan Heneral. Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang
buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun ang dahil sa
pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli. Ipinakita ni Simoun ang lamparang
granada na itinanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na kung itataas
ang apoy matapos lumabo ng dalawampung minuto ay puputok at sasabog bilang
senyas na magsisimula na ang paghihimagsik.

Sa araw ng kasal ay sinimulan na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na


dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at
binalaang umalis para hindi na madamay.

Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre
Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog. Nabigo ang balak ni
Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.Uminom siya ng lason at
ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya abutang buhay.
Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang
naiwang alahas ni Simoun.
https://philnews.ph/2019/07/17/el-filibusterismo-buod-jose-rizal/

35
ARALIN 9
ANG PILIPINAS: SANDAANG TAON MULA NGAYON

PAKSA
1. Ang Filipinas: Sandaang Taon Mula Ngayon

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 matáya ang mga akda ni rizal.
 matáya ang halaga ng pagunawa sa nakaraan.
 makabuo ng mga argumento batay sa mga patunay.

PAKSA 1: ANG FILIPINAS: SANDAANG TAON MULA NGAYON

MGA AKDA NI RIZAL


1. Sa Aking mga Kabata - Isang tula tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa sariling wika.
Sinulat nya ito noong sya’y walong taong gulang ngunit walang ebidensyang
nagpapatunay nito. Pinaniniwalaan nila na ang sumulat nito ay si Gabriel Beato
Francisco o si Herminigildo Cruz.

2. Mi Primera Inspiracion/ Ang Una Kong Salamisim - Ang unang tula na isinulat ni
Dr. Jose Rizal sa panahon ng kanyang ikatlong taong akademiko sa Ateneo de
Municipal. Iniaalay nya ang tulang ito sa kanyang ina. Ito ay nakasulat sa wikang
Español. Ito ay tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng Ina at ng anak. Sinabi nya rito na
ang Ina ang unang guro at unang inspirasyon ng isang anak.

3. La Tragedia de San Eustaquio (Ang Kasawian ni San Eustaquio) - Dulang patula


na nakasulat sa Italyano na isinatuluyang Kastila. Ito ang pinakamahabang tulang
sinulat ni Rizal (2414 berso) Si San Eustaquio ay isang Christian Martyr at Soldier
Saint. Ito ay tungkol sa isang Roman General na nagngangalang Placidus.
Sinasabing nakita nya si Jesus habang siya ay nangangaso ng usa sa Tivoli malapit
sa Roma.
36
4. Memorias De Un Estudiante de Manila - Aklat kung saan tinipon ni Rizal ang
alaala ng kanyang pinagdaanan sa buhay gamit ang sagisag na P. Jacinto (sa
katapusan, pinirma rin ang pangalan)
5. A La Juventud Filipino "A La Juventud Filipina" ay isinulat ni Rizal noong siya ay
labing- walong taong gulang lamang, at ito ay nakatuon sa Kabataang Pilipino
Nakapaloob sa tulang ito na ang mga Kabataang Pilipino ang bida, matatalino at
napaka henyo. Sa pamamagitan ng edukasyon, kaya nilang hulmahin ang kanilang
kinabukasan.
6. Noli Me Tangere at El Filibusterismo - Nobelang naglantad ng tunay na kalagayan
ng Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa
landas para sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan upang mawakasan ang
mapaniil na paghahari ng Kastila sa Pilipinas.
7. El Amor Patrio (Ang Pagmamahal sa Bayan) – tulang sinulat sa 2 wika sa
Barcelona upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan gamit ang
ngalang Laong-Laan
 Me Piden Versos (They Ask Me for Verses) Sinulat nya ito dahil siya ay
pinatutula at inaalala ang kanyang pagkabata.

 A Las Flores de Heidelberg (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg) Sinulat niya ito
dahil sa pananabik na makabalik sa Calamba.

 Awit ni Maria Clara - Ang Awit ni Maria Clara ay parte ng nobelang Noli Me
Tangere. Isinulat ito para sa tauhan na si Maria Clara. Sa tulang ito, kitang kita
ang pagmamahal ni Rizal sa bayan at ang kanyang paghahangad na kung
siya’y mamamatay, ito’y para sa kanyang bayan. Mga akda ni Rizal na
nagpapakita ng paghahangad na makabalik sa kanyang Inang Bayan

8. “Ang Mga Karapatan Ng Tao” (The Rights Of Man) This was Rizal’s Tagalog
translation of “The Rights of Man” which was proclaimed by the French Revolution in
1789. “A La Nacion Espanola” (To The Spanish Nation) Written in 1891, this was
Rizal’s appeal to Spain to rectify the wrongs which the Spanish government and
clergy had done to the Calamba tenants. “Sa Mga Kababayan” (To My Countrymen)
This writing written in December 1891 explained the Calamba agrarian situation.
9. “Una Visita A La Victoria Gaol” (A Visit To Victoria Gaol), March 2, 1892 On
March 2, 1892,Rizal wrote this account of his visit to the colonial prison of Hong
Kong.
10. “Los Agricultores Filipinos” (The Filipino Farmers) Inilarawan nya rito ang
malungkot na kondisyon ng mga magsasakang Pilipino.

37
11. A La Defensa (To La Defensa) This was in response to the anti-Filipino writing by
Patricio de la Escosura published by La Defensa on March 30, 1889 issue. Written on
April 30, 1889, Rizal’s article refuted the views of Escosura, calling the readers’
attention to the insidious influences of the friars to the country.
12. La Verdad Para Todos (Ang Katotohanan para sa Lahat) Ang pagtatanggol ni
Rizal sa panunuligsa ng mga Espanyol sa mga katutubong local na opisyal Veradades
Nuevas (Mga Bagong Katotohanan). Ito ang kasagutan ni Rizal sa liham ni Vicente
Belloc Sanchez na nagsasabing ang reporma para sa Pilipinas ay bubuwag sa
mapayapa at mapgkalingang pamamahala ng mga prayle
13. “Pensamientos De Un Filipino” (Reflections of A Filipino) Jose Rizal wrote this in
Madrid, Spain from 1883- 1885. It spoke of a liberal minded and anti-friar Filipino
who bears penalties such as an exile.
14. Indolence of the Filipino Isa uling sanaysay ni Dr. Jose Rizal tungkol sa katamaran
ng mga Pilipino. Isinulat ito upang bigyang liwanag at pagsusuri ang katamaran ng
mga Pilipino
Kahalagahan ng Pag-Unawa sa Nakaraan
May ilang damdaming nagising sa katotohanan sa mga kahayupan at paniniil ng
mga dayuhan dahil narin sa patuloy sa pag alipusta at pagsasamantala na unti-unti
ay gigising sa lahat. Sa bahaging ito, makikita ang obserbasyon ni Rizal sa pananakop
ng mga kastila sa Pilipinas. Ipinakita niya ang naging epekto nito sa mamamayan at
sa mga pinunong Pilipino. Ipinakita ang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino
simula ng mamuno ang mga kastila at umaasa si Rizal na magigising at mamumulat
ang mga Pilipino sa katotohanan at kasamaan ng mga dayuhan.
Mahalagang maunawaan natin ang mga naging sakripisyo ng ating mga
ninuno sa kamay ng mga mananakop upang pahalagahan ang tinatamasa nating
kalayaan at karangyaan at hindi maulit ang karahasan na nagdulot ng kasawian sa
maraming Pilipino.
ARGUMENTO BATAY SA MGA EBIDENSIYA
Unti-unting naisantabi at nalimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga
katutubong tradisyon, mga awitin, tula at mga paniniwalanang sa gayon ay
mayakap ang mga bago at dayuhang doktrina, na sa totoo'y hindi naman nila
naiintindihan. Kinahiya at tinanggihan ng mga Pilipino ang sarili nilang kultura.
Hinangaan at pinuri ng mga Pilipino ang anumang bagay na banyaga hanggang sa
nagapi ng dayuhan ang kanilang puso at diwa.
Lumipas ang mga taon, ang relihiyon ay nagpakitang gilas din kung saan
ginamit ang pagsamba sa Diyos upang akitin at sa huli'y pasunurin at mapasailalim
ang mga Pilipino sa kagustuhan ng mga dayuhan. Ang makuha ang loob ng mga
Pilipino ay itinuring na parang hayop, inalisan ng kaisipan at damdamin at ginawang
38
mga alipin upang pagsilbihan ang mga dayuhan sa ikauunlad ng Espanya. Muling
nabuhay ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino dahil sa mga pasakit at
panghihiya na kanilang naranasan. May ilang damdaming nagising sa katotohanan
sa mga kahayupan at paniniil ng mga dayuhan dahil na rin sa patuloy na pag-
alipusta at pagsasamantala na unti-unti ay gigising sa lahat. Sa bahaging ito makikita
ang obserbasyon ni Rizal sa pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ipinakita niya ang
naging epekto nito sa mamamayan at sa mga pinunong Pilipino.

ARALIN 10
SI JOSE RIZAL AT NASYONALISMONG FILIPINO – BAYANI AT
KABAYANIHAN

PAKSA
1. Si Jose Rizal at Nasyonalismong Filipino - Bayani at Kabayanihan

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 makapagbigay ng interpretasyon sa pananaw at opinyon tungkol sa


“bayani” at “kabayanihan” sa konteksto ng kasaysayan at lipunang filipino
 matása ang mga konsepto ng “bayani” at “kabayanihan” sa konteksto ng
lipunang filipino

PAKSA 1: SI JOSE RIZAL AT ANG PAGKAMAKABAYAN SA PILIPINAS –


PAMBANSANG SAGISAG

SINO SI DR. JOSE RIZAL?


Sinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861 ang batang pinangalanang Jose Rizal.
Lumaki sa marangyang pamilya sa Calamba, nakapag-aral sa Ateneo de Manila
University at University of Santo Tomas at sa ilang kilalang paaralan sa Europa, isang
manggagamot at isa ring bayani.

39
Ipinaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino noong kapanahunan
ng mga Kastila. Siya ang sumulat ng Noli me Tangere at El Filibusterismo na
naglarawan ng kanser sa lipunan, di-pantay na pamumuhay sa bansa at ang pang-
aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino at ito rin ang nagpagising sa kamalayan ng
mga rebulusyonaryo upang supilin ang mga mananakop. Inialay niya ang kanyang
buhay para sa pagpapalaya sa Pilipinas at ito ang nagpasimula ng rebolusyon laban
sa mga mananakop.
Isa sa mga tao na lumaban para sa kalayaan ng mga Pilipino ay si Dr. Jose
Rizal. Isa siya sa ating mga bayani at karapat-dapat lang siya maging isang bayani.
Hindi tulad ng mga ibang bayani natin na nakipag away para sa ating kalayaan, si Jose
Rizal ay gumamit ng ibang paraan, gumamit lamang siya ng kanyang pag-iisip, sulat
at ang kanyang mga salita para ipakita sa mga Pilipino na tumayo para sa kanilang
sarili at lumaban sa mga kastila.
Ang paglalaban niya ay hindi sa paggagamit ng espada or pagkukuha ng
buhay ng isang tao, ginamit niya ang kanyang panulat para mabukas ang mga mata
ng mga Pilipino, “tama na!” sa pangangabuso ng mga kastila, dapat umunlad na ang
bansa ng Pilipinas at ang mga tao dito. Naramdam niya ang sakit ng mga Pilipino at
ang kanyang bansa kaya talagang pinaglaban niya ang kanyang pangarap para sa
kanyang bansa hangga’t sa kanyang pagkakamatay, hanggang ngayon ang pangarap
niya ay namumuhay sa bawa’t Pilipino ngayon.
Sino bang Pilipino ang hindi nakakakilala kay Jose Rizal? Simula pa ng ating
kabataan hanggang sa pagtanda ay lagi nating naririnig ang kanyang pangalan. Ang
ating pambansang bayani na tinitingala hindi lamang ng ating lahi kundi pati ng
buong mundo. Saan ka man magpunta sa ating bansa ay makikita at maririnig mo
ang kanyang pangalan. Sa lahat ng bayani ay siya ang binigyan ng pinakanatatanging
parangal. Halos lahat ng institusyon ay mayroong isinunod sa kanyang pangalan gaya
ng eskwelahan, kalsada, tulay, ospital, probinsya at marami pang iba.
Ang ganitong parangal ay nararapat lang na ibigay sa isang taong naglingkod
sa bayan ng walang pag-iimbot at nagpamana sa lahing Pilipino ng mga turo at aral
na nagpapatuloy magpakailanman. Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung
ihahambing siya kay Bonifacio ay malayung-malayo ang agwat nila pagdating sa talas
ng pag-iisip.
Matalino ang ating pambansang bayani. Katunayan dito ay ang mga nobela at
mga akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga
Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito.
Mahusay siyang mag-isip at madaling matoto sa ibat-ibang bagay. Siya ay
isang dakilang tao, maraming talento at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng
bayani sa buong mundo ay bukod tanging ang buhay niya ang may pinakamaraming
naitala sa kasaysayan.

40
SIMBOLO NG TUNAY NA KABAYANIHAN NI DR. JOSE RIZAL
Ang Pagkilala kay Rizal at Pagtuklas sa Kabayanihan
Si Jose Rizal ang itinuturing nating bayani ng ating bansa. Siya ang bumuo at
nagbuklod sa atin para sa iisang bayan at nasyon laban sa kastila dahilan upang
makamit natin ang kalayaan. Gamit ang literatura, talino at talento, binuhay niya
ang tulog na damdamin ng bawat Pilipino. Isinakripisyo ni Rizal ang kanyang buhay
para sa Inang bayan. Siya ang huwaran ng kapayapaan. Hindi natin maitatanggi na
ang mga nagawa ni Rizal ay tunay na maipagmamalaki. Mahalaga ang pagkilala ng
bawat Pilipino kay Rizal.

Kabayanihan ang Bunga ng Hirap at Sakripisyo


May mga nauna nang mga bayaning nagsakripisyo ng kani-kanilang buhay
bago pa man tayo makatuntong sa ating kasulukuyang pamumuhay. Isa na dito si
Rizal. Dahil sa kanyang pagsasakripisyo, ating nakamit ang kalayaan; ang kalayaan
laban sa mga kastila. Ngayon, may mga iba’t ibang problemang kinahaharap ang
ating bansa gaya ng korapsyon, kahirapan, at iba pang sosyo-politikal na problema.
Samakatuwid, ang ating bansa ay patuloy na nangangailangan ng isang bayani na
tulad ni Rizal. Kung ang bawat isa sa atin ay gagawing inspirasyon si Rizal bilang
isinakripisyo niya ang kanyang buhay, pangarap, pamilya at iba pang mahahalagang
bagay sa kanya, patuloy na makakamtam ng bawat Pilipino ang kalayaang sinimulan
niya.
Pag-aalay ng Sarili sa Inang Bayan
Si Oble marahil ay maituturing bilang isang simbolo ng kabayanihan. Dahil si
Oblation ang simbolo ng UP, ibig sabihin na ang bawat Isko at Iska ay nararapat na
maging simbolo rin ng kabayanihan. Ang kawalan ng saplot ni Oble ay nagpapakita
ng pagkakatindig na walang pagbabalat-kayo.
Desisyon ang maging Bayani
Bilang isang Iskolar ng bayan, nararapat na tayo ay maglingkod at suklian
ang biyayang natatanggap natin mula sa bayan. Hindi natin ito literal na babayaran
ngunit babayaran natin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng pagbabago sa paraan ng
pagsasakripisyo. Hindi mahirap ang magsakripisyo lalo na kung sa bayang
pinanggalingan at kinabibilangan mo.
MGA KONTRIBUSYON NI DR. JOSE RIZAL
Ang pambansang bayani
Siya’y itinanghal na pambansang bayani ng ating lahi. Dahil sa kanyang
sakripisyo at pagmamahal sa bayan. Ang hindi paggamit ng dahas sa kanyang pag-

41
aaklas laban sa mga Espanyol at ang kanyang katangian na inspirasyon ng ilan nating
kababayan. Ang hindi matatawarang kontribusyon niya sa pagyabong ng kaisipang-
kultura, panitikan at pampulitika ang naging batayan kung bakit siya ang itinanghal
na pambansang bayani ng Pilipinas.
Inspirasyon ng lahat
Inspirasyon ng mga Pilipino si Jose Rizal. Walang Pilipinong hindi iniidolo ang
pagka-bayani ni Rizal. Dahil sa kanyang pagkamakabayan at pagtatanggol sa bayan,
na naging sandata ng mga rebolusyonaryo noon at naging mitsa ng paglaya ng
Pilipino.

Makabayang Pilipino
Hindi niya iniwan ang Pilipinas at ito’y bumalik sa kanyang bansang sinilangan
matapos ito makapag-aral sa Europa. Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bayan
sa pagsasalarawan ng problema sa lipunan at ang pagkakahati ng estado sa buhay.
Sa kanyang paningin, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay at purong
Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.
Si Rizal sa Modernong panahon
Hindi na nga ba maisabuhay ang mga katangian at kontribusyon ni Rizal? Ilan
sa atin ay hindi na matandaan ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng bansa.
Dahil sa inuuna ang sariling kapakanan bago ang bayan, naging problema na ng mga
guro sa Filipino at Araling Panlipunan ang ganitong sitwasyon na hindi na maalala ng
kabataan si Jose Rizal. Pero ang iba nating kababayan ay patuloy na kinakampanya at
isinasabuhay ang katangian ni Rizal sa modernong panahon
Ang pagkamakabayan at pagmamalaki sa sariling lahi ang naging alas ng ilang
Pilipino upang manatili sa puso’t diwa ng bawat isa ang ating pambansang bayani.
Impluwensiya ni Rizal sa ibang lahi
Dahil na rin sa pangingibang-bansa ng ating mga kababayan at ang pag-aaral
ng kasaysayan ng mundo, alam na rin ng ibang lahi ang buhay at pakikipagsapalaran
ng ating bayani. May mga monumento at plaque si Rizal sa ilang bansa katulad sa
Hong Kong, Europe, United States at Singapore na ipinagmamalaki ng mga Pilipino
kapag nakikita nila ito.
Mga aral ni Rizal: Susi sa pagbabago
Ang mga katangian at pangaral ni Rizal sa atin ay isang inspirasyon sa ating
lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na maaari nating gamitin upang matamasa

42
natin ang pagbabago ang kanyang kontribusyon sa bayan. Kaunlaran ng bansa bago
ang sariling kapakanan.

ARALIN 11
SI JOSE RIZAL AT NASYONALISMONG FILIPINO – PAMBANSANG
SAGISAG

PAKSA
1. Si Jose Rizal at Nasyonalismong Filipino – Pambansang Sagisag

MGA TUNGUHIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 masuri ang halagahang nangibabaw sa iba‟t ibang representasyon


ni rizal bílang isang pambansang sagisag.
 maitaguyod ang halagahang nagsisilbing magandang halimbawa sa
búhay ni rizal.

PAKSA 1: SI JOSE RIZAL AT NASYONALISMONG FILIPINO – PAMBANSANG


SAGISAG

JOSE RIZAL BILANG PAMBANSANG SAGISAG


Si Jose Rizal ay Pilipinong bayani na isa sa mga taong nagsakripisyo ng
kaniyang buhay at hindi matatawaran ang kanyang mga nagawa para sa kanyang
bayan. Hindi tulad ng mga ibang bayani na nakipag away para sa ating kalayaan.
Si Jose Rizal ay gumamit ng ibang paraan, gumamit lamang siya ng kanyang
pag-iisip, sulat at ang kanyang mga salita para ipakita sa mga Pilipino na tumayo para
sa kanilang sarili at lumaban sa mga kastila.
Binuksan niya ang kamalayan ng mga Pilipino para lumaban para sa kalayaan
ng bansa.

43
MGA NAGAWA NI RIZAL
Una na sa mga nagawa ni Rizal para sa kanyang bayan ay mga akda niyang
“Noli me Tangere" at “El Filibusterismo” Makasaysayan ang mga aklat na ito at
naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang mga aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at
isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.
Ang pagbuo ng La Liga Filipina. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na
maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng
pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay
maging malaya ang Pilipinas sa España sa mapayapang paraan.
At isa pa sa magiting na nagawa ni Rizal para sa ating bayan ang pagkamatay
niya para sa kasarinlan at kalayaan, pantay pantay na pagtrato sa mga Pilipino at
pagbibigay karapatan para sa mga ito. Sakabila ng mga banta ng mga Espanyol sa
kanya ay hindi sya huminto para sa kanyang minithi para sa bayan.
Liham ng Malolos. Dito ipinahayag ni Jose Rizal ang kanyang papuri at
paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa
edukasyon.
Binibigyang-diin ni Jose Rizal ang tungkulin ng kababaihan bilang dalaga,
asawa at isang inay sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Sila ang
mga nagtuturo sa kanilang mga anak na maaaring magbigay ng bagong kinabukasan
para sa Pilipinas.
“Mi Ultimo Adios”. Dito pinakita ni Jose Rizal ang kanyang pagmamahal sa
kanyang bayan at pamilya. Ihahandog ni Rizal ang kahit ano, kahit ang kaniyang
sariling buhay, para maibalik ang tatlong bagay: eden, mutya at lupang kasuyo ng
araw sa Pilipinas.
At isa pa sa magiting na nagawa ni Rizal para sa ating bayan ang pagkamatay
niya para sa kasarinlan at kalayaan, pantay pantay na pagtrato sa mga Pilipino at
pagbibigay karapatan para sa mga ito. Sakabila ng mga banta ng mga Espanyol sa
kanya ay hindi sya huminto para sa kanyang minithi para sa bayan.

44
45

You might also like