Professional Documents
Culture Documents
Week 5 Tekstong Deskriptibo
Week 5 Tekstong Deskriptibo
Nacario
Grade 11- Integrity
PAGLALAPAT
MGA SAGOT:
1. Masining na paglalarawan
2. Masining na paglalarawan
3. Masining na paglalarawan
4. Karaniwang paglalarawan
5. Masining na paglalarawan
6. Karaniwang paglalarawan
7. Karaniwang paglalarawan
8. Masining na paglalarawan
9. Karaniwang paglalarawan
10. Karaniwang paglalarawan
PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang tekstong Langhap at Lasap ng Kabataan sa La Loma ni Rene O.
Villanueva na nakapaskil sag classroom (pdf) at pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanaysay?
And paksa ay tungkol sa pagbabaliktanaw o pag alala ng may akda tungkol sa
memorya ng kaniyang kabataan. Ang layunin ng sanaysay ay maibahagi at
maipahayag ang kinalakiha niyang pook, panahon at uring-panlipunan. Sinabi
din sa sanaysay na isunulat ito sapagkat sa palagay ng may akda na ito ay
mahalagang bahagi sa pagbuo ng ating matimyas na alaalang panlipunan bilang
bansa.
2. Anong impresyon at damdamin ang nabuo s aiyo habang binabasa ang
sanaysay?
Nakakagat labi ako at pagkagutom ang naramdaman ko habang binabasa ko ang
sanaysay. Karamihan kasi ng nabanggit sa sanaysany ay mga pagkain.
Namangha rin ako at nainggit. Namangha sapagkat naisaad din sa sanaysay na
marami ang mga tindahan na na nagbebenta ng ibat ibang pagkain, dahil sa
detalyeng nakasaad nakabuo rin ito ng emahe sa aking isipan. Pagkainggit
sapagakat madali niyang mapupuntahan ang mga lugar na iyon at makakain ang
mga pagkaing nabanggit.
3. Paano napukaw ng teksto ang gayong impresyon at damdamin mula sa
mambabasa?
Isa sa naging dahilan kung bakit nakaramdam ako ng ganoong pakiramdam ay
ang mga detalyeng binanggit ng may akda tungkol sa mga pagkaing na nasa
sanaysay. Bumuo ito ng imahe sa aking isipan at naramdaman ko ang
pagkagutom. Dagdag pa rito ay talagang nakakatakam kung paano ito idinetalye
ng may akda at tila malalasahan mo ang pagkaing tinutukoy niya.
Tulad ng sa pagkain ang detalyeng nakasaad sa sanaysay rin ang naging dahilan
kung bakit naramdaman ko ang pagkamangha at pagkainggit.
4. Bigyan ng komento ang paraan ng paglalarawan ng may akda. Paano naging
mabisa ang sanaysay sa paggamit ng paglalarawan?
Mahusay na nailarawan ng may akda ang lugar, tao, panahon at pagkain na
nabanggit sa sanaysay. Alam ng may akda kung kailan dapat gamitin ang
masining na paglalaran at karaniwang paglalarawan, dahil doon madaling
nakabuo na hindi masyadong komplikadong imahe ang mambabasa sa kanilang
isipian. Dahil ang sanaysay ay tungkol sa pagbabaliktanaw, sa tulong ng
paglalarawan ay madaling maibabahagi niya ang impormasyong nais niyang
iparating sa mambabasa na parang kasama talaga niya ang mga ito sa mga
tinutukoy niyang sitwasyon. Malalasahan at makakabuo ng imahe sa isipan ang
mga mambabasa dahil sa binigay na detalye. Kaya masasabi ko na naging
mahalagang elemento ang paglalarawan sa sanaysay na binasa.