You are on page 1of 8

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay


at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin,
at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing
ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay
maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat
ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating
kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy
ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga
tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na
nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay
na ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng
pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila,
kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola,
mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang
pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na
malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang
tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay
asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang
katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na
nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa
paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating
nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay
saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw
na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Sentimong Papel

Ano nga ba ang dapat gawin ng mga taong hirap sa buhay? Kabataang hindi makapag-aral o makabili ng
magagandang damit matakpan lang ang kanilang kahirapan. Kahirapan ang problema ng taong bayan
lalo na ang mga kabataang hindi matustusan ang gastuhin sa paaralan. Kulang pinansyal o suporta sa
pag-aaral. Dahil Edukasyon ang tanging daan para mawala ang kahirapan. Upang masailayan ang
liwanag na ninanais ng mga taong gugo’t pawis ang kanilang yaman, makapagsibak lamang.

Isang malapad na papel at isang ballpen ang tanging hawak ng mga taong nag-aaral, dahil sa
kahirapan at kulang pinansyal sa edukasyon di man lamang nila ito mahawakan. Mahawakan ang
tagumpay tungo sa maganda’t tahimik na pamumuhay. Mga buwayang gutom na opisyal sinasamba ang
perang hinablot kinuha sa bayan. Hindi man lamang matulungan ang mga taong naghihintay ng
magandang bukas upang maabot ang kanilang sinamsam na tagumpay. Ginagamit nila ang pera ng
bayan sa mga walangkahihiyan na mga gawain. Talagang skim sila sa pera o kaban ng bayan.

Paano sila matutulungan? Kung ang ating mga opisyal salat sa yaman at tayo’y pinaglalaruan lamang.
Dapt silang parusahan sa kumukulong nag-aapoy sa bunganga ng bulkan. Para maranasan ang hirap at
sakit na dinanas ng mga taong buong puso at pasakit ang kanilang ginawa para lamang magkaroon ng
magandang pamumuhay. Edukasyon ang tanging gabay para matulungan ang mga taong nahahangad ng
magandang kinabukasan.

Ano ang dapat gawin ng mga kabataang hindi makapag-aral, dahil sa kulang pinansyal. Nag-aaral ng
mabuti upang makapagtapos makakuha’t magsuot ng toga at diploma. Masarap sana sa pakiramdam
kung sila’y makapagtapos sa pag-aara, dahil sa kulang pinansyal hindi nila matutupad ang liwanag
upang makaalis sa kadiliman na kanilang lumalamon sa pagkatao nila. Sana magising ang mga taong
gustong makaahon at makalasap ng magandang buhay. Tulungan sana sila ng pamahalaan na hindi
buwaya na lumalamon ng pera. Para naman mawala ang problema sa kahirapan.

Nasaksihan natin kung ano nga ba talaga ang dinadanas ng mga taong naghahangad ng kinabukasan
makaahon sa mabagsik at masalimuot ng kahirapan. Buksan ang isipan, magsalita’t magtulungan upang
mawala ang mga kumukuha ng kaban ng bayan para hindi maghirap ang bayan na atin kinatatayuan.
Dahil ditto tayo ipinanganak ditto rin tayo aangat para malagpasan ang hamon ng buhay sa atin lalung-
lalo na sa mga taong naghihirap ngayong panahon.
TEKSTONG INFORMATIBO

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng lahat ng tao, isa ito sa mga
mabibigat na suliranin ng ating bansa. Kahirapan! Saan nga ba ito nagmumula? Ano nga ba
ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito? Sino ba ang dapat nating
sisihin tungkol sa nararanasang kahirapan n gating bansa?

Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa tulong ng internet, sa kasalukuyang


panahon, madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, ngunit ang
katanungan ay, “Sila nga ba an may kasalanan at dapat sisihin tungkol sa isyung ito o tayong
mga Pilipino mismo?’’ sinasabi ng iba, kaya sila nakararanas ng paghihirap ay dahil saw ala
silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ang nakalaan, ngunit mapili lang talaga ang
mga Pilipino. Marahil sa panahon ngayon mahirap ang maghanap ng trabaho, ngunit hindi iyon
ang sapat na dahilan para tumigil na sa paghahanap ng trabaho. Ayon ditto sa impormasyong
nakalap mula sa internet, kailoangan nating magsikap upang mabawasan ang nanunudyong
suliranin sa ating bansa. Ito ay mayroong sanhi o dahilan kung bakit natin nararanasan ang
ganitong problema.
Ang sapilitang pangingibang bayan ang mga Pilipino upang maghanap ng trabahoay
nagging parte na ng kultura ng Pilipino. Dala ng labis na kahirapan, ito ang siyang nagging
tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Ang salitang ‘’kapit sa
patalim’’ ay maaring maiugnay sa bagay na ito. Maraming dahilan kung bakit nawawalay sa
pamilya at linilisan ang sariling bayan upang makipagsapalaran sa ibang bansa ng dahil sa
hirap ng buhay. Isa na ditto ang corruption: ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng
mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang
mga perang nakalaan sana para sa kapakanan ng mga mamamayan ay napupunta lang sa
bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.
Ang isyung ito ay hindi na iba para sa mga Pilipino. Ito ay maituturing na kanser ng
lipunan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng
mga politico para sa sariling interes. Dahil sa mga maling Gawain ng mga politico, maraming
mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan dahil sa talamak na suliraning ito. Sunod na
dahilang ito ay nagmumula rin sa magulang na hindi pinagtutuunan ng pansin ang kanil;ang
mga anak. Isa rin itong dahilan marahil sa katamaran ng mga Pilipino na maghanap ng trabaho.
Ang isa pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapabayaan ng likas na yaman
ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na magiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha,
landslide, at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, gumagamit ng dinamita na siyang
sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay
isang malaking dahilan upang unti-unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.

Ang kahirapanay sa sa mga mabibigat na problema n gating bansa. Kung hindi natin
ito malusutan, paano na lang tayong Pilipino na nakararanas nito? Sa ganitong sitwasyon,
kailangan nating magsikap para sa ikauunlad n gating bansa. Huwag nating sisihin ang
gobyerno marahil hindi sa lahat ng pagkakataon sila palagi ang sisisihin kundi ang mga sarili rin
natin, dahil sa pagiging tamad ng mga Pilipino. ‘’katamaran ang katunbas ng kahirapan’’ huwag
nating pairalin ang katamaran dahil walang ibang hindi maganda ang maidudulot nito kundi ang
kahirapan. Sa kasalukuyang panahon, kailangan nating magsikap at magtulungan para sa ating
bansa. Huwag mawalan ng pag-asa sa paghanap ng trabaho, basta magtiwala lamang sa sarili
na kaya natin ito. Para sa huli maging maunlad tayo, at ang kasabihan na maaaring maiugnay
sa mga Pilipino ay ‘’ang kasipagan tungo sa pag-unlad’’
TEKSTONG INFORMATIBO
EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking
bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong
teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at
halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa
mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga
posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao.
Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang
teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech”
na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging
makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa paglipas ng panahon, dumadami na rin ang
mga teknolohiyang naiimbento upang mapadali ang mga gawain at makatulong sa mga suliranin ng
mga tao.Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado ang
mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang takdang-
aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na
nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Ang bawat paaralan, ay may tinatawag na computer
laboratory na kung saan tinitipon ang lahat na kompyuter at tinuturuan ang mga estudyante sa
paggamit nito. Ang teknolohiya ay napakahalaga sa mga kursong may koneksyon sa computer o
mga teknolohiya. Bilang estudyante na may kursong ABM (Accountancy Business and
Management), kailangan rin namin ang mga teknolohiya para mas lalong mapadali ang aming pag-

aaral. Ang nais lamang ng mga paaralan sa paggamit ng mga teknolohiya ay para mas mapadali ang
mga Gawain at mapadali ang pagkatoto ng mga estudyante. Kung sa Komunikasyon naman, ang
teknolohiya ang pinaka una sa uso sa paggamit ng komunikasyon . Dahil sa mga social networking
sites, mas napapadali ang ating komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin. At dahil sa mga social
networking sites (facebook, twitter, skype atbp.) may mga nakakahalubilo tayong mga tao na hindi
natin kilala sa personal at nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil dito. Nakakakuha tayo ng mga
impormasyon at balita.Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito sa edukasyon at pang
komunikasyon ay may masamang dulot din ito. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, ang mga
kabataan ngayon ay nalulong na sa paggagamit nito. Imbes na pag-aaral ang inaatupag nila, mas
nabibigyang pansin at oras nila ang pag access ng internet dahil sa mga social networking sites.
Ang pag fe-facebook, ang manood ng mga movies hanggang umaga, paglalaro ng mga nakakaadik na
online games, ang pagtetext at marami pang iba. Ito’y masama sa mga kabataan dahil unti unting
napapabayaan nila ang kanilang pag aaral at nawawala ang pokus nito. At dahil sa mga social
networking sites, ay maaari ka ring makakuha ng kaaway. Akala natin kaibigan lang? Mali! Dahil
hindi pa din mawawala ang “away” sa social media. Maraming nabubully dahil sa social media. At
dahil sa kanilang pagka-adik sa mga makabagong teknolohiya, naaapektuhan din ang kanilang
kalusugan. Ang ibang mga kabataan naman ay umaasa na lamang sila sa mga impormasyon sa
internet at kadalasan ay copy-paste ang kanilang ginagawa. Hindi lahat ng impormasyon na nasa
internet ay totoo. Mas mainam pa rin na bumisita ka sa library ng iyong paaralan para makakuha ka
ng mas makapani-paniwalang impormasyon.Maganda man o masama ang epekto ng mga
Makabagong teknolohiya sa mga kabataan ngayon. Kailangan nating kontrolin ang ating sarili sa
paggagamit nito. Oo nga’t maganda ang naidudulot nito sa mga kabataan sa pag-aaral ngunit hindi
naman sa lahat ng panahon ay kakailanganin o kaakibat natin ang teknolohiya. Hindi lamang
teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay natin. Kailangan mo pa rin ang iyong kakayahan
TEKSTONG ARGUMINTATIBO

IN LOVE OR NOT

Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi
kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala
na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”.
Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin
nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado na
ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?
Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating
masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan
na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag
masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong
nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin
ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino
talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang
tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog
tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na
nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka
ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong
pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya
sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka
pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove
sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba
“Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda,
mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao,
mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang
kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din
namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi
daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos
tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung
umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove,
tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung
magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama
basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita
sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y
nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila
kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap
nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan,
dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.Hindi
naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong
nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating
tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo
ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya
.Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang
karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at
hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng
maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.
TEKSTONG ARGUMINTATIBO
Droga, Masama nga ba?
Naniniwala ako na sobrang sama ng naidudulot ng ilegal na droga sa kabataan
ngayon. Sa katunayan nalilimitahan nito ang lahat ng posibleng aksyon at ganun
din ang pagiging malikhain ng mga tao. Kawalan ng magawa ang malimit na
nagiging dahilan nito at napakasama nito.Ang droga ay isa sa mga bagay na
nagiging dahilan ng pag-usbong ng napakaraming musika, iba’t ibang “genre”,
tono, at iba pa. Maraming awit ang nagawa dahil sa mga manunulat at awtor na
nakatira ng droga. Kung di dahil sa droga, malamang wala ang ilan sa mga
awiting ito.Maraming paraan, ang mga tao na sumulat ng mga kanta na iyon ay
may katangiang pagkamalikhain para magawa yun. Ang mga awit na ito ay nasa
kanilang isipan. Hindi droga ang gumawa ng kanta. Ito ay dahil sa malikhaing
mga tao, at ang mga awiting ito ay umusbong parito at pariyan.Dinadala ng
illegal na droga ang isang tao sa mundo kung saan nagagawa nila ang mga
bagay na sa tingin nila ay imposible kung hindi sila nasa ilalim ng pinagbabawal
na drogang ito. Bakit hindi nalang limitahan? Mayroon tayong literal na bilyong
bagay na maaaring gawin sa mundong ito, at mayroon lang tayong humigit
kumulang 35 na taon na maranasan yung mga bagay na yun sa ating pagtanda.
Sa sobrang daming pagpipilian sa mga dapat gawin, bakit hindi nalang piliin
yung mga bagay na hindi makakasira ng kalusugan at makakapagpahamak sa
tao.Hindi delikado ang droga. Bawat report tungkol sa droga tulad ng marijuana
na nagsasabi na ito ay hindi nagtatagal at hindi ito nakakaadik. Mga bagay na
sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang epekto.Sa bawat patunay na
ito ay hindi delikado, mas madami ang sumusulpot na nagsasabing ito ay
delikado.Ang mga pag-aaral na lumalabas ay sapat na para patunayang delikado
nga ito. Pero gagamitin mo ba ang illegal na dorga para ma”high” ka
habangbuhay? Bakit hindi mo paniwalaan na ang droga ay wala naman sadyan
masamang epekto. Oo, marahil magulo at may mga positibo at negatibong
ebidensya pero ang totoong dahilan lang naman kung bakit ito nakakaadik at
nakakasira ng buhay ay ang sarap na naidudulot nito sa gumagamit. Lahat ng
masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi kailangan nila ito.Gawing
legal ang droga at mawawalan ng krimen. Marami ang nakukulong dahil sa mga
bagay na kaugnay ang pinagbabawal na droga. Kahit yung mga taong nakulong
dahil sa pagnanakaw at iba pa ay kaugnay pa din sa paggamit ng droga.
TEKSTONR PERSWESIB

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo at ng paghahandang


makibahagi sa lipunan at maglaan para sa sarili at sa pamilya.1 Tinalakay ni
Elder Craig A. Cardon ng Pitumpu ang kahalagahan ng edukasyon sa mga
pahina 54–55 ng isyung ito.
“Sa mundong ito na lalong nagiging kumplikado, ang edukasyon ay isa sa
pinakamahahalagang makamtan sa buhay,” pagsulat niya. “At yamang totoo
na ang karagdagang edukasyon ay karaniwang nagbibigay ng pagkakataon
para sa dagdag na temporal na pagpapala, ang higit na pagpapahalaga sa
karagdagang kaalaman ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon
ng mas malaking impluwensya sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng
Panginoon.”

Sinasabi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: “Dapat kasama sa inyong


edukasyon ang pag-aaral ng mga espirituwal na bagay. Pag-aralan ang mga
banal na kasulatan at ang mga salita ng mga propeta sa mga huling araw.
Makibahagi sa seminary at institute. Ipagpatuloy habambuhay ang pag-aaral
tungkol sa plano ng Ama sa Langit. Tutulungan kayo ng espirituwal na pag-
aaral na ito na mahanap ang kasagutan sa mga pagsubok ng buhay at mag-
aanyaya sa pagsama ng Espiritu Santo.”2

You might also like