You are on page 1of 4

WESLEYAN UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Studies of Leadership and Advanced Studies


Mabini Street Extension, Cabanatuan City, Nueva Ecija

_____________________________________________________________________________________

Pag-aanalisang Papel
Tungkol sa Pag-unlad ng
Wikang Filipino

Ipinasa ni:

Bb. Annaliza C. Bernardo


Kaugnay ng ating pagkakakilalan bilang isang Pilipino ay ang pagkakaroon natin ng
sariling wika. Isa itong mahalagang salik upang ang bawat isa ay magkaunawaan. Sa pag-unlad
ng isang bansa ay kasabay rin nitong yumayabong ang wika. Kung saan sa kasalukyan at
modernong panahon ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maingay na maingay ang
teknolohiya at laganap saan mang parte ng mundo. Kaugnay nito ang pagbabagong hatid sa ating
wika. Maraming mga salitang naimbento lalo na ng mga kabataan na naging uso, palasak o
gamitin ninuman. Isa sa napaka gandang katangian ng ating wika ay ang pagiging denamiko nito,
na nakatutulong upang tayo ay makasabay sa agos ng mundo.
Ang Wikang Filipino ay may kasaysayan na mahalagang malaman at maunawaan ng
bawat isa upang mabatid natin ang bawat yugtong pinagdaanan ng ating Inang wika tungo sa
kaunlaran nito.
Ayon kay Wilfrido Villacorta, isang propesor sa De La Salle University. “Mahalaga ang
tunay na pagpapaunlad ng wikang Pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon
ng sambahayang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon”
Ang sosyo-ekonomiko ay tumutukoy sa paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa
kung ano ang kahulugan nito. Sa iba pang depenisyon, ito ay antas ng pamumuhay ng isang tao o
ang kanyang estadong sosyo-ekonomiko at nauugnay sa mga gawaing pangkomunikasyon. Sa
makatuwid, ang mga salita na ating gagamitin ay napakahalagang piliin at suriin nang mabuti
bago bitawan ito. At mahalagang i-akma natin ang ating mga salitang bibigkasin depende kung
sino ang kausap at kung saan nagaganap ang nasabing pag-uusap. Ang mga ito ay maaaring
makaapekto sa ikagaganda o ikasisira ng relasyon ng tao o ng isang bansa.
Ang Pilipinas ay mayroong mahigit 400 na dayalektong ginagamit. Ang bawat rehiyon ay
may sari-sariling wika o wikain na ginagamit. Dahil dito ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan
o suliranin sa pakikipagkomunikasyon sa bansa. Sa isang bansang mayroong 400 mahigit na
dayalekto ay pawang hindi nagkakaroon ng pagkakaisa.
Ayon sa mga pag-aaral,”Ang Tagalog ay wikang sinasalita sa ilang rehiyon sa Pilipinas
katulad ng Bulacan, Bataan, Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque,
ilang parte ng Puerto Princesa, Nueva Ecija at NCR o Metro Manila (Constantino,2006)
Opisyal na kinilala ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayan ng
Wikang Pambansa noong Disyembre 30, 1937 sa bisa ng Kautusang Tagapagganap Blg. 134 at
sinimulan itong ituro sa lahat ng paraalan sa buong kapuluan simula noong 1940. Isinagawang
survey sa Ateneo de Manila University noong 1989 lumabas na 92% ang nakaiintindi ng tagalog
sa buong bansa“(Almario, 2014)
Buhat sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang ginawang batayan sa pagpili ng wikang
pamabansa ng Pilipinas. Sapagkat ang tagalog ang may pinaka malapit na pagkakahawig sa lahat
ng umiiral na wika sa Pilipinas.
Dagdag pa rito, sinimulang tawagin Pilipino ang Tagalog noong Agosto 13, 1959 sa bisa
ng Kautusang Pangkagawaran ng Edukasyon na nilagdaan ni Jose Romero na dating kalihim ng
Kagawarn ng Edukasyon.
Ayon kay Panganiban (1970) Ang pagpapalit-tawag sa Tagalog tungong Pilipino noong 1959 ay
(1.) Upang mapawi ang isip-rehiyonalista (2) ang bansa nati;y Pilipinas kaya normal lamang
tawaging Pilipino ang Wikang Pambansa tulad ng mga pangunahing Wika sa daigdig na kung
anong basa ay siya ring pangalan ng wika at (3) Walang ibang maaaring katawagang maaring
ilapat sa Wikang Pambansang Pilipinong batay sa Tagalog.
Ang mga sumusunod na pamantayan sa pagrerebisa ay upang hindi naman magmukhang
may kinikilingan ang nasabing pagrebisa. Sapagkat may mga rehiyon sa Pilipinas na tagalog ang
wikang ginagamit samantalang sa ibang rehiyon naman ay hindi. Isa pang dahilan nito ay
sapagkat ang bansa natin ay Pilipinas, kagaya ng ibang bansa ang pangunahing wikang
napagkansunduang gamitin ay inilalapit o itinutulad sa pangalan ng bansa sa wikang umiiral dito.
Letrang P naman ang ginamit at hindi F sapagkat ito ay nakabatay pa rin sa Tagalog at walang
ibang dapat na ilapat dito kundi Wikang Pilipino.
Subalit mula naman sa nasaksihan sa Saligang Batas 1972 ang konsepto ng wikang
panlahat na Filipino gaya ng nasasaad sa artikulo XV, Seksyon 3 talata 2 ng nabanggit na
Saligang Batas “Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapa-
unlad at pormal na adaptasyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaaging “Filipino”
Mula sa mga dalubwikang ito ay nasundan pa nang nasundan ang pag-aaral at
pagrerebisa sa Wika Pilipino tulad ng:
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, 2001, inilunsad ang 2001 Revisyong
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” noong Agosto 17, 2001
Mula sa 20 titik ay nadagdagan ito ng 8, upang hindi maging limitado sa paggamit ng
wika lalo na sa paraang pasulat. At upang ang ating wika ay lalo pang yumabong.
Subalit may mga natagpuan pa ring mga kahinaan dito at muli na naming sinuri hanggang
sa naitalaga na ang opisyal at Pambansang Wika sa Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, ay
Filipino at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ang Ingles (1987)
At sa panukalang batas nga na ito, sinasabing Filipino ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas. Hanggang sa kasalukuyan ay mababatid pa rin ang pagyabong nito. Habang patuloy na
nabubuhay ang mga tao, patuloy ang pagsalin ng wika sa mga kasunod na henerasyon ay talaga
namang mayroon at mayroon pa ring pag-unlad ng wika na magaganap. At hanggang wala pang
ibang tinatalagang batas hinggil dito, tayo ay mananatili rito.
Likas na mahuhusay ang mga Pilipino kaya’t hindi malabo na tayo ay mas lalo pang
umangat sa iba’t ibang larangan bitbit ang ating pagka-Pilipino.
Mga Sanggunian:
https://www.coursehero.com/file/p6prvkdp/Sosyo-ekonomiko-Antas-ng-pamumuhay-ng-isang-
tao-o-ang-kanyang-estadong-sosyo/
https://www.facebook.com/photo?fbid=321682759187988&set=pcb.3216829791879

You might also like