Aralin: “ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA” Petsa: Setyembre 13-17, 2021
Inihanda ni: Bb. Noemie S. Malaca
TIYAK NA MATUTUTUHAN
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. TUKLASIN NATIN
PANUTO: Sa pamamagitan ng isang Cycle Organizer, ipakita kung
paano, sa palagay mo, pinag-uugnay-ugnay ng wika ang mga sumusunod na mga aspekto ng buhay.
Kapaligiran Karanasan Lipunan at Politika Relihiyon WIKA Edukasyon Kabuhayan at Ekonomiya TALAKAYN NATIN
Tunay na mahalaga ang ginagampanan ng wika sa patuloy na
pag-unlad ng bansa sa iba’t ibang larangan. Hindi mapapasubalian na ito ang instrumentong nag-uugnay sa mga mamamayan upang kumilos at magpahayag.
Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa
ang pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi. TALAKAYN NATIN Kasaysayang ng Pag-unlad ng Wikang Filipino
Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling
alpabeto na tinatawag na baybayin. Ang katutubong alpabetong ito ay binubuo ng 17 na titik na hawig sa mga ginagamit ng mga Indones o ng mga taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo ng 3 patinig at ng 14 na katinig. TALAKAYN NATIN Ang Baybayin
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog
ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng ga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay. TALAKAYN NATIN Ang Baybayin
Samantala, kung nais kaltasin ang anumang tunog ng
patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog. Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit (//) sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol Hanggang Kilusang Propaganda
Sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa sa pamamagitan ng
krus at ng espada. Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila’y hindi lamang paghahanap ng kayamanan at pananakop bagkus mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga conquistador ang mga prayleng misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito ‘y nag-aral ng mga wikain sa Pilipinas na nagging daan ng mabilis na pagsakop ng mga Pilipino. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol Hanggang Kilusang Propaganda
Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang alpabetong
Romano bilang kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na bumasa’t sumulat sa mga wikain sa Pilipinas at sa Espanyol dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang katoliko sa Maynila, sa Visayas at sa Luzon. Ang mga misyonerong paring Dominiko naman ay nagdala ng limbagan at ginamit nila ito sa paglilimbag ng mga aklat at polyeto tungkol sa wika at sa relihiyon. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol
1521. Pagkaraan ng 43 taong pagkakadiskubre ni Magellan sa
Pilipinas, nagsidatingan ang mga Espanyol kasama ng iba’t ibang orden ng mga prayle na nangasiwa sa pagpapalaganay ng Kistiyanismo at ng pagtatag ng mga paaralan para sa pagbasa at pagsulat upang mapahusay ang pagtuturo ng relihiyon. 1585.Pagtatatag ng Kolehiyo de San Ignacio upang makapag-aral ang mga anak ng Espanyol sa Maynila. 1550. Inilabas ang dekring na nagsaad na dapat magtatag ng mga paaralan sa pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino bagaman hindi ito natupad. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol
1642 at 1752. Nagbigay-diin sa pagtatag ng mga paaralan sa
iba’t ibang distrito upang maturuanng Espanyol ang mga katutubo ngunit hindi rin natupad. Mayroon namang isa pang dekri noong 1792 na nagbawal ng paggamit ng mga katutubong wika bilang panturo, ngunit gaya ng ibang dekri ay wala ring nangyari. 1863. Si Jose de la Concha, ang kolonyal na ministro sa Espanya, ay nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang edukasyong pangkalahatan sa Pilipinas. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol
Disyembre 20, 1865. Iniutos ng Reyna ang pagtatatag ng
Sistema ng pagtuturo sa primary na may tiyak na mga tuntunin sa pagtuturo at superbisyon. Oktubre, 1867. Mayroon namang isang kautusan para makapag-aral ng Espanyol ang mga tao. Nakahikayat ito sa mga Pilipinong gusto maging miyembro ng principalia dahil ito ay para lamang sa nakapagsasalita, nakababasa, at nakasusulat sa Espanyol. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Espanyol
Disyembre, 1889. May kautusan ang superiyor na
pamahalaan na gawing sapilitan ang pagpasok sa paaralan sa edad ng anim hanggang labindalawang taon. 1897. Gayundin, may 1,052 primaryang paaralan para sa mga lalaki at 1,091 para sa babae. May 200,000 mga batang nakapag-enrol. TALAKAYN NATIN Panahon ng Propaganda
Ang katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng
kulturang Espanyol at paksang panrelihiyon. Mahigpit na gumapos ito sa puso’t diwa ng mga unang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa kapangyarihan ang mga nandayuhan. Sapag-aakalang gayon na lamang ang lahat, hindi namalayan ng mananakop na sumilang na pala ang isang bagong panahon. Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang nagkaroon ng matinding damdaming nasyonalismo. Mabilis na lumaganap ang mga balita ng paglaban. TALAKAYN NATIN Panahon ng mga Propaganda
Ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora ay pinatibay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng ‘garote’ sa salang pamumuno sa rebolusyon at paglabag sa batas ng mga Espanyol. Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong mulat sa katotohanan ay hindi matanggap ang kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyang mga kalahi. Matatag at maingat na ginamit bilang sandata ang panulat sa unti-unting paggising at pagpapamulat. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan. TALAKAYN NATIN Panahon ng Propaganda
Kabilang sa kanila sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, at Marcelo H. del Pilar. Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masidhing damdamin laban sa mga Espanyol, paghahantad ng mga makabuluhang impormasyon at malubhang kalagayan ng mga Pilipino sa sariling bansa ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Nging tahanan ng mga babasahing propaganda ng mga Pilipino ang iba’t ibang pahayagan sa loob at labas ng bansa tulad ng Diariong Tagalog sa Maynila, La Solidaridad sa Espanya, at ibang mga polyeto TALAKAYN NATIN Panahon ng Propaganda
Hindi lamang sa panulat nagsikap ang mga propagandista
bagkus gumamit din sila ng mga dulang panlansangan at pantanghalan tulad ng aninong gumagalaw, karilyo, sarsuwela, at balagtasan na ang tanging paksa ay pagkamakabansa, pagpapahalaga sa kalayaan, at karapatan sa sariling bayan. Natuklasan ng mga Espanyol ang ganitong hangarin ng mga Pilipino kaya lalong naghigpit ang Censura Permanente ng mga Espanyol at pinaghahanap ang mga propagandistang manunulat.