You are on page 1of 2

Ang Pinagmulan At Pinanggalingan Ng Wika Ng Pilipinas

Noong mahabang panahon na hindi pa sakop ng mga Kastila ang Pilipinas ay may sarili na
tayong panitikan latulad ng mga epiko, awiting bayan, salawikain, kasabihan, bugtong,
palaisipan, kwentong-bayan at iba pa. Kung kaya't may sarili na tayong Sistema ng pagsulat sa
panahong ito na tinatawag na Baybayin na ginagamitan ng titik na tinatawag namang Alibata.
Ito ay binubuo ng 17 na titik na binubuo ng 14 na patinig at 3 patinig. Ang bawat alibata ay
nagtatapos sa “A” maliban lamang sa mga patinig. Kung bibigkasin ang mga katinig na kasama
ang tunog na e/i, ay lalagyan lamang ng tuldok sa itaas nito at kung o/u naman ay sa ibaba
lalagyan ng tuldok. Ngunit kung may tatanggalin tayo na patinig sa hulihan ng tunog ay lalagyan
lamang ng panandang krus sa ibabang gilid ng alibata.
Dumako naman tayo sa panahon na sakop tayo ng mga Kastila noong 1521 na ang layunin nila
sa Pilipinas ay ang 3Gs-God, Glory, and Gold. Ang mga misyonaryong prayle ay pinag-aral ang
wikain sa Pilipinas na naging daan upang mabilis nilang masakop ang puso't isip ng mga Pilipino.
Sa panahon na ito ay ipinakilala ang Alpabetong Romano upang maging kapalit ng baybayin na
mabilis din namang natutuhan ng mga katutubo ang bumasa't sumulat sa mga wikain ng
Pilipinas at sa Espanyol dahil sa may mga ilang akademya at kolehiyong itinatag sa Pilipinas.
Nagdala ang mga paring dominikano ng limbagan(publisher) upang magamit sa paglilimbag ng
mga aklat at polyeto tungkol sa wika at relihiyon. Nagdaan ang 43 na taon ay napagpasyahan ng
pinuno ng espanya na ituto sa lahat ng kolonya nito kabilang ang Pilipinas. Ipinagbawal ang
pakikipag-usap sa isa't isa sa kanilang wika sa oras ng klase sapagkat ang gurong hindi susunod
sa mga probisyon nitong dekri ay magmumulta ng diez pesos sa unang paglabag at sa ikalawang
araw naman ay sususpendihin siya ito mula 15 hanggang 60 araw. Ang pinakamabigat na
parusa ay ang hindi pagtuturo sa hindi hihigit na dalawang takn at hindi kukulangin ng isang
taon. Noong 1863 ay ayaw ituro ng mga prayleng espanyol ang kanilang wika sapagkat gusto
nilang ipagpatuloy ang pananamantala sa mga Pilipino. Kanila itong sinasalungat ang
programang edukasyon at pangwika ng pamahalaan dahil sa kagustuhan nilang panatilihin ang
kanilang kapangyarihan. Natatakot ang mga prayle na mawala ang kanilang impluwensya sa
Pilipinas kung kaya't sinikap nilang hindi ituro ang kastila sa Pilipino.
Sa panahon ng Propaganda ay maraming Pilipino ang nagkaroon ng matinding damdaming
nasyonalismo. Ginagamit sa panahong ito ang panulat bilang sandata sa unti-unting
pagpapamulat ng mga Pilipino. Dito ay nagtungo sila Dr. Jose Rizal, Graciano lopez Jaena,
Antonio Luna at Marcelo H. Del Pilar sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan. Karamihan
sa mga akda noong panahon na ito ang naisulat sa wikang tagalog na tumatalakay sa oagiging
makabayan at masidhing damdamin laban sa mga Kastila. Ang babasahing Propaganda ang
naging tahanan ng mga Pilipino ang iba’t ibang pahayagan sa loob at labas ng bansa tulad ng
Diaryong Tagalog sa Maynila, La Solidaridad sa Espanya, at iba pang mga Polyeto at aklat. Dito
ay gumamit din ang mga propagandista ng mga dulang panlasangan at pangtanghalan katulad
na lamang ng aninong gumagalaw, karilyo, sarswela, at balagtasan na ang tanging paksa'y
pagkamakabansa, pagpapahalaga sa kalayaan, karapatan sa sariling bayan at ito'y natuklasan ng
mga kastila kaya lalong naghigpit ang Censura Permanente ng mga Kastila. Sa panahong ito ay
ipinaghanap ang tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora upang
bitayin sa pamamagitan ng garote dahil lamang sa salang pamumuno sa mga propagandista at
paglabag ng batas ng mga kastila. Dahil sito ay sumiklab ang pulitikal at literaturang
paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang tinuligsa ang mga kastila.
Hindi rin nagtaggal ay pinalitan ng mga Amerikano ang mga Kastila sa pamumuno ng Pilipinas.
Sa panahon ng pananakop ng Amerikano ay nagtatag ang mga ito ng pampublikong paaralan na
naging pinakamahalagang kontribusyon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Noong 1898 ay ginamit
nila ang Ingles bilang wikang panturo. Noong 1916 ay itinakda ng Preamble of Jones Law ang
kalayaan ng Pilipinas kapag mayroon na itong matatag na anyo na pamahalaan. Dito ay tuluyan
nang nanamlay ang wikang Kastila dahil sa pagpasok ng mga bagong opisyal na wika, ang Ingles
at Filipino at dahil dito ay napadali ang daloy ng kaisipan at kaunlaran at ang epekto ng
impliwensyang pangkalinangan ay makapagpapatighaw sa kalooban ng mga Pilipino upang
kalabanin ang bagong kapangyarihang kolonya.
Sumunod naman ang panahon ng Hapon na tinuturing na gintong panahon sapagkat napansin
ang pagtuturo ng wikang pambansa, ngunit pagkaraan ng Hulyo 4, 1946, noong nagkaroon tayo
ng kalayaan, ang suliranin tungkol sa paggamit ng wikang pambansa at wikang Ingles ay hindi
na gaanong pinapansin dahil sa mga suliranin pang-ekonomiya na nararapat munang
asikasuhan dahil sa katatapos na ikalawang digmaang pandaigdig. Noong 1935-1941 ay ang
kainitan ng panitikang Pilipino ay biglang nanlamig dahil sa pagdating ng mga Hapones. Ang
kalayaan sa pagsulat ay nahalinhan ng takot. Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles o
tagalog subalit makalipas ang ilang buwan ay pinahintulutan ding buksan muli ang lingguhang
magasing aliwayway sa pangangasiwa ni kni-ichi Ishikawa na isang hapones na may malawak na
kabatiran sa layunin at tunguhin sa panitikan. Ang panulaan sa panahong ito ay nadadagan ng
anyo na tinatawag na malayang taludturan o free verse. Lumabas din ang ilang tulang tagalog
na nahahawig sa haiku ng mga hapones. Umunlad ang wikang Filipino sa panahong ito dahil sa
ipinagbabawal ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Ingles ng mga Pilipino.

You might also like