You are on page 1of 9

Pangalan: ____________________ Baitang at taon: _______

Subject: Filipino sa Piling Larangan Semester: FINAL ____

BAITANG 12 | Filipino sa Piling Larangan (Tech – Voc)


Final: Una at Pangalawa (2) Linggo

LAYUNIN:
 Naiisa-isa ang mga elemento at kalakaran ng tawid-kulturang
komunikasyon;
 Natutukoy ang mga kaparaanan ng komunikasyon gaya ng
elemento ng nilalaman, organisasyon, disenyo, dokumento;
 Nailalapat ang mga pangunahing prinsipyo at etika ng
komunikasyon; at
 Nagagamit ang mga takdang pamatnubay tungo sa mabisang
komunikasyong etikal.

Mga Elemento at Etika ng Komunikasyong Teknikal


sa Lokal at Pandaigdigang Pakikipagkomunikasyon
Balik-Tanaw: Sumulat ng isa hanggang dalawang talata na nagpapakita ng iyong
repleksiyon at obserbasyon hinggil sa kultura ng bansang iyong napuntahan. Kung hindi ka pa
nakabibisita sa ibang bansa, maaaring magtala ng repleksiyon hinggil sa isang lugar sa Pilipinas
na nagtataglay ng isang natatanging kultura..

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________

1|Page
Gaod-kaisipan
Etika at Komunikasyon

Kung babalikan ang mga sitwasyon sa unang bahagi ng aralin, masasabi natin na ang mga ito
ay sumasalamin sa realidad ng buhay. Ang ilan sa inyo ay maaaring nakaranas ng naturang
pangyayari, subalit paano ka nagpasya hinggil sa dapat gawin? Nagdalawang-isip ka ba kaugnay
sa hakbang na gagawin mo?

Anuman ang naging desisyon mo, siguradong hindi ito naging madali para sa iyo. May mga
pagkakataon na nagtatalo ang ating isip at damdamin sa kung ano ang dapat nating gawing
hakbang upang makabuo ng desisyon. Sa tuwing ikaw ay makararanas ng ganitong kalituhan
maging ito man ay usaping personal, sa paaralan, o sa trabaho, sa kapaligiran o kung saan pa
man, laging isaisip ang salitang etika.

Maraming kahulugang ikinakabit sa salitang etika, subalit ano nga ba ang pangunahing
kaisipan na hindi dapat makaligtaan? Sa nakararami, ang etika ay katumbas ng moralidad. Ibig
sabihin, etikal ang isang gawi kung ito ay tanggap ng lipunan o ng nakararami. Para naman sa
iba, ang etika ay may kaugnayan sa batas. Anuman ang tinatanggap at nakasulat sa batas ay
maituturing na etikal. Sa tradisyonal na pananaw, anumang bagay o gawi na mabuti ay
maituturing na etikal.

Ang etika ay isang sistemang kinapalolooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural


ng isang lipunan. Bawat desisyong ating ginagawa ay may nakapaloob sa etikal na dimensiyon.
Samakatwid, bawat tao, bago pa man siya magpasya, ay maraming isinasaalang-alang gaya ng
epekto ng desisyon, damdamin, panlipunang pananaw, relihiyon, paniniwala, at marami pang
iba.

Kung ganito ang kaligiran ng etika, hindi mo ba naitatanong sa sarili kung bakit may mga
taong hindi sumusunod sa kanilang pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural? Ano ang
nagtutulak sa kanila upang hindi sumunod? May pansariling pamantayan ba sila ng etika? Hindi
ba nila isinasaalang-alang ang mga nakapaligid sa kanila? llan lamang ito sa mga tanong na
inaasahan nating matutugunan sa paglalim ng ating pagtalakay sa etika.

Pinagmulan ng Etika

Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang mayroon ang isang tao. Ang mga
pagpapahalagang ito ay maikakategorya sa tatlo.

1. Personal na Etika - ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura,
at pananampalatayang mayroon siya. Sa pagsilang pa lamang ng tao, binibihisan na
kaagad siya ng mga paniniwala at pagpapahalagang mayroon ang kaniyang pamilya,
pamayanan, at relihiyong kinabibilangan, gaya ng angkop na pakikitungo, wastong
pakikipag-usap sa nakatatanda, at ang mga dapat at hindi dapat gawin. Ang lahat ng ito

2|Page
ang tumutulong sa kaniya sa pagbuo ng desisyon na bitbit niya hanggang siya ay
tumuntong sa paaralan, sa trabaho, at sa iba pang panlipunang larangan.
2. Panlipunang Etika - ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na
kinalakhan ng isang tao. Ito ay karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating
pamayanan. Maaari kasing ang etikal sa iyong pamilya ay hindi etikal para sa iba lalo't
kung magkaibang kultura ang inyong pinanggalingan.

May apat na kategorisasyon kaugnay sa panlipunang etika, at ito ay kinabibilangan ng


sumusunod:

a. Karapatan - ang pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula nang siya ay isilang
at karaniwan itong nasusulat sa batas.
b. Hustisya - tumutukoy ito sa pagbibigay ng patas na pagtingin sa dalawa o higit pang
magkakaibang bagay, na higit na kinakailangan sa pagdedesisyon.
c. Epekto - tinatanaw rito ang interes ng nakararami kaysa sa interes ng ilan. Ibig
sabihin, sa pagdedesisyon, mahalagang isaalang-alang ang tinig ng nakararami kaysa
sa benepisyo lamang ng iilang tao.
d. Pagkalinga - tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging mapangalaga
o mapagkalinga kaysa sa pagiging marahas.

3. Etikang Pangkonserbasyon - ito ang etikang tumutulong sa tao para mapahalagahan


niya ang kaniyang paligid na ginagalawan lalo't higit na pinag-uukulan ngayon ng pansin
ang isyu ng global warming at mga kaugnay na kalamidad. Samakatwid, ang etikang
pangkonserbasyon ay nakatuo hindi lamang sa pangangailan ng tao bagkus sa impact din
ng kapaligiran sa kaniya.

Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal

1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyog dapat nilang


mabatid.
2. llahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.
3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.
4. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo.
5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo't higit kung makakaapekto ito sa
impormasyong tatanggapin ng mambabasa.
6. Iwasan ang paggamit ng maligoy na wika gaya ng marahil, di-umano, siguro, at iba pa.
7. Sa pagsulat, siguraduhing naitala ang lahat ng anggulo o detalye nang sa gayon ay
matulungan ang mambabasa na magpasya.
8. Tiyaking patas ang lahat ng pinaghanguan ng impormasyon.
9. Kilalanin ang lahat ng nagbigay-ambag sa pagkakabuo ng impormasyon.

Kaligiran ng Tawid-Kulturang Komunikasyon

3|Page
Hindi maisasantabi ang pagdagsa ng milyon-milyong impormasyong hatid ng Information
and Communications Technology o ICT. Bunsod din ito ng napakaraming search engines na
mapaghahanguan ng mga datos gaya ng Ask.com, Google, Yahoo, at iba pa. Dahil sa mga
platapormang ito, naging lantad ang mga tao sa napakayamang batis ng karunungan sa daigdig.
Kung susuriin, naging malapit sa mga tao ang lahat ng impormasyong kaniyang kakailanganin.
Ngunit sa kabilang dako, ang yaman ng impormasyong nakapalibot sa kaniya ay nagdudulot din
ng information glut. Sa paliwanag ni Sheenan (2011), ang information glut ay tumutukoy sa
dami ng impormasyong maaaring makolekta, mainterpreta, at mapagsama-sama na nagdudulot
ng information overload sa mga tao.

Dati-rati, bawat paaralan, pribado o publikong tanggapan, at mga kompanya ay may kani-
kaniyang sinusunod na anyo o pormat ng komunikasyon, maging ito man ay sa pasalita o pasulat
na paraan. Sa madaling salita, bawat isa ay may sariling pamantayan na sinusunod at
ipinapatupad. Subalit sa kasalukuyang panahon, karamihan sa kanila ay sumusunod sa global na
pamantayan upang higit na mapaghusay ang operasyon sa paaralan, mga tanggapan, o mga
kompanya. Samakatwid, ang dati-rati'y magkakaibang estilo ng komunikasyon, ngayon ay
maaaring kakaunti na lamang ang kaibahan dahil sa epekto ng information glut.

Gayunpaman, hindi rin maitatanggi na ang palitan ng komunikasyon sa kasalukuyan ay


sadyang mabilis at madali saang lugar man naroroon, magkakaiba man ng wika, paniniwala,
relihiyon, o kulturang kinalakhan. Dahil dito, maituturing na eklektiko ang anyo ng
komunikasyon dahil hindi lamang iisang kultura ang pinagmumulan ng kaalaman, kundi tawid-
kultura na ring maituturing o hindi na nahaharangan ng wika at kultura ng iba't ibang bansa.

Halimbawa, ang business process outsourcing o BPO ay isang uri ng organisasyong


namamahala sa pangangailangang pangnegosyo ng ibang kompanya na karaniwang
Sineserbisyuhan ng mga call center agent. Sa Pilipinas, masigla ang industriya ng BPO. Ang
mga call center agent ay tumatanggap ng tawag o gumagawa ng ulat hinggil sa mga konsern ng
kliyente sa iba't ibang kompanya na nakabase sa ibang bansa. Ang sitwasyong ito ay maituturing
nating tawid-kulturang anyo ng pakikipagkomunikasyon dahil hinihingi sa sitwasyon ang
kahusayan sa pagkilala at pagtanggap sa kultura ng iba upang maging mabisa ang transaksiyon.
Kung kaya, ang mga empleyado nito na nakabase sa Pilipinas ay puspusang sumasailalim sa mga
pagsasanay sa wika, pakikipag-usap, pagsusulat, at iba pang kasanayang kinakailangan sa kultura
ng kliyenteng kanilang paglilingkuran.

Dahil dito, mahalaga at mainam na matutuhan ang kahalagahan ng pagkilala sa mga estilo at
pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon ng iba't ibang bansa. Magsisilbi rin itong pagsasanay
tungo sa mabisang adaptasyon sa kultura ng iba lalo't sa kasalukuyang panahon, pinalilit ng ICT
ang daigdig ng impormasyon.

May ideya ka ba kung sa ano-anong aspekto nagkakaiba-iba ang estilo ng komunikasyon mula
sa iba't ibang bansa? Sa wika at kilos lang ba? Maaaring mayroon pang iba.

4|Page
Mga Pandaigdigang Pagkakaiba sa Tawid-Kulturang Elemento ng Komunikasyon

A. Kaibahan sa Nilalaman
 Mahalaga sa mga Tsino na nakabatay sa katotohanan (fact-based) ang nilalaman ng
dokumento higit sa pagiging mapanghikayat nito. Gayundin, binibigyang diin nila ang
pangmatagalang epekto kaysa panandalian sa mga proposal na binabasa nila. Higit sa
lahat, mahalaga ang tiwala para sa kanila.
 Ang mga Mexicano, Timog-Amerikano, at mga Aprikano ay lubos ang pagpapahalaga sa
ugnayang pampamilya bago simulan ang pulong at mga pormal na pag-uusap.
 Para sa mga Arabo sa Gitnang Silangan, bahagi ng nilalaman ng dokumento ang mga
posibilidad na negosasyon sa presyo ng produkto. Kung kaya, mahusaynilang itinatala
ang bawat detalye ng kanilang napag-uusapan.
 Karamihan sa mga bansang Asyano ay nagbibigay-halaga sa kredibilidad ng manunulat
at kompanyang kinabibilangan. Gayundin, ang paraan at estilo ng pakikipag-usap ay
kinakailangang may paggalanggaya ng marahan at mababang tono ng pakikipag-usap o
gamit ng salita.
 Masasaksihan naman ang halaga ng gamit ng wikang Ingles sa mga Indian. Ang
kapayakan at kahusayan sa paggamit ng wikang ito ang pangunahing isinasaalang-alang
 Sa ilang bansa sa Aprika gaya ng Tunisia at Morocco, Pranses ang wikang ginagamit
kahit na Arabic ang kanilang opisyal na wika.
B. Kaibahan sa Organisasyon ng Ideya
 Sa kultura ng mga Arabo, pinahahalagahan ang pagkakaroon ng matiwasay na
samahan at pagpapakita ng pagpapahalaga sa kausap bago simulan ang pulong
kompara sa mga Amerikano na tuwiran ang pagdulog. Para sa mga Arabo, ang
pagiging tuwiran ay senyales ng hindi mabuting asal.
 Ang mga Arabo ay may konsepto rin ng pag-uulit ng mga puntong nals nilang
ipahatid na para sa mga taga-Hilagang Amerika ito ay abala o pagiging mallgoy
naman.
 Mayorya sa kultura ng mga Asyano ang paggamit ng mga impormasyong
kontekstuwal bago ilahad ang nais nilang mensahe gaya ng klima, trapiko, o mga
pangyayari sa kanilang buhay.
 Sa India, ang pagpapasalamat ay itinuturing na bayad o kabayaran sa isang pabor
na ginawa mo para sa kanila.
C. Kaibahan sa Estilo

5|Page
 Para sa mga Tsino, ang dokumentong nagsasaad ng masidhing panghihikayat ay senyales
ng kawalang-galang. Para sa kanilla, ang pulong at mga dokumento ay itinakda para
mapalalim at mapagtibay ang ugnayan.
 Pinahahalagahan ng mga Amerikano ang paggamit ng payak na wika.
 Ang paggamit ng impormal na estilo sa mga dokumento sa Mexico at sa Timog Amerika
ay pagpapakita ng kawalang respeto sa mga proyekto at mambabasa. Gayundin, ang
pagtawag sa pangalan at pagpapaikli sa mga katawagan ay hindi kaaya-aya para sa
kanila.
 Sa Sub-Saharan Aprika, ang tono sa paggamit ng wika ay higit na kinikilala upang
magkaroon ng matiwasay na daloy ang transaksyon.
 Karaniwan sa mga taal na Amerikano ang paghikayat ng partisipasyon at pagdulog sa
pagsasaayos ng isang proyekto o dokumento.
 Ang pagiging tuwiran naman ang masasaksihan sa mga kababaihan ng Hilagang
Amerika, gayundin sa Europa, na para sa ibang kultura ay hindi katanggap tanggap.
D. Kaibahan sa Disenyo ng Dokumento

 Ang mga Arabo at Tsino ay nagbabasa simula kanan tungong kaliwa at hindi gaya ng
ibang kultura na nagsisimula sa kaliwa tungong Kanan.
 Ang paggamit ng kamay na may kumpas na OK, o simbolo ng kapayapaan, ay ilan
lamang sa mga halimbawa na kung gagamitin sa ibang kultura ay senyales ng kawalang
paggalang.
 Sa mga Asyano at Timog Amerikano, ang paggamit ng kanang kamay sa pagbubuhat o
pag-aabot ng mga bagay (kard, dokumento, o produkto) ay katanggap-tanggap.
 Ang puting damit at bulaklak para sa karamihang Asyano ay simbolo ng kamatayan o
pagdadalamhati.
 Karaniwan nang matatagpuan sa dokumento ng mga Amerikano ang pagkakaroon ng di
maraming teksto o grapiko kompara sa mga Europeo na siksik ang pagkakasulat at
punong-puno ng teksto.
 Para sa mga Amerikano, ang presentasyong hitik sa grap at tsart ay nagdudulot ng
pagkalito.
 Sa mga taal na Amerikano, mainam na limitado ang kilos at ang pagtingin sa awdiyens
kung magbibigay ng lektyur bilang bahagi ng kanilang kultura.

Laging tandaan na ang susi sa mahusay na komunikasyon ay ang sensitibidad sa kultura ng


ibang taong nakakasalamuha. Pinakamainam na sa lahat ng estratehiyang magagamit ay ang
pagkamahinahon at angkop na paggamit ng mga salita.

Layag-Diwa
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

6|Page
1. Ano ang pangunahing prinsipyo ng etika?

2. Paano mo maiuugnay ang etika sa larangan ng komunikasyong teknikal?

3. Paano ipinaliwanag sa aralin ang ideya ng information glut?

4. Ano ang pinakamahalagang layunin kung bakit mahalagang magkaroon ng kabatiran hinggil
sa kultura ng pakikipagkomunikasyon ng mga taga-ibang bansa?

B. Unawaing mabuti ang sumusunod na mga sitwasyon at ibigay ang iyong saloobin dito.
Isaalang-alang ang tatlong kategorya ng pinagmulan ng etika.
1. Isang batang namamalimos sa lansangan ang lumapit sa iyo at nanghingi ng limos, subalit
naglalaro sa iyong isipan na baka siya ay miyembro ng isang sindikato. Bibigyan mo ba siya ng
limos o hindi? Bakit?

2. Nagmamadali ka nang makauwi sa inyong bahay sa sobrang sakit ng iyong tiyan, ngunit nasa
mahabang pila ka pa sa drugstore dahil kailangan mo pang bilhin ang mga gamot para sa tatay
mong may sakit. Nakita mong walang pila sa counter na para sa mga persons with disabilities o
PWD lamang, at inanyayahan ka ng kaibigan mong kahera na doon lamang magbayad nang sa
gayon ay makauwi ka na. Tatanggapin mo ba ang paanyaya o hindi? Bakit?

7|Page
Salok-Dunong
A. Ipaliwanag ang tatlong kategorya ng etika batay sa pinagmulan nito.

ETIKA

PERSONAL NA ETIKA PANLIPUNANG ETIKA ETIKANG PANGKONSERBASYON

B. Punan ng tiyak na salita ang bawat panqungusap upang mabuo ang diwa ng mga pamantayan
tungo sa komunikasyong etikal.

1. Ipaalam sa_________________ang lahat ng impormasyong dapat nilang mabatid.


2. Malinaw na ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng____________________na impormasyon na
kailangan nilang malaman.
3. llahad ang___________________sa pasulat na paraan.
4. Iwasang magbigay ng______________________ sa impormasyong ipahahatid sa mga
mambabasa.
5. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o______________________ para sa angkop na
payo.
6. Iwasan ang_________________________lalo't higit makakaapekto ito sa impormasyong
tatanggapin ng mambabasa.
7. Iwasan ang paggamit ng_____________________gaya ng: marahil, diumano, siguro, at iba pa.
8. Sa pagsulat, siguraduhing naitala ang lahat ng kinakailangang_________________________nang
sa gayon ay matulungan ang mambabasa na magpasya.
9. Tiyaking______________ang lahat ng pinaghanguan ng impormasyon.
10. _____________________ang lahat ng nagbigay-ambag sa pagkakabuo ng impormasyon.

8|Page
Sanggunian:

Francisco, C. G. & Gonzales, M. G. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex


Printing
Company Inc, 84-86 P. Florentino St., Sta. Mesa Heights, Quezon City. Tel. No.: 857-
7777.

9|Page

You might also like