You are on page 1of 2

Aralin 2

PAHAPYAW NA PAGTUNTON SA LITERATURANG FILIPINO SA IBA’T


IBANG PANAHON

Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno natin ay mayroon
nang sariling kakayahan at bago pa sakupin ng imperyo ng Madjapahit
noong ika-14 na siglo.

Ang Literaturang Filipino ay naiiba sa kabuuan. Nagsimula ito sa


tradisyong pasalita. Ang mga kalapit bansa tulad ng Malaysia, Cambodia,
Indonesia at Arabia ay may kani-kaniyang ambag sa ating panitikan. Ang mga
ito ay nasa anyong awiting-bayan, alamat, karunungang bayan at iba-ibang
uri ng tula.

Taong 1521 nang maligaw si Ferdinand Magellan sa ating


dalampasigan, subalit tuluyang sinakop at inalipin ng mga Kastila ang mga
Pilipino noong taong 1565. Pinamunuan ito ni Miguel Lopez de Legaspi na sa
dalawang kamay ay may hawak na espada at krus. Espada upang turuan
daw ng tamang paraan ng pamamahala ang ating mga ninuno at ang krus ay
upang matutuhan at makilala ang tunay na Diyos. Pinalaganap ng mga
Kastila ang tradisyong Europa na napapaloob sa komedya, sarswela, kurido,
awit, pasyon at tungkol sa mga santo.

Taong 1872 nang magsimulang mag-alsa ang mga Pilipino sa


pangunguna ni Sarhento La Madrid, subalit ilang oras lamang at napatay rin
sila agad. Sinamantala ng mga prayleng Kastila ito at sinangkot nila ang
tatlong Paring Martir. Dito na nagsimula ang pagsulat ng mga propagandista
sa pangunguna ni Gat. Jose Rizal. Ginamit ang Tagalog, Kastila at iba’t ibang
wikain sa pagsulat ng mga nobela, tula, sanaysay at ibang akda sa mga
pahayagang Tagalog at Kastila. Ang mga akda ay punung-puno ng
damdaming makabayan at nagbunsod sa mga Pilipino upang magkaisa at
nagwakas sa Himagsikan.

Sa panahon ng Himagsikan noong 1896, taon nang barilin sa


Bagumbayan si Gat. Jose P. Rizal noong Disyembre 30, nagbago ang paksa
ng mga panitikan. Naging maapoy, mapanuligsa at mapaghamon, puno ng
pag-ibig sa bayan, paghahangad ng kalayaan at pagtuligsa sa mga dayuhan.

Taong 1898 nang tuluyang lumisan ang mga Kastila sa bansa subalit
nasa ilalim pa rin tayo ng kapangyarihan ng mga banyagang Amerikano.

Mula sa taong 1898 hanggang 1941, tayo ay kunwaring tinulungan at


pinalaya ng mga Amerikano sa kamay ng mga Kastila. Namuhunan ang mga
Amerikano. Sa tratado ng Paris noong Disyembre 10, 1898,
napagkasunduang bilhin ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila. Dito
lumitaw ang tunay na kulay at pakay ng Amerika sa Pilipinas. Tatayo ang
Amerika bilang ama ng Pilipinas gaya ng pagtayo bilang ina ng Pilipinas ang
Espanya noong panahon nila. Ngunit naging mas masahol pa ang
pamamalakad ng mga Kano kaysa sa mga Kastila. Itinuring tayong Indio ng
mga Kastila subalit baboy damo naman ang tingin ng mga Kano sa atin.
Naghasa muli ng itak ang mga Pilipino. Nabalingan ang panulat at ipinakita
ang pabugsu-bugsong tema ng kalayaan.

Sa pananakop ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay patuloy pa rin


sa panunuligsang makikita sa mga akdang isinulat sa wikang Ingles, Tagalog
at iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Madaling natuto ng Ingles ang mga Pilipino
kaya sa loob ng humigit kumulang ng dalawampung taon ay nagsisisulat na
sila ng mga tula, sanaysay, maikling kuwento at nobela sa Ingles. Dito
nagsimulang umunlad ang panitikang Pilipino sa Ingles.

Taong 1942 – 1945, naging napakasaklap ng buhay ng mga Pilipino sa


kamay ng mga Hapones. Gutom, kawalang katiyakan sa buhay at kawalang
pag-asa ang masasalamin sa kanilang mga mata. Punung-puno ng
paghihinagpis ang bawat tahanan dahil sa kawalang pusong pamamalakad
ng mga Hapones. Sa panahong ito namulaklak ang panitikang Tagalog sa
utos ng Hapon at gamitin ang sariling wika sa panulat. Natuto ng Haiku ang
mga Pilipino.

Taong 1946 hanggang sa kasalukuyan ay Panahon ng Republika.


Masalimuot ang mga pangyayari sa panahong ito. Unti-unting itinayo ang
moog na sinira ng digmaan. Mga masasakit na alaala ng kahapon na ang
tanging gamot ay malalalim na buntong-hininga. Namamalasak sa mga katha
ang kabiguan, kalupitan at masaklap na karanasan.

Ang dekada-50 ay nagkaroon ng sigla sa panulat dahil sa KADIPAN


(Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca, na itinatag ni Don
Carlos Palanca ng La Tondeña Incorporada.

Ang dekada-60 ay ang pagbibinhi ng aktibismo. Naging magulo ang


kapaligiran at dumami ang katiwalian.

Ang dekada-70 ay nauso ang paghawak ng mga plakard, barikada at


pagbulagta ng mga walang buhay sa kalsada. Ibinaba ang Batas Militar.
Hanggang magkaisa ang bayan sa EDSA sa buwan ng Pebrero taong 1986.
Ang sumunod ay isang kasaysayang nadagdag sa ating lahi.

Sa kasalukuyan, dalawang wika ang ginagamit sa pagsulat ng


panitikan: Ingles at Filipino. Dahil may kinikilala na tayong wikang pambansa,
ang Filipino, ay lubusan ng ginagamit, pinalalaganap at itinuturo sa lahat ng
antas ng pag-aaral. Unti-unti na tayong nakabuo ng pambansang panitikang
naglalarawan ng tunay na layunin, damdamin at hangarin ng bayan.

You might also like