You are on page 1of 4

DYNAMIC LEARNING PLAN

ASIGNATURA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


PAKSA KONSEPTONG PANGWIKA : KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON
NG MGA KASTILA AT PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
SANGGUNIAN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Felina P.
Espique, PhD
Komunikasyon sa Akademikong Filipino nina: Melvin B. De Vera, Eriberto R. Astorga,
Baby Lyn J. Conti, Josefina A. Decena
LINGGUHAN ARAW Lunes/Miyerkules

LAYUNIN A. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo


at pag-unlad ng Wikang Pambansa;

B. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakingang


pagtalakay sa Wikang Pambansa;

C. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng


kasaysayan ng Wikang Pambansa.

NILALAMAN
Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahong Bago dumating ang mga Kastila
sa bansa.

Bago pa man dumating ang mga mananakop na mga kastila, pinaniniwalaang may
sarili nang kaalaman ang mga sinaunang mamamayan sa usapin ng pagsulat,
pamamahala at maging sa kanilang kulturang kinasanayan. Sa tulong ng mga
mananaliksik, siyentipiko, mga historyador at antropologo, nagkaroon ng pagtatala sa
mga sinaunang kaalaman ng mga taong naninirahan sa bansa na siyang naratnan ng
mga kastila.

Narito ang isang time-line para mas lubos nating maunawaan ang mga kaganapan o
pangyayari sa pagkabuo at pag-unlad ng ating Wikang Pambansa.

● 25,000 taon dumating sa bansa ang mga NEGRITO gamit ang tulay na lupa dala ang
kanilang Kultura na nakabuhol sa kanilang paniniwala. Di naglalaon ang nasabing
tulay na lupa ay nawala pinaniniwalaang tuluyan itong lumubog. Ilan sa mga
mahahalagang naiambag ng mga mandarayuhan ay ang mga pasalindilang yugto ng
mga awitin at pamahiin.
● 5,000 taon dumating sa bansa ang mga INDONES na may mas maunlad na
kabihasnan kesa sa nauna. Di tulad ng mga negrito na nag papapalit-palit ng lugar,
ang mta Indones naman ay natutong mag alaga ng mga hayop at magsaka. Dala ng
mga ito ang kanilang mga Alamat, Epiko at mga Kwentong Bayan na di naglaon ay
siya nating nakagisnan na rin.

● 2,000 taon dumating sa bansa ang mga MALAYO sakay ang kanilang sasakyang
pandagat na tinawag na balangay. Dala ang kanilang paraan ng pamumuno mas
naging maunlad ang naging sistema ng kanilang pamumuhay kesa sa dalawang
nauna. Bitbit ang paraan ng pagsulat (baybayin) mas naging maunlad ang ating
panitikan sa mga panahon ito dahil may paraan ng pakikipag komunikasyon ang mga
sinaunang mamamayan sa pamamagitang ng pagsulat.

● Di naglaon, dumating din sa bansa ang mga mangangalakal na mga INSTIK na siyang
unang naging kasama ng mga sinaunang mamayan sa pakikipag kalakalan. Dumating
din ang mga BUMBAY, ARABE at ang mga PERSYANO sa ating bansa.

Ang kasaysayan ng Wikang Pambasa sa Panahon ng mga Kastila.

● Noong 1565 pormal na nasakop ng mga kastila ang ilan sa mga lalawigan ng bansa sa
pamumuno noon ni Miguel Lopez de Legazpi. Layunin ng kanilang pananakop ang
pagtuklas sa mga pampalasa (spices) na sa mayamang kalikasan ng bansa
matatagpuan. Bukod sa mithiing mapalaganap ang Kristiyanismo. Maituturing na ang
mga unang nagsagawa ng pag-aaral sa mga katutubobg wika sa Pilipinas ay ang nga
prayle. Produkto nila ang mga unang limbag na diksyunaryo at babasahin.

● 1593 unag aklat na nailimbag sa bansa ay ang "Doctrina Cristiana" o Ang mga Turo
ng Kristiyanismo. Ito ay isinulat nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo
Nieva. Ito ay nakasulat sa wikang Tagalog at Kastila.

● Sa paglipas ng mahabang pagtitiis ng mga Pilipino sa kamay ng nga malupit na


mananakop, umusbong muli ang diwang makabayan ng ilan sa mga ito lalo na ng
masaksihan ng mga Pilipino ang pagpatay sa tatlong pari na sina Padre Gomes,
Burgos at Zamora noong Feb 17, 1872 dahilan upang lumitaw ang mga tinawaga na
mga Propagandista.

Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Propaganda at Rebolusyong


Pilipino.

● 1872 Ang kilusang Propaganda sa Barcelona, Espanya ay naitatag ang ilan sa mga
naging kasapi ng nasabing samahan ay sina;
Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, Juan Luna
atba. Itinatag ito ng mga Pilipinong Ilustrado sa Madrid para sa layuning
"PAMPANITIKAN at PANG KULTURAL" sa halip na politikal.

Layunin ng samahan
★ Kilalanin ang bansang Pilipinas bilang bahagi ng lalawigan ng bansang Espanya
na may pantay na pagtingin sa mga Pilipino sa harap ng batas
★ Pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generels (Hukumang pangkalahatan) sa
mga parokya ng Pilipinas.
★ Kalayaan sa pagpupulong at pagsasabi bg mga anumalya o pang-aabuso sa
pamahalaan.

● 1892 tuluyang nagwakas ang samahan dahil sa ilang mga dahilan;


★ Kakulangan sa Pondo
★ Hindi pinakinggan ng nga prayle ang kanilang mga panawagan
★ Paksyon sa loob ng kilusan. Hindi pagkakaunawaan ng ilang namumuno
nito.

● July 7, 1892 ang unang pagkakatatag ng Katataastaasan, Kagalanggalangan na mga


Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) sa 72 Calle Azcarraga San Nicolas, Manila. Ito
a itinatag nina;
★ Deodato Arellano
★ Andres Bonifacio
★ Valentin Diaz
★ Ladislao Diwa
★ Jose Dizon at
★ Teodoro Planta

● 1893-1896 muli inorganisa ang samahan hanggang sa ang nahalal na maging


Pangulo ng Katipunan ay si Andres Bonifacio at ang kanyang naging Pangkalahatang
Kalihim nito ay walang iba kundi si Emilio Jacinto at ang naging Head Quarters nila ay
ang Tondo, Manila at San Nicolas, Manila.
Ang pagkakatatag ng Haring Bayang Katagalugan ay pagpapakita lamang na ang mga
Pilipino ay kaya na niyang pamunuan ang kanyang bansa. Dahil ang pangunahing
ginamit na wika rito ay ang tagalog o kaya naman ay ang rehiyonal na wika o dialekto
na nakagisnan ng mga Pilipino.

● Agosto 1896 ang makasaysayang sigaw sa Pugad Lawin sa pamumuno ng Supremo


Andres Bonifacio sa Kalookan ay hudyat na ang mga Pilipino ay handa na lumaban
para sa kasarinlan ng Inang Bayan at para sa magandang kinabukan ng bawat
Pilipino.
MGA Panuto: Sagutin ang mga tanong.
TANONG/MGA
GAWAIN 1. Paano umunlad ang wika ng mga sinaunang mamamayan sa paglipas ng panahon?
Patunayan.

2. Ano sa tingin mo ang naging epekto ng paggamit ng wikang nakagisnan sa pagtatag


ng isang malayang pamahalaan? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, ano ang mga naging kontribusyon ng mga dayuhang manlalakbay
sa pag papaunlad ng ating wika at kultura? Ipaliwanag.

Paglalapat Panuto : Sumulat ng Sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng


kasaysayan ng Wikang Pambansa.

Panimula :

Gitna:

Wakas:

Pamantayan :

Nilalaman 30%
Kaugnayan 20%
Kaisahan o kalinisan 10%
Kabuuan 100%

Inihanda ni: Binigyang pansin ni: Iwinasto ni:

Rheñer B. Baquiran Marah Jane B. Reyes, Lpt Harlene Vicente


Filipino Subject Teacher Subject Coordinator Principal, High School
Department

You might also like