You are on page 1of 1

Kahulugan at kabuluhan ng konseptong pangwika

Ang wika ay isang kasangkapang nag-uugnay sa mga tao sa isang lipunan. Ginagamit ito ng mga tao sa araw-
araw na pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang dalubwika at propesor sa University of Toronto, ang wika ay isang
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi
ng isang kultura sa komunikasyon.

Ayon naman kay Henry Sweet, ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang
tunog upang maging salita. Si Sweet ay isang philologist, phonetician, at grammarian.

Isa namang linguist at semiotician si Ferdinand de Saussure na isa ring kilalang dalubwika.

Ayon sa kaniya, ang wika ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang balarila upang
maipahayag ang komunikasyon.

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napapanood napakinggang sitwasyon pang komunikasyon sa
telebisyon at sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika

Nabibigyang halaga ang wika at paggamit nito nang tama lalo na sa teknolohiya o sosyal media.

You might also like