You are on page 1of 5

Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Iba’t Ibang

Panahon
Ipinasa ni Bb. Annaliza C. Bernardo

Panimula
Ang wika, kultura at panitikan ay magkakaugnay. Maituturing din itong pagkakakilanlan,
kaya’t walang katapusan sa pag-unlad ang mga ito, mula pa noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyan ay mababanaag natin ang pagyabong nito. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na
marami pa rin ang mga tao na nagsasaliksik tungkol dito. Katulad ng mga pang-akademikong
gawain sa paaralan, ang mga mag-aaral, ang mga guro at ilang mga iskolar ay walang tigil sa
pagpapaunlad ng kaalaman hinggil dito.

Mula sa sipi ng pananaliksik, “Kahalagahan ng Akdang Pampanitikan sa Aspetong


Kultural ng mga Pilipino Napapanahong Pananaliksik” na iniharap sa Kaguruan ng Paaralan ng
Pambisan National High School, Pambisan Pinamalayan Silangang Mindoro. Ayon kay E.C
Apuntan (2013) ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito
ay malalaman, madarama, at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating
mga ninuno.
Bilang isang mamayang Pilipino, mahalagang maunawaan natin ang pantikan na
mayroon tayo sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng mga akdang nakalimbag ay nababalikan natin
ang kasaysayan sapagkat mula sa ating panitkan ay sinasalamin nito ang kalagayan, damdamin at
pamumuhay ng ating mga ninuno sa mga panahong iyon, maging ang mga naganap mula roon ay
maaari rin nating masulyapan.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga yaman, hindi lamang sa mga yaman nitong likas kundi
maging sa Panitikan. Kaya’t ang mga pamanang ito ay dapat nating mahalin, ingatan at
ipagmalaki.

Pansariling Pagsusuri sa Nilalaman


Mula sa Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Katutubo, sinasabi na ang sinaunang
sistema ng mga Pilipino sa pagsulat ay tinawag na baybayin at kilala rin sa maling katawagan
nitong Alibata. Maraming mga teorya ang sinasabing pinagmulan ng baybayin subalit wala
naman itong katibayan. Sinasabing ito’y mula sa impluwensyang Indyano, nagmula sa sulat kawi
sa Java at ng mga koneksyong tabing-dagat sa Kahariang Cham (sulat Cham).
Ang pinakaunang nailathalang aklat sa isang wika ng Pilipinas, na nagtatampok ng
Tagalog sa Baybayin at isinatitik sa sulat Latin, ay ang Doctrina Christiana en Lengua Española
y Tagala ng 1593. Pangunahing nakasalig ang tekstong Tagalog sa isang manuskrito na isinulat
ni P. Juan de Placencia. Ito ang pianaka unang halimbawa ng baybayin na umiiral ngayon at ito
ang tanging halimbawa sa siglong 1500. Mayroon ding serye ng mga legal na dokumento na
nilalaman ng Baybayin, na nakapreserba sa mga Kastilang at Pilipinong arkibo na sumasaklaw
ng higit sa isang siglo: ang tatlong pinakaluma, lahat nasa Archivo General de Índias sa Seville,
ay mula noong 1591 at 1591. Naging malaking tulong ito sa mga sinaunang Pilipino noon
sapagkat karaniwan sa mga Pilipino ay nakauunawa at maalam sa baybayin sapagkat ito ay
sariling atin, ito ang ginagamit nila para sa mga personal na pagsusulat. Subalit ang mga sipi na
nasusulat sa baybayin ay nawala sapagkat nung dumating ang mga kastila ay sinunong nila ang
mga ito sapagkat pinaniniwalaan nilang ang mga ito ay mula sa mga masasamang Espiritu.
Sapagkat ang lahat ng bagay na hindi nila maunawaan ay itinuturing nilang gawa ng diyablo.
Sa paglipas ng panahon kasabay ng pagkawala ng ibang bagay ay siya namang pag-
usbong ng bago. Sa Panahon naman ng Makabagong Pilipino sa Kasalukuyan, ang konsepto
ng wika ay hindi na masyadong napagtutuonan ng pansin. Nagkakaroon din ng maling pananaw
hinggil dito. Na kung saan ang wikang Ingles ay nagiging pamantayan o batayan sa intelekwal
ng isang tao. Isa na lamang halimbawa nito, sa pagsulat na lamang ng mga Saligang Batas sa
Pilipinas. Ang mga ito ay karaniwang nasusulat sa Ingles, ginagamit din sa paaralan ang Ingles
bilang wikang panturo, marahil ito ay upang makasabay sa globalisasyon. Ngunit may batas din
naman na itinakda sa pagtuturo gamit ang katutubong wika o mother tongue
(Batas Republika blg. 10533 Seksyon 4).
Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong elementarya, ang pagtuturo, mga
materyal sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral.
Magbubuo ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng isang programa sa transisyong pang-inang
wika mula Baitang 4 hanggang Baitang 6 upang dahan-dahang maipakilala ang Filipino at Ingles
bilang mga wika ng pagtuturo hanggang sa ang dalawang (2) wikang ito ang maging mga
pangunahing wika ng pagtuturo sa antas sekondarya.
Sa panahon ding ito ay umiral ang mga wikang sosyolek o ‘yung mga gayling words,
jejemon, millennial terms, at mga salitang hubad o iyong pinaka mababang antas ng wika.
Subalit bakit nga ba nagkaroon ng ganitong klaseng pagbabago? Dahil sa pag-unlad ng ating
bansa ay nagbago rin ang pamamaraan at antas ng mga tao sa pamumuhay, gayundin ang wika.
Dahil na rin sa makabagong teknolohiya tulad ng laptop, desktop, selpon, tebisyon at iba pa ay
nakaapekto sa ating wika. Bunga nito ay pagkakaroon din ng mga bagong salitang umusbong.
Winika noon ni Jose Rizal, sa kanyang sanaysay na”Ang Pilipinas Matapos ang
Sandaang Taon” (1890), na “upang mabasa ang kinabukasan ng isang sambayanan,
kinakailangang buklatin ang aklat ng kanilang nakaraan.” Batid ng ating pambansang bayani ang
kahalagahan ng pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng ating nakalipas at matanaw ang
sinasalamin nito sa kasalukuyan. Sa pagsusuring ito, ay tuntunin natin ang ating nakaraan at
bakasin natin ang ating piang-ugatan.
Sa pag-usbong naman ng panitikan sa Matandang Panahon, sinasabing bago pa man
dumating ang mga kastila, ang ating mga ninuno ay mayroon nang mga panitikan. Ang panitikan
natin ay may dalawang anyo, pasulat at pasalita. Ang panitikan ay nakabatay sa kapaligiran at
kultura. Ang mga panitikan noon ng ating mga ninuno ay nakasulat sa baybayin na nakasulat sa
mga bato at nakaukit sa piraso ng kawayan. Kabilang na nga sa mga ito ang tinatawag nating
awiting-bayan, mga salawikain, sawikain o idyoma, at bugtong na s’ya namang naging highlight
ng panitikan noon.
Mula sa panitikan sa matandang panahon, nakilala rin natin ang Panitikan ng
Daigdig.Ito ay ang mga panitikan sa kanluranin na nagmula sa Pantikang Europeo Ang mga ito
ay mula sa Amerikano, Aleman, Griyego, Pranses, Irelandes, Italyano, Kastila at Ruso. Taglay
ng panitikan ng kaluranin ang mga akda na nagbigay ng malaking impluwensya sa mundo. Ilan
sa akda mula sa Europeo na Malaki ang naging impluwensya sa Pilipinas at sa Daigdig: Banal na
Kasulatan/ Bibliya na nakasulat sa Latin, Griyego at Hebreo. Ang akdang Illad at Odyssey ni
Homer ng Griyego at Divina Comedia ni Dante Alighieri-Vulgar ng Italya.
Ang Panitikang Austrilyano naman ay nagsimula pagkaraan ng pagkakaroon ng maliliit
na mga pamayanang Europeo sa bansang Australya. Kabilang sa paksang tinatalakay sa kanilang
literatura ay ang Katutubong Austrayano, pagkakaibigan, katapatan at pakikisama, Kalayaan,
lahing pagkakakilanlan, ang kagandahan at nakatatakot na bagay sa Australian Bush. Ang
kanilang panitkan ay kathang-isip, dula,tula sanaysay at iba pang akdang Abroginal o ‘yung
tinatawag na mga katutubong tao sa Australya.
Sa Panitikang Amerikano, sila ang pangkat na nagdala ng pagbabago sa panitikan. Mula
nung binenta ng mga Kastila ang Pilipino sa kamay ng mga Amerikano. Ang mga Amerikano ay
nagsimulang ipakilala ang pagkakaroon ng pormal na edukasyon sa mga Pilipino at ang kauna-
unahang naging guro nito ay ang mga Thomasites, ang grupo ng mga amerikano na dumaong sa
Pilipinas. Sila ay nagpatayo ng paaralan at binago ang sistema ng edukasyon, pinaunlad ang
kalusugan at kalinisan, ipinagamit ang wikang Ingles. Nagpalahok sa mga Pilipino sa
pamamalakad ng pamahalaan at kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan. Malaking bahagi
rin sila sa panitikan sa pagpapakilala ng pelikula sa Pilipinas. Ang kauna-unahang pelikula na
ginawa sa Pilipinas ay ang “Dalagang Bukid” na kauna-unahan ding silent film sa bans ana
ipinalabas noong 1919. Si Jose Nipomuceno na kilala rin bilang Ama ng Pelikulang Filipino, ang
sumulat, at kauna-unahang produsyer ng pelikulang tagalog, direktor at sinematograper ng
“Dalagang Bukid”. Sa panahon ding ito pinaka umusbong ang Dula o Sarsuela, sinasabing sa ito
ang mukha ng paghihimagsik, sapagkat ang dula ay kinasangkapan ng mga Pilipinong manunulat
upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayan na pananaw. Maliban dito,
pinakilala rin sa atin ng mga Amerikano ang fairytales na talaga namang patok na patok sa mga
bata hanggang ngayong kasalukuyan. Mula naman sa mga Latin-Amerikano, ang mga nobelang
magical realism o ang mga nobela na may halong di-tunay na mundo. Kabilang din sa kanila ang
Latin American Boom o ‘yung tumatalakay sa mga political na isyu sa lipunan. Narito rin ang
malayang pagsulat ng nobela o ‘yung hango sa mga tunay na kaganapan sa mundo.
Sa Panahon ng mga Kastila maraming mga pagbabagong naganap sa buhay ng mga
Pilipino. Ang mga ito ay mapalaganap ang relihiyong katolika apostolika romana, pagpapalawak
ng kanilang hanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain. Si Villalobos ang
nagpasya ng ngalang “Felipinas” o “Felipenas” bilang parangal kay haring Felipe II. “Filipinas”
na naging “Pilipinas” taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang Lakandula, Magat
Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Palaris, Manong Pule, atb. Nagpalit sila ng pangalan
at nagpabinyag. Naging Gobernador si Jose Basco (1778). Si Claveria (1849), binigyang ng
apelyidong kastila ang pamilyang Pilipino
Naimpluwensyahan din ng mga Kastila ang Panitikang Filipino sa mga sumusunod: 1.
Ang “Alibata”na ipinagmamalaki na kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga
alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng
awit, kurido, moro- moro at iba pa 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang
panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na
pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. Ang pagkakaroon ng
makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
Dahil nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, isa sa malaking naipamana nila sa
atin ay ang Kristyanismo. Ilan sa mga akdang panrelihiyon ay ang Doctrina Christiana, kauna-
unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito
nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at
Kastila. Naglalaman ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal,
pangungumpisal at katesismo. May 87 pahina lamang. Nuestra Senora Del Rosario, ikalawang
aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa
Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
Barlaan At Josaphat “Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang manga Cabanalang
Gaua nang manga Malaoualhatiang Barlaan at Josaphat (1780) na batay sa mga Sulat sa Griyego
ni San Juan Damasceno.”Barlaan At Josaphat, katlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito
sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. - Jacobo Biblio (Latin),
Baltazar de Santa Cruz (Kastila) Ipinalalagay itong kauna- unahang nobelang nalimbag sa
Pilipinas. -isinalin sa salitang Iloko at sa anyong patula ni Padre Agustin Mejia. Urbana At
Felisa, aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa
Tagalog” Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa.
Hindi lamang mga nalimbag na akda ang kanilang pamana, maging sa dula ay mayroon
ding panrelihiyon. Ang mga halimabawa nito ay dalit, santa cruzan, senakulo, salubong, tibag,
komedya, karilyo, sarsuwela, dung-aw, karagatan, duplo, saynete at pangangaluluwa.
Samantala, sa Panitikang Hapon naman ay mas nais nilang ibahagi ang kanilang mga
paniniwala. Isa rin sa nais nilang ituro sa mga Pilipino ay ang pagpapahalaga nito sa sariling
wika. Kung kaya’t sumibol nang lubos ang panitikan sa bansa sapagkat ipinagbawal ng mga
namumunong hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa
paggamit ng wikang katutubo. Pinasunog din ang lahat ng mga limbag na nasusulat sa Ingles
upang matiyak na wala nang bahid ng kanluranin sa mga ideyang mabubuo at hindi na makita o
mabasa pa. Itinuturing ito na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino. Sapagkat higit na malaya
ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang
Pilipino sa mga ito. Isa sa akdang pasulat ng mga hapon na naiambag nila sa ating panitikan ay
ang haiku. Ito ay binubuo ng tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-7. Ang kalimitang
tema nito ay pagmamahal sa kapaligiran o kalikasan. Tanaga naman ang sa tagalog na binubuo
ng apat na taludtod at may bilang na 7-7-7-7 sa bawat taludtod.
Sa Panitikang Asyano, kagaya ng sa mga naunang panahon. Ang panitikan dito ay
mayroon ding dalawang uri, ang pasulat at pasalin-dila. Karaniwang tulang liriko ang mga tulang
Asyano. Nakabatay rin ang panitikan dito sa kaugalian at tradisyon. At maging sa mga
pilosopiya sa buhay. Ilan sa mga halimbawa ng mga akda sa Timog-Silangang Asya ay ang
maikling Kwento na mula sa Indonesia ni Idrus na “O..o..o..!” na tumatalakay sa isyung
panlipunan noon. Na kung saan sinasalamin ang uri ng pamumuhay ng Indones mula noong sila
ay sakupin ng Dutch at Hapones. Dito ay pinapakita ang antas ng pamumuhay ng mga tao roon,
kung paano ituring ang mayayaman at mahihirap. Isa pang akda na mula naman sa Malaysia, ang
nobelang “Salam Maria” na sinulat ni Fatima Busu. Dito ay tinatalakay kung paanong ang babae
ay dapat na mamuhay na ayon sa dinidikta ng lipunan. Subalit sa akdang ito ay taliwas ang lahat
sa nais na mangyari sana nila sa bida na tauhan. Ang mga banggit ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng akdang pampanitikan sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya na nag
bukas ng mata sa tunay na kaganapan ng buhay.
Reaksyon Tungkol sa Binahagi
Hindi lamang dahil bilang isang guro sa Asignaturang Filipino, kundi bilang isang
mamamayang Pilipino. Mahalaga na maunawaan natin ang pinag-ugatan ng ating wika, kultura
at panitikan. Kung gaanong tangkilikin ang wika at tradisyon ng ibang lahi, higit lalo dapat ang
sariling atin.
Sa paglalahad ng mga impormasyong natunghayan natin mula sa pag-susuring ito,
makikita ang iba’t ibang panahon ng pag-iral ng panitikan at wika sa bansa. Bawat panahon ay
masisilayan ang ilan sa mga mahahalagang kaganapan at mga panitikang umiral. Sa
pamamagitan ng pagsusuring ito, mauunawan natin kung bakit mayroon tayong tinatawag na
panitikan noon pa man at hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin at walang katapusang pinag-
aaraalan upang mas mapalalim pa natin ang ating mga kaalaman tungkol sa ganitong usapin at
maibahagi rin natin sa iba.
Mga Sanggunian:
 https://www.academia.edu/29037670/pananaliksik_sa_wika
 https://philippineculturaleducation.com.ph/nepomuceno-jose/?
fbclid=IwAR20Tx38TRXeA5e_YLLw6Xs0UAW5ADRPW8f_AmIG3lssufwSQ3YJbW
7gZPY
 https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-sapanahonngkatila
 https://www.haikudeck.com/panitikan-ng-pilipino-sa-panahon-ng-hapon-uncategorized-
presentation-mOvvL4mrOO

You might also like