You are on page 1of 6

I: RASYUNAL, PANIMULA O KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Kasalukuyang napag-uusapan at pinag-dedebatihan ngayon sa bansa ang

kontrobersyal na isyu pa tungkol sa muling pagsasabatas ng Death Penalty o parusang

kamatayan. Ang Death Penalty ay ang parusang kamatayan na ipapataw sa mga taong

nakagawa ng karumaldumal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ay pagpatay, paghahasa,

kidnapping, pagnanakaw, pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot, plunder,

kataksilan(treason).

Sa dami ng krimen sa paulit-ulit na nangyayari sa bansa. Ang usaping patungkol

sa muling pagsasabatas ng Death Penalty ay nagkaroon ng positibo at negatibong

reaksyon mula sa mamamayan ng bansa. Marami ang sang-ayon at hindi sang-ayon sa

muling pagsasabatas nito.

Maraming makabuluhang dahilan kung bakit maaari at hindi maaaring suportahan

ang death penalty pero kung ano mang kakahinatnan ng desisyon ng kasalukuyang

administrasyon ay nararapat lang na maisaayos ang judiciary system upang magkaroon

ng malinis, pantay at mabilis na paglilitis sa mga krimen.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga persepsyon sa

pagpapatupad ng death penalty mula sa mga estudyante ng pangatlong taon sa Our Lady

Of Fatima University. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang pananaw ng

mga kabataan patungkol sa usaping death penalty. Makakatulong din itong pananaliksik

na ito upang makalap ang datos at impormasyon kung nararapat bang ipatupad o hindi

ang death penalty.


II: PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

1. Ano-ano ang propayl ng respondente?

1.1 Mga piling propesyonal, mga estudyante sa OLFU

1.2 Ikatlong taon ng kolehiyo

1.3 KASARIAN

1.4 Regular, irregular o working students, guro, abugado

2. Ano-ano ang persepsyon o mga pananaw ng mga piling respondente tungkol sa muling

pagpapatupad ng Death Penalty?

3. Ano-ano ang mga kagandahan/di-kagandahan, positibo/negatibong dulot nito?

4. Sino ang maaaring maapektuhan ng muling pagsasabatas nito?

5. Paano ito makatutulong sa pagpapabuti ng bansa?

6. Ano ang maitutulong nito upang mapabuti ang bansa?

III: LAYUNIN NG PAG-AARAL

- Ito ay upang ipaalam sa mga mamamayan kung ano talaga ang death penalty

kung anong krimen ang magdudulot sa death penalty.

- Ito ay upang makita ang mga positibo at negatibong magiging epekto ng

implementasyon ng death penalty sa ating bansa.

- Ito ay upang ipaalam sa mga mamamayan ang mga mabuting mangyayari sa

ating bansa katulad ng mga sumusunod:


 Una, maibalik ang pananalig ng mga tao sa ating pamahalaan.

 Pangalawa, lubusang magtiwala sa mga pamamalakad ng mga batas ang

mga tao sa ating gobyerno.

 Pangatlo, upang mapanatili and kaunlaran at maayos ang ating

kabuhayan.

 Pangapat, para na rin sa katahimikan ng ating bansa.

 Panglima, upang mapangalagaan an gating buhay, karapatan at mga

kasangkapan.

 Upang maiwasan ang mga masamang bisyo katulad ng iligal na droga,

panghahalay ng mga kabataan , panununog ng mga gusali sa iba’t ibang

paraan at pagnanakaw ng kabanyaman ng gobyerno.

Higit sa lahat ay magkaroon ng tamang hustisya at maging tunay na demokrasya sa ating

bansa.

IV: KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

 Para sa Mag-aaral

- Ang pag aaral na ginagawa na ito ay para makapagbigay kaalaman sa mga mag-aaral

na hindi maunawaan ang usapin tungkol sa DEATH PENALTY at para narin

maibahagi ang aming kaalaman at pananaw sa mga estudyanteng sarado ang isip.

 Para sa mga Guro

- Para makipagpalitan ng kaalaman sa ating mga mananaliksik at ng maibahagi nila

ang aming pananaliksik sa kanilang mga estudyante.


 Para sa mga Mananaliksik

- Magbibigay linaw ang pag-aaral na ito sa suliranin na ipahahayag ng mga

mananaliksik. Upang lubos din na maunawaan kahalagahang dulot into, positibo man

o negatibo.

*KAUNTING KARAGDAGAN*

- Para magkaroon ng kaalaman sa mga magaganda at di-magagandang bagay na


naidulot nito sa ating bansa.

- Para mapag-aralan at mapag-desisyonan kung dapat ba itong ibalik bilang batas


dito sa ating bansa.

V: BATAYANG KONSEPTWAL O PARADYAN (PARADIGM)

Pinagbatayan: Ang importanteng paksa na gustong

ipatupad ng pangulong si Rody R. Duterte na dapat

lamang pagtuunan ng pansin at mga estudyante na

hindi naiintindihan ang usaping ito.

Proseso: Internet, Telebisyon, Sarbey,

Silid-aklatan, Newpaper
Kalalabasan ng pag-aaral: Mauunawaan ng mga estudyante

kung bakit kailangan pagtuuanan ng pansin ang paksang Death

Penalty.

Maiibahagi ng mga piling propesyonal ang kanilang pananaw

tungkol sa bagay na ito.


VI: SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

- Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang na kung dapat ba o hindi na

ipatupad ang SENTENSYANG KAMATAYAN.

- Ang mananaliksik ay maghahanap ng isang daan (100) na respondente mula

sa mga piling propesyonal at mga mag-aaral ng pangatlong taon sa OLFU.

*MGA RESPONDENTE*

- Mga Abogado mula sa MALACAÑANG

- Mga Guro mula sa KARUHATAN WEST ELEMENTARY SCHOOL

- Mga Mag-aaral mula sa ikatlong taon sa OLFU

* BS MEDTECH

* BS CRIMINOLOGY

* BS PSYCHOLOGY

- Sila ang mga respondente na tutulong at tutugon sa Sarbey na magbibigay ng

iba pang impormasyon na maaring magamit at makadagdag sa pananaliksik na

ginagawa.

VII: DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT

1.) DEATH PENALTY

- Parusang kamatayan ito ang ipapatanang na kaparusahan sa mga taong

gagawa ng karumaldumal na krimen.


Katulad ng mga sumusunod:

- Rape, Child Prostituition, Kidnapping, Robbery, Drug Syndicates, Treason,

Heinous Crimes

2.) OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY (OLFU)

- Isang pribadong Unibersidad sa Pilipinas. Mayroon itong Limang Kampus,

Isa na dito ay sa Valenzuela City, at ang iba naman ay sa Quezon, Antipolo,

Pampangga , at Nueva Ecija.

3.) SARBEY

- Pag-gawa ng malawakang pag-tatanong sa mga piling tao upang alamin ang

kanilang pananaw at persepyon sa nasabing paksa.

4.) PAMAHALAAN

- Binubuo ng isang lupon o barangay para matawag na pamahalaan.

5.) GOBYERNO

- Ang gobyerno ay isang sistema na kumokontrol sa pagbibigay karapatan na gumawa

ng batas at magpatupad nito sa isang pamayanan.

6.) DEMOKRASYA

- Tinatawag na demokrasya ang isang bansa kapag ito ay binubuo ng

pamamayanan at isang barangay.

7.) IMPLEMENTASYON

- Ito ay pag-bibigay bisa upang maging epektibo ang isang bagay o batas.

You might also like