masasabi kong SALAMAT at nakilala ko sila. Sila yung matatawag nating BARKADA. Barkada na di natin akalain na ating makikilala. Barkada na akala mo eh ang luka kapag nagsimula na silang tumawa. Barkada na kapag nagdrama ay dinaig pa ang kwento sa Koreanovela. Barkada na makakasama mo sa oras ng problema. At barkada na kapatid mo sa ibang ina. Sabi nga ng iba. Barkada ang tawagan, KAPATID ang turingan. Mga kasabihan kapag barkada na ang usapan. Diyan lalabas ang mga kalokohan tipong kahit saan kayo magpunta ay wala kayong pakialam kasi masaya kayo at yun lang ang inyong alam. Halimbawa nalang kapag may. May isang sisigaw “kuya crush ka po nya” o di kaya naman “ang gwapo mo kuya akin ka na lang sana”. Nakakahiya man sila kasama pero sa kanila ka sasaya. Sila yung magpapaalala sayo na masarap mabuhay sa mundo lalo na may barkada kang katulad nila. Baliw, pranka, suplada, luka at kung anu-ano pa. barkada na makakasama mo sa ginhawa, lalong lalo na sa gulo at saya. Hindi lang yan ang mararanasan mo dahil sa barkada mo. Sa barkadang meron ka marami kang matututunan, maiintindihan at mauunawaan. Nandiyan yung gagala kayo kung saan. Nagkukuwentuhan ng tungkol sa nakaraan, maglalaitan ng mga minamahal at ang pinakamasaya, yung alam mong kasama mo sila at sasamahan ka nila kahit saan magpunta o kahit sino pa. Yan ang barkada. Sila din ang iyong makakapitan sa oras ng kagipitan. Tipong may galaan at wala kang perang laan, pero dahil kasama mo sila di ka mahihiyang umutang. Tipong wala ng balikan kasi nga ganun kayo magturingan. Nasanay na kayo na ganoon talaga minsan. Nakakatawa kapag naiisip ko minsan pati kasabihan ay napapalitan naang dating “kapag gipit sa bumbay kumakapit” ay napalitan ng “kapag gipit sa barkada lumapit” kasi nga hindi sila magdadalawang isip. Hidi sila magdadalawang isip na tulungan ka sa oras na ikaw ay gipit. Hindi sila magdadalawang isip na payuhan ka kapag ika’y nalilito na. hindi sila magdadalawang isip na suyuin ka, kapag nagtatampo ka. At hindi sila magdadalawang isip na mahalin ka kasi barkada, kaibigan at lalong lalo na kapatid ka nila. Dito sa barkada pakapalan ng mukha, ultimo pulbo, suklay, pabango, assignment mo ay manghihiram kayo kasi wala namang kaso. May supplier kasi ng mga polbo, papel at pabango. At malala pa nito mas excited pa sila kapag sasapit na ang birthday mo. Hindi dahil sa may handaan o kainan kundi dahil sa katotohanang tatanda ka na naman at lalabas ang mga nagbabatabataan sa inyo. Sila yung umiiyak para sa sayo kapag ikaw ay nasasaktan, sila ang lalaban para sayo kapag suko ka na sa laban, sila ang magiging gamot mo kapag ikaw ay nasusugutan. Marami man kayong pinag awayan at pinagdaanan hindi yun magiging dahilan para kayo ay magkaiwanan. Hindi tagal ng panahon ang sukatan. Hindi dami ng kaibigan ang basehan. Hindi yaman nila ang dahilan kundi mhal mo sila kasi lagi silang nandiyan at hindi lang sa pangangailangan. Tandaan mo na ang barkada kapatid natin yan. Kapatid natin sila sa ibang ina nga lang. barkada sila yung mula noon hanggang ngayon eh mahal ka. Na kahit kapag daw namatay eh magpapakape ka pero sa loob loob nila ay umiiyak na. Tipong aasarin ka kahit nasasaktan na. Tipong isang tingin palang alm niyo ng may kakaiba. BARKADA. Sila yung totoo nating makakasama at ikalawang pamilya.