You are on page 1of 26

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA, WIKA NG BAYAN AT WIKA NG PANANALIKSIK NA

NAKAUGAT SA PANGANGAILANGAN NG SAMBAYANAN

Layunin:

a. Maipaliwanag ang ugnayan na mga function ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa,
wika ng bayan at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan

b. Makapagsaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal, wikang nasyonal
gamit ang mga tradisyunal na pamamaraan

c. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba't ibang

larang

A. Panimula

Ang daigdig ay multilinggwal na. Ayon kay Pei, (2001) mayroong mahigit sa 2,796 ang mga
pangunahing wika sa daigdig, hindi pa kasama ang iba't ibang dayalekto o subdayalekto ng
mga pangunahing wika. Sa pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig, natatangi ang bansang
Pilipinas ayon kay Lachica (2003), dahil sa pagiging multilingguwal nitong bansa. Dagdag pa
niya, hindi malaking kakulangan kung hindi isang pambansang kayamanan ang lokal na wika
para sa intensidad at para magsilbing pangunahing midyum ng panimulang pagkatuto,
gayundin ang wikang Filipino sa pambansang pagkakaunawaan.

Ang wikang Filipino sa ngayon ay hindi lamang purong tagalog, may mga lahok na ito buhat sa
iba’t ibang wika, diyalekto at katutubong wika ng Pilipinas kaya patuloy itong umuusbong at mas
nadaragdagan. Sa patuloy na pagsabog ng sibilisasyon, sa panahon ng teknolohiya, ang mga
ibinungang imbensyong likha ng pangyayari at karunungan ay lumitaw bilang karagdagang
salita sa ating wika. Global na wika ang Filipino Ginagamit ito saan mang kasuluk-sulukan ng
mundo hangga’t may kababayan tayo. Ayon sa pananaliksik ni Victoria (2016), mahigit
apatnaung paaralan sa iba’t ibang panig ng daigdig na itinuturo ang Filipino. Patunay lamang
ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng wikang Filipino bilang wikang sinasalita sa ibang panig
ng mundo.
Sa tulong nang pagkakaroon ng sariling wika malayang naipapahayag ng tao ang kanilang
iniisip at nadarama. Totoong napakahalaga ng wika. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng
pagkakaunawaan at pag-isang damdamin tungo sa pambansang kaunlaran (Ventura, 2005).

Ayon kay Sapir, isang dalubhasa sa wika, ito ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Kung hindi maipahahayag ng tao ang
kanyang mga ideya at saloobin, anong uri kaya ng lipunan tayo mayroon?

Kayat may malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa lipunan. Sa
pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napauunlad ng tao ang
kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ibang tao. Dahil sa
wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa sa bisang dala ng
pagbabago sa kultura at kabihasnan. Samakatuwid, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika
ay isang instrumento sa pag-unlad.
Kaugnay nito, ang mga saligang batas na pinagtibay ng ating pamahalaan ay pawang
nagtatadhana nang paglinang at pagpapahalaga sa isang wikang pambansa upang sa gayon
ito ay patuloy na maging intelektwalisado, modernisado, at istandardisado.

B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ay malinaw na nakasaad sa Saligang Batas 1987
ng Bagong Konstitusyon ng Pilipinas na matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 6 at Seksyon 7,
Kung saan:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa
mga tadhanang batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal ng komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang edukasyon.

Nakasaad naman sa Sekyson 7 na ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang


mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas.

Ayon kina Baaco, et. Al., (2013), ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay-daan sa
pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa
isang bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging isang malaking daan ng komunikasyon
upang mapalago at mapagbuti ang takbo ng politikal, sosyolohikal, ekonomikal, at higit sa lahat
mapagyaman ang estado ng edukasyon ng isang bansa,

Ginagamit ang wika bilang instrumento sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao sa lipunan. Ito
rin ang ginagamit sa pagtuturo upang matuto ang mga mag-aaral na maituturing na isa sa
mahalagang salik ng isang matagumpay na pagkatuto. Hindi magiging matagumpay ang
alinmang klase ng edukasyon kung hindi tayo nagkakaintindihan at kung hindi tayo gagamit ng
iisa at sarili nating wika. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga edukasyon, mas magiging
madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makilahok sa
pakikipagtalastasan at mga talakayan sa loob ng ating silid-aralan.

Mahalagang maintindihan muna ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa, kung paano ito
nagsimula bilang Tagalog, naging Pilipino, al ngayon nga ay Filipino. Hanggang sa
kasalukuyang panahon, ang Filipino ang wikang pambansa na ginagamit ng Pilipinas sa kabila
ng napakaraming katanungan ukol sa pagpili dito. Naging batayan ng mga mambabatas ay ang
mga sumusunod: 1.) Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang
pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas, Padadaliin at pagbubutihin nito ang
komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.

Ang kahalagahan ng wika ay hindi lamang sa buhay ng isang tao bagkus para sa buong
sangkatauhan. Sa pagpapahalagang ito hindi dapat manatili sa pagiging katutubo ang ating
wika, dapat magkaroon ng pag- aaral ukol sa wika hindi lamang sa ating sariling wika gayundin
sa pag- aaral sa iba pang wika. Sa pamamagitan ng pag-aaral ay matatanto at matutugunan
ang mga kakulangan ng isang wika tungo sa paglinang at pag-unlad. Bunsod nito, hayag sa
Artikulo XIV, seksyo 9 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na:

Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang relihiyon at mga disiplinang magsasagawa, mag-uugnay, at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.

Ayon kay Salzmann (1993), ang wikang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Noong 1762,
ipinakilala ng mga mananakop na Briton ang wikang Ingles sa mga Pilipino. Gayunpaman, ang
wikang Ingles ay nabigyang saysay lamang ng mga Pilipino sa pagitan ng taong 1898 at 1946,
mga taon kung kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Mula
noon, ang wikang Ingles ang naging opisyal na wika ng Pilipinas. Noong Ika-14 ng Hulyo taong
1336, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang basehan ng pambansang wika
sa Pilipinas.
C. Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Wika ang pinakamahalagang biyaya ng Pangioon sa tao. Ito ang ginagamit niya sa kanyang
pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikisalamuha ng tao
sa kanyang kapwa at kapaligiran. Ayon kay Gleason (1988), ang wika ay isang masistemang
balangkas ng mga sinasalitang tunong na pinili at isinaayos sa masistemang paraang
arbitraryo upang magamit ng taong kabilang sa isang kultura.

Paano kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan? Ayon kay
Rizal, "ang wika ang siyang kaisipan at damdamin ng sambayanan". Mahalaga ang wika sa atin
bilang isang lipunan. Mula sa lipunang may kultura at pagkakakilanlan, ito ang instrumento ng
sosyalisasyon at integrasyon na humuhubog sa isipan at damdamin ng tao.

Bakit patuloy na nahahadlangan ang wikang Pilipino bilang wikang panturo? Sa artikulong "Ang
Pulitika ng Wikang Panturo ni Cruz ay mababanaag ang kasaysayan ng wikang Pilipino. Mula
pa ito noong nagka-anyo sa pamamagitan ng mga batas pangwika na siyang nagpapalakas
upang gamitin ito bilang wikang pambansa at wikang opisyal, maging wikang panturo at bilang
asignatura. Inulan ng ilang pagbatikos ang wikang ginamit sa pagtuturo. Mangyaring ito'y
napulitika sapagkat ang mga naghaharing uri sa malakolonyal na lipunan ang siyang
nagtatakda ng pamantayan sa paggamit ng wikang panturo. Sa unang pinaksa ng may-akda,
teorya ng wika at edukasyon, sa unang talata nabanggit niya ang pahayag na "hindi isang
sistema ng palatandaan o isang neutral na daluyan ng isipan at damdamin ang wika". Sa
pahayag na ito malakas ang kanyang pagsuporta dahil sa pagbanggit niya na "ito ay wikang
likha ng lipunan. Ang wikang likha ng lipunan ay wikang saksi ng panlipunang pagkilos.
Maaaring napulitika ang panturo sa panahong sinasakop tayo ng mga Amerikano. Ayon kay
Lumbera (2000). may mahigit na apatnapung taon at kinontrol sa mahigit na siyamnapung taon
ang usapin sa wika ay usaping pulitikal. Dagdag pa niya, dapat na magkaroon ng pagsusuri sa
konteksto ng kolonyal na pananakop ng mga Amerikano, na gumamit sa wikang panturo bilang
kasangkapan sa pagpapasuko sa pinunong hinubog ang mga pagpapahalaga ng edukasyong
itinatag ng mga kolonyalista, sa mga kabataang pinatahimik at inakit na pumailalim sa kultura
ng mga mananakop. Sa isang lipunang tulad natin na may naghaharing-uri, ang wikang
panturo ay hindi lamang isang isyung pedagohikal kundi isang isyung pulitikal. Isang isyung
pulitikal sapagkat may sariling wika ang mga naghaharing-uri at may wika rin ang masang
Pilipino. Ibig sabihin, malaki ang tungkulin ng wika para madominahan ang mga manggagawa
sa lipunang pyudal. Sa paghihimay ni Cruz sa kanyang artikulo, nagawa niyang ilatag ang
kasaysayan ng patakarang pangwika sa edukasyon. Sa panahon ng pangongolonya ng
imperyalismong Estados Unidos, dito lumabas ang usapin ng wikang Pilipino bilang asignatura
at bilang wikang panturo. Sa mga usaping pangwika, ang isyu ng wikang panturo ang higit na
pinag-uusapan. Hindi na lamang iilan ang nagsasabi na higit na mabisa ang pagtuturo sa
katutubong wika, at pagkatuto gamit ang unang wika. Sa panahong nasa ilalim tayo ng
kapangyarihan ng Amerika, sa una'y pinagamit ang wikang bernakular sa pag-aakalang
magiging mas madali nilang ipasok ang kulturang magpapatibay sa kapanyarihan nila. Kung
dati, problema ng mga kolonyalistang Kastila ang 'di pagpagamit sa kanilang wika sa mga
Pilipino, ngayon wika ng kolonyalista ang ipapagamit at hindi nagtagal, ipinagbilin ng pangulong
McKinley sa pamunuan ni Taft na ipagamit ang wikang Ingles bilang tanging wikang panturo
mula primarya hanggang tersarya sa publikong paaralan. Ang hakbang na ito ay ebidensiya sa
kanilang hangaring hubugin ang mamamayang Pilipino sa malakolonyang kaisipan at ang
ideolohiyang imperyalismo. Ang hakbang na ito ay isang pagpapakita ng pagsupil sa mga mag-
aaral na gamitin ang sariling wika, ang wika ng bayan. Wikang magpapalaya sa kanila sa
pagkakabihag sa imperyalismong kaisipan.

Isang nagpalakas sa artikulong ito ang paglatag sa sinapit ng mga aktibistang mag-aaral sa
Unibersidad ng Pilipinas sa paggamit ng wika ng masa sa gawaing pulitisasyon. Dahil dito
naitatag ang Departamento ng Pilipino at Panitikan sa Kolehiyo ng Agham at Sining. Bilang
tugon sa kahingian ng mga mag-aaral, nagpasyang gamitin ang Pilipino bilang wikang panturo
sa kanilang mga asignatura. Ang kanilang tagumpay ang naging batayan ng patakarang
pinagtibay ng kaguruan ng kolehiyo ng sinundang taon na nagpapahintulot sa paggamit ng
Pilipino bilang wikang panturo sa alinmang kurso sa kolehiyo. Dito nagkaroon ng pantay na
pagtingin sa wikang Pilipino at Ingles. Malakas ang hatak ng naumpisahang pagbabagong
reporma na isinagawa ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa paggamit ng Filipino
bilang wikang panturo sapagkat ang pambansang Lupon ng Pambansang Edukasyon ay
gumawa ng resolusyong nagpapatibay sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa una
hanggang ikaapat na baitang ng mababang paaralan sa buong kapuluan. Ang malungkot, may
batas nga wala namang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng naturang batas pangwika.
Usapin din dito ang panustos sa mga guro at kagamitang panturo. May sumunod na hakbang
para sa pagpapa-igting ng Pilipino bilang wikang panturo, ang Patakarang Edukasyong
Bilinggwal.

Malungkot isipin na hindi ganap na naipatupad ang patakarang ito. Isang pagniningas-kugon ng
gobyreno ang gawaing ito tungkol sa wika. Kulang ang suporta ng naghaharing-uri o ang mga
nasa poder ng gobyerno upang mapalaganap nang mahigpit ang pagpapatupad ng naturang
batas pangwika. Nailahad din sa papel na ito ang malawakang pagtutol ng mga edukador sa
pampubliko at pribadong sektor sa pagpapanumbalik sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas. Marahil ito ang mga taong hinubog ng imperyalismong kaisipan.
Dahil ang paaralan ay isang institusyong instrumento sa pagpapatupad ng kulturang
malakolonyal at ang lehitimong sistemang sosyo-ekonomiko. Maraming mga gawain at hakbang
ang inilunsad at isinagawa ng pamahalaang Amerikano sa kagustuhang maihayag ang
kahinaan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Pilipino na wikang panturo. Nariyan ang kabi-
kabilang resulta ng pananaliksik na nagpapatunay ang walang kwentang paggamit ng Filipino
sa pagtuturo. Ngunit masasabi ba natin na ang paghina ng mga mag-aaral ay dahil sa wikang
ginamit sa pagtuturo? Maaaring may mga iba pang salik ito.

Isang kahinaan ng papel na ito ang usaping ito sapagkat hindi naglatag ng kadahilanan kung
bakit hanggang doon na lamang ang pagtalakay gayong isang malaking hakbang ito sa
malaking pagbabago sa hanay ng wikang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralan. Hindi kaya
isa lamang sa pagpapaasa ng mga naghaharing-uri upang lituhin ang sambayanan? Kunwari’y
gagawa sila ng mga hakbang tungo sa usaping wikang panturo ngunit sa kalauna’y mananatili
din sa kanila ang pagpapasya kung ito ay susuportahan o hindi. Dahil ang mga naghaharing-uri
ay nasa itaas ng tatsulok, magagawa nila ang kanilang kagustuhan upang makamit nila ang
kanilang hangarin. Mananatili paring isang malaking isyu ang wikang panturo sa mga paaralan
sa lahat ng antas Hanggat walang suporta na manggagaling sa mga naghaharing-un mananatili
pa rin isang isyung pulitikal ito.

Nakatutuwang isipin na sa pagpapatuloy ng paghahanay ng may- akda sa kanyang talakay,


hindi rin naging matagumpay ang inaaakala m la ng naghaharing-uri nang ipagamit ang Ingles
bilang tanging wikang panturo. Hindi kaya ang dahilan nang lahat ng ito ang maling edukasyon
miseducation?

Isa pang naging kalakasan ng artikulong kaugnay ng pulitika ng wikang panturo ay ang
pagtalakay ni Cruz sa dahilan ng pagbababa di- umano ng kalidad ng mga mag-aaral na bunga
ng paggamit ng wikang Ingles bilang tanging wikang panturo sa lahat ng antas. Ang pagbaba sa
kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Ingles ay isinisi sa mga gurong
mahuhusay sa wikang ito na naghanap ng mas malaking pasahod at ang mga naiwan ay mga
di-gaanong mahusay. Isa pa di- umano'y dahilan ng paghina ng kasanayan ng mga mag-aaral
sa paggamit ng wikang Ingles ay ang patakarang bilinggwal na binigyan nang ibayong diin sa
pagpapayaman at paggamit sa wikang Filipino noong panahong ipinatupad. Nakaramdam ng
pagkalungkot ang mga ilang tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa paraan ng implementasyon
ng batas pangwika na ito sapagkat dama nila ang kawalan ng suporta sa mga taong dapat
magpatupad.

Sa isang banda, nailatag din ni Cruz ang tunay na dahilan ng pagkasapol ng wikang Ingles na
noon pa man isang malaking isyu kung anong gagamiting wikang panturo sa kapuluan. Ang
resulta sa ginawang sarbey ng Monroe Survey Commission tungkol sa wikang panturo ay
lumabas na dahilan ng di pagkakatuto nang mahusay ng mga mag-aaral ay ang pagpilit ng
wikang banyaga para sa mag-aaral. Sa pagkakataong ito papasok ang usapin ng paggamit ng
wikang bernakular. Maraming pag- aaral ang nagsasabi na mas natututo ang bata kung ang
wikang gagamitin sa pagtuturo at pagkatuto ng bata ay ang kanyang unang wika o mother
tounge. Ayon sa UNESCO (2003), ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika
bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral
nilang hindi natutuhan nang lubos ang unang wika. Sinusugan din ito ni Lundberg (2000), sa
pagbanggit nina Scott, et. Al. (2009), na maraming mga pananaliksik ang nagpatunay ng
positibong ugnayan ng unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika (Nuncio, E.M. et. Al.,
2014). Ano ang aasahan mo kung simula pa lamang, ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay ‘di
lubos nauunawaan ng mag-aaral? Anong klaseng mamamayan ang mapoprodyus kung isisiksik
ang banyagang ideolohiya? Magiging isa siyang bihag sa kanyang sariling bayan. Ni hindi na
niya makikila ang kanyang sariling identidad, mananatili pa siyang maging puppet ng mga
naghaharing-uri. Pinapasunod at patuloy na pagsasamantalahan ang kanyang kahinaan.
Sa pagkakataong ito, tutukuyin ko kung bakit patuloy ang paghadlang na gawing wikang
panturo ang wikang Filipino mula sa artikulo ni Patricia Melendez Cruz. Una, malaking dahilan
ang pananatili ng mga naghaharing-uri at nahubog sa ideolohiyang kanluranin sa hanay ng mga
tagapagpatupad ng batas; Pangalawa, ang kawalan ng suporta sa gobyerno sa pagpapatupad
sa mga batas pangwika na mag-uutos na gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas. Pangatlo, ang kakarampot na pondong inilalaan ng gobyerno sa ahensyang
naatasang at gumawa ng mga pananaliksik tungkol sa gagamiting wikang panturo; pang-apat,
ang bulok na sistema ng edukasyon na nakabatay sa imperyalismong kaisipan, ang mga di-
mapaghusay na pagpaplanong pangwika ng mga nasa akademya, at mga patakarang
pangwika na hindi maayos ang implementasyon. Ipinagsawalambahala ang masama nitong
bisang pedagohikal, sikolohikal, at pulitikal.

Kongklusyon

Bilang kaisa sa adhika ng mga nagsusulong na gawing wikang panturo ang wikang Filipino,
malakas ang aking paninindigang gawing wikang panturo ang wikang Filipino sa lahat ng antas
ng paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo. Kasama ang paggamit ng mga rehiyunal na
wika. Sa kabila ng ating pagiging multilinggwal, magiging madali pa rin ang pag-unawa gayong
ang wikang Filipino ay pinaniniwalang pinagyaman ng mga iba’t ibang pangunahing wika sa
Pilipinas at nag-ugat sa iisang wikang Malayo Polenesyo. Inaasam ko na sana ay magkaroon
tayo ng isang pangulo na may malasakit at handang pangatawanan ang responsibilidad sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap sa wika bilang identidad ng mga Pilipino na may sariling
kultura at diwang maka-Pilipino. Ayon kay Lumbera (2000) "ang usapin sa wika ay usapin ng
pagpapalaya".

D. Ang Ugnayan ng Kasaysayan at Kultura

Hindi maitatanggi ang maigting na relasyon ng kasaysayan at kultura sa pag-ako ng identidad


ng mga mamamayan dahil sumasaklaw ang kultura sa kabuuang kasaysayan ng tao kung
paano niya binuo at İsinabuhay ang iba't ibang elemento tulad ng karunungan,
pananampalataya, sining, batas, ugali, kagandahang asal at iba pa. Ayon kay Palma (2015),
maliwanag ang landas na tinatahak sa pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang
dahilan ay sapagkat mayroong malaking paniniwala ngayon na upang umunlad ang kultura ng
isang malayang bansa, kailangang taluntunin ang kaniyang nakalipas na ugat ng kaniyang
nasyonalismo. Ang tinutukoy dito ay ang paniniwala sa pangangailangan ng kasaysayan at ng
mga Pilipinong taga-sulat nito, na maaaring gawing buhay ang Kasaysayan ng Pilipinas para sa
mga Pilipino

Sa talumpati ni Lumbera (1993), makapangyarihan ang puwersa ng nasyonalismo.


Nakapagbubunsod ito ng malalaking pagbabago sa buhay ng isang indibidwal at sa kalagayan
na rin ng bayan. Nasa Ikatlong Daigdig tayo, ang daigdig ng mga bansang ginagap ng mga
kolonyalista, na bagamat sinasabing malaya na ay nabubuway pa rin ang kabuhayan. At sa
kanilang mga plano at panukala, minamadali na tayo ng ating mga lider na inip na inip ng
maisampa ang bayan sa ganap na kaunlaran. Subalit kung walang matibay na puwersang
magbibigkis sa mga mamamayan, hindi sasapat ang matatayog na gusali at walang -duluhang
expressway at mga mall na nagsisikip sa mga mamimili at mga bilihin, upang maitatag ang
bansa. Ang kailangan ay pananalig na aakay sa tao upang sumugod siya sa walang-katiyakang
hinaharap at magtayo roon ng isang bayang masagana at malaya. Tanging nasyonalismo
lamang ang may ganyang bisa- hinuhugisan nito ang ating mga pangarap at pinalalaya ang
lahat ng ating lakas hanggang matupad ang lahat ng ating pangarap (Lumbera 2000).
Mahalaga ang karanasan ng tao dahil pinatatatag nito ang kaniyang buhay bilang mamamayan
ng isang lipunan. Ang kaniyang mga karanasan ay nagsisilbing bahagi ng kanyang kasaysayan.
Naitatala at natutuhan ng tao mula sa karanasan at nagdaang panahon na ang kultura at
kasaysayan ay nababalot ng mga kaganapang maaaring ipinalalagay na katotohanan sa
kasalukuyan ngunit maituturing na mito o alamat sa hinaharap. Sa kawalan ng sapat na
batayan at saligan, ang liko ay napagkakamalang tuwid at ang madilim na bahagi ng nakaraan
ay nasisilayan ng liwanag. Sa ganito ring kadahilanan ay nagagawang maiangat sa kapurihan,
ang mga nakaraang masasamang kaganapan maging ang mga naisakatuparang
kapangyarihan. Ito ang malinaw na trahedya ng kasaysayan.

E. Ang Relasyon ng Wika, Kultura, at Identidad

Tunay ngang lahat ng tao’y may pook pangkalinangang kinabibilangan subalit ayon kay
Guillermo na nabanggit sa pag-aaral ni Kimuell-Gabriel (2014), kailangan ding isaisip na ang
kabuuang kalinangang ito ay hindi isang kabuuang-walang-lamat kundi kabuuang- may-
hidwaan. Ibig niyang sabihin, ang kultura’y larangan din ng tunggalian ng mga uri. Ang kultura
ng bawat tao ay may tatak ng uring kinabibilangan niya at nakaiimpluwensiya sa kanyang pag-
iisip at ikinikilos.

Sa paglilinaw nina Amtalao at Lartec (2015), sa pag-aaral ng kalinangan ng bawat pook, hindi
maihihiwalay ang pag-aaral sa kultura at identidad. Binigyang kahulugan nila ang kultura bilang
masalimuot na proseso na binubuo ng iba’t ibang elemento tulad ng karunungan,
pananampalataya, sining, batas, ugali, kagandahang- asal at iba pa na maaaring matutuhan at
taglayin ng tao bilang kasapi sa isang lipunan. Ito rin ay kinapapalooban ng mga simbolikong
materyal, sining, akda, tradisyon, pagpapahalaga at paniniwala ng isang komunidad o pangkat.
Sumasaklaw rin ito sa mga awtentikong pamamaraan ng pamumuhay, gawi at pilosopiya sa
mga makataotohanang karanasan ng mga tao at paglalahad ng iba’t ibang anyo sa tulong ng
natatanging porma ng pamamahayag.

Malaki ang kaugnayan at kinalaman ng wika sa pagpapakilala at pagpapakaluhugan ng isang


kultura na nagpapakilanlan sa identidad ng isang pook o lugar. May natatanging katangian ang
wika upang maitanghal ang isang natatanging kultura at identidad ng isang bayan. May
kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan (de Quiros,1996). Ang wika ay hindi
lamang isang paraan ng komunikasyon; ito ay isa ring paraan upang makapaghari. Hindi
lamang ito susi sa impormasyon; susi rin ito sa kapangyarihan. Ang wika ay makapangyarihan
sapagkat ito ay kaluluwa ng bayan. Wika ang tagapamansag ng kultura. Ito ang
tagapamahayag ng mithiin, pangarap, at adhikain ng mamamayan. Ang pagkakaroon ng isang
pambansang wika ay magbibigkis sa mga mamamayang may iba't bang kultura, iba't ibang
wika, at katayuan sa buhay.Bagamat makapangyarihan ang wika, nakasalalay rin sa tao ang
kapalaran nito, sapagkat ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis
ng sisidlan (San Juan, 2012).Ginagamit rin ang wika upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan ng mga taong naninirahan sa isang pamayanan. Sa pamamagitan. ng pagsasalita at
pagsulat, naipapaabot nila ang kanilang kaisipan at damdamin. Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng
isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga
kaanib ng isang pulutong ng mga tao.Bawat pangkat o pulutong ng mga taong naninirahan sa
isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na
kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
nananahanan sa isang pamayanan. Ayon kay Santiago (1979), ang kultura ay ang
pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang
pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay
na nag-ugnay sa tao at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng
kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Sumasaklaw ang pag-aaral ng
kultura sa kabuoang na proseso na binubuo ng iba't ibang elemento tulad ng karunungan,
pananampalataya, sining, batas, ugali, kagandahang asal, at iba pa na maaaring matutuhan ng
tao bilang kasapi sa isang lipunan gayundin bilang sistema ng mga simbolo na ipinapaliwanag
ng wika. Ayon kay Rubrico (2009), may dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-
materyal na kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at
nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at
pagkain. Samantala, ayon naman kay Delmirin (2012), ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan,
musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan, at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-
materyal na kultura.Binigyan diin nina Amtalao at Lartec (2015), ang maigting na relasyon ng
wika at kultura sa pagpapayaman ng identidad ng isang indibidwal. Ayon sa kanila, walang
ihahayag ang wika kung walang kultura at walang ihahayag ang kultura kung walang wika.
Pinatutunayan nito na ang mga salitang inihahayag sa pamamagitan ng wika ay kaputol ng mga
pagpapahalaga, paniniwala, at mga tradisyon ng nagkakaisang nilalang na binubuklod ng
kultura. Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura.
Ito rin ang nag- uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito, ang kultura ay
maiintindihan at mapahalagahan maging sa mga taong hindi nakapaloob sa tinutukoy na
kultura. Walang kulturang hindi dala ng isang wika sapagkat ito ay tumatayong sandigan at
kaluluwa ng kultura na siya ring nagdadala at nagbibigay-diwa sa kultura ng isang lipunang
binubuo ng mga taong may pareho-parehong pamumuhay at interes. Sang-ayon din ito sa
pahayag ng mga antroplogo, ang kultura ay kinapapalooban ng mga simbolo tulad ng wika at
kailangan intindihin ang kahulugan ng kultural nito upang maging ganap ang pag-unawa sa mga
lingguwistikong elemento nito (Yuequin, 2013) tulad ng mga pagdiriwang, pagtatanghal, sayaw
at pista ay magkaiba ayon sa mga programang isinasagawa. Sa panahong ito, nagsalimbayan
ang iba't ibang salik ng pagbabago iba't ibang uri ng tao na kumakatawan sa iba't ibang ideya at
panlipunang gawi, kalinangang materyal at di-materyal na hinuhubog sa pagdaan ng panahon,
mga serye ng pangyayari at mga hugpungan ng pangyayari. Ayon kay Boquirren (2003),
mahalagang isaisip ang ilang paglilinaw ni Dr. Zues Salazar na nasabing na ... walang
indibidwal na taong walang kunektadong pangkultural.

F. Ang Lipunan at Kultura

Ang kultura ang ay salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa
globalisasyon. Kung babalikan ang ating mga nakagawiang kultura mababatid na ito ay punong-
puno ng yaman. Nakapaloob sa yaman ng kulturang Pilipino ay ang mga tradisyon paniniwala
na nagpasalin salin sa iba’t ibang henerasyon magmula sa ating mga ninuno hanggang sa
kasulukuyang lahi sa ating modernong panahon. Nakakatuwang sariwain ang mga kulturang
dati’y mayayaman at makabuluhan ngunit sa kasalukuyan ay tila mabilis na nagbihis ang
panahon. Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong dulog at napalitan ang dating
nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan, pagkain, inumin at
gadgets.

Pagdating sa musika kung dati’y nahihilig ang mga Pilipino sa mga awiting-bayan gaya ng
kundiman nabago na rin ito sa kasalukayan sapagkat kinagigiliwan na ng mga Pilipino ang mga
makabagong awitin tulad ng jazz, k-pop, rap, regae at marami pang iba, isama pa rin ang mga
musikang Koreano, Amerikano, Tsino Afrikano at makabong musikang Pilipino.

Hindi rin mapapasubalian ang pagbabago sa panlasa ng mga Pilipino. Marami sa atin ang
nahihilig sa mga pagkain ng dayuhan gaya ng hotdog, pizza, milk tea, hamburger, french fries,
chocolate milk tea, at iba pa. Marahil, epekto ng mga nagsulputang “foreign restaurants” sa
ating bansa dahil dito, naisasantabi na ang mga pagkaing Pinoy.

Patunay lamang ang mga kadahilanang nabanggit na may malaking epekto ang globalisasyon.

May malaking pagbabago at epekto sa wika ang pagbabago ng kultura. Sa kasalukyan,


napakaraming bagong wika/salita na tila kabuteng nagsulputan sa bagong henerasyon. Ayon
nga sa mga pag-aaral, ang wika ay daynamiko/ nagbabago. Sa pagdaan ng mga panahon kung
ano ang uso sumusunod din sa paggamit ng wika. Nariyan ang jejemon, bekimon at iba pang
balbal na salita na naiimbento sa kasalukuyan.

Sa isang pag-aaral ni Taylor (1990), na ama ng antropolohiya winika niya na;

“ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito
ang kaalaman, paniniwala, sining, valyu, at kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.
Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon sa paniniwala ng iba, sa halip ito ay naglalaman
ng mga valyus at alituntunin sa lugar at tinitirhan, ng ating mga ideya na mabubuti o masasama,
ng ating wika lalo na, ang relihiyon at iba pa. Sa madaling salita, ang kultura ay kabuuang
natutuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa wika, paniniwala,
tradisyon o kaugalian, sining, kasuotan, pagkain at relihiyon.”

Samakatuwid, malaki ang ang impluwensiya ng kultura sa pag- aaral ng akdang pampanitikan.
Karamihan sa mga akdang nalimbag ay representasyon ng kultura ng grupo o lahi sa mundo.
Kung bukal ang pag-aaral natin sa kultura, tiyak na mas maiintindihan natin ang isang akdang
ating sinusuri. Kinakailangan ang pang-unawang pangkultural upang lalong maitampok ang
layunin ng mga awtor sa kanilang mga akda.

Ayon kay Bakhtin, itinampok niya ang karnabal bilang isang pagtatanghal kung saan
nakapaloob ang iba’t ibang uri ng kultura. Ito ay isang daigidig na pinagbabali-baligtad subalit
punong-puno ng sigla, buhay, kabastusan na kung saan lahat ay nagkakahalu-halo, at paulit-ulit
na pinupukol ng putik, pinarurumi, at binabato, at lahat ng batas ay nilalabag. Aniya, ang
karnabal ay hindi lamang tumutukoy sa isang ritwal, sa isang pestibal na ginaganap noon sa
Europa bagkos saklaw nito ang perya, popular na piyesta, prusisyon, mga kasayahang
pampubliko na nagtatanghal ng mga awitan, sayawan, balatkayo, maskara, mga panoorin na
nagtatanghal ng sirko na binubuo ng mga acrobat, at mga taong may kapansanan. Kasama na
rin dito ang pagmumura, pagpapatawa, panloloko, biruan, at lahat ng mga marurumi at
mababang uri ng pagpapatawa ng mga karaniwang tao.

Ang mga ganitong eksena sa karnabal ay mahalaga sa mga awtor kung saan dito sila
pumupulot at naghahango ng mga kwento na nagiging paksa sa kanilang mga akda. Sa gayon,
binibigyan ng buhay ng mga nagtatanghal ang isang akdang sa pamamagitan ng kulturang
pagtatanghal na ang kwento ng pagtatanghal ay kultura ng isang lipi, isang bansa o nasyon.

G. Ang Wika at Musika

Hindi na mabilang ang dami ng sanaysay at kritikong papel hinggil sa konteksto ng


pagkahumaling at pagtanggap ng mga Pilipino sa awiting novelty. Isang uri ng kultura na
niyayakap ng mga Pilipino bunsod ng kasikatan bunga nang malawakang pagtangkilik at
adbertismo. Maliit ang tyansa ng mga awiting may malalim na kahulugan sa pansala ng mga
Pilipino dahil ang mga awiting ini-ere sa mga istasyon ng radyo at tumatagos maging sa
telebisyon, pelikula, at adbertisment ay awiting may kakaibang tunog o liriko na may kabastusan
o may “double meaning” upang makapagbigay lamang saya sa mga taga-konsumo. Ito ang
awiting novelty.

Malaki ang partisipasyon ng musika sa buhay ng mga Pilipino. Dahil sa musika, lumalalim ang
kanilang pagkakaibigan. Sa sama-sama nilang pag-awit mga awitin na bahagi ng kanilang
komunidad, at panahon, ay nagbubuklod sa kanilang samahan. Sa ganitong mga umpukan ng
tao, ang novelty song ang nagsisilbing tagapaghatid ng kasihayan dahil sa taglay nitong
nakatutuwang liriko at kakaibang tono. Dagdag pa rito, madaling tandaan o awitin ang mga linya
ng isang novelty song kung kaya’t nagiging popular ito sa masa.

Taglay ng isang popular at novelty song ang katangian ng isang produkto. Produkto na
nakapagbibigay aliw o saya sa mga taga-konsumo. Ayon kay Enrico Torralba, sa kanyang
artikulo, nagiging anestisya sa krisis ang kulturang popular. Sa diwang ito, ang novelty song
bilang isang kulturang popular ay nagagamit ng ating mga kababayan upang magsaya o
maglibang nang panandalian ngunit sa likod nito ay ang pagtakip o pagtakas sa sitwasyon ng
tunay na buhay. Kung binago man ng novelty song ang panlasa ng Pilipino sa pagtangkilik ng
musika, masasabi kong bunga ito cultural industry sa ating bansa. Dahil sa positibong hatid
cultural industry sa mga kapitalista, naging isang produkto ang musika na pinaghugutan ng
kasikatan at kita. Sa ganang ito, gamitin na lamang ang pagbabagong hatid ng bagong sistema
bilang sangkap ng pagkakaisa ng mga Pilipino dahil ang popular na awitin at novelty song ang
sumasalamin rin naman ng kulturang Pilipino. Higit sa lahat, musika pa rin naman ito ng liping
Pilipino na maaaring ipamahagi hindi lamang sa buong kapuluan maging sa buong mundo. ng
Napakayaman ng ating tradisyon sa musika at hanggang sa kasalukuyan ay umiinog pa ito
upang magkaroon ng repleksyon sa patuloy na nagbabagong hilagyo ng mamamayan, lipunan,
at kultura (Carandang; 2006). Anuman ang pinagdaanan ng musikang Pilipino mula sa
impluwensiya ng Kastila, Amerikano, at Hapon, napanatili nito ang katangian na maging
tagapagpahayag ng diwa, kaakuhan, at damdamin ng mga mamamayan at ng bayan. Sa
ngayon, naririnig pa rin ang ilan sa mga awiting bayan may temang panlipunan at
pagkamakabayan. Ang Masdan Mo Ang Kapaligiran ay isa sa mga awiting bayan na sumikat
noong Dekada 70. Musikang inawit ng grupong Asin, mula sa kalakhang Maynila na karamihan
sa kanilang awitin ay may temang "folk rock". Masasabi kong ang musikang ito ay isang uri ng
awiting tinatagos ang mundo ng milenyo. Patunay ang mga mapapanood na video sa youtube
channel ginamit ang musika bilang instrumental na sining sa pagbuo dokumentaryo hinggil sa
kapaligiran. Personal na karanasan ko bilang guro, namalas na palagian itong ginagamit ng
mga mag-aaral sa kanilang mga pagtatanghal lalo't tungkol sa pagsira at pagprotekta sa
kalikasan ang palabas. Inawit na rin ito ng mga baguhang mang-aawit tulad nina Sarah
Geronimo at Lyca Gairanod. Nagkaroon na rin ng bersiyong reggae ngunit hindi tumaliwas sa
tema at liriko. Patunay ang datos na makikita sa opisyal na website ng grupong Asin na ang
awitin ay tinatangkilik ng mga tagapakinig at mang-aawit sa ngayon. Maaaring inawit ang
musika sa kakaibang istilo at may kaunting rebisyon, ngunit ang tema at liriko ay batay pa rin sa
orihinal na komposisyong sumasalamin sa identidad, kaakuhan, at kalagayan ng kapaligirang
Pilipinas at higit sa lahat sa saloobin ng mang-aawit, ang tunay na pagmamalasakit sa bayang
Pilipinas. Sa ganang ito, ang awiting bayan, Masdan Mo Ang Kapaligiran, ay repleksyon ng
ating lipunan kung saan pinapangarap na ingatan ng mga kasalukyang mamamayan.
Masdan Mo Ang Kapaligiran
Asin

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro’n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit ‘di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligiran


Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

MGA UMUSBONG NA MUSIKANG PILIPINO SA PANAHON NG


PANDEMYA: IMPLUWENSYA SA KALUSUGANG MENTAL AT EMOSYONAL
MA. LOURDES R. QUIJANO, Ph.D Ramos, Jay G., et.al.

ABSTRAK

Ang musika ay isang bagay na masasabing mahalaga sa buhay ng tao. Ito ay nagbibigay
kasiyahan lalo na kung natutugma ito sa ating nararamdaman. May masayang musika para sa
taong masaya, mayroon ding senti sa mga taong gustong mag-isa at nalulungkot, may
relihiyosong kanta para sa mga taong relihiyoso, mayroon ding mga kanta na kuhang- kuha ang
atensyon ng mga kabataan, may musika na malumanay sa pandinig.

Isa sa mga kinahihiligan ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya ay ang musika.
Ang impluwensiya ng musika sa mga kabataan ay may dalawang larang, kalusugang mental at
emosyonal. Napakarami nang nagkalat na makabagong paraan ng pagpapahayag ng
damdamin gamit ang musika. Bilang bahagi ng makabagong henerasyon, nais ng mga
mananaliksik na malaman kung ano na nga ba ang narating at nais iparating ng modernisasyon
sa larangan ng musika lalo’t higit sa panahon ng pandemya.

Ninanais ng mga mananaliksik na pag-aralan kung papaano nakaiimpluwensya ang musika sa


gawain at pag-aaral ng mga musika sa makabagong panahon. Ang pag-aaral na ito ay
nakasentro sa impluwensiya ng musika sa mga kabataan sa mental at emosyonal. Kung saan
ang pananaliksik ay isinigawa sa 479 na respondente mula sa ikatlong taon ng Kolehiyo ng
Edukasyon sa Pamantasan ng Agham at Teknolohiya sa Nueva Ecija. Ginamit ang
deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na malaki ang bahagi ng musika sa buhay ng tao. Ito ay
nagpapagaan at nagdudulot ng kasiyahan lalo sa panahon ng pandemya. Kapag nakakarinig
tayo ng mga kanta makikita at madidinig natin ang ating mga sarili na sumasabay, nalulungkot,
umiiyak at tumatawa. Dagdag pa rito, nakikinig ng musikang Pilipino ang mga mag-aaral upang
matanggal ang kanilang pagkainip. Malaki rin ang impluwensiya ng mga umusbong na
musikang Pilipino ngayong pandemya sapagkat nakalilikha rin ang mga tagapakinig ng kanilang
sariling mga liriko at tono matapos mapakinggan ang mga kanta.

Tunay na maganda ang impluwensiya ng musikang Pilipino sa kalusugang mental at emosyonal


ng mga tagapakinig. Kung kaya mahalaga na patuloy na tangkilikin at paunlarin ang mga
musikang Pilipino sapagkat hindi lamang ito masarap sa pandinig kung hindi may mabuting
dulot rin ito sa kalusagan at emosyon ng isang taong nakikinig ng awiting Pilipino.

Susing Salita: impluwensiya, pandemya, Musikang Pilipino, kalungkutan, stress, matuklasan,


emosyonal, mental,tangkilikin, paunlarin, kalusugan.

K. Ang Disiplina ng Tula para sa Bayan

Wikang Filipino, Wikang Intelektuwalisado


Ni Rommel V. Espejo

Kung babalikan ang iyong kasaysayan


Upang muli kang itangi at ipangalandakan
Hindi sasapat at espasyong ito
Para isulat ang timyas at rikit mo.

Simula pa man noong panahon ni Hesu Kristo


May halaga ka na sa lipunang Pilipino
Hanggang sa nabuhay aming mga ninuno
Ang iyong mga salita; gamit at simbolo.

Ang Baybaying Pilipino naisulat nang may dangal


Kaysarap gamitin kakambal ay buhay.
Sining at tiyaga ang tanging dala
Ng unang mga letra ng mahal kong wika.

Dumaan ka man sa maraming pagsubok


Pinalitan....binago ...iwinaksi ang sigalot.
Naging puhunan ka sa kanilang mga obra
Ng mga bayaning nagtanggol ng laya.

Ang iyong mga letra naging kalasag ng himagsikan.


Sinulat ng lihim... siniwalat ng bulgar
Mga propagandista'y nagbunyi nang husay

Ng dahil sa iyo namitsahan ang kalayaan.


Lalong nagliyab ang apoy nang galit
Nang mananakop at mga taong ganid
Ninais nilang ilibing ka sa limot
Huwag ikalat at tuluyang isinop.

Ngunit ang kamandag mo’y sadyang mapanganib


Kaya’t patuloy kang ginamit sa panahong ang lahi’y ginigipit
Walang alinlangan, walang dapat isaalang-alang
Iyan ang winika ng mga nagtatanggol sa wika.

Ilang dekada na rin ang lumipas


Ngunit patuloy parin ang iyong paglipad
Hindi kumukupas ang iyong kalidad
Lalong nagliliyab tulad ng sulong dulot ay liwanag.

Ginamit ka ng Pangulong Noynoy Aquino


Sa kanyang Ulat sa Sambayanang Pilipino
Nagbunyi kami…maging sila at lahat ng tao
FILIPINO ang naghari sa buong mundo.

Ang iyong tagumpay ay hindi na mapigil


Ano mang sagwil ito’y kayang itakwil
Mga teleseryeng galing sa ibayong mundo
Naisalin na ito sa mga letra mo.

Lalong nagbubunyi ang lipunang Pilipinas


Maging mga dayuhan ika’y nais isiwalat

Gamit ka na rin sa matalinong talakayan


Ng mga ekspertong hangad ay kalayaan.
Patuloy ang makulay at matingkad mong tagumpay
Ikaw na ang laman ng telebisyon ng bayan
Nawa’y muling kang gamitin at sana’y ipangalan
Sa wikang Filipino ang lahat ng tanggapan ng bayan.

Kailan lamang sinubok ka ng tadhana


Nais kang tanggalin sa pag-aaral pangwika
Ramdam ko ang hapdi ng sugat mong hiwa
At ang panaghoy mo’y manlulumpong talaga.

Dahil ikaw ay may makulay na kasaysayan


Ang iyong dugo… talim…husay…at kalamnan
Ang tanging sandata ng mga nagtanggol sa wika
Kaya muli kang itinangi at muling kinilala.

Ngayon nagagalak ang lahat ng makawika


Dahil isa kang apoy…apoy na nagdiringas talaga.
Walang kahit na sino ang maglilibing sayo
Dahil isang pag-alispusta sa lahing Pilipino.

Hindi ka malilibing kahit kailanman


Hanggat may Pilipinong, may dugong nabubuhay.
Hindi ka mamatay sa aming puso’t isipan
Dahil kami’y maninikluhod sa Poong Maykapal.
KABANATA II

PAGTALAKAY SA IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN TUGON SA PAGBUO NG


PANANALIKSIK

Layunin

Sa tulong ng mga teorya o pananaw sa pananaliksik, higit na lumalawa ang kaalaman ng mga
mag-aaral upang masuri ang kanilang mga datos

Bunga nito inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Matukoy ang teorya o pananaw na akma sa isang paksang

Pananaliksik; 2. Mailapat ang teorya o pananaw sa datos na nakalap;

2. Magamit ng wasto ang teorya o pananaw sa pananaliksik.

Malaking bahagi ng isang pag-aaral o pananaliksik ang teorya na magsisilbing pundasyon ng


kabuuan ng pag-aaral. Ito ang sandata ng mananaliksik sa kanyang pagsusuri ng mga datos na
nakalap. Sa pamamagitan ng teorya, nagkakaroon ng pagkakataon ang mananalikasik na
bumuo ng koneksyon sa pagitan ng abstrakto at ng konkreto.

Sa pag-aaral ng iba’t ibang pananaw o teorya, umusbong ang maraming magkakaibang punto-
de-bista o pananaw ng mga dalubhasa, kritiko at eksperto sa pagbibigay kritisismo sa mga
pananaw bilang lapit na ginamit ng mga naunang nagsagawa ng paglilinang sa pag-alam at
pag-aaral sa kabihasnan at pangkalinangang pambansa ng Pilipinas.

Ang teorya ay binubuo ng mga pagsasa pangungusap ng mga ideya at dalumat-salita na


nagpapaliwanag sa relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto tungkol sa kaganapan,
karanasan at phenomenon (Nuncio at Nuncio, 2004). Ito ay tumutukoy sa estruktura ng
ugnayan sa pagitan ng realidad at dalumat-salita. Dagdag pa rito, itinuturing na ang teorya ay
isang wika at makawika. Mahalaga ang paggamit ng sariling wika sa pagbubuo ng sariling
konsepto ng teorya.Ayon sa aklat ni Geronimo et.al. 2017 na Talaban: Komunikasyon, Pagbasa
at Pananaliksik na sa paghahanap ng teoryang gagamitin, dapat itong suriing mabuti ng
mananaliksik upang maisaalang-alang ang ugnayan nito sa paksa at pagbabalangkas ng pag-
aaral. Tandaang malaki ang ginagampanan ng teoryang napili sa kabuuan ng pananaliksik.Sa
kabanatang ito, tatalakayin ang mga teoryang pampanitikan na akma sa araling
Filipino..Pantayong Pananaw Ang Pantayong Pananaw ay isang maka-Pilipinong lenteng
pangkasaysayan na binuo ni Dr. Zeus Salazar na kilala bilang Ama ng Bagong Kasaysayan.
Ayon kay Chua (1989), Ang Pantayong Pananaw ay ang pag-aaral ng kasaysayan natin sa
ating sariling perspektiba gamit ang mga konsepto/ dalumat at isang wikang naiintindihan ng
lahat. Ito ay mula sa salitang tayo. Sa madaling salita, ito ay mga kuwento at kasaysayan ng
Pilipinong isinasalaysay ng mga Pilipino at para sa mga Pilipino. Bagama't pareho ang diwa,
kaiba ito sa ginawa ng mga nationalist historians na katulad nina Jose Rizal, Teodoro Agoncillo
at Renato Constantino sapagkat sumulat sila gamit ang dayuhang wika Para sa Pantayong
Pananaw, dapat ang pagkukuwento ay nasa wikang naiintindihan ng halos lahat ng Pilipino,
dapat ang pagkukuwento ay nasa wikang naiintindihan ng halos lahat ng Pilipino at ay ang
wikang Filipino. Isa ang "Pantayong Pananaw" bilang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at
kalinangang Pilipino. Ang dulog na ito ay ginamit upang lalong makilala at mapahalagahan ang
pagka-Pilipino ng bawat Pilipino. Ang Pantayong Pananaw ay sumusuri sa "panloob na
pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan -
kabuuang nababalot sa at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika. Malinaw na ang
paggamit ng iisang wika para sa talastasan ng isang diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan.Mahalaga ang paggamit ng iisang wika sa ganitong paraan upang lalong higit
na magka-unawaan, makapagbahaginan, makapagpalitan ng kuro-kuro o opinyon ang mga
kasangkot sa isang pantayong talakayan.

Pantawang Pananaw: Tawa bilang Kritika.

Ang Pantawang Pananaw ay produkto ng kritikal na isipan at malikhaing imahinasyon nina Dr.
Rhoderick Nuncio at Elizabeth Morales-Nuncio (2004). Ito ay nangangahuluugang tawa bilang
kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Ang pantawa bilang pang + tawa ay pag-angkin at
pagtukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang kritika.

Inilarawan ang tawa at pananaw nina R. Nuncio at E. Nuncio na:

Ang tawa ay reaksyong pandamdam. Isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay ngg laman
sa puwang o guwang sa damdamin ngg isang taong malungkutin o taong naghahanap ng
kasiyahan sa buhay. Kaya't mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang paglikha ng iba't ibang
pamamaraan (maaaring bagay, persona, o mga pangyayaring nagiging tampulan ng mga
katatawanan) na makapagpapaaliw sa kanya.

Ang pananaw naman ay tumutukoy sa pag-iisip ng tao.. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng tao


ang pagkakaroon ng pananaw. Sa pagbuo ng pananaw, inaabot ng tao ang kahalagahan o
kabalintunaan ng isang pangyayari. Kung isang interpretrasyon ang pananaw, maituturing ito
bilang kritika na tumutukoy sa pagbasa ng karanasan, teksto, at kultura na inuunawa sa
perspektiba ng kamalayan. Samakatuwid, ang pananw ay kritikal na pagbasa na nakaugat sa
kontekstong panlipunan.
Ayon kay R. Nuncio at E. Nuncio, 2004, Pantawang Pananaw ay may limang mahahalagang
elemento. Ang midyum, konteksto, content o anyo, aktor at manonood. Ang midyum ay daluyan
kung saan nagiging laganap ang pantawang pananaw. Ito ay maaaring entablado, kalye, radio,
panitikan o telebisyon. Samantalang, nakapaloob sa midyum na ito ang iba't ibang
anyo/nilalamang kinabibilangan ng kuwentong-bayan, sainete, drama bodabil, dulang
pangradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon. Ang mga nagsisiganap/aktor ay
tinaguriang mga puso, aktor, komedyante at impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na
tumatahak sa sosyal at political na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng
Pantawang Pananaw. Limang Katangian ang Pantawang Pananaw 1. Ito ay isang Pagbasang
kritrikal 2. Ito ay subjective na pagbasag sa imahe at katawan 3. Ang pananaw na ito ay may
kasaysayan 4. Ito ay intersubjective Sa pagsusuri, masasabing isang diwa mula sa
karanasang Pilipino ang Pantawang Pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang
kritika, bilang pagtuligsa bilang kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa
sa oral na tradisyon hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon. Sa
paglalapat,magagamit ang teoryang ito bilang lente sa pag-aaral o pagsusuri ng mga a. dulang
panteatro (komedya at sarswela) b. dulang pangradyo (kwentong kutsero) c. kwentong-bayan
(Kwento ni Mabuti) d. awit (Tagpuan) e. sayaw (Tinikling) f. pelikula (Jowable) g. programa sa
telebisyon (Jessica Soho) h. stand-up comedy i. at iba pang may elemnto ng pagpapatawa
tungo sa pagbasang kritika."

Dependensyang Pananaw

Ang teoryang Dependensiya ay naging tanyag noong 1960’s at ito ay ipinakilala ni Raul
Prebisch na noon ay director ng United Nations Economins Commission for Latin America.
Ayon sa kanyang pagsusuri, kapalit ng patuloy na pagyaman ng mga mayayaman nang mga
bansa sa mundo ay ang patuloy na paghihirap ng mga malilit, mahihirap at walang kalaban-
labang mga bansa bunsod ng mga ‘di makatarungang polisiyang pang- ekonomiyang
nararansan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa teoryang ito, ang mga gawain at polisiyang pang-ekonomiyal ng mayayamang bansa
ay direktang nakaaapketo sa mga mahihirap nang mga bansa sa negatibong pamamaraan.
Patunay rito ang kabalintunaang ginawa ng mga mayayamang bansa.

Ang Teoryang Dependesya ay tinawag ding Dependesya sa Dayuhan, ay ginagamit upang


ipaliwanag ang pagkabigo ng mga ‘di industrialisadong bansa na magpaunlad ng ekonomiya sa
kabila ng mga puhunan mula sa mga industrialisadong bansa. Ang sentral na argument ng
teoryang ito ay ito: Labis ang hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiyang pandaigdig sa
distribusyon ng kapangyarihan at yaman bunga ng kolonyalismo at neokolonyalismo. Ito ang
naglalagay sa maraming bansa sa posisyon ng dependent o umaasa. (Crossman, 2018).

Sinasabi ng Teoryang Dependensya na ‘hindi tiyak na ang mga umuunlad na bansa ay


magiging industrialisadong bansa kalaunan kung sila'y susupilin ng mga pwersang panlabas na
epektibong nagpapatupad ng dependensya sa kanila kahit pa sa mga batayang
pangangailangan sa buhay.
Feministang Pananaw

Sa panunuring pampanitikan, isang malakas na reaksyon ang feminism sa pamamayani ng


patriyarkal na tradisyon na nagtatanghal sa mga akda ng mga lalaking manunulat bilang bahagi
ng kanonisadong kalipunan ng mga akda. Pinagtutunan ng pananw Feminismo ang kalagayan
representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong
imahe o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan. Layunin ng pananaw na ito
na masuri ang mga akdang pampanitikan sa paningin o perspektiba ng babae.

Dahil sa matagal na panahon, halos mga lalaki ang nagsusuri kung kaya o hindi man maka-
lalaki ang pananaw, may nagtatanghal lamang ng mga nagawa ng kalalakihan. Kapansin-
pansin sa mga akdang mulat sa Feminismo, na ang mga taihang babae ay aktibong nakikilahok
sa mahahalagang pangyayari sa kwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat, may
paninindigan bilang tao. Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng pagbabago.

Ang mga naratibong katulad nito ay taliwas sa malalim na paniniwala ng mga kalalakihan na
hindi raw makatarungan ang mga kababaihan karaniwang inilalarawang sa simplistiko at
natatakdang paraan-masamang babae/birhen, mayumi/ marahas,masamang impluwensya sa
kalalakihan, emosyonal, irasyunal, histerikal, walang utak, pantahanan lamang at walang buhay
sa labas ng kanyang pamilya.

Samakatwid, malaki ang papel ng panitikan bilang ahente sa pagbabago sa isteryutipong


pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Sa panitikan, maaaring iakda ng mga
feministang manunulat ang tunay na kalagayan ng mga kababaihan noong nakalipas na dekada
hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, naisulong na ng Feministang pananaw ang tunay na
kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan. Sa pamamagitan ngg panitikan, naihayyag na ng
mga kababaihan ang kalipunan ng kanilang paniniwala, lakas sa mundo ng kalalakihan.
Binasag na ang kanilang aping kalagayan nagmumula sa ideolohiyang patriyarkal. Ayon kay de
Beauvoir "walang esensiyal na kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig sabihin," ang babae ay
hindi pinanganak na babae, siya ay nagiging babae.

Formalismong Pananaw
Sa bagong Formalismong pinauso ni Kgg. Virgilio S. Amalario binigyan pansin ang pagbabalik
ng kodipikasyon ng wika at panulaang Tagalog: ang pagbabalik sa kasaysayan ng bansa at sa
mga pangyayari sa isang bansa. Kaugnay din nito ang pagsasaalang-alang sa panahon ng
pagbuo (at paraan ng pagbubuuo) ng manunulat sa kanyang akda. Ginagamit din sa nasabing
teorya o pagdulog ang mga bagay na may kaugnayan sa iba't ibang kultura ng bansa, upang
mabatid ang konteksto ng sinusuring mga tula o akda. Binigyang pansin ng grupo ang panahon
at paraan sa pagbuo ng isang akda. Ayon sa kanila, mahalaga itong makita ng isang kritiko
upang lubos niyang mabatid at maunawaan ang kontekstong nais ipahiwatig ng may akda sa
mga mambabasa. Ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibbig talagang
masukat ang kagandahan nito. Ang pagsusuring Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo ng
panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag
ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa daming mga pagsusuring
ginamitan ng teoryang ito. Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa - walang labis
at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't
pang-unawa.

Historikal na Pananaw
Ang Historikal na pananaw ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa
pinagmulan ng isang panitikan o teksto para maunawaan ang "daigdig sa likod" ng tekstong ito.
Isang pagsusuri hinggil sa mga naunang mga akdang pampanitikan kung papaano nasulat ang
mga ito. Hindi teksto bilang teksto ang biniobigyang pansin sa pagpuna sa akda ng mga kritiko.
Mas binigyan ng pansin ang kontekstong nagbibigay daan sa akda hindi amng partikular na
kakanyahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensyang dito ay nagbibigay hugis, ang
talambuhay ng awtor, ang politikal na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda, ang mga
tradisyon at kumbensiyon na maaring nakapagbigay sa akda ng mga katangian. Ang historikal
na pananaw ay ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang historical ng teksto gaya ng
panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat,mga pinagkunan nito, mga
pangyayaring nakapaligid dito at mga petsa at tao.

Sosyolohikal na Pananaw

Ito ay tumitingin sa pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi ng


lippunan. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang
panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan
itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro
ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.

Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda. Ang


indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang
namamagitan sa buhay ng mmga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning
panglipunan. Ang tao at angg kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing
paksa rito. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at
mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.

Malinaw, samakatwid, na sa praktikal na aaplikasyon,mahirap paghiwalayin ang historikal at


sosyolohikal na pananaw. Bagama’t sila ay may pagkakaiba dahil sa pagkakaiba ng diin,
nagsasanib ang mga katangian nila sa mga pag-aaral na nakatuon sa pagsusuri sa mga
puwersa at lakas, mga proseso at istruktura ng mga institusyon sa isang partikular na panahon
sa isang tiyak na lipunan.
Istrukturalismong Pananaw

Ang teoryang ito ang nagpasimula ng konsepto ng relasyon bilang isang sentral na konsepto ng
teorya ng pagtanggap. Sa istrukturalistang pananaw, hindi mailalarawan o maipapaliwanag ang
isang phenomenon o pangyayari kung hindi ito iuugnay sa isang sistema ng relasyon na siyang
kinapapalooban nito. Binibigyang saysay ng Istrukturalismo ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
bagay bagay o element ng lipunan kabuuan. Sa usaping pangwika, sinisikap ng Istrukturalismo
na alamin ang talaban ng bawat salita sa pagbuo ngg isang akda. Inaalam din ng panana na ito
ang epekto ng pagkakasunod-sunod ng mga salita/konsepto upang makabuo ng isang akda.
Ayon sa mga istrukturalista, matatagpuan sa teorya ng pagtanggap sa konsepto ng sining
bilang isang dinamikong sistema ng signipikasyon. Samakatwid, hindi tiwalag ang istruktura sa
kasaysayan ng isang seryeng diakroniko. Higiit na mahalaga ang pagdidiin ng Istrukturalismo
sa mga signo o sagisag. Ang akda ang isang komplikadong signo, isang bagay na sematiotika,
na namamagitan sa artista at sa mambabasa. Marxistang Pananaw Ang Marxistang Pananaw
ay nakabatay sa mga naisulat ng mga pilosopo/ ekonomista na sina Karl Marx at Friedrich
Engels, mga Aleman na nabuhay noong ikalawang hati ng siglo labingsiyam at mga unang
dekada ng siglo dalawampu. Ang kanilang pananaw ay pinagkukunan ng mahahalagang
kaisipa na siyang naging pundasyon ng malalaking bilang ng mga akda n matuturingang may
Marxistang pananaw. Ang Marxismo ay itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at
pagsusuri ng lipunan na nakasentr sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na
gumagamit materyalistang intrepretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikon! pananaw ng
pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo pulitikal na pag-uusisa ang
metodolohiyang Marxista na siya naming ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng
kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-
ekonomiya. Isang halimbawa ng sitwasyong kakikitaan ng pagkakasandig ng Marxistang
pananaw bilang dulog sa pagpapabuti ng katayuan ng mga tayo sa lipunan. Noong panahon ng
rehimeng Amerikano, malaking usapin ang pangangamkam ng mga lupain ng mga Pilipino.
Maraming mga Pilipino ang naging alipin sa sariling lupa. Nagsilbi silang mga kasama o
nagtatrabaho sa kanilang lupain ang mga Amerikano ang nakikinabang sa kanilang paghihirap.
Sa ganang ito, maraming akdang pampanitikan ang nalathala, katulad ng nobela ni Lazaro
Francisco na "Ama", ang "Dugo sa Ulo ng Corbo" ni Efren Abueg at "Ama" ni Rogelio Sikat. Ang
mga ito ay sumasalamin sa katayuan ng ordinaryong mamamayan sa lipunan kung saan may
pagnanais silang makaalis sa kasalukuyan nilang katayuan upang magkaroon ng panibagong
bihis ang buhay na maaaring pagbukalan ng kritisismo ng mga kritiko gamit ang Marxistang
pananaw. Kung gagamitin ang Marxistang pananaw, natitiwalag ang mga magsasaka sa kani-
kanilang sarili dahil ang trabaho nila sa bukid ay nagkakait sa kanila ng pamumuhay na
makatao, samantalang bumabansol sa kanilang isip, loob at pangarap na tamuhin ang
maalwang bukas. Mawawakasan lamang ang ganitong pagkatiwalag kung magkakaisa ang
mga magsasaka na labanan ang mga haciendero sa pamamagitan ng kolektibong protesta at
pag-aaklas. Kailangang mabawi nila ang kapangyarihan, at magaganap lamang ito sa takdang
panahong ganap na malay na ang mga magsasaka.

Mahalaga ang Marxistang pananaw ang pagpapalabas ng hayagang konsepto o kaisipan ng


isang sining o akdang pampanitikan nang hindi lantarang inilalapat ng manunulat ang kaniyang
konsepto sa kanyang akda dahil sa kaniyang politikal na opinyon.
Sa Marxistang pananaw, mananalo ang taong nasa laylayan ng lipunan, magkakapuwang sa
bayan ang mga dustang mamamayan, maiaangat ang mga aping sambayanan at magkaboses
ang mga binusalan ng bibig upang muling umalingawngaw sa lipunang nakasandig sa tama na
sinisimpatya ng nakararami.

Post Istrukturalismong Pananaw

Para sa maraming iskolar at kritiko ang Post istrukturalismo ay nagmula sa teoryang


istrukturalismo na katatagpuan ng mga katangian na siyang magbibigay-hugis sa Post
Istrukturalismo. Sinasabing ang Post Istrukturalismo ang nagbigay ng malawak na implikasyon
sa Istrukturalismo ngunit may mga nagsabing ang Post Istrukturalismo ang pupuwing sa
pundamental na katangian ng Istrukturalismo.

Batay sa teoryang Istrukturalismo na pinalaganap ni Ferdinand de Saussure kung saan


itinanghal niya na ang bisa ng pangangahulugan sa wika ay bunga ng kumbensyong dulot ng
tumbasan ng pagkakaiba. Mula sa tumbasan ng mga pagkakaiba, nabubuo ang
pagpapakahulugan sa mga salita kaya walang natatanging kahullugan ang salita liban sa
nalilikhang kumbensyon. Halimbawa: Ang lalaki ay lalaki dahil hindi babae, ang umaga ay
umaga dahil hindi gabi.

Dahil sa pamamayani ng Post Istrukturalismo sa Europa at yaong naging malakas na kilusan sa


Estados Unidos, nabuo ang pagdulog na dekonstruksyon. Ang dekonstruksyon ay isang paraan
ng pag-aanalisa ng teksto na ipinakilala ni Jaques Derrida ng France noong dekada ’60. Batay
ito sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang isang teksto dahil ang wika ay di matatag
at nagbabago. Dahil dito ang kahulugan ng isang akda ay wala sa akda kundi nasa isipan ng
mambabasa.

Malinaw sa kahulugan ni Derrida na ang teksto ay maaaring mabago at magkaroon ng


maraming pagpapakahulugan. Binibigyan niya ng kapangyarihan ang mambabasa upang
buhayin muli ang isang akda. Naniniwala siyang ang kahulugan ng isang akda ay nakasandig
sa pang-unawa ng isang mambabasa.

Ayon naman kay Micahel Foucault ideyang dekonstruksyon ay ang kumakasangkapan sa ideya
na buwagin ang katotohanang tila ipinapalagay na likas na di matitinag.

Teorya ng Pagtanggap / Teorya ng Pagbasa

Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang kalipunan ng mga


kaisipan at kategorya na nagtutuon ng pansin sa mambabasa bilang mahalagang element sa
paglika ng kahulugan. Maraming ang hiblang bumubuo sa teoryang ito ng pagtanggap/ teorya
ng pagbasa – pananaw mula sa tradisyong Europeo (lalo na sa Alemanya) ang impluwensiya
ng sikoanalisis, ang pananaw na nakabaon sa mga konseptong istrukturalista at
postistrukturalista. Bagama’t iba’t ibang tradisyon ang pinag-ugatan ng teorya, maaari naming
makakita ng ilang pagkakatulad sa mga teoryang bumubuo rito..

Subalit bago simulan ang pagtalakay sa teorya ng pagtanggap,makabubuting balik-tanaw, sa


isang pahapyaw na paraan ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong
Formalismo sa Estados Unidos. Sa pananaw ng mga kritiko tulad nina Cleanth Brooks. Robert
Penn Warren, Allen Tate, John Crowe Ransom at R.P. Blackmur. Sa kanilang mga
impluwensiyal na aklat tulad ng Understanding Poetry at Understanding Fiction, higit na
pinagtibay ang kahalagahan ng pagtingin sa tula bilang isang daigdig na may sariling
kakanyahan at partikularidad, tiwalag sa ano pa mang konsiderasyon ng kasaysayan o
ideolohiya. Kabilang sa kanilang naituro sa maraming mag-aaral ang paniniwala sa pagiging
obhektibo ng teksto – ang pagkakaroon nito ng organikong kaisahan; ang instrinsikong
pagsusuri sa akda – ang paghihiwalay sa laman at sa anyo. At higit sa lahat, ang teknik ng
malapitang pagbasa (close reading) – isang paraan ng pagbabasa na nagbibigay ng malaking
atensyon sa mayamang kompleksidad ng mga kahulugan ng teksto na inihahayag sa
pamamagitan ng mga retorikal na kategorya tulad ng ironiya, paradox at ambiguidad.

Nasyonalismong Pananaw

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa isang sistemang pampulitikal, panlipunan at pang-


ekonomiya na inilalarawan ang pagsulong sa ineteres ng particular na nasyon upang higit na
makmtan ang layunin na makuha at mapanatili ang kaniyang sarili soberenya o sariling
pamahalaan.

Naglalayong panatilihin ang kultura ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat


ng natamo ng isang bansa at may kaugnayan sa patriyotismo.

Pag-aklas/ Pagbagtas/ Pagbaklas

Ayon kay Tolentino (2009) ay ang pagkilos tungo sa pagbuyangyang sa panitikan, at maging sa
kasaysayan at lipunan, bilang panlipunang konstruksiyon, at sa proseso ng paghihimay ng mga
bahaging bumubuo ng estruktura ng kapangyarihan ay naipapakitang hubad ang marahas na
kapangyarihan.Pagbagtas Paghahanap ng alternatibo at kaibang daang maaaring tahakin
tungo sa pagbuo ng rebolusyonaryong pananaw, ang na makakapag-interrogate at sa proseso
ay makakapagbalikwas sa namamayaning kaayusan.

Sikolohiyang Pilipino

Ang Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology) ay tumutukoy sa sikolohiyang nabuo mula sa


karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng mga Pilipino- Ito ay binuo ni Enriquez (1985)- Ayon sa
kanya ito ang pag-aaral ng diwa na tumutukoy sa malawak na na tinukoy ng konseptong
pilosopikal na “kahalagahan” at ang kabuuang sinasaklaw ng konseptong sikolohikal mula
kamalayan hanggang mga motibo hanggang ugali.

You might also like