You are on page 1of 7

The National Teachers College

Bilang isa sa pangangailangan ng kursong Filipino 2, Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik Taong 2011-2012

Ipinasa ni: Generose Beltran

Ipinasa kay: Mrs. Nerissa Montaner

A. Introduksyon Ang wikang Filipino bilang pangalawang wika Sa larangan ng pagtuturo. Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na Wika ng pilipinas- ang ingles ang isa sa ayon sa Saligang Batas ng 1987. Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwala ang mga makabayang dalubwika o linggwistiko na ang paggamit ng pambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at aghamin ang susi sa pagkakaisa at pag- unlad ng bansa. Maituturing na maunlad na nga ang isang wika kung ito ay nagagamit sa larangan ng agham at teknolohiya at nakakaagapay sa pag- unlad ng kabihasnan. Isa sa tinuturing na maunlad na wika sa kasalukuyan ay ang Ingles. Ang wikang ito ay ginagamit sa komunikasyong pandaigdig, kalakalan at sa iba't ibang larangan ng agham. Isa rin sa maituturing na maunlad na wika ay ang Niponggo. Bagaman hindi ito ginagamit sa pandaigdig na komunikasyon, ay ginagamit naman ito sa bansang Hapon sa kalakalan, industriya, pamahalaan at sa iba't ibang larangan ng agham. Kapansin-pansin na ang mga bansang may maunlad na wika ay mayroong ding maunlad na kabuhayan at sulong o advance na teknolohiya. Ang katotohanang ito marahil ang nag- uudyok sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution, mga akademiko ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang instutusyon na maisulong ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng edukasyon. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang Pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng Hegrapiko at political na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika sa isang bansa.

B. Kasaysayan ng Wika Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod: Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pangekonomiya ng Pilipinas. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunandalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino. Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages(pagbibigay-diin idinagdag). Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag). Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

C. Pagkilala sa mga Tagapagsalita Ang wikang Filipino sa Pamamahayag ni G. Anthony Taberna.

Si Anthony Taberna ay ipinanganak noong Enero 16, 1975. Sya isang Filipino mamamahayag at komentarista sa radyo. Si Taberna host sa telebisyon at radyo sa mga programang sumasakop sa mga balita at pampublikong affairs.Siya ay kasalukuyang nagho-host sa Umagang Kay Ganda (kung saan siya ay nagkamit ng katanyagan sa segment na "Punto por Punto") at ang XXX: Exklusibong, Exp losibong, Bilang isang DZMM na komentarista, Si Taberna ay isa sa mga nangunguna anchor para sa DOS Por dos, isang pang-araw-araw palabas sa umaga at hapon, kasama Gerry Baja. Siya din ay ang anchor ng Iba-Balita sa Studio 23. Si Taberna ay isang Mass Communication graduate ng New Era University. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang parttime na manunulat ng balita sa DZEC, na pinatatakbo sa pamamagitan ng Eagle Broadcasting Corporation. Noong 1997, inilipat sya sa DZMM, isang radio network na pag-aari ng abs-CBN, kung saan siya ay naging isang Radyo patrulya reporter. Noong Enero 2000, siya sumali sa "ItoAng Radyo patrolya" (lit. ito ay Radio patrolya). Pagkatapos ay inilipat sya Gising Pilipinas noong 2002, bago ibinigay sakanya ang kanyang sariling mga palabas, "DOS Por dos" , na pinapalabas tuwing umaga at hapon. Bilang isang host sa telebisyon, si Taberna ay tampok sa palabas tuwing umaga na Magandang Umaga, Pilipinas at sa dokumentaryo sa programa na Kalye: Mga KwentoNg Lansangan.

D. Buod Ayon sa mga tagapagsalita sa seminar noong Mrso.3,2012 ang Wika ay isang mahalagang aspeto ng baway kultura. Ito ay ang kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kanilang kinagagalawan. Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa. Sa ikapitong kabanata ng El Filibusterismo na akda ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal na "bawat bayan ay may sarili niyang wika, sarili niyang kaugalian at damdamin." Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan. Sa ating bansa, ang wikang pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1986 Konstitusyon. Ayon dito, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon. Nariyang nakisalamuha natin ang wikang Kastila, Ingles at Tsino. Maraming taon ang ating hinintay upang ganap nating makamit ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Bigyan din nating halaga ang mga taong nagbigay pugay upang makamit natin ang wikang pambansa na siyang tinatamasa natin ngayon. Ggaya na lang ni Rizal at higit kay Pangulong Manuel L. Quezon, na siya namang tinagurian nating Ama ng Wikang Pambansa. Siyay nagtagumpay sa pagsusumikap na magkaroon ang bansang ito ng sariling wikang pambansa ang Filipino. Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas. At sa kabila ng pagkakaroon ng wikang pambansa hindi natin maitatanggi na maraming wika ang ating bansa. Walo ang opisyal opisyan nating wika at umaabot sa 68 ang ibang wikang ginagamit ng maliliit na grupong etniko. Ang wikang kung tawagin ay bernakular na ginagamit upang lubos na maunawaan ang kaisipan at damdamin. Dito sa Visayas, mangilan-ngilan rin ang wikang bernakular na ginagamit sa pang-araw-araw tulad ng Hiligaynon kabilang na ang Ilonggo, Akeanon, Karay-a at iba pa. Nagpapatunay lamang ito na mayaman ang Pilipinas sa paggamit ng wika bagkus, nananaig pa rin ang wikang Filipino.

Ang patuloy na pag-aaral at pagkatuto ng wikang Ingles ay kailangan rin at mahalagang matutuhan. Sa kasulukuyan, ito ang wikang pandaigdig ng kalakalan. Kailangan nating makibagay sa pandaigdigang mundo ng panlipunan, pampulitika at pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles bilang kasangkapan. Sa kabila nito, nananaig pa rin ang wikang Filipino sa bawat puso ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng isang dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika." Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa. At bilang bayan, hindi tayo nagkakaroon ng higit na kamalayan kung walang wikang panlahat. Samakatuwid, ang wikang Filipino ang siyang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

E. Reaksyon Marami akong natutunan tungkol sa wika dahil sa seminar na ito. Ng dahil sa kanila mas nadagdagan pa aking kaalaman tungkol sa wika. Ating pahalagahan ang ating wikang pambansa sapagkat ito ang nagging dahilan kung bakit tayo nagkabuklod buklod at kung bakit nagkakaunawaan tayong mga Pilipino. Natutunan ko rin na mahalaga ang wikang Filipino dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Napakalaki ng naitulong ng ating mga speaker sa mga guro lalo na sa aming mga estudyanteng dumalo. Mas lalong naging maliwanag sa atin ang kahalagahan ng wikang Filipino. Alam kong hindi madali ang kanilang mga pinagdaanan bago nila maabot kung nasan man sila ngayon.

Buod Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1]Mahalaga ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa.

You might also like