You are on page 1of 5

Kasaysayan ng panitikan

1. Kahalagahan ng Pag-aaral sa Panitikang Pilipino

2. Panahon ng Katutubo Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang
sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong
mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at
awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan
at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa
bansa.

3. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin- dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga
piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog
at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay
gawa ng demonyo.

4. Gumaganit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga ng niyog at dahon at balat ng


punongkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat. MGA URI NG
PANITIKANG SUMIBOL AT SUMIKLAT SA SINAUNANG PANAHON •Alamat •Kwentong
Bayan •Epiko •Salawikain •Bugtong

5. PANANAKOP NG MGA KASTILA Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs
– GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito:
una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.

6. Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal Dahil sa pananampalataya


ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa
panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng
dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang
nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa
mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa –
isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

7. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa
pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Naging tanyag ang
dulang Moro-Moro na pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga
himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas
ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang
Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa
likod ng isang mailaw at puting tela.

8. Panitikang Rebolusyonaryo Karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang


rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di- makataong pagtrato sa kanila ng
mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan dahil sa labis na pang-aalipin at
pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino. Nalathala ang
mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad na naglalayong
“matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at
pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad
ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya

9. Panitikang Rebolusyonaryo Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga


manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili
laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang pambansang
bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Ang mga bayaning sina
Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami
pang iba ay nagsisulat din.

10. Panitikang Rebolusyonaryo • Nahalinan ng Alpabetong Romano ang alibata •Naging


bahagi ng wikang Pilipino ang maraming salitang Kastila •Nadala ang ilang akdang
pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng panitikan gaya ng
awit, korido, moro moro atbp. •Nasinop at naisalin ang makalumang panitikang sa Tagalog
sa ibang wikain •Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

11. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik


ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898
na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng
mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na
nagsisulat sa Ingles at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa,
sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula
lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na
manunulat.

12. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy
tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng
mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-
tabing – ang pelikula. Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano,
naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa
panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.

13. PANANAKOP NG MGA AMERIKANO Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang
tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa
dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

14. • Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga sinusulat • Pinatigil ang
mga dulang may temang makabayan • Sa panahong ito nailathala ang babasahing
Liwayway • Pinauso ang balagtasan katumbas ng debate • Nagsimula ang pelikula sa
Pilipinas

15. PANANAKOP NG MGA HAPON Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan
ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura,
kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito kinilala ang mga
manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-
Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang
haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod),
nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang
ng pantig ay 7- 7-7-7)

16. PANANAKOP NG MGA HAPON Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang


Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng
kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang
pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil
ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga
aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya
ang panitikang nililikha.

17. PANANNagkaroon ng krisis sa papel kaya di masyadong marami ang akdang


naisulatNapasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan Natigil ang panitikan
sa Ingles kasabay ng pagpigil ng lahat ng pahayagan Ipinagbawal ang paggamit ng wikang
Ingles AKOP NG MGA HAPON
18. Pagtatatag ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla (sumusubaybay sa mga pahayagan
aklat at iba pang media.Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang
pampaaralan Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan 1972
idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
PANANAKOP NG MGA HAPON

19. PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON Sa panahong ito ay isinilang ang bagong


uring PILIPINO. ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong
magmahal sa sariling bansa sasalita man o sa gawa.At para sa mga mamamayang Pilipino,
ito pa lamang ang tunay na bagong Republika ―ang Tunay na Bagong Republikang
Pilipinas. Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na
RepublikangPilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang
mgapagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO , sa mga
PAHAYAGAN , sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA
TELEBISYON.

20. PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON • •Marami ang sumubok sumulat gamit ang
sariling vernakular •Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang pambansa •Mas
mayamang ang pinagkukunan ng paksang sinusulat •Malaki ang impluwensiya ng aghanm
at teknolohiya •Nagbabago ang mga wikang ginagamit

21. Ang mga PANITIKAN sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang


pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata: a. Ang kanilang mga tuwirang
panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin. b. pagpuri sa mga nakagagawa ng
kabutihan c. Makabagong damdamin/emosyon na nararamdamn PANITIKAN SA
KASALUKUYAN

22. Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag
ng tunay na damdamin ng mga makata: a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga
nanunungkulang maytiwaling gawin. b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan
PANULAAN SA KASALUKUYAN

23. RADYO AT TELEBISYON Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng


tunay na niloloob nangwalang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga
lumalabas sa telebisyon.Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at
telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga
gawain ng mga nasa pwesto. Naging malikhain at malaya ang mga palabas sa radyo dahilan
kung bakit nagkaroon ng napakaraming ‘genre’ ng mga programa kasama na dito ang mga
realitity programs, fantaserye, anime atbp.

24. PANITIKAN SA PANAHON NG COMPUTER Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website,
usb, e- mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd…. Ito ay mga salitang karaniwan nang
ginagamit ngayon sa ating wika atmasasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte na ng
ating buhay ang teknolohiya,mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan.
Mabilis din ang pagbabago sapapel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho,
buhay, at pag-iisip. Angmabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng
mabisang sandata ng teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet.

You might also like