You are on page 1of 2

SANAYSAY TUNGKOL SA WIKANG PAMBANSA

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na


ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at
damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang
makipagkaibigan, makipagtalakayan at ibinahagi ang kanyang
iba’t ibang opinyon at kaisipan.
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga
tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang
bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao.
Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng
mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na
obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay
isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang
komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din
sapangunahing pagpaparating sa iba ng pagkakakilanlang
panlipunan.
Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang
mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang
bayan.Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa
Pilipinas Ay ang wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa.
Ito ang nagsisilbing sinturon upang matalo ang mga
mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa,
pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung
walang sariling wika na magiging daan upang magbuklod-
buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring
nagdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng
pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang
paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa
madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga
sinaunang Pilipino.
Sa ganitong pagkakataon, malalaman ngmga kasalukuyang
mamamayan ang mga hakbangin naginawa noong una upang
maituloy ito sa mabuting paraan na maiwasan ang mga hindi
magagandang pangyayari noon.Ito ang ilaw na magiging
tanglaw ng mga Pilipino upang mapabuti pa ang mga gawain.
Ito rin ang magsisilbing lakas
Upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong
simula pa.Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang
wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang
maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang
mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.
Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga
mamamayan upang ihugos sa kanilang pamahalaan ang
kanilang mga hinaing.
Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang
sariling wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, ang lalimng
kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang
kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang
kabihasnan niya sa anumang larangan at ang katotohanan ng
kanyang pag-iral.
Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang
maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang
ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like