You are on page 1of 3

Jan Nyckkus M.

Nacario
Grade 11- Integrity
MGA URI NG TEKSTO

IMPORMATIBO O NAGBIBIGAY IMPORMASYON. Isa itong uri ng teksto na ang


pangunahing layunin ay magbigay ng mga datos at impormasyon sa mga mambabasa
para sa karagdagang kaalaman. Madalas itong makita sa mga teksto gaya ng
pananaliksik, teksbuk at iba pang aklat gaya ng diksyunaryo, encyclopedia, balita,
anunsyo o maging sa lecture notes.
DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN. Uri ng teksto na nakatuon sa oagbibigay ng
pangkalahatan at mga tiyak na detalye ng isang bagay, lugar, pangyayari, katangian,
kaisipan, at pakiramdam na maaaring kongreto o abstrakto. Ang isang mahusay na
manunulat ng tekstong deskriptibo o paglalarawan ay nagagawang bigyan ang
kanyang mambabasa ng mental picture ng anumang bagay na kanyang inilalarawan.
PERSWEYSIBO O NANGHIHIKAYAT. Isa itong uri ng teksto na nakatuon sa
pagpapaliwanag at panghihikayat sa mambabasa na maniwala o sumang – ayon sa
pagsusuri o opinyon na kanyang inilalahad. Madalas itong makita sa mga kritikal na
sanaysay, kolum, editorial pananaliksik o bahagi ng tesis.
NARATIBO O NAGLALAHAD. Isang uri ng teksto na nakatuon sa pagsasalaysay ng
isang pangyayari sa kawili – wiling paraan. Saklaw nito ang paglalarawan at
pagpapaliwanag ng mga bagay o pangyayaring naganap na kung saan masasalamin
ang opinyon, paniniwala o interpretasyon ng may akda sa nasabing pangyayari.
ARGUMENTATIBO. Isang uri ng teksto na nagtataglay ng mga pagpapatunay,
pagpapakatotoo pagpapaliwanag at paggamit nang mahusay na pangangatwiran
upang sang – ayunan o tutulan ang isang bagay, pangyayari, o isyu. Madalas na nasa
ganitong uri ng teksto ang mga argumentatibong sanaysay, teknikal na papel, desiyon
ng korte o komite, editorial o maging sa ilang bahagi ng tesis.
PROSIDYURAL. Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang
masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad
din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at
maayos na pagsasagawa ng gawain.
GAWAIN 1
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pagkakapareho ng tesktong persweysibo at tekstong argumentatibo?
Ang pagkakapareho ng tesktong persweysibo at tekstong argumentatibo ay
ang pagkakabuo at ang mga detalye sa kanilang tinutukoy o sinasabi. Tulad
ng persweysibo ang argumentatibo sapagkat kinakailangan mabanggit ng mas
detalye ang nais sabihin upang mas makapanipaniwala ang pagpapaliwanag at
pagpapatunay. Ang dalawang uri ng teksto ay nakatuon sa pagpapaliwanag sa
kanilang mambabasa.
Ano naman ang pagkakaiba ng dalawang teksto?
Ang pagkakaiba naman nila ay ang kanilang layunin. Ang persweysibo ay
tekstong nanghihikayat ng mambabasa na maniwala o sumangyon sa
kaniyang sinasabi samantalang ang tekstong argumentatibo ay may
ipinaglalaban o ipinaglalaban ang sariling paniniwala/ opinion.
2. Magbigay ng tig – tatlong halimbawa ng bawat tekstong tinalakay.
IMPORMATIBO O NAGBIBIGAY IMPORMASYON
 Dyaryo
 Magasin
 Diksyunaryo
DESKRIPTIBO O NAGLALARAWAN
 Talaarawan
 Polyetong panturismo
 Rebyu ng pelikula o palabas
PERSWEYSIBO O NANGHIHIKAYAT
 Talumpati ng pulitiko
 Patalastas
 Kolum
NARATIBO O NAGLALAHAD
 Maikling kwento
 Pabula
 Alamat
ARGUMENTATIBO
 Posisyong Papel
 Tesis
 Petisyon
PROSIDYURAL
 Recipe
 Manwal
 Panuntunan sa laro
GAWAIN 2
Panuto: Tutukuyin ng mga mag – aaral ang uri ng teksto ayon sa mga nakasaad na
kahulugan at katangian nito.
Deskriptibo o naglalahad 1.Ito ay uri ng teksto na nagtataglay ng mga kaukulang
detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari.
Impormatibo o nagbibigay impormasyon 2.Ito ay tekstong di-piksyon, layunin nito
ang makapagbigay ng impormasyon.
Persweysibo o nanghihikayat 3.Ito ay tekstong manghikayat o mangumbinsi ng
mambabasa sa obhetibong tono o pamamaraan.
Naratibo o naglalahad 4.Ang tekstong ito ay nagkukwento ng mga serye ng
pangyayari na maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon) o
nanggaling lamang sa kathang isip o (piksyon).
Prosidyural 5. Ang tekstong ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga
hakbang o proseso sa paggawa ng isang bagay.

You might also like